You are on page 1of 6

Department of Education

Region III
Division of Pampanga

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan :________________________________
Grade 7 Sec: ______________ Petsa ___________
MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na konsepto. Piliin ang
pinakatamang sagot.
I.PANGKAALAMAN (25 pts.)

1. Sa Kanya nagmula ang likas na batas moral.

a. Guro b. Diyos c. Pari d. Presidente

2. Ang likas na batas moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan,
walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Anong katangian ito ng likas na
batas moral?

a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhetibo d. Walang hanggan

3. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito’y natutuklasan lamang. Ito ay nagmulal sa
mismong katotohanan. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhetibo d. Walang hanggan

4. Ang paghusga ng konsensya ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan. Hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. Anong uri ito ng
konsensya?

a. Maling konsensya c. Purong konsensya


b. Masamang konsensya d. Tamang konsensya

5. Ano ang salitang Latin ng dignidad na nangangahulugang “karapat-dapat”?

a. Dignitas b. Magnifico c. Militas d. Significa

6. Ito ay nangangahulugang likas na karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa.

a. Batas b. Dignidad c. Kalikasan d. Mentalidad

7. Alin sa mga sumusunod ang nakasaad sa “Gintong Aral”?

a. “Huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong magawa sa iyo”


b. “Kapag may tiyaga, may nilaga”
c. “Kapag may isinuksok, may madudukot”
d. “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”

8. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Dahil dito
ano ang palaging kakambal ng kalayaan?

a. Masamang kilos c. Pananagutan


b. Pag-aalinlangan d. Problema
9. Ang kalayaang gumusto at kalayaang tumukoy ay halimbawa ng anong uri ng kalayaan?

a. Maling kalayaan c. Panloob na kalayaan


b. Masamang kalayaan d. Purong kalayaan

10. Hinuhusgahan ng konsensya ang tama bilang tama at bilang mali ang mali. Anong uri ito ng
konsensya?

a. Maling konsensya c. Purong konsensya


b. Masamang konsensya d. Tamang konsensya

11. Ano ang salitang Latin na pinagmulan ng salitang konsensya na


nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman?

a. Coup at Scientia c. Cum at Scientia


b. Cum at Laude d. Cum at Senti

12. Ito ay batas na ibinigay ng Diyos sa tao noong siya ay likhain. Hindi kailangan ng
isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito.

a. Batas Militar c. Batas ng Tao


b. Batas ng Lipunan d. Likas na Batas Moral

13. Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama?

a. Kalayaan b. Karanasan c. Katalinuhan d. Konsensya

14. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto, dahil ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama. Kung gayon, ano ang tunguhin ng kilos-loob?

a. Kabutihan b. Kagandahan c. Kaguluhan d. Kasamaan

15. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto, dahil ito ay naakit sa mabuti at lumalayo sa
masama. Kung gayon, ano ang tunguhin ng kilos-loob?

a. Kabutihan b. Kagandahan c. Kaguluhan d. Kasamaan

16. Ano ang tunguhin ng isip kung patuloy itong magsasaliksik upang makaunawa at gumawa ayon sa

a. kamangmangan c. kasinungalingan
b. b. kasamaan d. katotohanan

17. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita.

a. Isip b. Kamay o katawan c. Mata d. Puso

18. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng
lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.

a. Isip b. Kamay o Katawan c. Mata d. Puso

19. Ito ay kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

a. Isip b. Kamay o Katawan c. Mata d. Puso

20. Alin sa mga sumusunod ang nilikha ayon sa “wangis ng Diyos” at nagtataglay ng kakayahan na
nagpapabukod-tangi sa lahat?

a. Halaman b. Hayop c. Insekto d. Tao

21. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa;

a. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral


b. Naibabatay ang pagkilos sa maling prinsipyo
c. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
d. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya

