You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangkalahatang Direksiyon:

 Basahin ng may buong pag-unawa ang bawat tanong at mga pagpipiliang kasagutan.
 Gamitin ang sagutang papel.
 Huwag sulatan ng kahit ano ang palatanungang papel.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang dalawang kalikasan ng tao ay ______________
A. materyal at ispirituwal C. pandamdam at emosyon
B. isip at kilos-loob D. panlabas at panloob

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tamang impormasyon _____________


A. Ang materyal na kalikasan ng tao ay tumutukoy sa mental na katangian.
B. Ang materyal na kalikasan ng tao ay pinagmumulan ng diwa at talino.
C. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao ay pagsasagawa ng pisikal na gawain.
D. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao ay nagbibigay ng kakayahang umunawa.

3. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____________


A. Ariane. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.
B. Dave. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
C. Jess. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.
D. Tina. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.

4. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa ______________


A. ito ang pinaka-tamang gawin
B. naaayon sa batas ng Diyos at ng tao
C. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
D. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan

5. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung
_______________
A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba
B. isasaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili
C. gagamitin mo nang tama ang isip at kilos-loob
D. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi nalang

6. Ito ay tinatawag na intellect sa Ingles. Pinalalawak at inihahatid ang mga impormasyong nakalap upang
magkaroon ito ng malalim na kahulugan.
A. Isip C. Materyal na Kalikasan ng Tao
B. Kilos-loob D. Ispirituwal na kalikasan ng Tao

7. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama, at nag-uudyok na piliin kung alin ang mabuti.
A. Isip C. Materyal na Kalikasan ng Tao
B. Kilos-loob D. Ispirituwal na kalikasan ng Tao

8. Ayon kay Fr. Roque Ferriols, “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
C. May kasama ako na nakakita ng katotohanan
D. Ang katotohan ay nakikita ng mga tao

9. Ano ang bukod-tanging kakayahan ng tao?


A. gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang nais
B. may kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pandama.
C. protektahan ang sarili na dikta ng kaniyang pangangailangan
D. mag-isip, pumili, at gumusto.

10. Nang mabasa mo ang isang balita tungkol sa lunas ng COVID-19 pandemic agad mong inalam ang source nito at
hindi mo agad-agad ikinalat ito sa iyong wall o social media account. Paano mo ipinakita ang wastong paggamit
ng kilos-loob?
A. I-post ito kaagad sa social media.
B. Hindi ikinalat agad sa social media upang makaiwas na makapagbahagi ng fake news.
C. Maniwala sa anumang impormasyon na nakikita sa social media.
D. Hindi agad naniwala dahil sa pagpapahalaga sa katotohanan.

11. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panloob na pandama maliban sa:


A. Kamalayan C. Memorya
B. Emosyon D. Imahinasyon
12. Anong panloob na pandama ng tao ang naglalarawan sa kanyang kakayahang kilalanin at alalahanin ang
nakalipas na pangyayari o karanasan?
A. Kamalayan C. Memorya
B. Instinct D. Imahinasyon

13. Anong panloob na pandama ng tao ang may kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito?
A. Kamalayan C. Memorya
B. Instinct D. Imahinasyon

14. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral
na pagpapasya.
A. konsiyensiya C. puso
B. pag-iisip D. moralidad

15. Ayon kay Agapay, ito ang pinakamalapit na batayan ng moralidad.


A. konsiyensiya C. puso
B. pag-iisip D. Likas na Batas Moral

16. Ito ang uri ng konsiyensiya na kung saan wala itong pakialam sa mabuti at masama?
A. certain conscience C. lax conscience
B. correct or true conscience D. scrupulous conscience

17. Ito ay uri ng konsiyensiya na kung saan ito ay humuhusga sa mabuti at masama.
A. certain conscience C. lax conscience
B. correct or true conscience D. scrupulous conscience

18. Ito ay uri ng konsiyensiya na kung saan ito ay base lamang sa sariling paniniwala.
A. certain conscience C. lax conscience
B. correct or true conscience D. scrupulous conscience

19. Ito ay uri ng konsiyensiya na kung saan nalilito sa pagpapasiya kaya hindi kaagad makakilos.
A. certain conscience C. doubtful conscience
B. correct or true conscience D. scrupulous conscience

20. Sa iyong palagay, ang lahat ba ng tao ay may konsensya?


A. Oo, sapagkat bagama’t maaaring hindi nababagabag ang tao sa paggawa ng masama nagtataglay pa rin ito
ng alinman sa mga uri ng konsensiya.
B. Oo, dahil naaapektuhan ito sa kaniyang mga maling ginagawa.
C. Hindi, dahil mayroong taong pumapatay o gumagawa ng krimen.
D. Hindi, dahil may mga taong nagnanakaw para sa sariling kapakanan.

21. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mahubog mo ang iyong konsensiya?


A. Upang makilala ko ang katotohanan na kinakailangan upang magamit ko nang tama ang aking kalayaan.
B. Upang aking matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama o mali, ng mabuti at masama
sa aking isipan.
C. Upang aking matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit.

