You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

FIRST QUARTERLY ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 7 (ASYA)
S.Y. 2016-2017
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________/___/_________
Pangkat: ________________________ LRN: ___________________________________ Iskor: _____________

MARAMIHANG PAGPILI: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.


____1.Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Timog, Silangan ,Kanluran at Timog Silangang Asya. Tinatawag na
Heograpikal ant kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang –alang sa paghahati ang mga
aspektong pisikal,historical at kultural. Kumpara sa ibang rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay
kadalasang tinitignan bilang magkaugnay?
a. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
b. Ang mga porma ng mga anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
c. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
d. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historical,kultural,
agrikultural at sa klima.
____2. Ang pagkakaiba- iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa
Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init,taglamig, tag-araw at tag-ulan
b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
c. Mahlumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa
loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
____3. Ang landas na matatagpuan sa kabundukan ng Hindu Kush na ginagamit ng mga mangangalakal upang
makarating sa India.
a. Caspian Sea b. Khyber Pass c. Huang Ho River d. Malaca Strait
____4. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa tumutubong halaman
d. Ang iba ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa
buhay ng tao.
____5. Ito ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng isang lugar/rehiyon.
a. Arkeolohiy b..Heograpiya c. Sosyolohiya d. Topograpiya
____6. Proseso na kung saan ang asin ay lumilitaw sa ibabaw ng lupa o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta
sa lupa.
a.Desertification b. Salinization c.Siltation d. Deforestation
____7. Kung ang pagkaubos ng mga punongkahoy sa kagubatan ay Deforestation, Ano naman ang pagbabago ng
pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng gawain ng tao
a. Ozonle Layer b. Global Climate Change c. Red Tide d. Siltation
____8. Bakit mahalagang pag-aralan ang tungkol sa heograpiya ng daigdig?
a. Upang maging aktibo at makalahok ng regular sa mga gawaing pampolitika at pampamayanan
b . Upang higit na maunawaan ang impluwensiya ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mga tao.
c. Upang matuto hinggil sa katangiang bayolohikal ng mga iba’t ibang pook.
d. Upang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa agham panlipunan.
____9. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan,lawa at mga ilog na lubhang
napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang
Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya.
Ano ang mahalagang gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa
buong daigdig
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya na naganap sa mga ilog na ito
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing
may
nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan
nito para sa kalakalan.
____10. Pagsasalungsod ng isang lugar o paglipat ng malaking bahagdan ng populasyon sa mga lungsod upang
dito manirahan.
a . Immigrasyon b. Populasyon c. Migrasyon d. Urbanisasyon
____11. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong tungkol dito.

PILIPINA
S

Alin sa mga sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng bansang Pilipinas?


