You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Calunasan High School


Calunasan,Mlang,Cotabato
Ikalawang Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikapitong Baitang

Pangalan: _____________________________________ Iskor:______


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot. 2 puntos bawat bilang.
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at
isakatuparan ang napili?
a. Dignidad b. Isip c. Kalayaan d. Kilos-Loob
2. Walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan. Alin sa sumusunod na pahayag ang
kahulugan ng pangungusap?
a. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman
ang katotohanan.
b. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
c. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
d. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
3. Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangan gamitin ng tao ang pandamdam.
Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng pangungusap?
a. Kailangan ng tao ang pandamdam upang makilala ang mga bagay sa labas ng kanyang isip.
b. Hindi magkakaroon ng kaalaman ang tao pag wala itong nararamdaman.
c. Walang kakayahan ang pandamdam na makaalam kaya kailangan ng tao ang isip.
d. Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng pandama ng tao.
4. Nahuli ng gising si Julie sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang
klase sa paaralan. Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi
siya ginising nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Julie?
a. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng
kaniyang ina kung siya ay napuyat.
b. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa
paggising ng huli.
c. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang paggising
sa kaniya.
d. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
5. “It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay
niya. Ito ang dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng
kodigo. Ayaw niyang umulit ng taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang
mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ano ang dapat niyang isipin?
a. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan-minsan lang dapat ito
ginagawa.
b. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang kung makakatapos siya ng
pag-aaral.
c. Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay nakakapasa sa pagsusulit.
d. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
6. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa Konsensya?
a. Ito ang nagsasabi sa atin nang malinaw kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin.
b. Ito ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama.
c. Ito ay ang batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.
d. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
7. Mayroong dalawang elemento ang konsensya: una, ang pagninilay upang maunawaan ang
mabuti at masama sa isang sitwasyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay
mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugang
ang pangunahing gamit ng konsensiya ay:
a. makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti.
b. pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.
c. tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.
d. kilalanin ang mabuti at masama sa isang sitwasyon.
8. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
a. Batas panlipunan b. Likas na Batas Moral c. Mga turo sa simbahan d. Mga aral ng magulang
9. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay
lalo na ng pagtingin ng tao rito: Ang batas na ito ay nangangahulugang:
a. di nagbabago b. obhektibo c. unibersal d. walang hanggan
10. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?
a. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
b. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensya na kilalanin ang mabuti at masama.
c. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
d. Ito ang batayan ng paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
11. Pagtapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase
na manood ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip
niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at
mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami
siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon kumikilos ang
konsensiya ni Rabiya?
a. Bago ang kilos b. Habang isinasagawa ang kilos
c. Pagkatapos gawin ang kilos d. Habang iniisip ang kilos

Sa Bilang 12-15, ibatay ang sagot sa sitwasyon na nasa kahon.


Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit
kinabukasan. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng
asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama siya ng
pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo.

12. Ano ang hindi sinasabi ng pagkabalisa na naramdaman ni Kardo sa sitwasyon?


a. Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na obligasyon na
maging tapat at hindi umasa sa kodigo.
b. Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng kodigo.
c. Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.
d. Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.
13. Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat
gawin?
a. Pag-iwas sa labis na pag-aalala
b. Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos
c. Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral
d. Pagpili ng mabuting opsiyon
14. “Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Kardo ng isang pagkabalisa habang
sinisilip niya ang kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:
a. ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Kardo na aminin niya na mali ang pagsilip sa kodigo.
b. babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama.
c. ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang
mabuti.
d. hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya.
15. Anong konklusyon ang mabubuo sa sitwasyong kinakaharap ni Kardo?
a. Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay
mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
b. Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang situwasyion.
c. Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at
masama sa isang situwasiyon
d. May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na Batas Moral.
16. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
b. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
c. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
d. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
17. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
a. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
b. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
c. Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
d. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
18. Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang
paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
d. Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
19. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
a. Kalayaang tumukoy c. Kalayaang gumusto
b. Panlabas na kalayaan d. Panloob na Kalayaan
20. Ang pagiging handa sa pagharap sa kahihinatnan ng pagpapasiya ay ang
paggamit ng kalayaan nang may kaakibat na tungkulin. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa
pahayag?
a. Mas nasasanay tayong gumawa ng kabutihan kung handa tayong harapin ang kahihinatnan ng
ating mga pasiya.
b. Bago gawin ang isang kilos, dapat isipin ang kalalabasan at epekto nito sa ating pagkatao.
c. Likas sa tao ang magkamali, kaya hindi lahat ng pasiya niya ay nagreresulta sa mabuti.
d. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na tungkulin.

You might also like