You are on page 1of 38

IKALAWANG MARKAHAN-IKATLONG LINGGO

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: UNANG ARAW

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Kabisayaan

Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan


gamit ang wika ng kabataan

Kompetensi:  Pag-unawa sa Napakinggan


Natutukoy ang mga tradisyong kinagisnan ng mga
Bisaya batay sa napakinggang dula
(F7PN-IIe-f-9)
 Paglinang ng Talasalitaan
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang iba-
iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklino)
(F7PT-IIe-f-9)

I. LAYUNIN Nakapagpapaliwanag kung paano nakabubuti sa isang


pamayanan ang pagtangkilik sa mga kinagisnang
Kaalaman: tradisyon

Nakapagmumungkahi ng mga tiyak na hakbang upang


mapangalagaan ang mga karapatan ng mga kasapi sa
Saykomotor: Cultural Community sa bansa (Pilipinas)

Nakikinig nang masusi at may layuning makaaambag sa


pagpapahalaga sa tradisyong natatangi sa mga Bisaya
Apektiv:

II. Paksang-Aralin

A. PAKSA “AngTambuli ni Ilig” (DULA)

B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7 p. 187-198

C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Larawan ng Bisayang Katutubo, meta strips, pentel pen

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Isa-isahin ang iyong mga karapatang tinatamasa


Pangmotibesyunal na tanong: bilang bata.
2. Ano-ano ang mararamdaman mo kapag nilalabag ang
1. Ano ang pagpapakahuluhugan kahit alin sa iyong mga karapatan?
mo sa salitang karapatan?
Iranggo ayon sa tindi ang sumusunod:
2. Bakit kinakailangang galit _____ tampo _____ inis _____
kilalanin ang karapatan ng
mga kabataan? suklam ______

3. Ano-ano naman ang nararamdaman mo kapag


3. May hangganan kaya ang mga ginagalang ang iyong mga karapatan?
karapatan? Bakit? Iranggo ayon sa tindi ang sumusunod:
saya _____ lugod _____ galak _____
bunyi ______
Gawain 1

B. PAGLALAHAD Matapos maiklinoang iba’t ibang damdamin batay sa


Abstraksyon katindian. Babasahin ang dulang “Ang Tambuli ni Ilig”
(Pamamaraan ng Pagtalakay) (Pinagyamang Pluma 7 p. 187-198)

Ang Tambuli ni Ilig


Salin sa Filipino
ni Arthur P. Casanova
ng orihinal na akda sa Wikang Cebuano
na “Ang Tambul ni Ilig”ni Felimon B. Blanco
Mga Karakter:

 Ilig – batambatang pinuno ng mgaSubanon


(Thimuay) na mahiwagang naglaho habang
nangangaso
 Tam – maybahay ni Ilig at ina ni Tambu
 Gabun – ama ni Ilig, isa ring Thimuay, namatay
sa pagtatanggol sa lupain ng mga Subanon
 Hap – ina ni Ilig at maybahay ni Gabun
 Bal – mapagkakatiwalaang pinuno ng pamayanan
 Diut – ang kanang-kamay ni Ilig sa pangangaso
 Apo Laluy – tradisyunal na doctor ng pamayanan
na tumulong sa pagpapaanak kay Ilig
 Apo Tilan – ang arbularyo ng pamayanan na ang
tawag ay balian; nagsasagawa ng kanu suhat,
ang tradisyonal na pagbibinyag kay Ilig
 Guhom – pinuno ng pamayanan na kumakatawan sa
pamilya ni Tam sa negosasyon sa kasalan
 Guhom 2 – isa ring pinuno ng pamayanan na
kumakatawan kay Ilig sa negosasyon sa kasalan
 Hayag - ama ni Tam, isa ring pinuno ng
pamayanan
 Saleleng - isa ring alian o arbularyo na
namuno sa kasalan nina Ilig at Tam
 Tambu – anak na lalaki nina Ilig at Tam
 Mga Tao – kalalakihan sa pamayanan
 Mga Baye - kababaihan sa pamayanan
Prologo
Diut: Thimuay Iliiiiig…Thimuay Iliiiiig…Thimuay
Iliiiiig… (Pupunta sa bahay, mag-uulat sa
taumbayan.)
Diut: Nawala si Thimuay Ilig. Biglang nawala si
Thimuay Ilig. Doon kami sa itaas ng bundok nangaso.
Tapos, paglingon ko, bigla siyang nawala. Hinanap ko
s’ya, pero hindi ko nakita kaya umuwi ako para
sabihin sa inyo. Nalilito ako. Hindi ko alam kung
saan s’ya hahanapin.

Bal: Totoo ba iyang sinasabi mo, Diut? Hindi kaba


nagbibiro lang?
Diut: Saksi ang langit sa pagsasabi ko ng totoo.
Mga Tao: Diyos ko!
Bal: Kung gayon, manahimik muna kayo at huwag
ninyong ipaalam kay G’libon Tam ang nangyari. Huwag
muna nating bigyan ng problema ang pamilya ng ating
Thimuay. Halikayo, hanapin natin si Thimuay Ilig.
Tao 1: Sige…halina kayo.
(Maghahanap ang lahat kay Thimuay Ilig.) (Pagkaraan
ng mahabang paghahanap ng nawalang si Thimuay.)
Bal: O kumusta mga kasama, nakakita ba kayo ng kahit
kaunting himaton kung naasaan si Thimuay Ilig?
Tao 1: Wala talaga, napagod na kami sa paghahanap
pero talagang wala.
Babae 1: Sumama na nga kami sa paghahanap, pero
walang nakapagsabi kung nasaan s’ya.
Bal: Kung gayon, tunay na nakapagtataka ang
pagkawala ng ating si Thimuay. Nasaan na kaya s’ya
ngayon?
(Lilikha ng koro ang taumbayan.)
Koro: Magandang gabi sa inyong lahat!
Ang Tambulig ay isang maliit na munisipyo.
Matatagpuan sa silangang bukana papuntang Zamboanga
del Sur. Tambulig. Galing sa mga salitang tambul ni
Ilig.Si Ilig, isang Subano.
Dahil noong una, mga Subano ang naninirahan
sa tinatawag na Tambulig ngayon, sila ang mga taong
ginugulo at inaapi-api. Saksihan natin ang buhay ni
Ilig.
(Maikling Buod ng Unang Bahagi)
Sa unang bahagi ng dula ay mababasa ang mga unang
tagpo sa buhay ng batang si Ilig. Nagsimula ito sa
kanyang pagsilang kung saan pinauwi sa pamamagitan
ng malakas na tunog ng isang tambuli ang kanyang
amang si Thimuay Gabun,ang pinuno ng tribu habang
nangangaso upang makasama ng kanyang mag-ina.Kasunod
na ipinagdiwang ang isang malaking binyagan para sa
sanggol na pinangalanang Ilig bilang simbolo ng
lakas at giting.Isang ritwal na tinatawag na “Kanu
Suhat” ang isinagawa kaugnay ng kanyang binyag.
Ipinakita rin sa bahaging ito ang tahimik at
payapang pamumuhay ng mga Subanon gayundin ang
mabilis na paglaki ng batang si Ilig.Pagkakaingin at
pagtatanim ang gawain ng mga Subanon. Ang kanilang
bawat gawin ay inihihingi nila ng basbas sa kanilang
diyos na tinatawag nilang Apo Megbebaya.Makikita ang
kanilang pagkakaisa sa bawat gawain, tulad ng
pagtatanim at pag-aani.
Makikita rin sa bahaging ito ang marami nilang
ritwal na isinagawa. Ang ritwal na “tumutod” ay
isinasagawa sa panahon ng pagtatanim kung saan isang
baboy ang kinakatay bago ang ritwal ng pagtatanim.
May ritwal din sa pag-aani kung saan isang
“gmemaling” na may dalang basket na nakasabit sa
kanyang likod ang mamimili ng maganda at malususg na
uhay ng palay.Aawit siyaat puputulin ang uhay ng
palayhabang iniiwasang maputol ang mga ito
pagkaraang malawayan ang bawat isa. Pakatapos muli
silang manalangin kay Apo Megbebaya upang hingin ang
knyang basbasat pagsang-ayon sa kanilang pag-aani.
Isinasagawa rin nila ang ritwal ng “mashanona”
bilang pasasalamat kay Apo Megbebaya sa kanilang
masaganang ani.Dito inihahanda ng taumbayan ang mga
pagkain at ibinabahagi ang kanilang biyaya,iinom
sila ng alak na gasi.Susundanito ng sayawan,awitan
at pagsasaya.
Sa ganitong payapang kapaligiran lumakii ang
batang si Ilig. Ngayo’y mababasa na natin ang
kabuuan ng dula nang magbinata na si Ilig.
Koro: Dumaan ang maraming taon. Binata na si Ilig.
Hap: Malaki na talaga si Ilig, Gabun. Sa lalo’t
madaling panaho’ymag-aasawa na ang atinganak.
Gabun: Hindi iyan dapat pagtakhan. Hindi mo nakita
kanina na parang may gusto si Ilig kay Tam, iyong
anak ni Hayag.
Hap: Hay, nagmana ang batang iyan sa iyo.
Gabun: O sige, sige na, matulog na tayo.
Koro: Kinaumagahan. Sa may pampang –
Ilig: Tam, saan ka pupunta?
Tam: Sa batis. Titingnan ko kung naroon ba ang
nakababata kong kapatid.
Magandang umaga pala sa iyo Ilig.
Ilig: Magandang umaga rin sa iyo. Pwede ba akong
sumama, wala kasi akong gagawin. Nasa kabilang
bundok sina ama at ina. Inaayos nila ang mga
kaguluhan kahapon. May mga taong gustong agawin ang
kanilang lupa.
Tam: Kawawa naman tayong mga Subano, di ba?
Sinusuwag lang ng ibang tao. Noong nakaraang araw,
sabi ni Tatang, may mga Subano raw na lumikas
papunta sa bundok dahil tinakot sila ng mga dayuhan.
Paghigantihankaya natin sila? Magagapi naman natin
siguro sila kung magkakaisa tayong mga Subano.
Ilig: Hindi tayo ganyan, Tam. Mas naisin pa nating
magpalipat-lipat kaysa sa lumaban tayo sa kanila.
Tayo ang mga taong mapagmahal sa kapayapaan,
iniiwasan natin ang kaguluhan. Hindi iyan
nangangahulugang tayo’y mga duwag. Atin lamang
pinahahalagahanang kapayapaan.
Tam: Kahit na patayin tayong lahat, para maagaw nila
angating mga lupa, hindi pa rin tayo lalaban?
Ilig: Teka, bakit iyan ang ating pinagtatalunan?
Tam: Bakit, mayroonpa bang mas mahalaga na ating
pagtatalunan bukod sa ating kalagayan ngayon?
Ilig: Mayroon!
(Tutugtog ang musika, magsisimulang sayawin ni
Ilig ang “Sebay” sa paligid ni Tam.Iiwas si Tam at
pagkaraa’y sasayaw kasama ni Ilig.)
Koro: Nagamamahalan sina Ilig at Tam. Isang araw…
Ilig: Ama! Ina!Bakit marami kayong inihahandang mga
gamit?
Gabun: Ilig, anak, mayroon tayong importanteng
lalakarin.Sige,ihanda mo ang bago mong damit.
Hap: Anak, sige na kumilos ka na para hindi tayo
mahuli.
Ilig: Oo, ama, ina.
Koro: Sa araw ng pamamalae…
Guhom 1: Magandang hapon! Ano ang aming
maipaglilingkod?
Guhom 2: Ah…narito kami upang mamasyalsa napakaganda
ninyong lugar.
Guhom 1: Kataka-taka? Kung narito kayo para
mamasyal, bakit napakarami n’yo at may mga dala?
Guhom 2: Mga gamit lamang ito na aming kinuha sa
kabilang bundok. Nakiusap lang kami na sana’y
payagan n’yo kaming magpahinga lang sandali.
Guhom 1: Walang kaso iyan sa amin.
(Patutugtugin ang gagung, at magsasayaw ng
“Dinakpanay sa Atubangan” ang taumbayan.)
Guhom 1: Teka muna. Mukhang nagkasarapan na itong
ating sayawan ah. Mayroon ba kayong ibang pakay?
Guhom 2: Amin nang aaminin ang totoo. Narito kami
para hingin ang kamay ni Tam.Narito sina Thimuay
Gabun at G’libon Hap para mamalae.
Guhom 1. Magandang gabi, Thimuay, G’libon.
Hayag: Magandang gabi, Thimuay Gabun, G’libon.
Gabun: Magandang gabi rin sainyo. Narito kami’t
handa sa anumang mapagkakasunduan natin ngayon.
Hayag: Tulad ng napagkasunduan natin noong nakaraang
buwan, handa ako sa anumang kondisyon.
(Magbubulong ng ilang bagay sa kanilang guhom.)
(Isang kamag-anak, ni Iligang biglang papasok.)
Guhom 1: Hep -hep – hep. (Pipigilan ng mga babaeng
kamag-anak ni Tam ang kanyang pagpasok.) Kung gayon
hihingi kami ng isang malaking baban,isang gusi, at
isang malaking kuwintas para kayo makatuloy.
Guhom 2: Ibigay ang kanilang hinihingi.
(Magtipon-tiponang taumbayan upang ihanda ang mga
hinihingi. Ang mga kahilingan ay ibibigay ng mga
kamag-anak na babae ni Ilig.Susuriin ng mga kamag-
anak ni Tam ang mga materyales.)

Guhom 1: Kunggayon, tuloy kayo upang mapagkasunduan


ang mga mahalagang bagay tungkol sa gagawing
kasalan.

(Papasok ang bawat isa sa bahay at uupo sa


lapag.)

Guhom 1: Dalhin dito ang balasa.

Babae 1: Eto na Tatang.

Guhom1: Itong linyang walang bawas, nangangahulugan


ito ng sampung kuwintas na amin sanangibibigay sa
apo sa tuhod. Itong linya sa gitna, nangangahulugan
ito ng isang dosenang sako ng bigas para sa pamilya
ni Tam.Tatlong gusi, apat na banig, at tatlong baban
ang ibig sabihin ng linya sa kanang bahagi nitong
balasa.

Guhom2: Kukunsultahin muna ang aming thimuay.


(Kukunsultahin ni Guhom 2 sina Gabun at Hap.)
Tinatanggap namin ang inyong mga kondisyong
hinihiling para sa kasalang gaganapin. (Kukunin ang
balasa at sasalok ng mais.)

Guhom 1: Kung wala nang di-pagsang-ayon mula sa


magkabilang panig, atin nang itakda ang kasal nina
Ilig at Tam sa susunod na kabilugan ng buwan.