a. Tropikal na klima c. Buong taon na nagyeyelo
b. Maladisyertong init d. Nakararanas ng apat na klima
____12. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Pagkakalbo o pagkasira ng ng kagubatan o deforestation
c. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon
____13. Distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng ekwador
a. Prime Meridian b. Latitude c. Longhitud d. International Date Line
_____14. Sa bahagi ng isang artikulo, ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking
suliraning pangkapaligiran sa Bangalore, India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala
upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan nito, Alin sa sumusunod ang malaking
epekto sa kapaligiran ng Bangalore, India ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan- saan?
a. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog
b. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong material
c. Nakokontamina o narurumihan ang hangin,tubig at maging ang lupa
d. Nahahalo ang nakalalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irigasyon
____15. Ito ay isa sa saklaw ng heograpiyang pantao na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng pangkat ng mga tao batay
sa kanilang pisikal o bayolohikal na katangian.
a. Lahi b. Wika c. Etnisidad d. Pangkat-tao
_____16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng wika?
a. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
b. Nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
c. Ito lamang ang tanging batayan ng pagiging sibilisado ng isang pangkat ng mamamayan.
d. Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at
katangian ng mga naninirahan dito.
_____17. Ipinatupad ng China noong 1979 na ang pangunahing layunin ay limitahan ang mabilis na paglaki ng
populasyon at patakarang magkaroon lamang ng iisang anak.
a. Open Door Policy b. Quality Family c. Family Planning d. One Child Policy
_____18. Kung malawak at mataba ang mga lupain sa Asya, ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakasalalay sa pag-
unlad
ng teknolohiya sa larangan ng ____.
a. Agrikultura b. Industriya ng pagkayari c. Kalakalan d. Turismo
_____19. Tumutukoy sa kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang GDP ng bansa sa dami ng mamamayang naninirahan
dito.
a. Gross Domestic Product c. Gross Domestic Product per capita
b. Natural Capital d. Poverty line
_____20. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti unti nang lumiliit. Ano ang
ipinapahiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensiya ng Kanluranin
b. Ang pagbabago ay dala ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay
c. Tumataas ang katayuan ng babae sa lipunang Asyano
d. Humihina ang impluwensiya ng simbahan.
______21. Tawag sa bahay na tinitirhan ng mga Manchu ng China na nahahati sa tatlong bahagi
a. Barracks b .Igloo c. Nipa hut d. Pocket house
_____22. Isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para salahat
kabilang
ang family planning para sa mga mag-asawa lalo sa mga mahihirap.
a. Voluntary Contraception c. Gender Empowerment Measure
b. Reproductive Health Bill d. Resiliency
______23. Ang tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran.
Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat:
a. ang likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan.
b. ang pataba ng mga lupain ay apektado.
c. nagdudulot ng polusyon.
d .hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity.
_______24. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon ng marunong bumasa at sumulat.
a.Literacy Rate b. Life Expectancy Rate c.Adult Literacy Rate d. Child Birth
Rate
_______25. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang
tawag sa pagpapangkat na ito?
a.Etniko b. Nomad c. Katutubo d. Etnolingguwistiko
_______26. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya,ito’y nangangahulugang
pinakamalaking
hamon sa bansa ang ______.
a. Pagkakaisa b .Modernisasyon c .Ideolihiyang pulitikal d.Pagkakakilanlan
_______27. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kulturang isang
lahi.”
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin
b. Iba- iba ang wika ng iba’t ibang tao
c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
_______28 . Ang mga taong lagalag o nomadic na mas nakilala bilang Bedouins
a. Balinese b. Tajik c. Arabo d. Ngalops
_______29. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Taong 1979 nang ipatupad nito ang
“One Child Policy” na naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Alinsunod
sa patakarang ito ang mag-asawang Tsino ay hinihikayat na magkaroon lamang ng isang anak. Ayon sa
pinuno ng National Bureau of Statistics ng China na si Ma Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng
China ay binubuo ng karamihan na may edad, edukado at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa
sitwasyong ito?
a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito
b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito
c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon
d. Ang pagppatupad ng One Child Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa
_______30. Dalawang batayan sa paghahati-hati ng grupong etnolingwistiko
a. Relihiyon at lahi b. Etnisidad at wika c. Wika at kaugalian d. Etnisidad at
pamahalaan

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga
tanong kaugnay nito.

Bansa Populasyon Bilis ng paglaki Edad


ng populasyon 0-14 15
65+

Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.90 67


8.1
Laos 6,320,429 2.29 36.1 60.1
3.7
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6
6.4
Japan 127,156,225 0.24 13.5 62.6
23.9
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2
5.6

_______31. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang
pagkakasunud-sunod nito?
a. India, Sri lanka, Laos, Indonesia at Japan c. Sri Llanka, India , Indonesia , Laos at
Japan
b. India, Indonesia , Japan, Sri Lanka , Laos d. Indonesia, India , Japan , Laos , Sri
Lanka
_______32. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng mabilis na paglaki ng
populasyon, sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at
Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa isang bansa.
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon
b. Upang magamit ang pagpaplano ng pamilya
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran / programa na
makapagpapabagal o
makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
_______33. Bansa sa Timog Silangang Asya na nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng langis, niyog at
kopra.
a. Myanmar b. Vietnam c. Pilipinas d. Indonesia
_______34. Kung ang pinakamalawak na lawa sa buong mundo ay ang Caspian Sea, Ano naman ang pinakamalawak
na
lawa sa buong Asya?
a. Aral Sea b. Dead Sea c. Baikal Lake d. Huang Ho
_______35. Ang pinagsama-samang sukat ng tatlong kontinente na ito ay katumabas ng sukat
ng Asya.
a. Aprika, Europa at Antartika
b. Europa, Hilagang Amerika at Australia
c. Timog Amerika,Hilagang Amerika at Australia
d..Antartika, Europa at Australia

Suriin ang mga datos sa ibaba at sagutin ang mga katanungan batay rito. Titik lamang ang isulat.

