You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Calunasan High School


Calunasan,Mlang,Cotabato
Ikalawang Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikawalong Baitang

Pangalan: _____________________________________ Iskor:______


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot. 2 puntos bawat bilang.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanyang sariling pangangailangan.
b. ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa
c. ang tao ay may kakayahang limikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________


a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
c. pagtrato sa kanya nang may paggalang at dignidad
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa

3. Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa


____________.
a. kakayahan ng tao umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakakaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

4. Ang pagkakaroon ng ibat ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng _________


bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay
b. libangan
c. pagtutulungan
d.kultura

5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?


a. panlipunan
b. pangkabuhayan
c. political
d. intelektwal

6-7 basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan
ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maaalahanin ni Zeny. Masaya sila sa kanilang
relasyon bilang magkaibigan. Habang tumatagal mas nakikilala nila ang isat isa, mabubuting asal
at pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay cely, lubos at walang kondisyon ang kanyang
pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang
iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit naiinis ito. Nasasaktan si cely pero wala siyang lakas ng loob
sabihin ito kay zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili lamang niya.

6. Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan
ng kaniyang pakikipagkaibigan kay zeny?
a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kanya
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
c. ipakita kay zeny na hindi sya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kanya.
d. maglaan ng sapat na panahon upang makipag usap nang matapat kaugnay sa negatibong
asal/ugali ng kaibigan

7. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni zeny at kaniyang kaibigan?
a. hindi nya mahal ang kaibigan
b. may nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
c. isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
d. nagsasawa na sya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
8. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging possible ang pagbuo ng malalim na
pagkakaibigan?
a. pagpapayaman ng pagkatao
b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapaunlad ng kakayahan
d. pagpapabuti ng personalidad

9. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa


a. ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi sa
sarili
b. ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intension ng tulong o pabor na makukuha
sa iba
c. ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon
d. ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala
at nagtitiwala sa atin

10. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian


kagaya sa kapaerong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa
pakikipagkaibigan nararapat na isaalang-alang ang:
a. paglilinaw sa kanilang limitasyon ng ugnayan na maingat na binuo
b. paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang seksuwalidad
c. pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
d. pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan

Sagutin ipaliwanag at palawakin ang mga sumusunod na tanong. 5 puntos bawat bilang
21-25. Ano ang maari mong gawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa?

26-30 Paano makakabuo ng tunay at malalim na pagkakaibigan?

31-35 Ano ang kahalagahan ng wastong pamamahala ng iyong emosyon?

36-40 Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?

You might also like