Hayag: Sang-ayon ako sa ganyang panahon.

Koro: Hmm…at naitakda ang kasal nina Ilig at Tam


nang sumunod na kabilugan ng buwan.

Kababaihan: Dumating na ang araw ng kasal.

Kalalakihan: Sa nahimutangan ni Tam.

Babae 1: Dali, isuot mo ang maganda mong damit para


sa kasal ninyo ni Ilig.

Babae 2: Kailangan maganda ka sa iyong kasal.

Babae 3: O, huwag kang magsisimangot d’yan. Hindi


maganda ang malungkot sa araw ng iyong pakikipag-
isang dibdib.

Tam: Nabigla lang ako sa mga nangyayari ngayon.


Hindi ko naisip na aabot sa ganito ang lahat.
Palagay ko’y hindi pa kami handa sa aming mga
responsibilidad.Kaya mayroon akong takot at pag-
aalinlangan.

Babae 4: O sige, bilisan na natin at baka magsimula


na ang seremonyas, hindi pa tayo nakatatapos dito.

Koro: Si Ilig ay binibihisan din para sa kasal


kasama ang mga lalaki…

Ilig: Hindi ko maunawaan ang aking nadarama ngayong


oras na ito. Natatakot ako.

Tao 1: Ilig, huwag ka nang matakot at baka mapahiya


ang iyong amang thimuay.

TAao 4: O sige magsipaghanda na kayo at magsisimula


na ang seremonyas.

Koro: Sa araw ng kasal nina Ilig at Tam…

(Papasok ang mga kamag-anak ni Ilig at nagpapatugtog


ng mga gong. Magsasayaw ang mga lalaki ng “Sot”
habang ang mga babae ay magsasayaw ng “Thalak”.
Pagkaraan ng sayaw, ibibigay nila ang kumpas/pana at
panangga sa mga kamag-anak ni Tam na
magsisispagsayaw din ng “sot” at “Thalak”. Hihingi
ng permiso ang mang-aawit ni Ilig upang makaakyat.)
Kung hindi ako pipigilan
Pwede ba akong aakyat?
Kung hindi ako pipigilan
Aakyat ako
Sa iyong bahay, sa iyong tinitirhan
Kung hindi man ako magkasala.

(Bilang sagot, aawit din ang mang-aawit ni Tam.)


Huwag ka nang humingi ng pahintulot
Kahapon pa kami naghihintay sa iyo
Huwag ka nang magpaalam upang umakyat
Binibigyan na kayo ng pahintulot
Noong nakaraang araw pa
Huwag nang magdili-dili at huminto
Tumuloy sa sala
Ang tamang lugar para sa pagkakasundo.

(Aakyat si Ilig kasama ang kanyang pitong eskorte na


dala ang kanilang espada; dadalhin ng pitong babaeng
eskorte ang kanilang kumpas, lalagyan ng mamaan,
posporo, mama, buyo, nganga, tabako at sigarilyo.)

Babae 1: Hep-hep-hep, para makapasok kayo, kailangan


naminng isang brilyanteng singsing.
Tao 1: Heto.Sige papasok na kami.
Babae 2: Ups, hindi pa pwede. (Kay Ilig) Ikaw lang
ang pwedeng makapasok. Para makapasok kayong lahat,
bigyan n’yo kami ng sampung singsing.
Tao 2: Sampung singsing daw.
Tao 3: Heto ang limang singsing.
Tao 4: Heto ang tatlong singsing.
Ilig: Pwede bang walong singsing na lang.
Babae 2: Hindi pwede. Kailangan talagang sampu.
Tao 1: Heto ang dalawa pa. Sampu na lahat.
Babae 3: Narito ang sampung singsing. Pwede na ba
natin silang patuluyin?
MgaBabae: Pwede na.
(Papasok sila at uupo si Ilig sa ilalim ng makulay
na payong. Nakatago si Tam sa loob ng kulambo kasama
ng ibang mga babae.)

Saleleng: Ngayong araw na ito, ating masasaksihan


ang pag-iisang-dibdib ng ating dalawang
minamahal, ang mga ikakasal na sina Ilig at
Tam. (Kay Ilig) Maaari mo nang hanapin si Tam
diyan sa kababaihan.Pero sa isang
kondisyon.Kailangang makilala mo sa
pamamagitan ng paghula sa kamay at braso na
hahawakan mo. Kapag hindi mo makilala si Tam
d’yan sa kababaihan,walang kasalang magaganap.
Ilig: Nauunawaan ko ang lahat ng kondisyon, Apo.
(Hahanapin ni Ilig si Tam sa pangkat ng kababaihan.
Magbubunyi ang mga babae kapag kinakapa ni Ilig ang
kanilang mga kamay. At sa wakas matatagpuan si Tam
mula sa pangkat ng kababaihan.)
Babae 1: Ups, makapasok ka lang sa isang kondisyon.
Ilig: Ano namang kondisyon, magagandang dilag?
Babae 2: Kailangang sumumpa kang kumbidado kami sa
binyag ng una ninyong anak ni Tam. Di ba mga kasama?
Mga Babae: Tama. Tunay. Mismo.
Ilig: Makaaasa kayo niyan. Pwede na ba akong
pumasok?
(Papasok si Ilig sa kulambo. Ibibiling ng tiyahin ni
Tam ang kanyang ulo upang halikan ni
Ilig.Pagkaraan ng tatlong pagtatangka,
hahayaan ni Tam na sya’y mahalikan ni Ilig sa
pisngi.)
Saleleng: Maaari mo na siyang dalhin sa taniman ng
kamote, para sa susunod na seremonyas.
(Nakahanda na ang mga materyales sa
seremonya ng kasaal. Uupo si Ilig sa kanang
bahagi ng dulang at si Tam naman sa kabilang
bahagi. Magsusubuan sila sa pagkain ng itlog.
Tatanggi si Tam nang tatlong beses bago kainin
ang itlog.)
Saleleng: Apo Megbebaya,aming hinihingi ang inyong
basbas para sa dalawang kabataang ikakasal
ngayon.Hinihiling namin ang iyong pagsama sa
kanilang pamumuhay bilang isang
pamilya.(Gigilitan niya ang leeg ng manok at
ipapatak niya sa ibabaw ng mga dahon na nasa
mangkok.)Itong hanlilika ay tanda ng inyong
pagpaparami sa buong pamayanang Subano.Na
tulad nitong mga tanim,darami,yayabong at
pamarisan kayo saan man dalhin o ilagay ni Apo
Megbebaya.Gayundin, tularan ninyo ang kogon na
ito nabubuhay at lumalago kahit saan at
anumang panahon.At ito ring mayana na
sumasagisag sa inyong kaligayahan,kagandahan
at pagbibigay ng kabuhayan at kaunlaran ng
lahat.
(Papahiran niya ng dugo ang mga kamay nina
Ilig at Tam. Pupunta ang bagong kasal sa mas
mataas na lugar at pagkiskisin nila ang
kanilang mga kamay sa direksyong pataas.)
Ilig@Tam: Amin sanang maabot, ganito sana kataas at
katibay ang aming buhay- pamilya na binasbasan ni
Apo Megbebaya.
(Bilang pag-aalay, sasayawin ang “Sangalay” at ang
“Sebay”. Pupunta sina Ilig at Tam sa Hog para
isasagawa ang menubig-ang panghihilamos at pagligo.
Makaririnig ng mga sigawan.)
Ilig: Ama! Ina! Ammaaa……. Inaaaa…
Tam: Ama! Ina!
(Walang buhay na nakalupasay sa lupa sina
Gabun at Hap.)
Ilig: Amaaaa…Inaaaa…
Koro: Binawian ng buhay sina Thimuay Gabun at
G’libon Hap.
Kalalakihan: Dahil ito sa pang-aagaw ng lupa sa
kanilang tribu.
Kababaihan: Na nais agawin ng mga ganid na tao.
Lahat: Sa araw ng libing…
Ilig: Ama! Ina! Ano na ang mangyayari sa amin na
wala na kayo? Ano na lang ang aming gagawin?
Tam: Tama na Ilig. Ipagpaubaya na lang natin kay
Apo Megbebaya ang pagpanaw nina Ama at Ina.
(Babaliktarin nina Ilig at Tam ang katawan
ng mga bangkay. Kanila itong itataas at tatawid sa
ilalim ng hukay sa loob nang pitong beses.)
Guhom: Apo Megbebaya, pinauubaya namin sa iyo ang
dalawa naming minamahal sa buhay na pumanaw at nauna
sa amin. Hinihiling namin na sana’y samahan n’yo
sila sa kanilang paglalakbay sa kabilang daigdig.
Patnubayan din ninyo kaming kanilang iniwan upang
maglaho angaming pag-alala.
Ilig: Ama! Ina! Sa inyo sanang hinihiling kong
sasamahan ninyo kaming muli lalo na sa mga kaaway na
gustong agawin ang aming mga lupa.
(Pagkaraan ng libing papasok sina Ilig,
Tam, at iba pang tao. Magsasawsaw sila ng mga dahon
ng saging sa abo at kanila itong itatapon.)
Guhom: Ilig, sa kabila ng iyong kabataan, nakita
namin ang kahusayan mo sa pag-iisip at pagbibigay ng
mga desisyon. Kaya, aming pinauubaya at ibinibigay
sa iyo ang pamumuno sa ating tribu bilang kapalit ng
iyong yumaong ama.
Ilig: Maraming salamat sa inyong pagtiwala sa akin.
Kahit bata pa ako, pagsusumikapan kong pamunuan ang
tribu na tulad ng kagustuhan ni Ama. Hinihiling ko
lang sa inyo ang buong pagsuporta para sa ikabubuti
ng tribu.
Tao 1: Huwag kang mag-alala, Thimuay Ilig, hindi ka
namin pababayaan.
Babae 1: Asahan mo ang aming buong suporta sa iyo
tulad ng aming pagsuporta sa iyong amang si Thimuay
Gabun.Di ba mga kasama?
Mga Tao: Oo, Thimuay Ilig.
Guhom: Kung gayon, si Thimuay Ilig na ang ating
bagong pinuno. Mabuhay si Thimuay Ilig!
Mga Tao: Mabuhay.
Lalaki: At nagpatuloy ang pang-aabuso sa mga
Subano.
Babae: Nagpatuloy ang pang-aagaw sa kanilang mga
lupa.
Lahat: Isang araw…
Tao 2: Patuloy pa rin ang kanilang pang–aabuso sa
ating mga Subano.
Tao 3: Lumaban na lang kaya tayo sa kanila?
Babae 2: Hindi papayag si Thimuay Ilig n’yan.
Babae 3: At bakit hindi? Atin na lang bang
hahayaang palagi tayong mawalan ng lupa.
Tao 4: Tama! Panahon nangating ipakita sa kanila na
hindi na tayo basta-bastang guguluhin na parang mga
maya. Panahon na upang labanan ang mga nang-aabuso
sa atin.
(Darating si Ilig kasama ni Tam.)
Ilig: Hindi iyan magugustuhan ni Apo Megbebaya at
gayon din ni Thimuay Gabun.
Babae 4: Magandang araw, Thimuay Ilig.
Tao 1: Magandang araw Thimuay! Amin lang napag-
uusapan ang patuloy na pang –aabuso ng mga ganid
dito sa ating sariling lupain.
Babae 1: Kaya naisip naming dapat lang na labanan
natin sila para hindi sila magpatuloy sa panlulupig
sa ating mga Subano.
Ilig: Huwag tayong ganyan, mga kasama.
Pinapahalagahan natin ang kapayapaan kaya iwasan
natin ang kaguluhan dahil hindi iyan ikatutuwa ni
Apo Megbebaya.
Tao 2: Pero Thimuay, hahayaan na lang ba nating
agawin nila sa atin angating mga lupain?
Ilig: Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Kung gusto
nilang agawin ang ating lupa, atin itong ibigay o
ibenta sa kanila.Doon tayo sa kabundukan
manirahan,tutal naroon naman ang ating malapad na
kabukiran.Naroon ang matiwasay na pamumuhay kasama
ang mga ibon sa kalawakan.Doon, maaari tayong mag-
aalaga ng baboy at magtanim sa bukid.Magiging
maligaya tayo roon dahil wala nang manggugulo sa
atin. Hindi ba, Tam?
Tam: Tama! Doon mawawala na ang ating mga pag-alala
sa ating pamumuhay, lalo na sa paglaki ng ating mga
anak.
Tao: Palagi na lang tayong lilikas? Nagpapatunay
lang iyan na natatakot tayo sa kanila.
Ilig: Hindi iyan nangangahulugang mga duwag tayo.
Atin lamang binibigyan ng pagkakataon ang ideyang
mamuhay nang mapayapa kasama ang mga biyaya ng
diwatang tagapagbantay natin.
Babae 3: Kung gayon, maganda rin sigurong mamuhay
roon, di ba? Wala sigurong masama kung ating
subukang manirahan doon.
Ilig: O sige ihanda n’yo ang lahat n’yong gamit
para sa ating paglipat doon. Sa itaas ng kabundukan.
Koro: Nagpunta sila sa itaas ng kabundukan kasama
ang kanilang pinunong si Thimuay Ilig.
(Maglalakbay ang mga tao papuntang
kabundukan.)
Koro: Nagpatuloy ang kanilang pamumuhay na mapayapa.
Isang araw…
Ilig: Tam, sa tinagal-tagal nating paninirahan dito,
nakita kong umunlad na ang ating kabuhayan. Matutuwa
si Apo Megbebaya sa atin, kaya hindi natin dapat
kalimutan ang magpasalamat.
Tam: Tama ka Ilig.Nakita ko ang kalligayahan ngating
mga kasama. Akala ko, magkakahiwa-hiwalay na tayo.
Mabuti na lang at nahimok ko silang umakyat dito sa
bundok.
Ilig: Kailangang matibay at nagkakaisa tayo para
hindi tayo madaling matalo ng mga kaaway. Iyan ang
iyong tandaan anak.Kailangang magbuklod tayo upang
mapaunlad natin angating mga lupa dahilbaka isang
araw paggising natin, wala na tayong matirhan at
guluhin na naman tayo.
Tambu: Oo, ama. Pero Ama, saan ka pupunta? Bakit
naghahanda ka?
Tam: Si Ama, anak, ay manghuhuli ng baboy para ialay
doon sa itaas ng bundok.
Tambu: Sasama ako kay Ama, Ina.
Ilig: Tambu anak, hindi pa ngayon ang tamang panahon
para sumama ka sa akin. Hintayin mo kapag malaki ka
na. O, sige, tawagan mo na si Diut gamit ang
tambuli.
(Lalabas si Tambu at babalik na may dalang
tambuli. Hihipan niya ito upang tawagin ang mga
taumbayan. Darating si Diut.)
Diut: Magandang araw. Thimuay Ilig, pupunta na ba
tayo?
Ilig: Oo. Sige, maghintay kayo rito.Alis na kami.
Diut: Sige G’libon, Tambu, alis na kami ni Diut.
(Magsisimula sina Ilig at Diut sa kanilang
paglalakbay para mangaso. Dumaan sila sa mga
kabundukan, ilog, at kagubatan. Pagkatapos biglang
mawawal si Ilig. Magtataka si Diut kung saan napunta
Thimuay Ilig.Hahanapin niya - pero mabibigo.)
Diut: Thimuay Iliiiiiiig…Thimuay Iliiiiiig… Thimuay
Iliiiiiiig…
(Uuwi si Diut at maguulat sa taumbayan.)
Diut: Nawala si Thimuay Ilig.Nawala lang nang bigla
si Thimuay Ilig.Naroon kami sa itaas ng bundok at
nangangaso, tapos paglingon ko, bigla na lang s’yang
naglaho. Hinanap ko s‘ya, pero hindi ko s’ya
natagpuan kaya umuwi ako upang sabihin sa inyo.
Nalilito ako. Hindi ko alam kung nasaan s’ya ngayon.
Bal: Totoo ba iyang ikunukuwento mo Diut? Hindikaba
nagbibiro lang?
Diut: Kaharap ang langit, nagsasabi ako ng totoo.
Mga Tao: Diyos ko!
Bal: Kung agyon, kalamayin n’yo ang inyong mga
loob. Huwag n’yo ipaalam kay Tam ang nangyari. Huwag
muna nating bigyan ng alalahanin ang pamilya ng
ating Thimuay. Halikayo, hanapin natin si Thimuay
Ilig.
Tao 1: Sige … halina kayo.
(Hahanapin ng lahat si Thimuay Ilig.)
(Paagkaraan ng mahabang paghahanap kay Thimuay.)
Bal: O kumusta mga kasama, nakakita ba kayo ng
kahit kaunting himaton kung nasaan si Thimuay Ilig?
Tao 1: Wala talaga, naghanap kami kung saan-saan
pero wala s’ya.
Babae 1: Sumama na nga kami sa paghahanap, pero
wala kaming nakuhang himaton ng pagkakakitaan sa
kanya.
Bal: Kung gayon, talagang nakapagtataka ang
pagkawala ngating Thimuay. Nasaaan kaya s’ya ngayon?
Paano na lang tayo ngayon? (Darating sina Tam at
Tambu at magtatanong sa mga taumbayan.)
Tam: Anong nangyari? Para na ninyong awa, sagutin
n’yo ako. Bal, anong nangyari?Bakit mukha kayong mga
takot?Mayroon na naman bang nang-api sa ating mga
kasamahan?Ano?
Bal: Wala, G’libon. Walang nang-api sa ating mga
kasamahan.
Tam: Pero, bakit takot kayo?
Baye 2: G’libon, kalamayin mo ang iyong loob.
Tam: Ano ang ibig mong sabihin? Diut narito ka?
Nasaan si Thimuay?
Diut: G’libon, wala akong kasalanan sa lahat ng
nangyari.
Tam: Ano nga? Ano ang nangyari?
Diut: Biglang nawawala si Thimuay noong nangangaso
kami roon sa itaas ng bundok. Hinanap ko s’ya nang
matagal pero hindi ko s’ya nakita. Kaya umuwi ako
para ipaalam sa inyo.
Bal: G’libon tumulong na kami sa paghahanap, pero
hindi namin malaman kung saan matatagpuan si
Thimuay.
Tam: Hindi, hindi ‘yan totoo! Iliiig…Iliiiggg…
Tambu: Ina, nasaan pala si ama. Amaaa…Amaaa…
Tam: Paano na lang kami ngayon. Iliggg…
(Tutunog ang tambuli ni Ilig nagpapahiwatig
sa kanila na ipagpatuloy ang pagpupunyagi.)
Diut: Tunog iyon ng tambuli ni Ilig.
(Lalong lalakas ang tunog ng tambuli.)
Tam: Nais iparating ng ating Thimuay na pagsumikapan
nating paunlarin angating buhay kahit wala na s’ya,
para hinditayo magkawatak-watak. Kailangang magkaisa
tayo, ating ipagpatuloy ang mamuhay nang mapayapa.
Tao 2: Huwag kang mag-alala G’libon.Hindi ka namin
pababayaan.
Babae: Magkaisa tayo para hindi tayo malupig ng mga
kaaway.
Tao 3: Gayunpaman, ipagpatuloy natin ang mamuhay
nang mapayapa, tulad ng mga panalangin natin kay Apo
Megbebaya.
(Unti-unti hihina ang tunog ng tambuli.)
Tam: Maraming salamat sa inyo. Iliiiiiiggg…
(Maririnig ang tambuli. Tatlong ulit itong
tutunog.)
Koro: Ito ang kadalasang nangyayari sa mga Subano
sa ating pook. Ikaw! Kayo! Isa ka ba sa mga taong
nanggugulo sa mga Subano?