22. Ang likas na batas moral ay nakaukit sa pagkatao ng isang indibidwal kaya’t ang unang prinsipyo nito
ay;

a. Gumawa at kumilos para lamang sa sariling kapakinabangan


b. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
c. Gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo
d. Gawin mo kung anuman ang nais mong gawin mabuti man ito o masama

23. Ang konsensya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Saan ibinabatay ng konsesnya ang
kanyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?

a. Batas Militar c. Batas Trapiko


b. Batas ng Tao d. Likas na Batas Moral

24. Alin sa mga sumusunod aang dalawang uri ng kalayaan?

a. Mabuti at masama c. Maliit at malaki


b. Mahina at malakas d. Panlabas at Panloob

II. PANGKASANAYAN ( 15 pts. )


25. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa konsensya ang mali?

a. Ang konsensya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali


b. Ang konsensya ang nag-uutos sa tao na gumawa ng masama at iwasan ang mabuti
c. Itinuturing ang konsensya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao
d. Sinusuri ng konsensya kung mabuti o masama ang isang kilos

26. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang masanay at malinang ang isip at kilos-loob na
gampanan ang kanilangmga tungkulin?

a. Dagdagan ang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral at ipamalas sa kanyang


pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito
b. Gamitin ang kakayahang mangatwiran kahit alam mong ikaw ay mali o wala sa katwiran
c. Gamitin ang kilos-loob upang piliin at gawin ang anumang nais gawin
d. Maging palaassa sa pagpapasya at kilos ng ibang tao

27. Hanggang kailan ibinibigay ang ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?

a. Hangga’t siya’y kaibigan mo c. Hangga’t siya’y naghahanap-buhay


b. Hangga’t siya’y maasahan mo d. Hangga’t siya’y nabubuhay

28. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa dignidad ng tao ang mali?
a. Ang mga taong walang pinag-aralan at mga taong maliit sa lipunan ay walang dignidad dahil sa
kalagayan nila sa buhay
b. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang at anyo ay may dignidad
c. Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao
kaugnay ang Diyos
d. Lahat ng mga nabanggit

29. Alin ang hindi layunin ng Likas na Batas Moral?


a. Ito ang gumagabay sa kilos ng tao
b. Nagtutulak sa tao na piliin ang masama at maling kilos
c. Pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagaawa siya ng tamang pasya
d. Sa tulong nito nakikilala ng tao ang mabuti at masama

30. Ano ang maidudulot sa tao kung iniiwasan niya ang paggamit ng maling konsensya?
a. Mababawasan ang nagkakasakit na tao
b. Maiiawasan ang landas na walang katiyakan
c. Wala sa mga nabanggit
d. Magkakamit ang tao ng kayamanan

31. Dahil hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya sa bawat tao, nararapat lamang na ito ay hubugin.
Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa paghubog ng konsensya?
a. Masamang bisyo ng barkada c. Paglalaro at pamamasyal
b. Pagdarasal at pagsisimba d. Pagsali sa fraternity

32. Ang mga sumusunod ay kakayahan at katangian ng isip. Alin ang hindi kasama?
a. Ang isip ay may kakayahang mag-alaala
b. Ang isip ay may kapangayarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang magsuri
d. Ang isip ay walang limitasyon at perpekto

33. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi makatutulong sa paglinang ng konsensya?
a. Padalus-padalos na pagpapasya kahit may pag-aalinlangan
b. Pagsasabuhay ng mga moral na alituntunin sa lahat ng oras at pagkakataon
c. Patuloy na pag-aaral at pagbabasa
d. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya

34. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad. Alin ang hindi kasama?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
b. Irespeto ang mga taong mayayaman at may magandang buhay
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
d. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon

35. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a. Isang gurong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng tulong


b. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
c. Isang negosyante na nagpapautang ng pera na nagpapatubo ng mataas na halaga
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