KALUPAANG SAKOP NG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG


Kontinente Kabuuang Sukat (kilometro kwadrado)

Aprika 30,269,817
Australia 7,862,336
Europa 10,530,789
Asya 44,486,104
Antartika 13,209,060
Timog Amerika 17,820,852
Hilagang Amerika 24,210,000

KABUUAN 143,389,336

_______36. Ano ang ipinapakita ng mga datos sa itaas?


a. May pitong masa ng lupain sa buong daigdig.
b. Ang Asya ang itinuturing na “ the giant” sa pitong masa ng daigdig.
c. Sa sukat ng Asya na ipinapakita ng datos, malawak ang nasasakupan nito na mga bansa sa mundo
d. Lahat ng nabanggit
_______37. Ilang kilometro kwadrado ang kailangan ng Hilagang Amerika para matumbasan ang sukat ng Asya?
a. 20,276,104 b. 21,342,578 c. 19,342,670 d. 22,456,910
_______38.. Ang tinatayang kabuuang sukat ng Asya ay nasa bahagi ng kabuuang sukat ng buong mundo
a. Kalahati b. Sangkatlo c. Sangkapat d. sanglima
_______39. Ang sukat ng Europa kung ihahambing sa sukat ng Asya
a. Kalahati b. Sangkatlo c. Sangkapat d. sanglima
_______40. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at
paglaki
ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon.Ikaw bilang kabataan ay
naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin.
Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa
pag-unlad ng isang bansa.
_______41. Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill” na naatasang hikayatan at impluwensiyahan ang kabataang
Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng
mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi-media advocacy. Alin sa sumusunod
na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?
a. Organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
b. Kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
c. Nilalaman , pagkamalikhain , impact , organisasyon , kapakinabangan
d. Kawastuhan ng mga datos , madaling maunawaan
_______42.Bakit iba-iba ang vegetation cover o behetasyon sa iba’t ibang bahagi ng Asya?
a. Dahil iba-ibang uri ng damo ang tumutubo rito
b. Dahil sa iba-ibang klase ng lupa mayroon ang Asya
c. Dahil iba-ibang klima ang nararanasan sa bawat rehiyon
d. Dahil iba-ibang puno ang tumutubo sa Asya
_______43. Ang Hilagang Asya ay nakararanas ng Sentral Kontinental na klima dahil____
a. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan at maigsi ang tag-init
b. Bihira at hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon
c. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre taglamig kung Disyembre hanggang Pebrero
d. Mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,malamig at nababalutan naman
ng yelo sa ilang bahagi ng rehiyon
_______44. Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksiyon ng mga Isyung
pangkapaligiran tulad ng Deforestation,Ano ang deforestation?
a. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o sobrang tuyo
b. Pag-apaw ng asin sa lupa
c. Pagdagdag ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig
d. Pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa mga gubat
_______45. Ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo.
Ngunit
sa kabila nito, ang Asya rin mismo ang nakapagtala ng mabilis na pagkawala ng biodiversity bunsod ng
mga sumusunod maliban sa isa.
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Pag-abuso sa lupa
c. Pagtatanim ng mga punungkahoy
d. Polusyon sa kapaligiran
_______46. Suriin ang larawan. Ano ang mahihinuha mo sa yamang tao ng Asya?
.
a. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa
b. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian
c. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamim sa mayamang kultura nito
d. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na napagyaman sa
kultura ng rehiyon
______47. Batay sa larawan sa ibaba, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan
ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang
kapaligiran?

a. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning kapaligiran at ekolohikal


b. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at pagpapalaganap ng wastong paggamit ng likas na
yaman
c. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa
pangkalalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig
d. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon
_______48. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa tahanan ng mga Manchu na tinawag na pocket house.
Alin ang hindi kasama?
a. Ang matatandang miyembro ng pamilya ay natutulog sa hilagang kang
b. Nahahati ang tirahan nila sa tatlong bahagi
c. Makikita sa dingding nito ang brick beds na tinatawag nilang kang
d. Ang silangang bahagi ng kang ay ginagamit na sambahan ng kanilang mga ninuno
_______49. Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng ____.
a. Pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas
b. Pagtaas ng insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan
c. Noise pollution mula sa mga sasakyan, gayundin ang ilang mga aparato at makinang gumagawa ng
ingay
d. Lahat ng nabanggit
_______50. Mahalaga ang wika sa paghubog ng kulturang Asyano sa kadahilanang ito ay ___
a. Pangunahing batayan sa paghubog ng kultura
b. Nagsisilbing pagkakakilanlan
c. Instrumento ng pagkakaisa ng bawat kasapi
d. Sumasalamin sa ating lahi

Need answer key?, like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/ and give us your
email and request in a private message.

You might also like