You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALANG PANSEKONDARYA NG BARCELONA

BARCELONA , SIYUDAD NG DAPITAN


UNANG MARKAHAN
KABIHASNANG ASYANO
{ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba}
Grade 7
PANGALAN: Seksiyon: Iskor:

Panuto:Salungguhitan ng dalawang beses ang tamang sagot.


1.Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t-ibang salik kabilang na ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Aysa naman ay
mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang
Asya?
a.ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig,tag-araw at tag-ulan
b.may mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
c.mahalumigmig , taglamig,tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyon sa iba’t-ibang uwan sa loob
ng isang taon
d.sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao
2.Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
a.ang hangganan ng Asya ay sa iba pang mga lupain ay maaring nasa anyong lupa at anyong tubig
b.ang Asya ay tahanan ng iba’t-ibang uri ng anyong lupa , tangway,kapuluan,bundok,kapatagan,talamp
as, disyerto at kabundukan
c.taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligran batay sa mga tumutubing halaman
d.ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikayon sa
pamumuhay ng mga Asyano.
3. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan
nito.Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a.etniko b.nomad c.katutubo d.etnolingguwistiko
4.Tawag sa uri ng grasslands na may damuhang matataas at malalim ang ugat?
a.steppe b.prairie c.savanna d.tundra
5.Tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigidig
a.anyong lupa b.kontinente c.kabundukan d.kapuluan
6.Ito ay tumutukoy sa karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon
a.klima b. panahon c.monsoon d.tag-init
7.Isang malawak na sona na nakalatag sa Pasipiko sa kung saan sa mga lugar na ito nagaganap ang
pagputok ng bulkan ?
a.ring of fire b.katubigan c. plates d.depression
8.Bakit ang mga anyong tubig tulad ng mga karagatan ,lawa at mga ilog gaya ng ilog Tigris at Euphrates
ng Iraq,Indus ng India at Huang Ho ng China ay lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng sinaunang
tao?
a.maraming mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap sa mga ilog na ito.
b.ang nga ilog na ito ang pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong
daigdig
c.madalas nagdulot ng pinsala at pagkasawi ng mga buhay sa tuwing aapaw ang mga ilog na ito
d. ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga bansang kabilang sa
rehiyon
9.Alin sa sumusunod na mga kontinente ng daigdig ang may pinakamalaking kabuuang sukat sa
kilometro kuwadrado?
a.Africa b. Asya c. North America d. South America
10.Uri ng anyong lupa na matatagpuan ang hanay ng mga bundok at ang halimbawa nito ay ang
pinakatanyag na Himalayas?
a.bundok b. bulubundukin c.burol d. talampas
11.Alin sa sumusunod na mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng
wika ang kultura ng isang lahi”?
a.ang wika ay may iba-ibang layunin
b.iba-iba ang wika ng iba-ibang tao
c.ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
d. sa pag-aaral ng wika , mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi
12.Alin sa mga rehiyon ng Asya ang minsay binansagang Father India at Little China dahil sa
impluwensiya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito?
A.Timog-Silangang Asya b.Silangang Asya c. Timog Asya d. Hilagang Asya
13.Ang sumusunod ay biyayang hatid ng mga anyong lupa maliban sa______________.
a.pinakapangunahing lugar panirahan ng tao at mainam para sa mga pananim
b.mga bulubundukin- nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar at proteksiyon o harang sa
malalakas na bagyo at sigwa
c. mga disyerto-nagtataglay ng mga yamang mineral, mga metal at di-metal at gas, mga bundok at
