You are on page 1of 2

POTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

POTUNGAN, DAPITAN CITY


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at itiman ang bilog ng tamang sagot sa tabi ng
bawat bilang.

ABCD
0 0 0 0 1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya C. kakayahan
B. kilos D. damdamin
0 0 0 0 2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de
Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan .
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
0 0 0 0 3. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng
kilos-loob.
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
C. Tumulong sa kilos ng isang tao.
D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
0 0 0 0 4. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay
nakaaapekto sa kabutihan.
B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
D. Ito ay nakapagbabago sa halaga ng isang kilos.
0 0 0 0 5. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
0 0 0 0 6. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Layunin C. Sirkumstansya
B. Kilos D. Kahihinatnan
0 0 0 0 7.Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang
panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
0 0 0 0 8. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa
pananaw ni Immanuel Kant?
A. ang mabuting bunga ng kilos
B. ang layunin ng isang mabuting tao
C. Ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
D. Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos.
0 0 0 0 9. Ayon kay Max Scheler, Alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa
mga bagay, gawi, at kilos?
A. Isip C. Kilos-loob
B. Damdamin D. Saloobin
0 0 0 0 10. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tunngkulin?
A. Ang Pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
B. Ang pagtulong sa kapwa ng may hinihintay na kapalit.
C. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan
D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
0 0 0 0 11. Anong paninindigan ang hindi ipinakita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan
D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.
0 0 0 0 12. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
A. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong
tangkilikin.
B. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
C. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang
maaalala siya sa panahon ng halalan.
D. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga
paninda.
0 0 0 0 13. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
A. nakalilikha ng iba pang halaga
B. nagbabago sa pagdaan ng panahon
C. Mahirap o di-mabawasan ang kalidad
D. Malaya sa organismong dumaranas nito.
0 0 0 0 14. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongopya ay
A. Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa
B. Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumawa.
C. Mali, dahil hidi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan
D. Mali, dahil maaari kang pagalitan ng guro.
0 0 0 0 15. Bakit kinakailangang isaalang- alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit.

II. PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong:


16-20. Paano makatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag
21-25. Ano ang mabuting Pagpapasiya?
25-30. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?

You might also like