You are on page 1of 4

PAMBISAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGTATAYA PARA SA UNA AT IAKALAWANG MARKAHAN

ESP 7
Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
letrang A kung pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung pandamdamin at D kung Moral.
1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat .
7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng
kalamidad at sakuna.
9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
11. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng
laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya
nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
a Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan C. Pagtamo ng mapanagutan asal
b Pagtanggap ng papel sa lipunan D. Pagtamo ng bago at ganap na
pakikipag-ugnayan
12. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang
kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo
ay hindi niya ito pinapakinggan. Pagaaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad
ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na
matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit
hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?
a Alam talaga kung ano ang nais sa buhay C. Ipinakita ang tunay na ikaw
b Nanatiling bukas ang kumonikasyon D.Pagtamo ng bago at ganap na
pakikipag-ugnayan
13. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?
a Pagganyak sa kanyang pangarap C. Disiplina sa araw araw
b Gabay sa pagtupad ng pangarap D. Kakayahang iakma ang sarili
14.Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat
gawin?
a. Pag-iwas sa labis na pag-aalala
b.Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos
c.Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral
d.Pagpili ng mabuting opsiyon
15.“Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Kardo ng isang pagkabalisa habang sinisilip
niya ang kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:
a. ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Kardo na aminin niya na mali ang pagsilip sa
kodigo.
b.babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama.
c.ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong
piliin ang mabuti.
d.hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya.
16.Anong konklusyon ang mabubuo sa sitwasyong kinakaharap ni Kardo?
a.Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya
o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
b.Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang
situwasyion.
c.Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang
mabuti at masama sa isang situwasiyon
d.May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na
Batas Moral.
Sa Bilang 17-20, ibatay ang sagot sa sitwasyon .
Naiwan si Rica, nasa Baitang 7, ng kaniyang mga magulang at pinagbilinan na huwag siyang
lalabas ng bahay. Sinunod naman ni Rica ang bilin ng kaniyang magulang ngunit biglang tumawag sina
Luis na planong magkita ang magkakaibigan. Batid ni Rica na bawal lumabas lalo na wala pa sila sa
tamang edad dahil ito ay mahigpit na ipinatutupad sa panahon ng pandemya. Sa isip ni Rica mahalaga
na makasama niya ang mga kaibigang matagal na ring hindi nakikita.
17.Anong dalawang mabuting kilos ang nagtutunggalian sa sitwasyon na kinakaharap ni Rica
at ng mga kaibigan?
a.Ang hindi pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na
matagal ng hindi nakikita.
b.Ang paglabas ng bahay at pakikipagkita sa mga kaibigan nang sandal lamang.
c.Ang pagsunod sa bilin ng magulang at pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng
hindi nakikita.
d.Ang pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na
matagal ng hindi nakikita.
18.Isinaalang-alang ba ni Rica sa kaniyang pasiya ang mas mataas na mabuti ( higher good)
sa sitwasyong ito? Bakit?
a.Oo, dahil kahit inisip niya na mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal
nang hindi nakikita, hindi pa niya naisasagawa ang kilos na ito.
b.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa situwasiyong iyon.
c.Oo, dahil pinag-iisipan pa niya kung lalabas ng bahay o hindi.
d.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
19.Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
a.Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o
kilos.
b.Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
c.Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
d.Ito ang sinusunod ng kilos-loob.
20.Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng
kaniyang konsensiya? aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?
a.Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang
hindi nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
b.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
c.Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa s autos ng mga
magulang ay paglabag sa Likas na Batas Moral.
d.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa sitwasyong iyon.
21. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
b. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
c. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
d. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
22. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
a. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
b. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
c.Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
d. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
23. Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang
paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
d. Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
24. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang pagsisinungaling ng kanyang kapatid sa kanyang


magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan. Sa halip,
nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahil alam niyang labis na
mapagalitan ang kaniyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kaniyang magulang. Ayaw niya
itong mapagalitan o masaktan.
b. Saksi si Rachelle sa pandarayang ginagawa ng kaniyang matalik na kaibigan sa report ng
kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya, sinabi pa rin
niya ito sa kanilang boss. Natanggal ang kaniyang kaibigan sa trabaho.
c. Nasaktan ni Rebecca ng kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya
ang kanyang sarili sa magiging reaksiyon ng kaniyang mga kapatid. Dahil dito, siya na
mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kaniyang pagkakamali. Humingi siya ng
kapatawaran sa kaniyang ina.
d. Nagsikap si Anthony na makatapos ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang pamilya sa
kahirapan at upang maibahagi niya sa kapuwa ang kanyang mga kakayahan.
25. Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang, sinita ka nila at
hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo nang matulog.
B. Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila
C. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin
D. Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan

TANDAAN. PANATILIHIN ANG KATAPATAN SA SARILI. PALAGIING SUMUNOD SA MGA


HEALTH PROTOCOLS TULAD NG PALAGIING MAGHUGAS NG KAMAY AT PAGLALAGAY NG
ALCOHOL PAGKATAPOS NG MGA GAWAIN.

You might also like