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 p.186-198

(Gabayan ng guro ang pagbabasa gamitang estratehiyang


DRTA)

1. Ano ang ninanasa na mauunawaan mo nang lubos sa


bahagi ng prologo?
2. Sa anong uring kapaligiran lumaki si Ilig?
3. Ano ang naging epekto sa kanyang pagkatao ng
ganitong kapaligiran at uri ng pagpapalaki?
4. Ano ang pinatutunayan ng kanilang madalas na
panalangin kay Apo Megbebaya?
5. Ano-ano ang mga natatanging kultura ng mg
Subanon na lalganap din sa Pilipinas batay sa:
a. Panliligaw
b. Pamanhikan
c. Pag-iisang dibdib/Pagpapakasal
d. Paglilibing
6. Paano naging pinuno si Ilig?
7. Ano-ano kinahaharap ni Ilig bilang pinuno ng
mga Subanon?
8. Paano niya napanatiling payapa ang buhay ng mga
Subanon?
9. Bakit kailangang mangangaso pa si Ilig nang sa
gitna ng kasaganaan ng kanilang ani? Bakit si
Ilig pa ang kailangang mangangaso?
10. Bakit kaya naglaho si Ilig? Ano ang
ipinahiwatig ng kanyang pagkawala?
11. Anong katangian ni Ili gang naiwan niyanga
paman sa mga Subanon?
12. Ano ang ipinahiwatig sa koro?

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain
Pangkatang Gawain (5 kasapi/pangkat)
Panuto: Isa-isahin ang mga tradisyong umiiral sa
Pilipinas ukol sa panliligaw, pamamanhikan at pag-
iisang dibdib.

Okasyon/Pangyayari Lugar Tradisyon

Panliligaw

Pamamanhikan

Pag-iisang dibdib

 Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng bawat


pangkat.
 Bigyang diin ang pagpapahalaga sa kultura ng
minority.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon
Napakasalimuot ang mga naramdaman ng mga Subanon
tulad ng damdaming ipinahihiwatig sa nakatalang mga
salita. Ibigay ang kahalagahan ng mga salitang nasa
iba-iba ang digri o intensidad ng kahulugan
(pagkiklino).

__ hagulgol __ tawa __ malungkot

__ hikbi __ ngiti __ nasasaktan

__ iyak __ halakhak __ nagdurusa

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon
Hindi sapat ang pagkakaroon ng batas upang
mapangalagaan ang karapatan ng mga katutubo.
Kinakailangan ang mahigpit na pagpapatupad nito.

Sa paanong paraan kaya maaaring suportahan ng


pamahalaan at ng iba pang samahan ang karapatan ng mga
katutubong tulad ng mga Subanon?
A. PAGTATAYA Pasulat:
Kung ikaw ang pinuno ng mga Subanon, nanaisin
mo rin bang magpalipat-lipat ng tirahan kapag
inaagaw ang iyong lupain o ipaglaban mo ang
iyong karapatan sa lupang minana mo pa sa iyong
mga ninuno? Bakit?

Rubrics
Nilalaman
 Natatalakay nang lubos ang paninindigan ukol sa
paksa 10 pts
 Hindi gaanong natatalakay ang paninindigan ukol
sa paksa 9 pts
Mekaniks sa Pagsulat
 Lubos na nasusunod ang panuntunan sa pagsulat
ng sanaysay 10pts
 Maypanuntunan sa pagsulat ng sanaysay na hindi
gaanong naisaalang-alang 9pts
 Kailangan pang magsasanay sa paglalahad ng
kaisipan sa pasulat na pamamaraan 8pts
Leyenda:
20 Napakahusay 18-20 Mahusay 16-17 Nagsisimula
B. TAKDANG-ARALIN

1.Magsaliksik ukol sa sumusunod na tradisyon:

●canao ●karangaya ●tumutod


●kanu suhat ●pamamanhikan ●pamamalas
● pamamanhikan ●mashanona ●sebay
●seremonya sa paglilibing ●panghaharana
●seremonya sa kasal ●paniniwala sa Kabunia

2.Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang tradisyong


lumutang o lumabas sa Ang ambuli ni Ilig.

SANAYANG AKLAT sa FILIPINO 7


IKALAWANG MARKAHAN
PANITKANG BISAYA: REPLEKSYON NG KABISAYAAN

IKATLONG LINGGO
SESYON: Unang Araw
Aralin: ANG TAMBULI NI ILIG (DULA)

Tuklasin
Makukulay ang buhay ng mga katutubong Subanon na nagagambala lamang sa mga taong
labas at sakim, tunghayan ang mga katangi-tanging kaugalian ng mga Subanon na dapat
pamarisan.

Motibesyunal na Tanong:
1. Ano ang pagpapakahulugan mo sa salitang KARAPATAN?
2. Bakit kinakailangang kilalanin ang karapatan ng bawat isa?
3. May hangganan kaya ang mga karapatan? Bakit?

GAWAIN 1
4. Isa-isahin ang iyong mga karapatang tinatamasa bilang bata.
5. Ano-ano ang mararamdaman mo kapag nilalabag ang kahit alin sa iyong mga
karapatan?
Iranggo ayon sa tindi ang sumusunod:
galit _____ tampo _____ inis _____ suklam ______
6. Ano-ano naman ang nararamdaman mo kapag ginagalang ang iyong mga
karapatan?
Iranggo ayon sa tindi ang sumusunod:
saya _____ lugod _____ galak _____ bunyi
ALAM MO BA NA… (Paglalahad)
Makinig nang masusi sa dulang pasalit-salit na basahin sa klase.

