You are on page 1of 4

Pangalan:__________________________________________ Petsa:__________________

Pangkat: __________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA
Sa bahaging ito, subukin mong sagutan ang panimulang pagsusulit upang mataya ang
lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin. Handa ka na ba? Maaari mo nang simulan ang
pagsagot. Pagtuunan ng pansin ang mga tanong na hindi mo tiyak ang sagot at alamin ang
wastong kasagutan sa mga ito sa iyong pagtuklas sa mga aralin sa modyul na ito.

_____1. Ayon sa estadistika ng Philippine Census, taong 2009, ang tatlong pangunahing dahilan
ng pagkamatay sa Pilipinas ay ang mga sumusunod 1) malignant neoplasm (cancer), 2) sakit sa
puso at 3) cerebrovascular disease. Ano ang implikasyon ng pahayag na ito?
A. Laganap ang sakit na kanser sa bansa.
B. Karamihan ng nagkakasakit sa puso ay mga lalaki lamang.
C. Ang cerebrovascular disease ay maaaring maiwasan.
D. Kulang ng impormasyong pangkalusugan ang mga mamamayang Pilipino.

_____2. Ano ang kinikilalang pinakabatang bansa sa Asya sa kasalukuyan?


A. Jordan C. Timor-Leste
B. Qatar D. Yemen

_____3. Anong bansa ang nagsisilbing buffer state sa pagitan ng Russia at Tsina?
A. Iraq C. Mongolia
B. Nepal D. Thailand

_____4. Ano ang tawag sa hanay ng mga aktibong bulkan sa katubigan ng Asya?
A. Cordillera C. Pacific Ring
B. Himalayas D. Pamir

_____5. Ano ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas sa pamumuhay ng tao?
A. Maraming magsasaka ang may maliit na sakahan lamang para
sa pansariling ikabubuhay at hindi para sa pangmaramihang
produksyon.
B. Nagiging maunlad ang pangangailangang materyal ng tao sa pagtakbo ng
panahon.
C. Ang paggamit ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan
ng lupa upang makakuha ng masaganang biyaya mula sa lupa.
D. Ang malawak at matabang lupain ay natutugunan nito ang
mga pangangailangan ng mga rehiyon at makapagluluwas ng
mga produkto sa ibang bansa.

_____6. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral tungkol sa kabuuang katangian ng daigdig.


A. Klima C. Panahon
B. Heograpiya D. Vegetation Cover
_____7. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang
panahon.
A. Klima C. Panahon
B. Heograpiya D. Vegetation Cover

_____8. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uring pananim na nakabalot sa lupain ng daigdig.
A. Klima C. Panahon
B. Heograpiya D. Vegetation Cover

_____9. Ito ay isang natatanging hanging nararanasan sa Asya. Ito ay ang pana-panahong
hanging dala ng presyon ng atmospera sa kalagitnaan ng Asya. Ano ang tinutukoy?
A. Klima C. Tropical
B. Monsoon D. Vegetation Cover
_____10. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim.
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

_____11. Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang sa katangiang pisikal ng kontinente ng
Asya?
A. Ang hangganan ng Aysa sa iba pang mga lupain ay maaring nasa anyong lupa
o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tagway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

_____12. Anong pangunahing katangian ng mga Asyano ang ipinagkakaiba nila sa mga
kanluranin?
A. Lakas ng loob
B. Resiliency o ang kakayahang bumangon mula sa mga pinagdaanang suliranin
C. Pagiging matiyaga sa gawain
D. Pagiging mapagbigay sa kapwa

_____13. Bakit madalas ang pagkakaroon ng lindol at pagsabog ng bulkan sa mga bansang
malapit sa Karagatang Pasipiko?
A. Dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa karagatan
B. Sapagkat ang rehiyon ay nasasakop ng “Pacific Ring of Fire”
C. Dahil kapuluan ang mga bansang malapit sa karagatan
D. Sapagkat maraming bagyo ang nabubuo sa Karagatang Pasipiko
_____14. Anong kalagayang pisikal ng Pilipinas ang nakahahadlang sa pag-unlad nito?
A. Ang pagiging isang kapuluan nito
B. Ang pagkakaroon ng matataas na kabundukan
C. Ang pagkakaroon nito ng malalawak na kapatagan
D. Ang pagiging isang bansang tropikal nito

_____15. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grassland. Tinatayang ang sangkapat ng kapuluan sa
mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grassland ang may mataas na malalim na ugat na
matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
A. Steppe C. Savanna
B. Prairie D. Tundra

_____16. Masama ang dulot ng deforestation dito sapagkat nababawasan ang likas na yaman ng
kagubatan. Ano ang tawag dito?
A. erosion C. natural ecosystem
B. global warming D. urbanisasyon

_____17. Ang paglawak ng industriya ay simbolo ng isang maunlad na bansa. Ano ang
negatibong epekto ng modernisasyon sa ating kapaligiran?
A. Ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa, tubig at hangin
B. Ang pagkaubos ng suplay ng mga pangunahing mineral tulad ng natural
gas at langis.
C. Ang pagdagsa ng mga tao sa sentro ng mga industriyalisasyon.
D. Ang paglikas ng mga taong naapektuhan ng iba’t ibang uri ng karahasan
sa paligid.
_____18.Ang Asya ay napalilibutan ng iba’t ibang anyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan.
Ano ang implikasyon nito sa kultura ng mga bansang Asyano?
A. Ang mga sinaunang Asyano ay tumira sa siyudad.
B. Hindi mainam tigilan o pirmihan ang mga ito dahil delikado sa mga
kalamidad.
C. Nakaimbento ng sasakyang panlupa ang mga sinaunang tao.
D. Ang mga anyong-tubig ang nagsilbing daan para maging
magsasaka, mangingisda at mangangalakal ang sinaunang
tao.

_____19.Batay sa talahanayan sa ibaba, ano ang kabuuang populasyon ng mga bansa sa Asya na
kabilang sa sampung bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo?
A. 3,027,000,000 C. 3,418, 000,000
B. 3,275, 000,000 D. 3, 588, 000,000
Bansang May Pinakamalaking Populasyon sa Mundo
Bansa Populasyon (estimate, 2012)
Tsina 1,343,239,923
India 1,205,073,612
USA 313,847,465
Indonesia 248,645,008
Brazil 199,321,413
Pakistan 190,291,129
Nigeria 170,123,740
Bangladesh 161,083,804
Russia 142,517,670
Japan 127,368,088
Datos mula sa: https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/

20. Sa kasalukuyan, mga 30 taong gulang ang mga batang Tsino na isinilang noong unang dako
ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo kung kailan sinimulang isagawa ang mahigpit na one child
policy sa Tsina at saka ang kanilang mga magulang ay 55 taong gulang pataas. Ipinapatupad ba
sa buong Tsina ang One Child Policy?
A. Oo, ayon sa batas ng Tsina ito ay sa lahat ng probinsiya nito.
B. Hindi lahat sapagkat ayon sa batas ay ipapatupad lamang ito sa mga
siyudad.
C. Oo, buong Tsina ay kailangang sumunod para maiwasan ang buwis.
D. Hindi dahil may karapatan ang bawat tao na magdesisyon kung ilan ang
anak nila.

You might also like