You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Module 5: Paghubog ng
Konsensiya Batay sa Likas na Batas
Moral

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name of Learner:
Grade & Section:
Teacher:

DO_Q1_ESP 10_ Module 5


SUBUKIN
1. Isang uri ng tinig na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Konsensiya c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob
1. Saan maihahantulad ang konsensiya?
a. Musika ng buhay c. Munting tinig
b. Konkretong sitwasyon d. Mahabang karanasan
2. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong batas
3. Para lumayo ang tao sa masamang paggamit ng konsensiya, kailangan ay:
a. Pumasok sa simbahan c. Maniwala sa nakita sa internet
b. Sumama sa kaibigan d. Kausapin ang magulang
4. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho sa libreng oras sa
eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
5. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
6. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi c. madaling maniwala sa balita
b. Nagbagabag at nagnilay d. Matagal nagdarasal
7. Ang sumusunod ay ang unang prinsipyo ng likas batas moral, maliban sa:
a. Nag-iisip bago sa desisyon c. Gawin ang mabuti
b. Umiwas sa masama d. Pangangalaga sa sarili
8. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo nito.
Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon naming konsensiya
9. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:
a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
10. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
a. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman
b. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
c. Kapag tinuruan ng mga magulang
d. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
Para sa bilang 12 at 13

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang mabigay ang tamang
edukasyon at mabuting pangaral ang anak. Isang araw humingi ang anak ng bagong
cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan dahil hindi naman ito pangunahing
pangangailangan. Sinabi niya sa anak na maghintay ng tamang panahon sa lahat ng
bagay.
12. Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
13. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at bigyang
ng mabuting edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
14. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19. Paano
nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay

15. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling
matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang pahayag ay:
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama

d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral

Balikan

Tama ang iyong pagka-alala sa nagdaang aralin na ang tao ay binigyan ng isip at kilos- loob
bilang kamalayan sa sarili upang magnilay at magmuni-muni. Natututunan mo ring bumuo ng sariling
katuturan tungkol sa mabuti at umiwas sa masama kung saan ang tao ay gumagamit ng konsensiya.
Bilang pag-uugnay mo ng araling ito sa nagdaang modyul na tungkol sa mataas na gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob, ako ay naniniwalang makagagawa ka ng isa o dalawang saknong o mas
higit pa na magpapakita ng kung ano ang iyong mga natutunan. Isulat ito sa iyong Journal Notebook.
Ang iyong nagawa ay karagdagang puntos mo sa bahaging pagganap ng iyong mga gawain.

Tuklasin
Kaya, bilang pagpapatuloy siguradong marami kang matutuklasan habang
pinag-aaralan ang bagong aralin. Masaya ito at mapanghamon “challenging” dahil
umaasa ako na gagawin mo itong unang gawain bilang
iyong pagtuklas. Narito ang panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na sitwasyon.
Kung sakaling ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo? Tuklasin mo
ang iyong gagawing pagpapasya batay sa tamang paghuhusga ng konsensiya sa bawat
sitwasyon. Gabay mo ang unang sitwasyon bilang halimbawa. Isulat sa iyong dyurnal.

SITWASYON PARAAN O HAKBANG NG PAGKILOS NG


KONSENSIYA
Pagkatapos ng klase, ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
inanyayahan si Janine ng kaniyang
mga kaibigan na pumunta sa mall at
manood ng sine. Matagal na rin mula Kailangang sumunod sa payo o utos ng
ng huli silang nakalabas bilang isang magulang lalo na kung para ito sa
grupo. Bago matapos ang palabas,
biglang tumawag ang kaniyang ina at pansariling kaligtasan.
pilit siyang pinauuwi.
ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN SA
Mahigpit na
ISANG SITWASYON:
ipinagbabawal ng kaniyang mga
magulang ang pamamalagi sa labas,
lalo na kung gabi na. Ngunit Likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
sinabihan si Janine ng kaniyang mga Itinuturing na masamang
kaibigan na kapag sinunod niya ang
kaniyang ina, ititiwalag na siya sa gawain ang hindi pagsunod sa magulang.
kanilang barkada at hindi na
iimbitahan pa sa alinmang lakad ng PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
barkada kailanman. Ano ang dapat
gawin ni Janine? Kung ako si Janine, susundin ang hatol ng aking konsensiya
na makinig sa utos ng aking ina at umuwi nang maaga, kahit
ikagalit pa ito ng aking mga kaibigan.
PAGSUSURI/PAGNINILAY:

Mapatutunayan ko na mabuti ang aking naging pasiya na


sundin ang utos ng aking ina dahil para ito sa aking kaligtasan.
Bukod dito, kung tunay ang pagkakaibigan na

mayroon kami ng aking barkada, hindi nila ako papayuhan nang


masama tulad ng pagsuway sa aking magulang.