Ang Tambuli ni Ilig


Salin sa Filipino ni Arthur P. Casanova
ng orihinal na akda sa Wikang Cebuano
na “Ang Tambul ni Ilig”ni Felimon B. Blanco
Mga Karakter:
 Ilig – batambatang pinuno ng mgaSubanon (Thimuay) na mahiwagang naglaho habang
nangangaso
 Tam – maybahay ni Ilig at ina ni Tambu
 Gabun – ama ni Ilig, isa ring Thimuay, namatay sa pagtatanggol sa lupain ng mga
Subanon
 Hap – ina ni Ilig at maybahay ni Gabun
 Bal – mapagkakatiwalaang pinuno ng pamayanan
 Diut – ang kanang-kamay ni Ilig sa pangangaso
 Apo Laluy – tradisyunal na doctor ng pamayanan na tumulong sa pagpapaanak kay
Ilig
 Apo Tilan – ang arbularyo ng pamayanan na ang tawag ay balian; nagsasagawa ng
kanu suhat, ang tradisyonal na pagbibinyag kay Ilig
 Guhom – pinuno ng pamayanan na kumakatawan sa pamilya ni Tam sa negosasyon sa
kasalan
 Guhom 2 – isa ring pinuno ng pamayanan na kumakatawan kay Ilig sa negosasyon
sa kasalan
 Hayag - ama ni Tam, isa ring pinuno ng pamayanan
 Saleleng - isa ring alian o arbularyo na namuno sa kasalan nina Ilig at Tam
 Tambu – anak na lalaki nina Ilig at Tam
 Mga Tao – kalalakihan sa pamayanan
 Mga Baye - kababaihan sa pamayanan
Prologo
Diut: Thimuay Iliiiiig…Thimuay Iliiiiig…Thimuay Iliiiiig…(Pupunta sa bahay,mag-uulat
sa taumbayan.)
Diut: Nawala si Thimuay Ilig. Biglang nawala si Thimu ay Ilig.Doon kami sa itaas ng
bundok nangaso. Tapos, paglingon ko, bigla siyang nawala. Hinanap ko s’ya, pero hindi
ko nakita kaya umuwi ako para sabihin sa inyo. Nalilito ako. Hindi ko alam kung saan
s’ya hahanapin.
Bal: Totoo ba iyang sinasabi mo, Diut? Hindi kaba nagbibiro lang?
Diut: Saksi ang langit sa pagsasabi ko ng totoo.
Mga Tao: Diyos ko!
Bal: Kung gayon, manahimik muna kayo at huwag ninyong ipaalam kay G’libon Tam ang
nangyari. Huwag muna nating bigyan ng problema ang pamilya ng ating Thimuay. Halikayo,
hanapin natin si Thimuay Ilig.
Tao 1: Sige…halina kayo.
(Maghahanap ang lahat kay Thimuay Ilig.)(Pagkaraan ng mahabang paghahanap ng nawalang
si Thimuay.)
Bal: O kumusta mga kasama, nakakita ba kayo ng kahit kaunting himaton kung naasaan
si Thimuay Ilig?
Tao 1: Wala talaga, napagod na kami sa paghahanap pero talagang wala.
Babae 1: Sumama na nga kami sa paghahanap, pero walang nakapagsabi kung nasaan s’ya.
Bal: Kung gayon, tunay na nakapagtataka ang pagkawala ng ating si Thimuay. Nasaan na
kaya s’ya ngayon?
(Lilikha ng koro ang taumbayan.)
Koro: Magandang gabi sa inyong lahat!
Ang Tambulig ay isang maliit na munisipyo. Matatagpuan sa silangang bukana
papuntang Zamboanga del Sur.Tambulig. Galing sa mga salitang tambul ni Ilig.Si Ilig,
isang Subano.
Dahil noong una, mga Subano ang naninirahan sa tinatawag na Tambulig ngayon,
sila ang mga taong ginugulo at inaapi-api. Saksihan natin ang buhay ni Ilig.
(Maikling Buod ng Unang Bahagi)
Sa unang bahagi ng dula ay mababasa ang mga unang tagpo sa buhay ng batang si
Ilig.Nagsimula ito sa kanyang pagsilang kung saan pinauwi sa pamamagitan ng malakas
na tunog ng isang tambuli ang kanyang amang si Thimuay Gabun,ang pinuno ng tribu
habang nangangaso upang makasama ng kanyang mag-ina.Kasunod na ipinagdiwang ang isang
malaking binyagan para sa sanggol na pinangalanang Ilig bilang simbolo ng lakas at
giting.Isang ritwal na tinatawag na “Kanu Suhat” ang isinagawa kaugnay ng kanyang
binyag.
Ipinakita rin sa bahaging ito ang tahimik at payapang pamumuhay ng mga
Subanon gayundin ang mabilis na paglaki ng batang si Ilig.Pagkakaingin at pagtatanim
ang gawain ng mga Subanon. Ang kanilang bawat gawin ay inihihingi nila ng basbas sa
kanilang diyos na tinatawag nilang Apo Megbebaya.Makikita ang kanilang pagkakaisa sa
bawat gawain, tulad ng pagtatanim at pag-aani.
Makikita rin sa bahaging ito ang marami nilang ritwal na isinagawa.Ang
ritwal na “tumutod” ay isinasagawa sa panahon ng pagtatanim kung saan isang baboy ang
kinakatay bago ang ritwal ng pagtatanim.May ritwal din sa pag-aani kung saan isang
“gmemaling” na may dalang basket na nakasabit sa kanyang likod ang mamimili ng maganda
at malususg na uhay ng palay.Aawit siyaat puputulin ang uhay ng palayhabang iniiwasang
maputol ang mga ito pagkaraang malawayan ang bawat isa.Pakatapos muli silang
manalangin kay Apo Megbebaya upang hingin ang knyang basbasat pagsang-ayon sa kanilang
pag-aani.Isinasagawa rin nila ang ritwal ng “mashanona” bilang pasasalamat kay Apo
Megbebaya sa kanilang masaganang ani.Dito inihahanda ng taumbayan ang mga pagkain at
ibinabahagi ang kanilang biyaya,iinom sila ng alak na gasi.Susundanito ng
sayawan,awitan at pagsasaya.
Sa ganitong payapang kapaligiran lumakii ang batang si Ilig. Ngayo’y
mababasa na natin ang kabuuan ng dula nang magbinata na si Ilig.
Koro: Dumaan ang maraming taon. Binata na si Ilig.
Hap: Malaki na talaga si Ilig, Gabun.Sa lalo’t madaling panaho’ymag-aasawa na ang
atinganak.
Gabun: Hindi iyan dapat pagtakhan. Hindi mo nakita kanina na parang may gusto si Ilig
kay Tam, iyong anak ni Hayag.
Hap: Hay, nagmana ang batang iyan sa iyo.
Gabun: O sige, sige na, matulog na tayo.
Koro: Kinaumagahan. Sa may pampang –
Ilig: Tam, saan ka pupunta?
Tam: Sa batis. Titingnan ko kung naroon ba ang nakababata kong kapatid.
Magandang umaga pala sa iyo Ilig.
Ilig: Magandang umaga rin sa iyo. Pwede ba akong sumama, wala kasi akong gagawin.
Nasa kabilang bundok sina ama at ina. Inaayos nila ang mga kaguluhan kahapon. May may
mga taong gustong agawin ang kanilang lupa.
Tam: Kawawa naman tayong mga Subano, di ba? Sinusuwag lang ng ibang tao. Noong
nakaraang araw, sabi ni Tatang, may mga Subano raw na lumikas papunta sa bundok dahil
tinakot sila ng mga dayuhan. Paghigantihankaya natin sila? Magagapi naman natin siguro
sila kung magkakaisa tayong mga Subano.
Ilig: Hindi tayo ganyan, Tam.Mas naisin pa nating magpalipat-lipat kaysa sa lumaban
tayo sa kanila. Tayo ang mga taong mapagmahal sa kapayapaan, iniiwasan natin ang
kaguluhan. Hindi iyan nangangahulugang tayo ’y mga duwag. Atin lamang
pinahahalagahanang kapayapaan. Tam: Kahit na patayin tayong lahat, para maagaw nila
angating mga lupa, hindi pa rin tayo lalaban?
Ilig: Teka, bakit iyan ang ating pinagtatalunan?
Tam: Bakit, mayroonpa bang mas mahalaga na ating pagtatalunan bukod sa ating kalagayan
ngayon?
Ilig: Mayroon!
(Tutugtog ang musika, magsisimulang sayawin ni Ilig ang “Sebay” sa paligid ni
Tam.Iiwas si Tam at pagkaraa’y sasayaw kasama ni Ilig.)
Koro: Nagamamahalan sina Ilig at Tam. Isang araw…
Ilig: Ama! Ina! Bakit marami kayong inihahandang mga gamit?
Gabun: Ilig, anak, mayroon tayong importanteng lalakarin. Sige, ihanda mo ang bago
mong damit.
Hap: Anak, sige na kumilos ka na para hindi tayo mahuli.
Ilig: Oo, ama, ina.
Koro: Sa araw ng pamamalae…
Guhom 1: Magandang hapon! Ano angaming maipaglilingkod?
Guhom 2: Ah…narito kami upang mamasyalsa napakaganda ninyong lugar.
Guhom 1: Kataka-taka? Kung narito kayo para mamasyal, bakit napakarami n’yo at may
mga dala?
Guhom 2: Mga gamit lamang ito na aming kinuha sa kabilang bundok. Nakiusap lang kami
na sana’y payagan n’yo kaming magpahinga lang sandali.
Guhom 1: Walang kaso iyan sa amin.
(Patutugtugin ang gagung, at magsasayaw ng “Dinakpanay sa Atubangan” ang taumbayan.)
Guhom 1: Teka muna. Mukhang nagkasarapan na itong ating sayawan ah. Mayroon ba kayong
ibang pakay?
Guhom 2: Amin nang aaminin ang totoo. Narito kami para hingin ang kamay ni Tam.Narito
sina Thimuay Gabun at G’libon Hap para mamalae.
Guhom 1. Magandang gabi, Thimuay, G’libon.
Hayag: Magandang gabi, Thimuay Gabun, G’libon.
Gabun: Magandang gabi rin sainyo. Narito kami’t handa sa anumang mapagkakasunduan
natin ngayon.
Hayag: Tulad ng napagkasunduan natin noong nakaraang buwan, handa ako sa anumang
kondisyon.
(Magbubulong ng ilang bagay sa kanilang guhom.) (Isang kamag-anak, ni Iligang
biglang papasok.)
Guhom 1: Hep -hep – hep. (Pipigilan ng mga babaeng kamag-anak ni Tam ang kanyang
pagpasok.) Kung gayon hihingi kami ng isang malaking baban, isang gusi, at isang
malaking kuwintas para kayo makatuloy.
Guhom 2: Ibigay ang kanilang hinihingi.
(Magtipon-tiponang taumbayan upang ihanda ang mga hinihingi. Ang mga kahilingan ay
ibibigay ng mga kamag-anak na babae ni Ilig.Susuriin ng mga kamag-anak ni Tam ang mga
materyales.)

Guhom 1: Kunggayon, tuloy kayo upang mapagkasunduan ang mga mahalagang bagay tungkol
sa gagawing kasalan.

(Papasok ang bawat isa sa bahay at uupo sa lapag.)

Guhom 1: Dalhin dito ang balasa.

Babae 1: Eto na Tatang.

Guhom1: Itong linyang walang bawas, nangangahulugan ito ng sampung kuwintas na amin
sanangibibigay sa apo sa tuhod. Itong linya sa gitna, nangangahulugan ito ng isang
dosenang sako ng bigas para sa pamilya ni Tam.Tatlong gusi, apat na banig, at tatlong
baban ang ibig sabihin ng linya sa kanang bahagi nitong balasa.

Guhom2: Kukunsultahin muna ang aming thimuay. (Kukunsultahin ni Guhom 2 sina Gabun
at Hap.) Tinatanggap namin ang inyong mga kondisyong hinihiling para sa kasalang
gaganapin. (Kukunin ang balasa at sasalok ng mais.)

Guhom 1: Kung wala nang di-pagsang-ayon mula sa magkabilang panig, atin nang itakda
ang kasal nina Ilig at Tam sa susunod na kabilugan ng buwan.

Hayag: Sang-ayon ako sa ganyang panahon.

Koro: Hmm…at naitakda ang kasal nina Ilig at Tam nang sumunod na kabilugan ng buwan.

Kababaihan: Dumating na ang araw ng kasal.

Kalalakihan: Sa nahimutangan ni Tam.

Babae 1: Dali, isuot mo ang maganda mong damit para sa kasal ninyo ni Ilig.

Babae 2: Kailangan maganda ka sa iyong kasal.

Babae 3: O, huwag kang magsisimangot d’yan. Hindi maganda ang malungkot sa araw ng
iyong pakikipag-isang dibdib.

Tam: Nabigla lang ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko naisip na aabot sa ganito
ang lahat. Palagay ko’y hindi pa kami handa sa aming mga responsibilidad. Kaya mayroon
akong takot at pag-aalinlangan.

Babae 4: O sige, bilisan na natin at baka magsimula na ang seremonyas, hindi pa tayo
nakatatapos dito.

Koro: Si Ilig ay binibihisan din para sa kasal kasama ang mga lalaki…

Ilig: Hindi ko maunawaan ang aking nadarama ngayong mga oras na ito. Natatakot ako.

Tao 1: Ilig, huwag ka nang matakot at baka mapahiya ang iyong amang thimuay.

TAao 4: O sige magsipaghanda na kayo at magsisimula na ang seremonyas.

Koro: Sa araw ng kasal nina Ilig at Tam…


(Papasok ang mga kamag-anak ni Ilig at nagpapatugtog ng mga gong. Magsasayaw ang mga
lalaki ng “Sot” habang ang mga babae ay magsasayaw ng “Thalak”. Pagkaraan ng sayaw,
ibibigay nila ang kumpas/pana at panangga sa mga kamag-anak ni Tam na magsisispagsayaw
din ng “sot” at “Thalak”. Hihingi ng permiso ang mang-aawit ni Ilig upang makaakyat.)
Kung hindi ako pipigilan
Pwede ba akong aakyat?
Kung hindi ako pipigilan
Aakyat ako
Sa iyong bahay, sa iyong tinitirhan
Kung hindi man ako magkasala.

(Bilang sagot, aawit din ang mang-aawit ni Tam.)

Huwag ka nang humingi ng pahintulot


Kahapon pa kami naghihintay sa iyo
Huwag ka nang magpaalam upang umakyat
Binibigyan na kayo ng pahintulot
Noong nakaraang araw pa
Huwag nang magdili-dili at huminto
Tumuloy sa sala
Ang tamang lugar para sa pagkakasundo.

(Aakyat si Ilig kasama ang kanyang pitong eskorte na dala ang kanilang espada;
dadalhin ng pitong babaeng eskorte ang kanilang kumpas, lalagyan ng mamaan,
posporo, mama, buyo, nganga, tabako at sigarilyo.)

Babae 1: Hep-hep-hep, para makapasok kayo, kailangan naminng isang brilyanteng


singsing.
Tao 1: Heto.Sige papasok na kami.
Babae 2: Ups, hindi pa pwede. (Kay Ilig) Ikaw lang ang pwedeng makapasok. Para
makapasok kayong lahat, bigyan n’yo kami ng sampung singsing.
Tao 2: Sampung singsing daw.
Tao 3: Heto ang limang singsing.
Tao 4: Heto ang tatlong singsing.
Ilig: Pwede bang walong singsing na lang.
Babae 2: Hindi pwede. Kailangan talagang sampu.
Tao 1: Heto ang dalawa pa. Sampu na lahat.
Babae 3: Narito ang sampung singsing. Pwede na ba natin silang patuluyin?
Mga Babae: Pwede na.
(Papasok sila at uupo si Ilig sa ilalim ng makulay na payong. Nakatago si Tam sa loob
ng kulambo kasama ng ibang mga babae.)

