You are on page 1of 5

First Quarterly Exam in EsP 10

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ayon kay Max Scheler, ang pagmamahal ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang
pagkilos ng tao. Sa paanong paraan naipapakita ito ng isang tao?
A. hindi pagpansin sa kaklaseng nadulas sa hagdanan
B. pagtulong sa nanay sa pag-aalaga sa kaniyang kapatid
C. pakikipagkuwentuhan sa kaklase habang nagtuturo ang guro
D. pamimilit sa nanay na ibili siya ng damit para sa dadaluhang okasyon

Para sa bilang 2 at 3
Si Pia ay mahilg sa tsokolate subalit nung nagkaroon siya ng diabetes, naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
2. Bakit kaya ni Pia na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili B. may kakayahan ang taong mangatwiran
C. malaya ang taong pumili o hindi pumili D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?


A. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi
B. Kailangan maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
C. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at magamit ito sa tamang direksiyon
D. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin

4. Sino ang HINDI nagpapakita ng halimbawa na ang tao ay may kakayahang pigilin ang sarili, ang udyok ng damdamin,
at pagnanasa?
A. Si Ethel na hindi kumakain ng ice cream dahil hindi puwede ito sa kanya.
B. Si Jerome na sumama sa mga kaklase na magcutting class dahil alam na wala ang kanilang guro.
C. Si Chester na nagpakahinahon matapos makarinig ng masasakit na salita mula sa kaniyang kaibigan.
D. Si Dave na tumatanggi sa alok ng barkada na mag-inom ng alak dahil alam niyang masama ito sa kalusugan.

5. Ayon kay Dy, ang tao ay may kakayahang mag-bigay kahulugan at maghanap ng katotohanan. Ito ay ang kahulugan na
ang pakikitungo sa kapuwa ay pagbibigay galang sa kaniya. Sino ang HINDI nagpapakita ng halimbawa nito?
A. Si Vergel na nagmamano sa mga nakatatanda sa kaniya.
B. Si Jomel na tinutulungang magbitbit ng gamit ang kaniyang guro.
C. Si Jonas na hindi nakikinig habang nagpapaliwanag ang kanilang guro.
D. Si Diana na umakay sa matandang lalaki habang patawid ito ng kalsada.

6. Natatanging kakayahan ng tao ang kilos-loob. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang emosyon
at ang kilos-loob ay mayroong magkaibang pagkilos?
A. Sinuntok ni Cris ang kanyang kaklase matapos siyang asarin nito.
B. Hindi nangopya si Shiela sa pagsusulit kahit hindi niya masagutan ito.
C. Umiinom si Glaiza ng softdrinks kahit alam niyang masama ito sa kaniya.
D. Hindi isinauli ni Paul ang pitakang napulot niya dahil kailangan niya ng pera.

7. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

8. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang
kahulugan nito?
A. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. kailangang mag-aral ng mabuti upang maging matalino ang isip
C. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
D. magkaugnay ang isip at kilos kaya’t hindi sila hindi maaaring maghiwalay

9. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag
nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon, nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano
ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
C. napapaunlad nito ang kakayahang mag-isip D. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang tao ay kayang maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. Ang kanyang pagmamahal sa kapwa B. kakayahan ng tao na humusga
C. Ang kakayahang mangatwiran D. kakayahang ng tao na mag-abstraksiyon

11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay na ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na
nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya?
A. Itinanggi ni Irish na siya ang nakabasag sa plorera sa kanilang sala.
B. Isinoli ni Mang Rolin ang naiwang pitaka sa minamaneho niyang taxi.
C. Kumukuha ng pagkain si Anthony sa kantina kapag hindi nakatingin ang nagtitinda.
D. Ikinukuwento ni Kyle ang istorya ng buhay ng kaibigan niya sa lahat ng taong nakakausap niya.

12. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di-madaraig?


A. Hindi pag-aaral ni Ryan ng aralin kahit nahihirapan siya dito.
B. Pagpapainom ni Sharmaine ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito.
C. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama.
D. Pagbibigay ng limos ni Lucky sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang nila ito ng rugby.

13. Nahaharap ang isang tao sa krisis kapag hindi niya alam kung ano ang gagawin sa isang sitwasyon. Sino sa mga
sumusunod ang HINDI nagpapakita nito?
A. Si Renz na nahihirapang pumili ng kurso sa kolehiyo.
B. Si Ruth na nalilito kung tutuloy ba o hindi sa pagsali sa paligsahan.
C. Si Loraine na kukuha ng mahalagang pagsusulit ngunit hindi nakapaghanda.
D. Si Kimberly na nag-iisip kung ano ang bibilhing regalo sa kaarawan ng kanyang nanay.

14. “Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kanyang isip, kaya nga kahit hindi ganap na hubugin, kayang kilalanin
ng tao ang mabuti at masama.” Alin sa mga sumusunod na prinsipyo ng likas na batas moral ang inilalarawan sa
pahayag na ito?
A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
B. Kasama ang lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kanyang buhay.
C. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. Bilang rasyonal na nilalang, may likas ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

15. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay. Sino sa mga sumusunod
ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Umiinom ng gamot si Danica kapag siya ay may sakit.
B. Pumupunta si Nicole sa doktor kapag siya ay may karamdaman.
C. Nag-iingat si Noel sa kaniyang mga kilos sa lahat ng pagkakataon.
D. Nagtangkang kitlin ni Elsa ang kaniyang buhay dahil sa mabigat na problema.

16. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang HINDI nagpapakita nito?
A. Ginagabayan ni Aling Minda ang pag-aaral ng kaniyang anak.
B. Nag-iipon si Mario para sa pagsilang ng kanilang unang anak.
C. Huminto na sa pag-aaral ang anak ni Mang Jose dahil hindi na niya ito kayang pag-aralin.
D. Nagsisikap ang mag-asawang Roy at Dina para mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak.

17. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito
nagbibigay katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
D. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.

18. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao? Upang ___________.


A. matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
B. matiyak na hindi magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama.
C. makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit nang tama ang kaniyang kalayaan.
D. lahat ng nabanggit

19. Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. personal na pamantayang moral ng tao
B. binibigyan ng direksiyon ang pamumuhay ng tao
C. pangkat ng mga batas na dapat isaulo upang sundin araw araw
D. ibinigay sa tao dahil nakikibahagi ito sa karunungan at kabutihan ng Diyos.

20. Ang mga sumusunod ay pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
C. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos, may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali, mas yumayaman ang
kaalaman at karanasan ng tao.

21. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


A. Nagagawa ni Shelly ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Anne ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Justin kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Kim ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

22. “Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya mapahalagahan ang kapwa na una bago ang sarili” kapag wala
siyang pakialam sa nakapalibot sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita nito?
A. Si Rachelle na ibinabahagi ang kaniyang baon sa kaklase na napansin niyang hindi nagrerecess.
B. Si Mark na inilalaan ang kaniyang bakanteng oras sa paaralan sa pagtututor sa iba pang mag-aaaral.
C. Si Justine na hinahayaang umiyak ang nakababatang kapatid habang siya ay naglalaro lamang ng celfon.
D. Si Maureen na tinutulungan ang ina sa pagtitinda ng gulay sa palengke upang makaraos sa araw-araw na gastusin.

23. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita na mas ninanais ang kaaya-ayang pakiramdam kaysa sa
unahin ang mas mahalaga sa buhay?
A. Maghapong nanood ng tv si Bryan kaya hindi siya nakapaggawa ng takdang aralin.
B. Ipinambili ni Adrian ng sapatos ang perang nakalaan sana sa kanyang proyekto sa paaaralan.
C. Tinitipid ni Eunice ang kaniyang baon upang hindi na humingi sa magulang ng mga gastusin sa paaralan.
D. Umaalis lagi ng bahay at nagdadahilang mag-eensayo para sa pangkatang presentasyon si Francine upang
makaiwas sa mga gawaing bahay.

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa
labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili. B. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
C. Nakahahadlang ang kapwa sa paggamit ng kalayaan. D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sariling pag-uugali

25. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at pagdedesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob. B. Ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
C. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya. D. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.

26. Bakit kailangan ang kalayaan sa tao?


A. Kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa
mundo.
B. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan.
C. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng
sitwasyon.
D. Upang maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang
dito.

27. Ang responsibilidad ay kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
B. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
C. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
D. Mali, dahil ang responsibildad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

Para sa bilang 28 at 29:


“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at
paglilingkod.”

28. Ano ang mensahe ng pahayag?


A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. B. Makabubuti sa bawat tao ang paggamit ng kalayaan.
C. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao. D. Malaya kapag naipakita mo ang pagmamahal at paglilingkod.
29. Ano ang tinutukoy na mabuti?
A. pagkakaroon ng kalayaan. B. kakayahan ng tao na pumili ng mabuti.
C. pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. D. magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

30. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong
pag-uugali?
A. Nilalayuan ng tao ang may ganitong pag-uugali.
B. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
C. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
D. Nakasentro lamang siya sa kanyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.

31. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
D. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.

32. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.

33. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
A. Tinutulungan ni Luis ang kaklase na si Allan sa kanyang mga aralin.
B. Walang kumakausap kay Amir sa kanilang paaralan dahil siya ay isang Mangyan.
C. Matalik na magkaibigan sina Mila at Karen kahit magkaiba ang antas ng kanilang pamumuhay.
D. Ipinagtatanggol ni Bryan ang kaibigang niyang may kapansanan kapag binibiro siya ng ibang bata.

34. Ang sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, MALIBAN sa;
A. paggalang sa pananaw ng iba B. pagiging magalang sa pananalita
C. pagtulong sa nangangailangan D. pagpapasya at pagkilos nang mabilis

35. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?


A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.

36. Bakit maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A. Kapag siya ay naging masamang tao B. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
C. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao D. Wala sa nabanggit

37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng kapwa at lipunan B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad at Karapatan bilang tao D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

38. Alin sa mga sumusunod ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa?
A. dignidad B. kalayaan C. konsensya D. kamangmangan

39. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad MALIBAN sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

40. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng ang katayuan ng tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.

KEY TO CORRECTION
ESP 10
1. B 11. B 21. D 31. C
2. A 12. D 22. C 32. C
3. C 13. C 23. C 33. B
4. B 14. A 24. D 34. D
5. C 15. D 25. A 35. D
6. B 16. C 26. C 36. C
7. B 17. D 27. B 37. C
8. C 18. D 28. D 38. A
9. B 19. C 29. C 39. D
10. A 20. D 30. D 40. C

You might also like