22. Ito ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Ito rin ang itinuturing na
pinakamataas na batayan ng kilos
A. Batas Positibo
B. Konsensiya
C. Batas ng Diyos
D. Likas na Batas Moral

23. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na kung saan sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa
lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
A. obhektibo C. walang hanggan
B. pangkalahatan D. hindi nagbabago

24. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na kung saan ito ay naayon sa realidad at hindi nakabatay sa tao.
Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
A. obhektibo C. walang hanggan
B. pangkalahatan D. hindi nagbabago

25. Uri ng kamangmangan na kung saan mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan
ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral.
A. Kamangmangan madaraig C. Kamangmangang tunay
B. Kamangmangan na di madaraig D. Kamangmangang di tunay

26. Uri ng kamangmangan na kung saan walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay
malampasan.
A. Kamangmangang madaraig C. Kamangmangang tunay
B. Kamangmangan na di madaraig D. Kamangmangan na di tunay

27. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.


A. Kilos-loob C. Pagmamahal
B. Konsensiya D. Responsibilidad

28. Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?
A. Magpost ng saloobin sa social media upang mapukaw ang makakabasa nito.
B. Malaya kong gagawin ang anomang aking naisin.
C. Kapag may nakikitang mali, agad itong itama.
D. Gawin ang nais na tama ngunit isaalang-alang ang kapakanan ng iba.

29. Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang paggamit ng kalayaan?


A. Wala kang pipiliing lugar lalo na kapag tama ang gagawin mo.
B. Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito.
C. Maging maingat sa mga gagawin at sabihin na tama lalo na sa kaibigan.
D. Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapwa.

30. Sa iyong palagay, makatwiran ba na pumili ang isang tao ng kaniyang nais tulungan?
A. Oo, dahil dapat mahihirap lang ang tinutulungan.
B. Oo, dahil may kakayahan naman silang magtrabaho.
C. Hindi, sapagkat ako naman ang gagastos.
D. Hindi, sapagkat may kalayaan tayong tumulong sa ating kapwa anoman ang estado ng kanilang buhay.

31. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


A. Nagagawa ni Angelica ang mamasyal anomang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni CJ ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Malakas ang loob ni Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao kahit nakakasakit ito.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Prince ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

32. Dahil ikaw ay may kalayaan, maaari mong gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo. Ang pahayag na ito ay
_____________.
A. Mali. Pwede ring isama rito ang aking mga ninanais at naiisip.
B. Mali. Dapat pa ring magsalita at kumilos ng may pananagutan.
C. Tama. Kasama ito sa aking mga karapatan at mga pribilehiyo.
D. Tama. Kaloob ng Diyos na magawa ito upang maging masaya.

33. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes
na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa inituro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba
sa iyong ginawa?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksyon.
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

34. Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?
A. Ituring silang kakaiba sa lipunan
B. Bigyan sila ng limos o pagkain
C. Pakikisamahan sila ng patas at pantay
D. Makiayon sa uri ng kanilang pamumuhay

35. Paano mo maipapakita sa mga taong mababa ang tingin sa sarili na sila ay bukod-tangi dahil sa dignidad na
taglay?
A. Bigyan sila ng pagkakataon na isabuhay ang kanilang Karapatan.
B. Hikayatin sila na makihalubilo sa iba upang maramdaman nila ang kanilang pagiging bukod-tangi.
C. Ipamulat sa kanila ang kanilang pagiging bukod-tangi bilang tao.
D. Tulungan na maiangat ang sarili at ituring na sila ay kapantay ng lahat ng tao.

II-A. Panuto: Isulat ang salitang GAGAWIN KO kung ito ay nagpapakita ng paggamit ng kalayaan at HINDI KO
GAGAWIN kung hindi sa espasyo bago ang mga bilang.
36. Pakikiisa sa pagdririwang ng Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.
37. Dahil nakipaghiwalay na sa akin ang aking kasintahan, malaya na akong makapanliligaw sa marami pang babae.
38. Dahil maganda ang aking boses at may sarili naman akong videoke machine, aawitin ko lahat ng magagandang
awitin kahit abutin pa ako ng umaga.
39. Hindi ko sinunod ang utos ng aking magulang dahil ako ay binata na at mayroon na akong tattoo.
40. Bagama’t masasarap ang pagkain sa handaan, mas pinili ko pa rin na manatili sa bahay upang mag-aral ng
mabuti bilang paghahanda sa darating naming mahabang pagsusulit.

II-B. Panuto: Suriin at tukuyin kung ang binabanggit ay taong may dignidad. Isulat ang tsek () kung Oo at ekis ()
naman kung hindi.
41. Babaeng nagtatrabaho sa club
42. Mga Badjao na namamalimos
43. Mamamatay tao
44. Babaeng ginahasa
45. Magnanakaw

III. Panuto: Buoin ang pahayag sa baba. Maaaring gawing hint sa pagtukoy ng wastong salita ang mga gulong letra na
nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(46) DAGINDID (47) GAPNGITIN (48) HILANG MULANGANIP


(49) LAKAYANGA AS HUBAY (50) HIMAPAR

Ang (46) ________________ ay hindi katulad ng reputasyon. Ang reputasyon ay nakabatay sa kalagayan mo
bilang tao ayon sa (47) ________________ ng iba o ng kapuwa. Nag-iiba-iba rin ito ayon sa tumitingin sa’yo. Ang
dignidad ay hindi maaaring mapataas o mapababa dahilan lamang sa aksiyon o kilos, kasarian, (48)
_________________, relihiyon, edukasyon o (49) ________________. Ito ay kakambal na ng pagiging tao ikaw man ay
(50) _________________, may kakulangan, makasalanan, aba o api at nag-iisa sa buhay.

“Ang iyong grado ay hindi basehan ng iyong pagkatao.” Palaging maging tapat.

Kaya mo yan!!!

You might also like