Saleleng: Ngayong araw na ito, ating masasaksihan ang pag-iisang-dibdib ng ating


dalawang minamahal, ang mga ikakasal na sina Ilig at Tam. (Kay Ilig) Maaari mo
nang hanapin si Tam diyan sa kababaihan. Pero sa isang kondisyon. Kailangang
makilala mo sa pamamagitan ng paghula sa kamay at braso na hahawakan mo. Kapag
hindi mo makilala si Tam d’yan sa kababaihan, walang kasalang magaganap.
Ilig: Nauunawaan ko ang lahat ng kondisyon, Apo.
(Hahanapin ni Ilig si Tam sa pangkat ng kababaihan. Magbubunyi ang mga babae kapag
kinakapa ni Ilig ang kanilang mga kamay. At sa wakas matatagpuan si Tam mula sa
pangkat ng kababaihan.)
Babae 1: Ups, makapasok ka lang sa isang kondisyon.
Ilig: Ano namang kondisyon, magagandang dilag?
Babae 2: Kailangang sumumpa kang kumbidado kami sa binyag ng una ninyong anak ni Tam.
Di ba mga kasama?
Mga Babae: Tama. Tunay. Mismo.
Ilig: Makaaasa kayo niyan. Pwede na ba akong pumasok?
(Papasok si Ilig sa kulambo. Ibibiling ng tiyahin ni Tam ang kanyang ulo upang
halikan ni Ilig. Pagkaraan ng tatlong pagtatangka, hahayaan ni Tam na sya’y
mahalikan ni Ilig sa pisngi.)
Saleleng: Maaari mo na siyang dalhin sa taniman ng kamote, para sa susunod na
seremonyas.
(Nakahanda na ang mga materyales sa seremonya ng kasaal. Uupo si Ilig sa
kanang bahagi ng dulang at si Tam naman sa kabilang bahagi.Magsusubuan sila sa
pagkain ng itlog. Tatanggi si Tam nang tatlong beses bago kainin ang itlog.)
Saleleng: Apo Megbebaya, aming hinihingi ang inyong basbas para sa dalawang kabataang
ikakasal ngayon. Hinihiling namin ang iyong pagsama sa kanilang pamumuhay bilang
isang pamilya. (Gigilitan niya ang leeg ng manok at ipapatak niya sa ibabaw ng
mga dahon na nasa mangkok.) Itong hanlilika ay tanda ng inyong pagpaparami sa
buong pamayanang Subano. Na tulad nitong mga tanim, darami, yayabong at
pamarisan kayo saan man dalhin o ilagay ni Apo Megbebaya. Gayundin, tularan
ninyo ang kogon na ito nabubuhay at lumalago kahit saan at anumang panahon. At
ito ring mayana na sumasagisag sa inyong kaligayahan,kagandahan at pagbibigay
ng kabuhayan at kaunlaran ng lahat.
(Papahiran niya ng dugo ang mga kamay nina Ilig at Tam. Pupunta ang bagong
kasal sa mas mataas na lugar at pagkiskisin nila ang kanilang mga kamay sa
direksyong pataas.)
Ilig@Tam: Amin sanang maabot, ganito sana kataas at katibay ang aming buhay- pamilya
na binasbasan ni Apo Megbebaya.
(Bilang pag-aalay, sasayawin ang “Sangalay” at ang “Sebay”. Pupunta sina Ilig at Tam
sa Hog para isasagawa ang menubig-ang panghihilamos at pagligo. Makaririnig ng mga
sigawan.)
Ilig: Ama! Ina! Ammaaa……. Inaaaa…
Tam: Ama! Ina!
(Walang buhay na nakalupasay sa lupa sina Gabun at Hap.)
Ilig: Amaaaa…Inaaaa…
Koro: Binawian ng buhay sina Thimuay Gabun at G’libon Hap.
Kalalakihan: Dahil ito sa pang-aagaw ng lupa sa kanilang tribu.
Kababaihan: Na nais agawin ng mga ganid na tao.
Lahat: Sa araw ng libing…
Ilig: Ama! Ina! Ano na ang mangyayari sa amin na wala na kayo? Ano na lang ang aming
gagawin?
Tam: Tama na Ilig. Ipagpaubaya na lang natin kay Apo Megbebaya ang pagpanaw nina Ama
at Ina.
(Babaliktarin nina Ilig at Tam ang katawan ng mga bangkay. Kanila itong
itataas at tatawid sa ilalim ng hukay sa loob nang pitong beses.)
Guhom: Apo Megbebaya, pinauubaya namin sa iyo ang dalawa naming minamahal sa buhay
na pumanaw at nauna sa amin. Hinihiling namin na sana’y samahan n’yo sila sa kanilang
paglalakbay sa kabilang daigdig. Patnubayan din ninyo kaming kanilang iniwan upang
maglaho angaming pag-alala.
Ilig: Ama! Ina! Sa inyo sanang hinihiling kong sasamahan ninyo kaming muli lalo na
sa mga kaaway na gustong agawin ang aming mga lupa.
(Pagkaraan ng libing papasok sina Ilig, Tam, at iba pang tao. Magsasawsaw
sila ng mga dahon ng saging sa abo at kanila itong itatapon.)
Guhom: Ilig, sa kabila ng iyong kabataan, nakita namin ang kahusayan mo sa pag-iisip
at pagbibigay ng mga desisyon. Kaya, aming pinauubaya at ibinibigay sa iyo ang
pamumuno sa ating tribu bilang kapalit ng iyong yumaong ama.
Ilig: Maraming salamat sa inyong pagtiwala sa akin. Kahit bata pa ako, pagsusumikapan
kong pamunuan ang tribu na tulad ng kagustuhan ni Ama. Hinihiling ko lang sa inyo ang
buong pagsuporta para sa ikabubuti ng tribu.
Tao 1: Huwag kang mag-alala, Thimuay Ilig, hindi ka namin pababayaan.
Babae 1: Asahan mo ang aming buong suporta sa iyo tulad ng aming pagsuporta sa iyong
amang si Thimuay Gabun. Di ba mga kasama?
Mga Tao: Oo, Thimuay Ilig.
Guhom: Kung gayon, si Thimuay Ilig na ang ating bagong pinuno. Mabuhay si Thimuay
Ilig!
Mga Tao: Mabuhay.
Lalaki: At nagpatuloy ang pang-aabuso sa mga Subano.
Babae: Nagpatuloy ang pang-aagaw sa kanilang mga lupa.
Lahat: Isang araw…
Tao 2: Patuloy pa rin ang kanilang pang–aabuso sa ating mga Subano.
Tao 3: Lumaban na lang kaya tayo sa kanila?
Babae 2: Hindi papayag si Thimuay Ilig n’yan.
Babae 3: At bakit hindi? Atin na lang bang hahayaang palagi tayong mawalan ng lupa.
Tao 4: Tama! Panahon nangating ipakita sa kanila na hindi na tayo basta-bastang
guguluhin na parang mga maya. Panahon na upang labanan ang mga nang-aabuso sa atin.
(Darating si Ilig kasama ni Tam.)
Ilig: Hindi iyan magugustuhan ni Apo Megbebaya at gayon din ni Thimuay Gabun.
Babae 4: Magandang araw, Thimuay Ilig.
Tao 1: Magandang araw Thimuay! Amin lang napag-uusapan ang patuloy na pang –aabuso
ng mga ganid dito sa ating sariling lupain.
Babae 1: Kaya naisip naming dapat lang na labanan natin sila para hindi sila
magpatuloy sa panlulupig sa ating mga Subano.
Ilig: Huwag tayong ganyan, mga kasama. Pinapahalagahan natin ang kapayapaan kaya
iwasan natin ang kaguluhan dahi hindi iyan ikatutuwa ni Apo Megbebaya.
Tao 2: Pero Thimuay, hahayaan na lang ba nating agawin nila sa atin angating mga
lupain?
Ilig: Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Kung gusto nilang agawin ang ating lupa,
atin itong ibigay o ibenta sa kanila. Doon tayo sa kabundukan manirahan, tutal naroon
naman ang ating malapad na kabukiran. Naroon ang matiwasay na pamumuhay kasama ang
mga ibon sa kalawakan. Doon, maaari tayong mag-aalaga ng baboy at magtanim sa bukid.
Magiging maligaya tayo roon dahil wala nang manggugulo sa atin. Hindi ba, Tam?
Tam: Tama! Doon mawawala na ang ating mga pag-alala sa ating pamumuhay, lalo na sa
paglaki ng ating mga anak.
Tao: Palagi na lang tayong lilikas? Nagpapatunay lang iyan na natatakot tayo sa
kanila.
Ilig: Hindi iyan nangangahulugang mga duwag tayo. Atin lamang binibigyan ng
pagkakataon ang ideyang mamuhay nang mapayapa kasama ang mga biyaya ng diwatang
tagapagbantay natin.
Babae 3: Kung gayon, maganda rin sigurong mamuhay roon, di ba? Wala sigurong masama
kung ating subukang manirahan doon.
Ilig: O sige ihanda n’yo ang lahat n’yong gamit para sa ating paglipat doon. Sa
itaas ng kabundukan.
Koro: Nagpunta sila sa itaas ng kabundukan kasama ang kanilang pinunong si Thimuay
Ilig.
(Maglalakbay ang mga tao papuntang kabundukan.)
Koro: Nagpatuloy ang kanilang pamumuhay na mapayapa. Isang araw…
Ilig: Tam, sa tinagal-tagal nating paninirahan dito, nakita kong umunlad na ang ating
kabuhayan. Matutuwa si Apo Megbebaya sa atin, kaya hindi natin dapat kalimutan ang
magpasalamat.
Tam: Tama ka Ilig.Nakita ko ang kalligayahan ngating mga kasama. Akala ko,
magkakahiwa-hiwalay na tayo. Mabuti na lang at nahimok ko silang umakyat dito sa
bundok.
Ilig: Kailangang matibay at nagkakaisa tayo para hindi tayo madaling matalo ng mga
kaaway. Iyan ang iyong tandaan anak. Kailangang magbuklod tayo upang mapaunlad natin
angating mga lupa dahilbaka isang araw paggising natin, wala na tayong matirhan at
guluhin na naman tayo.
Tambu: Oo, ama. Pero Ama, saan ka pupunta? Bakit naghahanda ka?
Tam: Si Ama, anak, ay manghuhuli ng baboy para ialay doon sa itaas ng bundok.
Tambu: Sasama ako kay Ama, Ina.
Ilig: Tambu anak, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sumama ka sa akin. Hintayin
mo kapag malaki ka na. O, sige, tawagan mo na si Diut gamit ang tambuli.
(Lalabas si Tambu at babalik na may dalang tambuli. Hihipan niya ito upang
tawagin ang mga taumbayan.Darating si Diut.)
Diut: Magandang araw. Thimuay Ilig, pupunta na ba tayo?
Ilig: Oo. Sige, maghintay kayo rito. Alis na kami.
Diut: Sige G’libon, Tambu, alis na kami ni Diut.
(Magsisimula sina Ilig at Diut sa kanilang paglalakbay para mangaso. Dumaan
sila sa mga kabundukan, ilog, at kagubatan. Pagkatapos biglang mawawal si Ilig.
Magtataka si Diut kung saan napunta Thimuay Ilig. Hahanapin niya - pero mabibigo.)
Diut: Thimuay Iliiiiiiig…Thimuay Iliiiiiig… Thimuay Iliiiiiiig…
(Uuwi si Diut at maguulat sa taumbayan.)
Diut: Nawala si Thimuay Ilig.Nawala lang nang bigla si Thimuay Ilig.Naroon kami sa
itaas ng bundok at nangangaso, tapos paglingon ko, bigla na lang s’yang naglaho.
Hinanap ko s‘ya, pero hindi ko s’ya natagpuan kaya umuwi ako upang sabihin sa inyo.
Nalilito ako. Hindi ko alam kung nasaan s’ya ngayon.
Bal: Totoo ba iyang ikunukuwento mo Diut? Hindi kaba nagbibiro lang?
Diut: Kaharap ang langit, nagsasabi ako ng totoo.
Mga Tao: Diyos ko!
Bal: Kung agyon, kalamayin n’yo ang inyong mga loob. Huwag n’yo ipaalam kay Tam ang
nangyari. Huwag muna nating bigyan ng alalahanin ang pamilya ng ating
Thimuay.Halikayo,hanapin natin si Thimuay Ilig.
Tao 1: Sige …halina kayo.
(Hahanapin ng lahat si Thimuay Ilig.) (Paagkaraan ng mahabang paghahanap kay
Thimuay.)
Bal: O kumusta mga kasama, nakakita ba kayo ng kahit kaunting himaton kung nasaan
si Thimuay Ilig?
Tao 1: Wala talaga, naghanap kami kung saan-saan pero wala s’ya.
Babae 1: Sumama na nga kami sa paghahanap, pero wala kaming nakuhang himaton ng
pagkakakitaan sa kanya.
Bal: Kung gayon, talagang nakapagtataka ang pagkawala ngating Thimuay. Nasaaan kaya
s’ya ngayon? Paano na lang tayo ngayon? (Darating sina Tam at Tambu at magtatanong
sa mga taumbayan.)
Tam: Anong nangyari? Para na ninyong awa, sagutin n’yo ako. Bal, anong nangyari?
Bakit mukha kayong mga takot? Mayroon na naman bang nang-api sa ating mga kasamahan?
Ano?
Bal: Wala, G’libon.Walang nang-api sa ating mga kasamahan.
Tam: Pero, bakit takot kayo?
Baye 2: G’libon, kalamayin mo ang iyong loob.
Tam: Ano ang ibig mong sabihin? Diut narito ka? Nasaan si Thimuay?
Diut: G’libon, wala akong kasalanan sa lahat ng nangyari.
Tam: Ano nga? Ano ang nangyari?
Diut: Biglang nawawala si Thimuay noong nangangaso kami roon sa itaas ng bundok.
Hinanap ko s’ya nang matagal pero hindi ko s’ya nakita. Kaya umuwi ako para ipaalam
sa inyo.
Bal: G’libon tumulong na kami sa paghahanap, pero hindi namin malaman kung saan
matatagpuan si Thimuay.
Tam: Hindi, hindi ‘yan totoo! Iliiig…Iliiiggg…
Tambu: Ina, nasaan pala si ama. Amaaa…Amaaa…
Tam: Paano na lang kami ngayon. Iliggg…
(Tutunog ang tambuli ni Ilig nagpapahiwatig sa kanila na ipagpatuloy ang
pagpupunyagi.)
Diut: Tunog iyon ng tambuli ni Ilig.
(Lalong lalakas ang tunog ng tambuli.)
Tam: Nais iparating ng ating Thimuay na pagsumikapan nating paunlarin angating buhay
kahit wala na s’ya, para hinditayo magkawatak-watak. Kailangang magkaisa tayo, ating
ipagpatuloy ang mamuhay nang mapayapa.
Tao 2: Huwag kang mag-alala G’libon.Hindi ka namin pababayaan.
Babae: Magkaisa tayo para hindi tayo malupig ng mga kaaway.
Tao 3: Gayunpaman, ipagpatuloy natin ang mamuhay nang mapayapa, tulad ng mga
panalangin natin kay Apo Megbebaya.
(Unti-unti hihina ang tunog ng tambuli.)
Tam: Maraming salamat sa inyo. Iliiiiiiggg…
(Maririnig ang tambuli. Tatlong ulit itong tutunog.)
Koro: Ito ang kadalasang nangyayari sa mga Subano sa ating pook. Ikaw! Kayo! Isa ka
ba sa mga taong nanggugulo sa mga Subano?

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 p.186-198

Bigyang pansin ang sumusunod na mga gabay na sa pag-unawa sa sinusuring dula: Ang
TambuliniIlig. (Pinagyamang Pluma 7. p 187-198)
1. Ano ang ninanasa na mauunawaan mo nang lubos sa bahagi ng prologo?
2. Sa anong uring kapaligiran lumaki si Ilig?
3. Ano ang naging epekto sa kanyang pagkatao ng ganitong kapaligiran at uri ng
pagpapalaki?
4. Ano ang pinatutunayan ng kanilang madalas na panalangin kay Apo Mebebaya?
5. Ano-ano ang mga natatanging kultura ng mga Subanon batay sa:
e. Panliligaw
f. Pamanhikan
g. Pag-iisang dibdib/Pagapakasal
h. Paglilibing
6. Paano naging pinuno si Ilig?
7. Ano-ano kinahaharap ni Ilig bilang pinuno ng mga Subanon?
8. Paano niya napanatiling payapa ang buhay ng mga Subanon?
9. Bakit kailangang mangangaso pa si Ilig nang sa gitna ng kasaganaan ng kanilang
ani? Bakit si Ilig pa ang kailangang mangangaso?
10. Bakit kaya naglaho si Ilig? Ano ang ipinahiwatig ng kanyang pagkawala?
11. Anong katangian ni Iligang naiwan niyang pamana sa mga Subanon?
12. Ano ang ipinahiwatig sa koro?

GAWAIN 3
Pangkatang gawain (5 kasapi/pangkat)
Panuto: Isa-isahin ang mga tradisyong umiiral sa Pilipinas ukol sa panliligaw,
pamamanhikan at pag-iisang dibdib.

