You are on page 1of 5

1

CATAGGAMAN NATIONAL HIGH SCHOOL


Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 7

Ikalawang Markahang Pagsusulit

I. Panuto: Tukuyin kung anong sangkap ng tao ang inilarawan ng mga sumusunod na
pangungusap. Pumili ng sagot sa nakakahong mga salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.
A.Puso B. Isip C. Kamay/Katawan D. Wala It
o
ay may kakayahang alamin ang buong diwa ng isang bagay.
2.Ito ang bumabalot sa buong pagktao ng tao.
3.Ito ay sumasagisag sa pandama, paggalaw at paggawa.
4.Ginagamit ito sa pagsasakatuparan ng kilos o gawa.
5.Nararamdaman nito ang lahat ng bagay na nararamdaman o nangyayari sa buhay ng tao.
6.Ito ay may kakayahang maghusga, mangatwurian at magsuri.
7.Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
8.Dito hinuhubog ang personalidad ng tao.
9.Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.

II.Panuto: Piliin ang titik ng salitang tinutukoy o ipinababatid sa mga sumusunod na


pahayag o kaisipan.
10. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napapaligiran siya ng mga
mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya
makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamatuwirang gawin ni Cleofe?

A. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.


B. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
C. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na
halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
D. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa
niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

11. "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay,
para sa sarili lamang." Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito.

A. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.


B. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
C. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili
para sa kanyang kapwa.
D. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahan na makipagkapwa.
2

12. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso't pusa sa dalas ng
kanilang pag-aaway. Madalas na sumama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi
magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?

A. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.


B. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang
iwasan na itong gawin.
C. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang
kakilala at mga kaibigan.
D. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila
handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.
 
13. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng
pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang
ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin.
Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?

A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay lamang sa lalim o lawak ng epekto


nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin
ang pagkakamali.
C. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaring magtakda ng kilos para sa
kanyang sarili.
D. Ang lahat ng tao ay walang sariling kilos loob.

 
14. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin
niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang Konsensya C. Sobrang Konsensya
B. Maling Konsensya D. Walang Konsensya
 
15. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil
mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa
kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang natutulungan. Ang
sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:
A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o
tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang
layunin ay mabuti at tama.
C. Ang isang bagay na mali ay tama na rin kung ito ay nakakatulong sa nakararami.
D. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal na dahil sa dami ng gumagawa
nito.
 
3

16.  Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?


A. Isip C. Batas moral
B. Konsensya D. Dignidad
17. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng lipunan.
B. Sa pagmamahal ng pamilya.
C. Sa dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
 
18. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para
sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
A. Karunungan C. Kasipagan
B. Katatagan D. Katarungan

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?


A. Ito ay nagmula sa salitang latin na valore.
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
C. Ito ay nababago depende sa tao, lugar at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
 
20.  Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos tulad ng mga
hayop.
D. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
 
21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa konsensya?
A. Ito ay taglay na ng isang sanggol.
B. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip.
C. Dahil sa konsensya, nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon.
D.Kung nahubog ang tao na gamitin ang kanyang tamang konsensya, napalalakas nito
ang kakayahan ng tao na makabuo ng moral na paghuhusga.

22. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili maliban sa:

A. Gamitin ng lubus lubusan ang kalayaan.


B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos.
C. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos.
D. Magsikap na mag-isip at magpasya nang makatwiran.
 
4

23. Para sa edukasyon ng konsensya ng isang bata mahalaga ang bahaging maaaring gampanan
ng mga magulang at ng mga guro. Ang mga susumusunod ay ang mga tungkulin na maari nlang
gampanan para sa mga kabataan maliban sa:

A. Maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao.


B. Maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuuan, sino man ang mga ito.
C. Maging palaging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali.
 D. Matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa,
ninananais o hinahangad.

24 .Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:


A. Responsibilidad C. Maingat nag paghuhusga
B. Katarungan D. Lahat ng nabanggit
 
III. Batay sa likas batas moral, mayroong apat itong katangian. Tukuyin kung anong
katangian ang inilalahad ng bawat pahayag.

25. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan


A. Obhetibo C. Walang Hanggan
B.Pangkalahatan D. Di-nagbabago

26. Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
A. Obhetibo C. Walang Hanggan
B.Pangkalahatan D. Di-nagbabago

27. Ito ay umiiral at mananatiling iiral.


A. Obhetibo C. Walang Hanggan
B.Pangkalahatan D. Di-nagbabago

28. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao
(nature of man).
A. Obhetibo C. Walang Hanggan
B.Pangkalahatan D. Di-nagbabago

IV. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag o senaryo ay nagpapakita ng
kalayaan o kawalan ng kalayaan. Isulat ang A- kung napapakita ng kalayaan at B-kung
kawalan ng kalayaan.

29.Paggawa ng gawaing bahay


30.Pag-inom ng alak
31.Bayanihan
32.Maagang pakikipagrelasyon sa kabilang kasrian
33.Pakikipag-away
34.Pag-aaral ng leksiyon
5

35.Paninigarilyo
36.Kahirapan

V.Pagsulat ng Sanaysay(4puntos)
Para sa bilang 37-40
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling
pagpapasiya. Isulat ang iyong pasiya at paliwanag kaugnay nito, sa iyong sagutang papel.

Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Bining ay nagtapat sa iyo na lalayas


siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil sa matalik kayong
magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta. Subali’t
mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba lalo na sa kaniyang mga
magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa inyo at humihingi sa iyo ng
tulong. Ano ang gagawin mo?

KRAYTIRYA SA PASULAT
Nilalaman-----------------------------2
Paggamit ng Salita-------------------2
KABUUAN-----------------------------4 PUNTOS

Inihanda ni:

JANETTE M. PASICOLAN
Subject-Teacher

Iwinasto ni: REY CEL A. UY, Ph.D.


OIC- School Principal

You might also like