36. Sino sa mga sumusunod ang naging makatwiran sa paggamit ng kanyang isip?
a. Si Charles na laging naglalayag at iba-iba ang iniisip habang nagtuturo ang guro
b. Si Christian na palaging nag-iisip ng dahilan upang upang makapaglaro ng dota
c. Si Christofer na palaging handa sa klase dahil nakagawian na niya ang pag-aaral ng leksyon
d. Si Mariella na inuubos ang kanyang oras sa pagte-text imbes na gumawa ng takdang aralin

37. Alin sa mga sumusunod na kilos ng kabataan ang labag sa likas na batas moral?
a. Paggawa ng takdang aralin at mga proyekto sa itinakdang panahon
b. Pagsunod sa alituntunin na ipinatutupad sa pamayanan
c. Pagtulong sa mga taong nasalanta ng kalamidad
d. Pagtatapon ng basura kahit saan

38. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng psgksksroon ng dignidad sa tao?


a. Magiging maganda sa paningin ng lahat
b. Magiging masama dahil sa kanyang ginagawa
c. Magkakaroon ng karapatang umunlad sa paraang hindi makakasakit o makakasama sa ibang tao
d. Matututo na kumilos ayon sa maling prinsipyo

39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa?
a. Pag-inom ng alak c. Pagsunod sa batas
b. Pasisinungaling sa kapwa d. Pagsusugal

III. PANG-UNAWA ( 10 pts.)


40. Bakit nararapat ang paggalang sa “maliliit na tao” sa ating lipunan?
a. Dahil mababa ang tingin sa kanila
b. Dahil nakakaawa ang kanilang kalagayan
c. Dahil mayroon din silang dignidad
d. Dahil wala silang makain at matirahan
41. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap ay;
a. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan
b. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kalayaan kung magiging mayaman ang tao
c. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang gawin ang masama
d. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan

42. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos?


a. Dahil ang tao ay may kakayahang makaalam at magpasya nang malaya
b. Dahil ang tao ay may kakayahang sakupin ang mundo
c. Dahil ang tao ay may magulang na nag-aalaga sa kanya
d. Dahil ang tao ay may pinakamagandang hitsura

43. Paano nakahihigit ang tao sa hayop?


a. Ang tao ay kumakain ng masasarap na pagkain
b. Ang tao ay may kakayahang manamit ng maayos
c. Ang tao ay nakapamamasyal sa mga magagandang lugar
d. Ang tao ay nagtataglay ng isip at kilos-loob

44. Bakit ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob?
a. Upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao
b. Upang magamit ito sa pagkakaroon ng pera at makilala sa lipunan
c. Upang mapagharian ang buong mundo
d. Wala sa mga nabanggit

45. Sobra ang sukli na natanggap ni Bong nang bumili siya ng pagkain sa isang canteen. Alam niyang
kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilanag bahay ngunit isinauli pa rin noya ang sobrang
pera. Anong uri ng konsensya mayroon si Bong?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. .Nalilitong konsensya d. Tamang konsensya

46. Dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ni Syria, natuto siyang magnakaw o magbenta ng
ipinagbabawal na gamot. Para sa kanya, tama lang ang kanyang ginawa dahil nakakatulong naman
siya sa kanyang pamilya. Anong uri ng konsensya ang taglay ni Syria?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Nalilitong konsensya d.Tamang konsensya

47. Bakit kailangan ang pagsunod sa tamang konsensya?


a. Upang maabot ng tao ang kanyang kaganapan
b. Upang magkaroon ng maraming trabaho
c. Upang mabuhay ang tao nang walang hanggan
d. Wala sa mga nabanggit

48. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos-loob?


a. Sa pamamagitan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot
b. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng katawan
c. Sa pamamagitan ng pagsali sa mga bisyo ng barkada
d. Sa pamamagitan ng paggamit ng kalayaan at kilos-loob

49. Sa paanong paraan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a. Kapag siya ay gumagawa ng mabuti


b. Sa oras na magkasakit ang tao
c. Kapag siya ay tumutulong sa kapwa
d. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao

50. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?

a. Mapapalaganap ang kabutihan


b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao ng walang hanggan

You might also like