Okasyon/Pangyayari Lugar Tradisyon

Panliligaw_____________________ ________________________________
Pamamanhikan ___________________ ________________________________
Pag-iisang dibdib_______________ ________________________________
GAWAIN 4 (Paglalapat)
Napakasalimuot ang mga naramdaman ng mga Subanon tulad ng nakatalang mga
salita. Ibigay ang kahalagahan ng mga salitang iba-iba ang digri o intensidad ng
kahulugan (pagkiklino)
_____ hagulgol _____ tawa
_____ malungkot
_____ hikbi _____ ngiti
_____ nasasaktan
_____ iyak _____halakhak
_____ nagdurusa

TANDAAN
Hindi sapat ang pakakaroon ng batas upang mapahalagahan ang karapatan ng mga
katutubo. Kinakailangan ang mahigpit na pagpapatupad nito.
 Sa paanong paraan kaya maaaring suportahan ng pamahalaan at ng iba pang
samahan ang karapatan ng mga katutubong tulad ng mga Subanon?
PAGSUBOK NG KAALAMAN
SUMULAT KA!
Kung ikaw ang pinuno ng mga Subanon, nanaisin mo rin bang magpalipat-lipat ng
tirahan kapag inaagaw ang iyong lupain o ipaglalaban mo ang iyong karapatan sa lupang
minana mo pa sa iyong mga ninuno? Bakit?

GAWAIN 5 TAKDANG ARALIN


Ipagpatuloy pa …
Magsaliksik ukol sa tradisyong sumusunod:
 Cañao
 Karangaya
 Tumutod
 Kanu Suhat
 Pamamanhikan
 Paniniwala sa Kabunian
 Seremonya sa kasal
 Mashanona
 Pamamalas
 Panghaharana
 Sebay
 Seremonya sa paglilibing

 Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang tradisyong lumutang/lumabas sa dula.


IKAWALAWANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Sabjek: Filipino Baitang: 7


Petsa: Sesyon: IKALAWANG ARAW

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Kabisayaan

Pamantayan sa Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang


Pagganap: wika ng kabataan

Kompetensi:  Pag-unawa sa Binasa


Naibigay ang sariling interpretasyon sa tradisyunal na
pagdiriwang ng Kabisayaan.
(F7PB-IIe-f-9)
 Panonood
Napanood sa youtube at natatalakay ang isang halimbawang
pestibal ng Kabisayaan (F7PD-IIe-f-9)

I. LAYUNIN Nasusuri nang masusi ang lunsarang akda sa pagtatangi sa mga


tradisyong binibigyang diin sa akda
Kaalaman:

Saykomotor: Nailalahad nang payak at malinaw ang sariling interpretasyon


sa tradisyon ng mga Bisaya

Mahigit na nakapagsusuri sa mga tradisyong katangi-tangi sa


Apektiv: mga kapwa Bisaya.
II. Paksang-Aralin

A. PAKSA Tradisyunal na Pagdiriwang ng Kabisayaan

B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7 p. 144-148;198-200

Video clip ng Sinulog, Maskara (mula sa Youtube)

C. KAGAMITANG Sipi ng Dulang: Ang Tambuli ni Ilig, Video Clip


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang: Ang


Pangmotibesyunal Tambuli ni Ilig”
na tanong: 2. Bakit mahalagasa mga Subanon ang arbularyo, ang gahom
at si Megbebaya?
3. Makatwiran kaya ang pagtangkilik ng mga Subanon sa mga
Aktiviti/Gawain arbularyo, mga gahom at kay Megbebaya? Bakit?

GAWAIN: PAGLALAHAD NG OUTPUT SA ARALIN

Markahan ng √ ang tradisyong likas na Bisaya at X kung hindi.

___ Canao ___ Paniniwala ni Kabunian


___ Karangaya ___ Mashanona
___ Tumutod ___ Pamamalae
___ Pamamanhikan ___ Paghaharana
___ Seremonya sa kasal ___ Sebay
___ Kanu Suhat ___ Seremonya sa Paglilibing

B. PAGLALAHAD Batay sa inyong pagsusuri o karanasan ano-anong kultura sa


Abstraksyon mga Subanon ang kongkreto sa galaw at isip ng makabagong
(Pamamaraan ng Pilipino?
Pagtalakay)

GAWAIN 1: PANONOOD NG VIDEO CLIP


“MASKARA FESTIVAL”
C. PAGSASANAY Panuto: Panoorin ang video clip sa Maskara Festival.
Mga Paglilinang
na Gawain Gamit ang chart sa ibaba ano ang inyong pansariling
interpretasyon sa mga pagpapahalga sa Maskara

Ritwal/Galaw Mensahe

D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain:


Aplikasyon
1. Magsalaysay ng isang tradisyong pinapahalagahan sa
inyong lokalidad.
2. Ipaliwanag kung paano ito nakatutulong sa:
a. Sarili
b. Pamilya
c. Pamayanan

3. Ilahad sa Klase

E. -PAGLALAHAT Bakit pinagyayaman pa rin ang tradisyong tinuturing na


Generalisasyon makalumang-makaluma sa gitna ng pag-usbong sa uso ng
pamumuhay at kabihasnan ng mga Bisaya?

Tandaan:

Ang mga tradisyong katutubo ay tatak ng


pagkakakilanlang nararapat igalang at ipagmalaki sapagkat
walang teknolohiya ang makakapalit sa kinagisnang kulturang
humuhubog sa pagkatao ng
maka-Diyos, makatao, makabansa, at makakalikasang Pilipino.
IV. PAGTATAYA Sumulat KA …

Batay sa natalakay na aralin dugtungan ang


bawat pangungusap ayon sa diwang nagpapahalaga sa mga
kinagisnang tradisyon ng mga Bisaya.

 Ang mga Bisaya ay hindi naiiba sa iba pang mamamayang


Pilipino sapagkat ______________________
_____________________________________
_____________________________________

 Makaluma man at hindi kapani-paniwala ang mga ritwal


nanatili pa rin ito sapagkat _______________
_____________________________________
_____________________________________

V. TAKDANG- Buuin ang talata sa pamamagitan ng pagpupuna sa nawawalang


ARALIN salita/parirala.
Ang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo kagaya ng 1) _______
at 2) ________ sa may Silangan, 3) _________, 4) _______, at
5) _______ sa Gitnang Rehiyon, ang 6) _______ sa may kanluran
at ang pulong hugis medyas na ngayo’y pinag-iisa sa pangalang
7) __________.Samo’t sari ang mga dayalekto sa Kabisayaan
gano’n pa man sila’y nagkakaisa sa kani-kanilang mga
natatanging pagdiriwang tulad ng 8) _______ sa Cebu, 9)
_____sa Aklan at
10) ______________.
SANAYANG AKLAT SA FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN
PANITKANG BISAYA: REPLEKSYON NG KABISAYAAN

IKATLONG LINGGO
SESYON: Ikalawang Araw
Aralin: TRADISYUNAL NA PAGDIRIWANG NG KABISAYAAN
TUKLASIN
Mamamangha ka sa susunod na aralin ukol sa Kabisayaan na nagtatampok sa
iba’t ibang pagdiriwang o “festival” hango sa kinagisnang mga tradisyon.
Katangi-tangi ang mga festival sa Kabisayaan sapagkat hinahatak nito ang
mga local at pandaigdigang turista!

Motibisyunal na Tanong
 Sino-sino ang pangunahing tauhan sa akdang: Ang Tambuli ni Ilig?
 Bakit mahalaga sa mga Subanon ang arbularyo, ang guhom at si
Megbebaya?
 Ano-anong mga tradisyon ang nabanggit sa dulang: Ang Tambulini Ilig?
 Markahan ng (/) ang tradisyong likas sa mga Bisaya.

GAWAIN 1
1. Batay sa inyong pagsusuri o maging sa inyong karanasan, ano-anong
kultura ng mga Subanon ang konkreto sa galaw at isip ng mga
makabagong Pilipino?

ALAM MO BA NA…

 Sa yaman ng tradisyonal na mga gawaing katutubo sa mga taga-Visayas nabubuo


ang mga pangunahing pagdiriwanGa humahatak ng mga turista mula sa ibang
bansa.
SINULOG (https://www.youtube.com/watch?v=AbS5SPpvhx8)
ATI-ATIHAN (https://www.youtube.com/watch?v=grKOsPM6lBs)
 Sa kasalukuyan higit na dumami ang mga “festival” sa Kabisayaan na
nagpapakilala sa pagkatao ng mga Bisaya. Alin ang batid mo na?

SANDUGO SUGAT SANTACRUZAN BAILES DE LUCIS BUGLASAN

SANDUROT PENTAFLORES LANGUB FESTIVAL TAWO-TAWO FESTIVAL

BAHUG-BAHUG SA MACTAN CABCABAN FESTIVAL PASAYAW SA CANLAON


GAWAIN 2 (Pagsasanay)
1. Panoorin ang video clip sa Maskara Festival.
2. Gamit ang Double Entry Chart, isa-isahin ang mga tradisyong likas sa
mga taga-Bacolod batay sa inilalahad ng Maskara.
Double Entry Chart

Ritwal/Galaw Mensahe
GAWAIN 3
1. Magsalaysay ng isang tradisyong pinapahalagahan sa inyong lokalidad.
2. Isa-isahin ang ambag nito sa sarili, sa pamilya at sa lipunan/pamayanan
AMBAG SA . . .
Bayan/Lokali
Tradisyon
dad
Sarili Pamilya Lipunan

3. Ilahad sa klase.

TANDAAN
Pinagyayaman pa rin ang tradisyong tinuturing na makalumang-makaluma sa
gitna ng pag-usbong sa uri at uso ng pamumuhay sa bawat tahanan ng
Pilipino sapagkat ito ay pagkakilanlang nararapat igalang at ipagmalaki.

GAWAIN 4
PAGSUBOK NG KAALAMAN
Sumulat ka …
Batay sa natalakay na aralin dugtungan ang bawat pangungusap ayon sa diwang
nais iparating.
 Ang mga Bisaya ay hindi naiiba sa iba pang mamamayang Pilipino
sapagkat____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________

 Makaluma man at hindi kapani-paniwala ang mga ritwal nanatili pa rin


ito sapagkat
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________

__________________________________________________________________________
____

GAWAIN 5 Buuin ang talata sa pamamagitan ng pagpupuna sa nawawalang


salita/parirala.

Ang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo kagaya ng 1) _____ at 2) _____sa


may Silangan, 3) ______,
4) _____, at 5) _____, sa Gitnang Rehiyon, ang 6) _____ sa may kanluran
at ang pulong hugis medyas na ngayo’y pinag-iisa sa pangalang 7) ______.
Samo’t sari ang mga dayalekto sa Kabisayaan gano’n pa man sila’y nagkakaisa
sa kani-kanilang mga natatanging pagdiriwang tulad ng 8) _____ sa Cebu, 9)
_____sa Aklan at
10) ______ sa Bacolod.
IKALAWANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: IKATLONG ARAW

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Kabisayaan

Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan


gamit ang wika ng kabataan

Kompetensi: Wika at Gramatika

Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay


sa pagbuo ng editorial na naghihikayat (totoo/tunay,
talaga, pero, subalit at iba pa)

(F7WG-IIe-f-9)

I. LAYUNIN Nakapagpapaliwanag kung paano naging mabisa ang isang


akdang pampahayagan na maglalahad ng kuro-kuro.
Kaalaman:

Saykomotor: Nakabubuo ng isang kuro-kuro gamit ang mga angkop na


pahayag na panang-ayon

Nakapagpapasiya nang tumpak paano ilalahad ang kuro-


Apektiv: kuro sa tulong ng cohesive devices.

II. Paksang-Aralin

A. PAKSA Pang-ugnay: Ginagamit sa Panghihikayat

B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7 pahina 207-209

Tinig ng Lahi I p207

C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Sipi ng Talata na naghihikayat/nangungumbinsi

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Nasubukan mo na bang igiit ang iyong mungkahi


Pangmotibesyunal na ngunit hindi pinapansin ng kinakausap mo?
tanong: 2. Ano ang ginawa mo nang mapansin ang iyong mungkahi
o kuro-kuro?
3. Nagtagumpay ka ba sa ikalawang pamamaraan upang
Aktiviti/Gawain marinig at mapansin ang iyong nais iparating?
4. May dating kaalaman kaba ukol sa PANGATNIG?

B. PAGLALAHAD Panuto: Bilugan ang mga pangatnig na ginagamit sa


Abstraksyon talata mula sa “Sa Likod ng mga Ulap… Liwanag
(Pamamaraan ng
Pagtalakay) sa Tinig ng Lahi I p. 207
Pangatnig = ginagamit na pang-ugnay ng
salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa
parirala, sugnay sa kapwa sugnay at
kaisipan sa isa pang kaisipan. Halimbawa:
at, kung, sapagkat, dahil, tulad atbp.

Ang pagnanais na mahikayat o


makumbinsi ang mambabasa/tagapakinig ukol
sa isang panininadigan o pananaw maaring
gamitin ang sumusunod na salita at mga
pahayag. Halimbawa: totoo/tama, tunay, sama
na… ngayon na!, tumpak, siguradong… talaga,
kitang-kita mo, pero, subalit, tara… kaya
mo maging bahagi…
(Kalakip sa Sanayang Aklat)

 Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.

C. PAGSASANAY  Pangkat-pangkatin ang klase nang may tig-3


Mga Paglilinang na kasapi
Gawain  Una-unahan ang pangkat sa pagsasagot sa 5
katanungan
 Isulat sa ¼ manila paper ang sagot ng bawat
pangkat at ipaskil agad.

Gawain:

Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o


salitang nanghihikayat sa sumusunod na pangungusap:

1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa


atin upang matulungan ang mga kapatid nating
mga katutubo.
2. Tama! Lahat tayo’y pwedeng tumulong kung
gugustuhin natin.
3. Tara, tulong na!
4. Ngayon na! Kung ipagpabukas pa natin ang
pagtulong ay baka huli na.
5. Kaya natin basta tayo’y sama-sama.

D. PAGLALAPAT Subukin pa!


Aplikasyon
Punan ng angkop na pahayag o salitang nanghihikayat
ang talata upang makabuo ng mga pangungusap na
nanghihikayat. Piliin ang sagot mula sa pangkat ng
mga salita.

ito na tama
naniniwala akong tunay
sigurado

1. _______ na mahalaga ang pagkakaisa para


magtagumpay angating hangarin.
2. _______ ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang
edukasyon maging sa pinakamalayo mang lugar.
3. _______ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
4. _______ magagamit ng mga katutubo ang anumang
matutuhan nila para sa pagbuti ng kanilang
kalagayan.
5. _______ ang simula ng pagbuti ng kanilang
kalagayan.
E. PAGLALAHAT Ano-ano ang mga pangatnig/pang-ugnay na ginagamit
Generalisasyon sa paglalahad ng mga kaisipan, kuru-kuru o opinyon
nang mapapaniwala at kikilos ang nakatanggap o
naaabot ng mensaheng pasalita o kaya’y
pasulat?