1. Nalalapit na ang markahang


pagsusulit sa paaralan nila John
nang kausapin siya ng kaniyang
ama. Ayon kay Mang Jun, bibilhin ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
niya ang pinakabagong modelo ng
cellphone na gustung-gusto ng
kaniyang anak, sa kondisyon na
makakuha siya ng mataas na marka
sa lahat ng asignatura. Magandang
motibasyon ito para kay John kaya’t
ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN SA
naghanda at nag- aral siya nang
ISANG SITWASYON:
mabuti. Nang dumating ang araw na
pinakahihintay, napansin ni John na
wala sa kaniyang pinag-aralan ang
mga tanong sa pagsusulit. Kahit
kinakabahan, sinimulan niyang
sagutin ang mga tanong. Dahil hindi
sigurado, makailang beses siyang PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
natuksong tumingin sa sagutang
papel ng kaniyang katabi lalo na
kapag hindi nakatingin ang guro.
Naisip niya na ito lamang markahang
ito siya mangongopya at hindi na
niya ito uulitin pa. Bukod dito, ayaw
niyang mawala ang pagkakataon na
mapasaya ang kaniyang ama at
magkaroon ng bagong cellphone.
PAGSUSURI/PAGNINILAY:
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni
John, ano ang gagawin mo?

2. Nais ni Mark na maging isang ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:


inhinyero balang-araw. Nag-aaral
siya nang mabuti upang makapasok
sa pinakamahusay na pamantasan
pagdating ng kolehiyo. Ngunit kahit
ginagawa na niya ang lahat, hindi pa
rin siya makakuha ng matataas na
marka. Isang kaibigan ang nag-
alok ng
tulong upang makapasa siya sa
entrance exam ng isang sikat na
pamantasan, kapalit ng malaking
halaga. Walang hawak na pera si
Mark at alam niyang hindi siya
maaaring humingi sa kaniyang ama ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAT NA KABUTIHAN SA
para ibigay sa kaibigan. Isang araw, ISANG SITWASYON:
binigyan siya ng pera ng kaniyang
ama upang ibili ng aklat na kailangan
niya sa paaralan. Napag-isipisip niya
na ang halagang iyon ay sapat na
upang makapasok sa sikat na
pamantasan at makuha ang gusto
niyang kurso. Hindi niya malaman
kung bibili siya ng aklat na
pangunahing kailangan o ibibigay ito PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
sa kaibigan. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni Mark, ano ang gagawin
mo?

PAGSUSURI/PAGNINILAY:

Suriin

Kahulugan ng Konsensiya

Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya nang
hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan nang mabuti kung ano talaga ito dahil malaki ang
maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating ugnayan sa ating kapuwa at sa
Diyos.

Sa pamamagitan ng konsensiya, natutukoy ang kasamaan at kabutihan ng kilos ng tao. Sa


pagkakakilala ng marami, sinasabing ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao.na nagbibigay
ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang
konkretong sitwasyon (Clark, 1997). Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating sarili na
“ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat” o kaya naman ay ”ito ay
masama, hindi mo ito nararapat gawin.” Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng
mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na
gawin ang mabuti, naghahayag nang may awtoridad at nagmumula sa isang mataas na
kapangyarihan.

1. Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing
kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na
sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa sandaling ito, nailalapat natin
ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na
sitwasyon.

Balikan natin ang sitwasyon ni Mang Tino, isang drayber ng taxi. Pag-isipan ang sumusunod
na tanong:

Pag-isipan:
1. Bakit nagkaroon ng pagbabago sa naunang pasiya ni Mang Tino na hindi isauli ang
pitakang naiwan sa kaniyang taxi?
2. Paano nakatulong sa kaniya ang una at ikalawang yugto ng konsensiya upang
makabuo ng mabuting pasiya?

2. Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Mula sa unang yugto na tumatalakay sa
pagnanais sa mabuti at sa ikalawang yugto ng pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang
sitwasyon, ang ikatlong yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin,
“Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin,” o kaya naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito
nararapat na gawin.” Sa sandaling ito, nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang
hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing resolusyon sa “krisis” na kinakaharap natin.

3. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay. Sa sandaling ito, binabalikan natin ang
ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating karanasan.
Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya,
kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating
moralidad. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling paghatol ng konsensiya ay
indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa maling paghatol.

Tayahin

1. Isang uri ng tinig na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Konsensiya c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob
2. Saan maihahantulad ang konsensiya?
a. Musika ng buhay c. Munting tinig
b. Konkretong sitwasyon d. Mahabang karanasan
3. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong bata
4. Para lumayo ang tao sa masamang paggamit ng konsensiya, kailangan ay:
a. Pumasok sa simbahan c. Maniwala sa nakita sa internet
b. Sumama sa kaibigan d. Kausapin ang magulang
5. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho sa libreng oras sa
eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
6. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
7. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi c. madaling maniwala sa balita
b. Nagbagabag at nagnilay d. Matagal magdasal
8. Ang sumusunod ay ang unang prinsipyo ng likas batas moral, maliban sa:
a. Nag-iisip bago mag desisyon c. Paggawa ng mabuti
b. Umiiwas sa masama d. Pag-aalaga sa sarili
9. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo nito.
Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon kaming konsensiya

10. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:


a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
11. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
a. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman
b. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
c. Kapag tinuruan ng mga magulang
d. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
Para sa bilang 12 at 13

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay ang tamang
edukasyon at mabuting pangaral sa anak. Isang araw humingi ang anak ng bagong
cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan dahil hindi naman ito pangunahing
pangangailangan. Sinabi niya sa anak na maghintay ng tamang panahon sa lahat ng
bagay.
12.Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
13. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at
bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
14. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19. Paano
nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
15. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling
matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang pahayag ay:
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
e.

DO_Q1_Science 10_ Module 5


DO_Q1_Science 10_ Module 5

You might also like