You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
_______________________________
SOUTHEASTERN REGION HIGH SCHOOL
Sinaoangan Sur, San Agustin, Isabela Signature over Printed Name of Parent
Date: ______________
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:_________________________ Baitang/Seksiyon:_________________ Petsa: ____________ Iskor:__________


I.Maramihang Pagpipili: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
____1. Ano ang tawag sa pisikal na katangian ng kapaligiran na nakaiimpluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng
mga Asyano? a. Heograpiya b. Hugis c. Sukat d. Anyo
____2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing taga-linang ng kapaligran para sa kanyang kabuhayan at pagtugon sa
pangangailangan? a. tao b. hayop c. halaman d. bato
____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano.
____4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya
____5. Ang mga sumusunod na salik ay nakaiimpluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano?
a. kapaligirang pisikal b. anyong lupa at tubig c. klima d. populasyon
____6. Alin sa mga sumusunod ang pinakatanyag na bulubundukin sa buong daigdig na may habang umaabot sa 2,415
kilometro at binubuo ng humigit kumulang 50 na mga bundok?
a. Hindu Kush b. Caucasus c. Himalayas d. Ural
____7. Ano ang itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo at tinaguriang Roof of the World na matatagpuan sa
Asya? a. Tibetan Plateau b. Gobi Desert c. Taklimakan d. Wala sa nabanggit
____8. Ang ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, Nile at Huang Ho ay ilan lamang sa mga ilog na gumanap ng malaking tungkulin sa
kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
a. Ito ay ping-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap sa mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala at pagkabawi ng buhay tuwing may mga pagbaha sa mga ilog na ito.
d. Ito ay nagsilbing daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga bansang kabilang sa rehiyon.
____9. Ang Pacific Ring of Fire ay rehiyon na nagtataglay ng maraming hanay ng mga ________.
a. bulkan b. bundok c. pulo d. burol
____10. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa lupain na pinagsamang mga damuhan at kagubatan na matatagpuan sa Timog-
Silangang Asya particular sa Myanmar at Thailand?
a. Prairie b. savanna c. steppe d. tundra
____11. Kung ikaw ay nakatira sa China, ano ang nararanasang klima sa bansang ito?
a. Monsoon climate b. Tropikal c. Tag-ulan d. Sentral Kontinental
____12. Ito ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan.
a. Biodiversity b. Ecological Balance c. Habitat d. Deforestation
____13. Alin sa sumusunod ang HINDI direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon. d. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan
b. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
c. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikularna rehiyon.
____14. Alin sa sumusunod ang malaking epekto ng walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saan?
a. Nahaharangan ang mga estero at ilog na daluyan ng tubig.
b. Nanunuot sa lupa ang ilang maaasido at mga organikong material.
c. Nakokontamina o narurumihan ang hangin,tubig at maging ang lupa.
d. Nahahalo ang nakalalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa mga irigasyon.
____15. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagkasira ng lupa MALIBAN sa isa:
a. Overgrazing b. red tide c. salinization d. desertification
____16. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga produkto ng Hilagang Asya maliban sa isa:
a. Caviar b. ginto c. natural gas d. wala sa nabanggit
____17. Aling bansa ang nangunguna sa industriyalisasyon?
a. Japan b. China c. Indonesia d. Pilipinas
____18. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang
palay? a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
c.Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
d.Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
____19. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa:
a. langis at petrolyo b. langis at palay c. petrolyo at opyo d. palay at opyo
____20. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng langis ng niyog at ______.
a. kopra b. marijuana c. tabako d. karne ng manok
____21. Alin sa mga pangungusap sa ibabang kumakatawan sapahayagna “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang
lahi”? a. Ang wika ay may iba-ibang layunin. b.Iba-iba ang wika ng iba-ibang tao.
c. Ang wika ay susi ng pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
d.Sa pag-aaral ng wika, mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
____22. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, ang pinakamalaking hamon sa rehiyon ay ________.
a. ideolohiyang politikal b. pagkakakilanlan c. modernisasyon d. pagkakaisa
____23. Ang mga sumusunod ay mahahalagang tungkuling ginagampanan ng kalikasan MALIBAN sa isa:
a. Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan ng tao.
b. Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang pinagkukunang yaman.
c. Ang kalikasan ay tumutulong sa sistema ng ekolohiya upang maging kapakipakinabang ito sa tao.
d. Wala sa nabanggit.
____24. Ikaw ay naanyayahan sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa mga suliraning tulad ng pagkasira ng
kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakaaapekto sa pag-unlad ng mga bansa? Ano ang iyong imumungkahi?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sapag-unlad ng isang bansa.
____25. Alin ang dalawang bansa na may pinakamalaking populasyon sa Asya?
a. Brunei at Pilipinas b. Indonesia at Saudi Arabia c. India at China d. India at Japan
____26. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
a. Unemployment rate b. Literacy rate c. mortality rate d. death rate
____27. Alin sa mga sumusunod ang tagalinang ng kapaligiran para sa kanyang kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan?
a.tao b. hayop c. halaman d. lahat ng nabanggit
____28. Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
a. Migrasyon b. populasyon c. life expectancy d. employment rate
____29. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika, kultura at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang
tawag sa pagpapangkat na ito? a. etnikob. lahi c. katutubo d. etnolingguwistiko
____30.Nakikilala ang isang tao batay sa kanyang bansang sinilangan. Alin sa mga sumusunod ang MALI?
a. Pilipino sa Pilipinas b. Japanese sa China c. Vietnamese sa Vietnam d. Arabo sa Saudi Arabia

II.TAMA O MALI. Isulat ang “T” kung ang pangungusap ay wasto at “M” kung ang pangungusapay di-wasto.
____31. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas nito ay nagmula sa agrikultura.
____32. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng ikabubuhay.
____33. Hindi maiiwasan na nadaragdagan ang produksyon ng mga basura dahil sa pagdami ng mga tao.
____34. Habang lumalaki ang populasyon, kinakailangan ng tao ng matitirhan kaya nagsasagawa ng land conversion.
____35. Ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran.
____36. Ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan sa India ay lalong nagpapataas ng unemployment at literacy rate dahil
walang sapat na kasanayan at kaalaman ang mga ito nupang matanggap sa mas maayos na hanapbuhay.
____37. Ang programang Quality Family ng Indonesia ay ipinatupad upang matugunan ang suliranin sa paglaki ng populasyon.
____38. Ipinatupad ng Korea ang One Child Policy.
____39. Ang patuloy na paglaki ng populasyon ng India ay nagdudulot ng mabagal na pag-unlad ng ekonomiya nito.
____40. Dahil sa pagdami ng tao,mas marami ang naghati-hati sa pinagkukunang yaman ng bansang India.

III. Tukuyin kung saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang mga sumusunod na bansa. Gamiting batayan sa pagsagot ang
sumusunod: HA- Hilagang Asya TA- Timog Asya SA – Silangang Asya TSA-Timog Silangang Asya KA- Kanlurang Asya
____41. Saudi Arabia ____42. Bhutan ____43. Indonesia ____44. Japan
____45.Kazakhstan ____46. South Korea ____47. China ____48. Pilipinas

IV. Sanaysay.
49-50. Ilarawan ang Asya. (2 puntos).

Inihanda ni: Inaprobahan ni:


MARIA TERESA T. CAPICIO JERWINE M. GABRIEL
Guro ng AP TIC/MT-1

You might also like