Tandaan:
Ang mga pangatnig at pang- ugnay ay ginagamit din
sa pagbabagong lahad, pagbubuod, pag-iisa-isa,
paglilinaw atbp. Mabisa ang panghihikayat kung
angkop ang pangatnig/pang-ugnay na gagamitin.

IV. PAGTATAYA Panuto: Gamitin ang sumusunod na pahayag sa pagbuo ng


pangungusap na nanghihikayat sa ibang kabataan upang
gawin ang makakaya nila para sa pagtulong sa sinumang
nangangailangan. Gamitin ang pangatnig na
nanghihikayat.

1. Kaya mong maging bahagi ng __________


2. Ngayon na _________________________
3. Talaga _____________________________
4. Siguradong _________________________
5. Tara _______________________________

V. TAKDANG-ARALIN 1. Alamin ang kahulugan ng Editoryal.


2. Ano-ano ang uri ng editorial?
3. Paano naiiba ang editorial sa isang balita at
lathalain?

SANAYANG AKLAT sa FILIPINO 7


IKALAWANG MARKAHAN
PANITKANG BISAYA: REPLEKSYON NG KABISAYAAN

IKATLONG LINGGO
SESYON: Ikatlong Araw
Aralin: PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PANGHIHIKAYAT

TUKLASINSa araling ito malalaman at matutunan mong manindigan nang maituwid


ang mga nakasanayang nakakasisira sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran. Sa
paggamit ng angkop na mga pang-ugnay (cohesive devices) maaari mo nang
hikayatin ang iyong kapwa na makianib sa iyo sa isang makabuluhang gawain.

Motibisyunal na Tanong
1. Nasubukan mo na bang igiit ang iyong mungkahi ngunit hindi pinapansin
ng kinakausap mo?
2. Ano ang ginawa mo nang mapansin ang iyong mungkahi o kuro-kuro?
3. Nagtagumpay ka ba sa ikalawang pamamaraan na marinig at mapansin ang
nais iparating?

GAWAIN 1 Basahin ang sumusunod na texto:

Nilikha ng Maykapal ang daigdig na isang paraiso, sagana sa sikat


ng araw, may luntiang kalikasan at mayamang katubigan. Kung dumarating
man ang karimlan, ito ay lambing lamang na babalot sa pagod mong katawan
upang maihimbing ka sa iyong pagtulog. Paglipas ng karimlang iyan ay
muling daratal ang liwanag sapagkat ang araw ay patuloy sa kanyang
mainit na pagsikat sa kabila ng mga ulap.
Halaw sa: “Sa Likod ng mga Ulap…Liwanag”
TinigngLahiI p 207
Pansinin ang mga pang-ugnay sa loob ng teksto at tukuyin ang tiyak na
gamit nito sa loob ng pahayag.
Halimbawa: at nagdurugtong ng parirala

ALAM MO BA NA…

Pangatnig = ginagamit sa pag-uugnay ng salita sa kapwa salita, parirala


sa kapwa parirala, sugnay sa kapwa sugnay at kaisipan sa isa pang kaisipan
at, kung, sapagkat, dahik, tulad …
Sa pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig ukol
sa isang panininadigan o pananaw maaring gamitin ang sumusunod na salita
at mga pahayag totoo/tama, talaga, sama na…. ngayo na, tumpak, naniniwala
akong…, pero/subalit, atbp.

GAWAIN 3
 Pangkat-pangkatin ang klase nang may tig-3 kasapi
 Una-unahan ang pangkat sa pagsasagot sa 5 katanungan
 Isulat sa ¼ manila paper ang sagot ng bawat pangkat at ipaskil agad.
Gawain:
Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat
sa sumusunod na pangungusap:
1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang upang
matulungan ang mga kapatid nating mga katutubo.
2. Tama! Lahat tayo’y pwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
3. Tara, tulong na!
4. Ngayon na. Kung ipagpabukas pa natin ang pagtulong ay baka huli na.
5. Kaya natin basta tayo’y sama-sama.

GAWAIN 4
Subukin pa!
Punan ng angkop na pahayag o salitang nanghihikayat ang patlang upang makabuo
ng mga pangungusap na nanghihikayat. Piliin ang sagot mula sa pangkat ng mga
salita.
ito na tama naniniwala
akong tunay siguradong
6. _______ na mahalaga ang pagkakaisa para magtagumpay ang ating hangarin.
7. _______ ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa
pinakamalayo mang lugar.
8. _______ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
9. _______ magagamit ng mga katutubo ang anumang matutuhan nila para sa pagbuti
ng kanilang kalagayan.
10. _______ ang simula ng pagbuti ng kanilang kalagayan.
Gawain 5
Ipaliwanag kung bakit kailangang gagamitin ang mga pangatnig sa
paglalahad ng opinion at mungkahi.

PAGSUBOK NG KAALAMAN
Gamitin ang sumusunod na pahayag sa pagbuo ng pangungusap nanghihikayat sa
ibang kabataan upang gawin ang makakaya para sa pagtulong sa sinumang
nangangailangan. Gamitin ang pangatnig na naghihikayat.
6. Kaya mong maging bahagi ng __________________________________
7. Ngayon na _________________________
8. Talaga _____________________________
9. Siguradong _________________________
10. Tara _______________________________
GAWAIN 6
4. Alamin ang kahulugan ng Editoryal.
5. Ano-ano ang uri ng editorial?
6. Paano naiiba ang editorial sa isang balita? Sa isang lathalain?
IKALAWANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Sabjek: Filipino Baitang: 7

Petsa: Sesyon: IKAAPAT na ARAW

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Kabisayaan

Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit


ang wika ng kabataan

Kompetensi: Pagsulat
Naisusulat ang isang editoryal na naghihikayat
kaugnay ng paksa.
(F7PU-IIe-f-9)

I. LAYUNIN Nakikilala ang editoryal bilang daluyan ng mungkahi para


Kaalaman: sa kapakanan ng iba

Saykomotor: Nakasusulat ng isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng


paksang pangangalaga sa mga etnikong pangkat sa
pamamagitan ng RA #8371

Apektiv: Napapahayag ang opinion o saloobin na inaalala ang


saloobin ng nakararami
II. Paksang-Aralin

A. PAKSA Editoryal o Pangulong Tudling: Nanghihikayat

B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma7 p 202-205

Tinig ng Lahi I pahina 203-205

C. KAGAMITANG Sipi ng Hulawarang Editoryal


PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA SA KASULUKUYAN
Pangmotibesyunal
na tanong: 1. Ano-ano ang nilalaman ng mga usapan na may kaugnayan
sa kalagayan ng daigdig?
2. May alam ka bang tiyak na katutubong pangkat na
masyadong apektado sa pagkasira ng kalikasan?
Aktiviti/Gawain 3. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang
buhay ng mga apektadong katutubo?

Gawain: Ipabasa sa buong klasenang salitan ang isang


editoryal mula sa online Balita, January 17, 2012.
EDUKASYON PARA SA MGA KATUTUBO

Edukasyon Para sa mga Katutubo


Editoryal mula sa Online Balita, January 17,2012

Ang karapatan ng mga katutubo sa edukasyon ay


nakatadhana sa Konstitusyon ng Pilipinas, sa Republic Act
8371, ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA)ng 1997, at
sa 2007 United Nations(UN) Declaration on the Rights of
the Indigenous Peoples.Atas ng Konstitusyon sa Estado na
kilalalanin, irespeto at protektahan ang mga karapatan ng
mga katutubo upang mapreserba at mapaunlad ang kanilang
mga kultura, tradisyon at mga institusyon. Ginagarantiya
ng IPRA ang mga karapatan ng mga katutubo sa kanilang
ancestral domain, self-governance at empowerment, social
justice at karapatang pantao, edukasyon at integridad ng
kultura. Saklaw ng nasabing UN Declaration ang karapatan
ng mga katutubo sa edukasyon.

Kaugnay sa pagsisikap ng bansa upang matamo ang


Education for All by 2015 at ang Millenium Development
Goals, at upang isulong ang Baasic Education Sector Reform
Agenda, ipinatutupad ng gobyerno ang National Indigenous
Peopple Education Police Framework. Sa edukasyon,
nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga katutuboat
tinutulungan sila nito na igiit ang kanilang karapatan at
pansariling determinasyon. Ipinagkaloob sa kanila nito ang
kasangkapanupang matuklasan ang kanilang pagkakilanlan,
itaguyod ang tradisyonal na karunungan, husay, at pamanang
pangkultura upang maihalo sila sa lipunan.

Inilunsad ng Department of ducation ang isang angkop sa


kultura na alternative learning system curriculumpara sa
mga katutubo sa pakikipagtulungan ng National Commission
on Indigenous Peoples.Ang curriculum ay lapat sa kahusayan
ng isang pormal na paaralan ngunit nagkakaiba sa laman at
pamamaraan ng pagtuturo.

May mahigit 14 milyong katutubo sa bansa, na ang


karamihan ay nasa Mindanao. Patuloy silang namumuhay bilang
organisadong komunidad, napapanatili ang kanilang mga
kaugalian at tradisyon, at pinaninindigan ang kanilang mga
karapatan. Maraming tirbu ang matatagpuan sa buong
Pilipinas, kabilang ang mga Apayao, Isneg at Tinggian sa
Cordillera, Aeta, Gaddang at Ibanag sa Cagayan Valley; ang
mga Pinatubo at Baluga sa Central Luzon; ang mga Hanunoo
at Irayasa Mindoro; ang Bata, Ke-ney, at Tagbanua naman sa
Palawan; ang mga Ati at Sulod sa Kabisayaan; at ang mga
Ata, Manonbo, Badjao, Bilaan sa Mindanao.

Ang probisyon ng angkop na edukasyon para sa mga


kattutubo ay isinulong nang tuloy-tuloy. Ang mga silid-
aralan ay nanatiling mabuting development arena kung saan
mapaunlad ng mga kapatid nating katutubo ang kanilang mga
sarili at gamitin ang kanilang mga potensiya upang mapabuti
ang kanilang mga pamilya at mga komunidad.
MABUHAY!

(Pinagyamang Pluma 7 p.205-2016)

 Sa pamamaraang PAC (Phrase and Comprehend), Iproseso


ng guro ang gawaing katatapos.
a. Anong pangkalahatang kaisipan ang inyong naunawaan
mula sa akda?
b. Masasabi mo bang ang nilalaman ng akda ay kayang
maisaskatuparan?
c. Anong uri ng akda ang binasa mo?

B. PAGLALAHAD  Ang guro ay magbibigay input ukol sa salitang


Abstraksyon Editoryal
(Pamamaraan ng
Pagtalakay) Editoryal

 Tinatawag ding pangulong tudling


 Mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan
 Tinig ng pahayagan
 May layong magbigay kaalaman, magpakahulugan,
humikayat, at manlibang
Gawain:

1. Ipabasa muli ang halimbawang editoryal


2. Talakayin ang layon sa pagkakasulat ng hulwarang
editoryal
- Nagpapakabatid
- Nagpapakahulugan
- Namumuna
- Nanghihikayat
- Nagpaparangal o nagbibigay-puri
- Nanlilibang
- Nagpapahalaga sa natatanging araw

C. PAGSASANAY Karusel: Ang sipi ng Balita, Lathalain at Editoryal ay


Mga Paglilinang na susuriin ng mga pangkat ng mag-aaral.
Gawain
Alin sa tatlo ang Editoryal, Balita?

Pangkat I – Isang Epidemyang Kailangang-Kailangan

IsangEpidemyangKailangang-kailangan

Nagsimula sa isang karaniwang tsuper ng taksi ang epidemya.


Sumunod ang isang security guard. Pinakahuling biktima ang
isang empleyado ng post office. At sino ang makapagsabi
kung sino ang sususnod na dadapuan ng epidemyang ito?
Gayunman, ito’y isang epidemyang hindi dapat katakutan
manapa’y dapat salubungin, patuluyin at hayaang manahan sa
mga puso.

Si Emil Advincula ang unang napabalitang nagtaglay


nito. Isang balutan ang naiwan sa kanyang taksi. Hindi siya
nagdalawang-isip pa at tinunton ang may-ari ng balutan.
Mahigit sa dalawang milyong piso ang halagang nakapaloob
doon. Sa isang panayam, ipinahayag niyang hindi niya
tinangkang buksan at usisain ang balutan sapagkat iyon ay
nangangahulugan ng pag-iimot.

Dalisay, lantay at walang bahid ang katapatang dumapo


sa puso ni Emil.

Ginamtimpalaan naman siya ng may-ari ng nasabing


kayamanan. Bukod dito, binigyan din siya ng pabuya ng ilang
tao at samahan. Isang plake rin ng pagpapahalaga ang
tinanggap niya.

Dahil marahil sa magandang bunga kay Emil ng ginawa,


nahawa ang isang guwardiya, empleyado ng koreo, at isa pang
taksi driver. Malalaking halaga rin ang ibinalik nila sa
mga nakaiwang may-ari.

Katapatan…kawalan ng pag-iimbot…malinis na
puso…anuman ang tawag dito, kailangang-kailangan ng bayan
ang isang epidemyang tulad nito.

(TinigngLahiI p 205)

Pangkat II – Ipagdiriwang, Linggong Populasyon

Ipinagdiriwang ang Linggong Populasyon sa


Nob.23-29. Pangungunahan ito sa Komisyon ng Popoulasyon
sa pakikipagtulungan ng DECS-NCR. Ang paksang pagdiriwang
sa taong ito ay “Ang pag-aaral ay para sa hinaharap,
huwag ipagpalit sa sandaling sarap”.

Nilalayon ng pagdiriwang na magabayan ang mga


kabataan na maging responsible at kapaki-pakinabang na
mamamayan, at mamulat sa kahalagahan ng edukasyon.

Isa sa mga gawain para dito ay pagdaraos ng


mga timpalak sa pagsulat ng sanaysay. Gaganapin ito sa
tanggapan ng POPCOM NCR, Welfareville, Mandaluyong.
Inaanyayahang lumahok ang mga mag-aaral na nasa ikatlo at
ikaapat na taon ng mataas paaralan.

(TinigngLahi I p.204)

Pangkat III – Pangarap-tanaw sa taong 2010 para sa mga


BatangPilipino

Sa kasalukuyang panahon ng karahasan at pagbaba


ng moralidad sa daigdig, maipagpapasalamat na may mga
samahang pambansa at pandaigdig na itinatag upang
pangalagaan ang mga bata laban sa kalupitan ang pang-
aabuso. Isa rito ang Council for the Welfare of Children
ng Pilipinas. Pinangangasiwaan nito ang mga balakin at
gawain para itaguyod ang kapakanan ng mga batang Pilipino.
Isang Executive Summary ang ipinalabas ng CWC tungkol
ditto.