gubat- paninirahan ng mga hayop at mga wildlife ,hilaw na materyales at mga herbal na gamut
d.nagtataglay ng mga isda at yamang dagat
14.Paano itinaguyod ng pamahalaang Asyano ang kanilang wika?
a.Sa pamamagitan ng pag deklara ng isang opisyal na wika o iisang wikang gagamitin sa kanilang bansa
b.sa pamamagitan ng pagsasalita nito kahit saan magpunta
c. sa pamamagitan ng malawakang pagkampanya sa paggamit ng iisang wika
d.sa pamamgitan ng paggamit ng ng iba’t-ibang wika ng bawat pangkat etnolingguwistiko
15.Paano mo maipakita an gang iyong pagpapahalaga sa ating pambansang wika?
a.sa pamamagitan ng pag-aaral nito
b.sa pamamagitan ng paggamit ko sa pambansang wika sa pakikipagtalastasan ko sa aking kapwa
c.sa pamamagitan ng paggamit nito tuwing may okasyon lamang
d.sa pamamgitan ng paggamit nito kung ako ay nasa paaralan
16.Anumang batayan ang gagamitin sa pagkilala sa mga Asyano ,ang mahalagang tandaan sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng wika,etnisidad at kultura ay ang pagkakaroon ng ______________ng mga Asyano.
a.pagkakakilanlan b.pagkakaisa c.pagkakaiba d.pagsulong
17.Bakit sinasabing matibay ang samahan ng pamilyang Tajiks?
a.dahil ang mga magulang ay palaging dumadalaw sa kanyang mga anak na nag-aasawa na.
b.dahil ang mga inapo nito ay nag-aaroga sa kanilang mga lolo at lola
c.dahil ang lahat ng mga kasapi ng pamilya mula sa pinakainapo hanggang sa pinakabata ay sama-
samang nanirahan sa isang tahanan
d.dahil ang mga magulang ay nag-aaroga sa mga anak ng kanilang mga anak
18.Bakit sinasabing hindi nakapagtataka na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay mayayaman?
a. dahil marami silang ginto doon
b.dahil ang mga naninirahan doon ay maraming pera na namana nila mula sa kanilang mga ninuno
c.dahil ang mga lugar na ito ay biniyayaan ng masaganang suplay ng langis na kanilang nililinang upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan
d. dahil nakikipagkalakalan sila sa ibang lugar
19.Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi kabilang sa katangian ng mga Balinese ng Indonesia?
a.lahat ng mga bagay na makikita sa Bali ay ay may kinalaman sa kanilang paniniwala sa mga diyos at
diyosa, at mga ispiritu mabuti man o masama .
b.ang kultura ng mga Balinese ay nag-uugat sa ispirituwalidad ,relihiyon,tradisyon at sining.
c.mahusay sila sa pagtalon ng tumatakbong kabayo
d.karamihan sa mga Balinese ay magaling sa sining
20.Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
a.populasyon b. polusyon c. population growth rate d. life expectancy
21.Tumutukoy sa pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na
kalikasan
a.biodiversity b.ecosystem c.ecological balance d. habitat
22.Alin sa sumusunod na mga suliraning pangkapaligiran sa Asya ang tahasang pagkawasak ng
kagubatan?
a.pagkasira ng lupa b.urbanisasyon c. pagkawala ng biodiversity d. pagkasira ng kagubatan
23.Ano ang pangunahing ikinabubuhay o hanapbuhay ng mga tao sa Asya?
a.pagsasaka b. pagmimina c.pagpapastol d. pangingisda
24.Bakit tinawag na monsoon climate ang uri ng klima sa Silangang Asya?
a.dahil sa lawak ng rehiyong ito,ang mga bansa ay nakararanas ng iba-ibang panahon mainit na panahon
para sa mga bansang nasa mababang latitude at ,malamig at nababalutan ng yelo ang ilang bahagi ng
rehiyon
b.dahil mahaba ang taglamig na karaniwang tumagal ng anim na buwan
c.dahil sa hindi palagian ang pagbabago ng klima
d.dahil iba-iba ang klima sa loob ng isang taon
25.Bakit ipinatupad ng China ang One Child Policy?
a.upang malimitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon
b.upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak
c.upang maging maayos ang hanapbuhay ng isang pamiya kung isa lamang ang anak
d.upang ang anak ang gaganap sa mga trabaho sa bahay

GOODLUCK……..GOOH HEALTH………GOD BLESS YOU!!!!!

Inihanda ni Ma’am Sheing

You might also like