Ayon sa dokumentong ito, ang pamahalaan,


pamayanan at ang pamilya ay may nagkakaisang pangarap at
pananaw para sa mga batang Pilipno. Sa taong 2000,
nakikini-kinita ang batang Pilipino na masigasig na
nakikilahok sa mga gawaing pampamayanan at sa pagsulong ng
bansa. Ito ay bunga ng kanyang pagkamulat na siya’y may
taglay na katangiang makapagpaunlad at produktibo para sa
bayan, at may angking kakayahan ding magpahyag at maging
malikhain alinsunod sa karapatan ng kanyang kapwa. Higit
na mahalaga, nananalig siya sa Diyos at ipinagmamalaki ang
pagka-Pilipino na nasasalig sa kanyang manang kultura.

Isang pangarap-tanaw (vision) na ang batang


Pilipino ay maayos na isisilang, at may taglay na karapatan
sa buhay at pagkakilanlan, mabibigyan ng wastong
pamamatnubay ng magulang at nasa piling ng kanyang pamilya
sa isang mapayapang pamayanan; walang mararanasang anumang
uri ng deskriminasyon at nasa isang kapaligiran ng
kagandahang-asal. Pangarap-tanaw pa rin sa taong 2000 ang
batang Pilipinong malusog, masigla, matalino, at ligtas sa
anumang uri ng pang-aabuso o pagsasamantala.

(Tinig ng Lahi I p.203)

Hamon: Tukuyin ang tiyak na uri ng Editoryal

D. PAGLALAPAT 1. Sumulat ng isang talata ukol sa walang pakundangang


Aplikasyon pagtapon ng basura
2. Gawing payak ang paglalahad ng kaisipan maging
mungkahi man o opinyon.
3. Ibahagi sa klase.

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon Ang Editoryal ay hindi lamang boses ng pahayagan. Ito
rin ay boses ng bayan na naglalayong mapabuti ang
lipunang ginagalawan ng bawat mamamayan.

IV. PAGTATAYA Sumulat ng isang editoryal na naghihikayat sa


pagsasakatuparan sa RA# 8371 nang mapangalagaan ang
karapatan ng mga Katutubong Etniko at nang wala nang
katutubong magpalaboy-laboy.

(Rubrics kalakip sa Sanayang aklat.

V. TAKDANG-ARALIN Bumuo ng panukala na mangangalaga sa Kultura ng mga


Katutubo sa Pilipinas.
SANAYANG AKLAT sa FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN
PANITKANG BISAYA: REPLEKSYON NG KABISAYAAN

IKATLONG LINGGO
SESYON: Ikaapat na Araw
Aralin: Editoryal o Pangulong Tudling: Nanghihikayat
TUKLASIN
Bawat nilalang ay may karapatang pantay-pantay dito sa ibabaw ng daigdig kaya
magugulat ka kung bakit may nilulupig.

Motibisyunal na Tanong
SA KASALUKUYAN
1. Ano-ano ang nilalaman ng usapan na may kaugnayan sa kalagayan ng daigidg?
2. May alam ka bang tiyak na katutubong pangkat na masyadong apektado sa
pagkasira ng kalikasan?
3. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang buhay ng mga katutubong
apektado sa pagkasira ng kalikasan?

GAWAIN 1
Basahin ang editoryal mula sa Online Balita, January 17, 2012 “EDUKASYON PARA
SA MGA KATUTUBO”

EdukasyonParasamgaKatutubo
Editoryal mula sa Online Balita, January 17,2012

Ang karapatan ng mga katutubo sa edukasyon ay nakatadhana sa Konstitusyon


ng Pilipinas, sa Republic Act 8371, ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) ng
1997, at sa 2007 United Nations(UN) Declaration on the Rights of the Indigenous
Peoples. Atas ng Konstitusyon sa Estado na kilalalanin, irespeto at protektahan
ang mga karapatan ng mga katutubo upang mapreserba at mapaunlad ang kanilang mga
kultura, tradisyon at mga institusyon. Ginagarantiya ng IPRA ang mga karapatan
ng mga katutubo sa kanilang ancestral domain, self-governance at empowerment,
social justice at karapatang pantao, edukasyon at integridad ng kultura. Saklaw
ng nasabing UN Declaration ang karapatan ng mga katutubo sa edukasyon.

Kaugnay sa pagsisikap ng bansa upang matamo ang Education for All by 2015 at
ang Millenium Development Goals, at upang isulong ang Basic Education Sector
Reform Agenda, ipinatutupad ng gobyerno ang National Indigenous Peopple Education
Police Framework. Sa edukasyon, nagkakaroonng kapangyarihan ang mga katutuboat
tinutulungan sila nito na igiit ang kanilang karapatan at pansariling
determinasyon. Ipinagkaloob sa kanila nito ang kasangkapanupang matuklasan ang
kanilang pagkakilanlan, itaguyod ang tradisyonal na karunungan, husay, at
pamanang pangkultura upang maihalo sila sa lipunan.

Inilunsad ng Department of ducation ang isang angkop sa kultura na alternative


learning system curriculumpara sa mga katutubo sa pakikipagtulungan ng National
Commission on Indigenous Peoples. Ang curriculum ay lapat sa kahusayan ng isang
pormal na paaralan ngunit nagkakaiba sa laman at pamamaraan ng pagtuturo.

May mahigit 14 milyong katutubo sa bansa, na ang karamihan ay nasa


Mindanao.Patuloy silang namumuhay bilang organisadong komunidad, napapanatili ang
kanilang mga kaugalian at tradisyon, at
pinaninindigan ang kanilang mga karapatan. Maraming tirbu ang matatagpuan sa
buong Pilipinas, kabilang ang mga Apayao, Isneg at Tinggian sa Cordillera, Aeta,
Gaddang at Ibanag sa Cagayan Valley; ang mga Pinatubo at Baluga sa Central Luzon;
ang mga Hanunoo at Irayasa Mindoro; ang Bata, Ke-ney, at Tagbanua naman sa
Palawan; ang mga Ati at Sulod sa Kabisayaan; at ang mga Ata, Manonbo, Badjao,
Bilaan sa Mindanao.

Ang probisyon ng angkop na edukasyon para sa mga kattutubo ay isinulong nang


tuloy-tuloy. Ang mga silid-aralan ay nanatiling mabuting development arena kung
saan mapaunlad ng mga kapatid nating katutubo ang kanilang mga sarili at gamitin
ang kanilang mga potensiya upang mapabuti ang kanilang mga pamilya at mga
komunidad.
MABUHAY!

(Pinagyamang Pluma 7 p.205-2016)


a. Isulat sa T-chart ang pangunahong kaisipan at mga pantulong na kaisilan
mula sa teksto
Pangunahing Kaisipan Pantulong na Kaispan

b. Naniniwala ka bang madali ang pagsasakatuparan sa RA #837 (Indigenous


Peopkes Right ACT – IPRA)?
c. Anong uring akda ang binabasa mo?
ALAM MO BA NA…
Editoryal = tinatawag ding pangulong tudling
= mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa
isang isyu
= tinig ng pahayagan
Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong Tudling

• Panimula = dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin


• Katawan = ipinahahayag ang opinion o kuro-kuro ng patnugot
= maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang
pro(pagpapanig) o
con(pagsalungat) sa isang isyu
• Wakas = ipinahahayag ang bahaging nanghihikayat o paglagom upang mabuo
sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal

Mga Uri ng Editoryal Batay sa Layon:


• Nagpapabatid 5. Nagpaparangal
• Nagpapakahulugan 6. Nanlilibang
• Namumuna 7. Nagpapahalaga sa
natatanging-araw
• Nanghihikayat
(Pinagyamang PLUMA 7 p.202-203)

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal o Pangulong Tudling

• Makaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang


atensiyon ng mambabasa.
• Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang
maayos at malinaw.
• Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip, gumamit ng
mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula, gumamit ng
pagahambing at pag-iiba-iba, gumamit ng magkatulad na kalagayan at
banggitin ang pinagmulan nangmahusay na pagwawakas
• Tapusin nang naangkop. Bigyan ng mahusay na pagwawakas.
• Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas
• Huwag mangaral o magsermon. Ilahad lamang ang patunay at katwiran at
hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya
• Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat – kaisahan (unity),
linaw (clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis)
(Pinagyamang PLUMA 7 p.203)

GAWAIN 2
Basahin at Unawain ang sumusunod at kilalanin alin sa tatlong akda ang editoryal.
1. Isang Epidemyang Kailangang-kailangan (Tinig ng Lahi I p. 203-204)

IsangEpidemyangKailangang-kailangan

Nagsimula sa isang karaniwangtsuperngtaksiangepidemya. Sumunod ang isang security


guard. Pinakahuling biktima ang isang empleyado ng post office. At sino ang
makapagsabi kung sino ang sususnod na dadapuan ng epidemyang ito? Gayunman, ito’y
isang epidemyang hindi dapat katakutan manapa’y dapat salubungin, patuluyin at
hayaang manahan sa mga puso.
Si Emil Advincula ang unang napabalitang nagtaglay nito. Isang balutan ang
naiwan sa kanyang taksi. Hindi siya nagdalawang-isip pa at tinunton ang may-ari
ng balutan. Mahigit sa dalawang milyong piso ang halagang nakapaloob doon. Sa
isang panayam, ipinahayag niyang hindi niya tinangkang buksan at usisain ang
balutan sapagkat iyon ay nangangahulugan ng pag-iimot.

Dalisay, lantay at walang bahid ang katapatang dumapo sa puso ni Emil.

Ginamtimpalaan naman siya ng may-ari ng nasabing kayamanan. Bukod dito,


binigyan din siya ng pabuya ng ilang tao at samahan. Isang plake rin ng
pagpapahalaga ang tinanggap niya.

Dahil marahil sa magandang bunga kay Emil ng ginawa, nahawa ang isang
guwardiya, empleyado ng koreo, at isa pang taksi driver. Malalaking halaga rin
ang ibinalik nila sa mga nakaiwang may-ari.

Katapatan…kawalan ng pag-iimbot…malinis na puso…anuman ang tawag dito,


kailangang-kailangan ng bayan ang isang epidemyang tulad nito.

(TinigngLahiI p 205)

2. Ipagdiriwang Linggo ng Populasyon (Tinig ng Lahi I 204-205)

IpagdiriwangLinggongPopulasyon

Ipinagdiriwang ang Linggong Populasyon sa Nob.23-29. Pangungunahan


ito sa Komisyonng Popoulasyon sa pakikipagtulungan ng DECS-NCR. Ang paksang
pagdiriwang sa taong ito ay “Ang pag-aaral ay para sa hinaharap, huwag
ipagpalit sa sandaling sarap”. Nilalayon ng pagdiriwang na ma gabayan ang mga
kabataan na maging responsible at kapaki-pakinabang na mamamayan, at mamulat sa
kahalagahan ng edukasyon.
Isa sa mga gawain para dito ay pagdaraos ng mga timpalak sa pagsulat
ng sanaysay. Gaganapin ito sa tanggapan ng POPCOM NCR, Welfareville,
Mandaluyong. Inaanyayahanglumahokangmga mag-aaral na nasaikatlo at
ikaapatnataon ng mataaspaaralan
(TinigngLahi I p.204)

3. Pangarap –Tanaw – sa Taong 2010 Para sa mga Batang Pilipino (TInig ng Lahi
I p.203)

Pangarap –Tanaw sa Taong 2000 Para sa mga Batang Pilipino

Sa kasalukuyang panahon ng karahasan at pagbaba ng moralidad sa daigdig,


maipagpapasalamat na may mga samahang pambansa at pandaigdig na itinatagupa ng
pangalagaan ang mga bata laban sa kalupitan ang pang-aabuso. Isa rito ang
Council for the Welfare of Children ng Pilipinas. Pinangangasiwaan nito ang mga
balakin at gawain para itaguyod ang kapakanan ng mga batang Pilipino. Isang
Executive Summary angipinalabasng CWC tungkolditto.

Ayon sa dokumentong ito, ang pamahalaan, pamayanan at ang pamilya ay may


nagkakaisa ng pangarap at pananaw para sa mga batang Pilipno. Sa taong 2000,
nakikini-kinita ang batang Pilipino na masigasig na nakikilahok sa mga gawaing
pampamayanan at sapagsulongngbansa. Ito ay bunga ng kanyang pagkamulat na
siya’y may taglay na katangiang makapagpaunlad at produktibo para sabayan, at
may angking kakayahan ding magpahyag at maging malikhain alin sunod sa
karapatan ng kanyang kapwa. Higit na mahalaga, nananalig siya sa Diyos at
ipinagmamalaki an gpagka-Pilipino na nasasalig sa kanya ng manangkultura.

Isangpangarap-tanaw (vision) naangbatang Pilipino ay maayosnaisisilang,


at may taglaynakarapatansabuhay at pagkakilanlan, mabibigyan ng wastong
pamamatnubay ng magulang at nasa piling ng kanyang pamilya sa isang mapayapang
pamayanan; walang mararanasang anumanguring deskriminasyon at nasaisang
kapaligiran ng kagandahang-asal. Pangarap-tanaw parin sa taong 2000 ang batang
Pilipinong malusog, masigla, matalino, at ligtas sa anumang uri ng pang-aabuso
o pagsasamantala.

(TinigngLahi I p.203)
GAWAIN 3
1. Sumulat ng isang talata ukol sa walang pakundangang pagtapon ng basura
2. Gawing payak ang paglalahad ng kaisipan: Mungkahi man o Opinyon.
3. Ibahagi sa klase

Pamagat

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

TANDAAN
Ang Editoryal ay hindi lamang boses ng pahayagan sapagkat ito rin ay boses ng
bayan na naglalayong mapabuti ang lipunang ginagalawan ng bawat mamamayan.
GAWAIN 4
Sumulat ng isang editoryal na nanghihikayat sa pagsasakatuparan sa RA# 8371
nang mapangalagaan ang karapatan ng mga Katutubong Etnikoat nang wala nang
katutubong palaboy-laboy.

Rubriks
puntos
 Makatawag–pansin ang simula at wakas ng editoryal

 Ang katawan ay nakapaglahad ng mga katibayan sa


paraang maayos at malinaw kaya’t tunay itong
nakapanghihikayat sa mambabasa
 Nakagagamit ng lima o higit pang pang-ugnay
nagpapahayag ng panghihikayat
 Malinaw na makikita ang mensaheng nais ipahayag
ng editoryal
Kabuuang Puntos

5- Napakahusay 2 – DI-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-mahusay
3 – Katamtaman

You might also like