You are on page 1of 3

CIRILA G.

ODAL NATIONAL HIGH SCHOOL


CEBUANO NATIONAL HIGH SCHOOL-EXTENSION
Brgy. Linan, Tupi, South Cotabato

ARALING PANLIPUNAN 7
Parallel Assessment
Quarter I

Pangalan: ____________________________________________________Baitang at Pangkat: ____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng wastong sagot.
WEEK 1
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpia tungkol sa Asya at sa katangiang pisikal nito?
a. Sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao
b. Dahil ito ang utos ng nakatataas
c. Sapagkat ito ay kasali sa kasaysayan
d. A at b
2. Bakit na tinawag na farther India at Little China ang Timog-silangang Asya?
a. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito
b. Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
c. Dahil napagitnaan ito ng India at China
d. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian pisikal ng kontinente
ng Asya?
a. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na
may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano
b. Ang hangganan ang Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman.
d. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
4. Sa paanong paraan nakukuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa?
a. sa pamamagitan ng pagtukoy ng ng latitude at longitude
b. sa pamamagitan ng geogitic engineer
c. sa pamamagitan ng pagtukoy sa world map
d. a at b
5. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland
South East Asia at Insular South East Asia. Ano anong mga bansa ang napabilang sa
Mainland South East Asia?
a. Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia
b. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
c. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor
WEEK 2
6. Matatagpuan sa Kanlurang Asya ang Anatolian Plateau at Iranian Plateau. Bakit mas malaki
ang populasyon ng Anatolian Plateau kung ihahambing sa Iranian Plateau?
a. dahil sa matabang lupa nito
b. dahil sa kaaya-ayang klima nito
c. dahil sa magandang tanawin nito
d. dahil sa pinaghalong mataba at tuyong lupa nito
7. Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng Tsina. Bagama’t malawak ang Tsina,
bakit nagsisiksikan ang mga naninirahan sa silangang bahagi nito?
a. dahil ito ay isang kapatagan
b. dahil ito ay isang kabundukan
c. dahil ito ay isang talampas
d. dahil ito ay binubuo ng kabundukan at talampas
8. Ang mga ilog Huang Ho, Yang Tze at Xi Jiang ay matatagpuan sa Tsina. Bakit itinuturing ang
mga ito na pinakamahahalagang ilog ng Tsina?
a. Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.
b. Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian.
c. Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
d. Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta
para sa pakikipagkalakalan.
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng bulubundukin
sa pamumuhay ng tao?
a. Ito ay ginagawang pastulan
b. Dahil ito ay binubungkal at ginagawang sakahan ng mga tao
c. Ito ay nagsisilbing proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan
d. Ito ay nagsisilbing depensa ng isang lugar at proteksyon o harang sa malalakas
na bagyo at digmaan
10.Ang mga ilog Huang Ho, Yang Tze at Xi Jiang ay matatagpuan sa Tsina. Bakit
itinuturing ang mga ito na pinakamahahalagang ilog ng Tsina?
a. Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.
b. Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian.
c. Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
d. Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta para sa
pakikipagkalakalan.
WEEK 3
11.Bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang palay sa Timog
Silangang Asya?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog- Silangang Asya.
c. Sagana sa matabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
d. Galay sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
12.Dahil sa kakulangan ng Japan sa langis at depositong bakal at iba pang mineral na
mahalagang gamit sa malakihan at mabibigat na industriya, bunga nito ay;
a. Kailangang umangkat ng langis at iba pang hilaw na sangkap ang Japan.
b. Umaasa lang ang Japan sa mga mineral na mnamimina sa sariling bansa
c. Hindi na binibigyang pansin ang industriya ng bansa.
d. May malawak na lupain ang Japan.
13.Bakit mahalaga ang yamang gubat
a. Ito ay pinagkukunan ng tao ng maraming produkto tulad ng goma, troso, papel, tabla
muwebles, mga herbal at marami pang iba.
b. Ito ay nagsisilbing tahanan ng mga mababangis na hayop.
c. Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbaha.
d. Ang mga puno sa gubat ay nagbibigay ng lilim at preskong hangin.
14.Isa sa mga pangunahing suliranin pangkapaligiran ay ang polusyon o kontaminasyon sa mga
anyong tubig dulot ng pagtatapon ng mga basura at kemikal. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamainam na paraan upang ito ay mapigilan?
a. Magsagawa ng coastal clean up
b. Ipagbawal ang paninirahan sa tabing dagat.
c. Bumuo ng kilusan na naglalayong mapangalagaan ang mga dagat at ilog.
d. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagprotekta at preserbasyon
ng mga yamang tubig
15.Paano nakatutulong ang yamang mineral sa ekonomiya ng isang bansa?
a. Ang pagmimina ng yamang mineral ay nakapagbibigay trabaho sa mga mamayan.
b. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang isang bansa.
c. Ang yamang mineral ay pinagkukunan ng enerhiya at mga hilaw na sangkap sa
paggawa ng mga gusali, sasakyan, tulay at marami pang iba.
d. Pinauunlad nito ang turismo.
WEEK 4
16.Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang
mga bansa sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang
pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang
dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa
Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa
Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa daigdig
17.Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring
atamnan. Bagamat hindi mayaman sa prmoduktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin
itong isa sa mayamang rehiyon sa buong Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya
sa Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa
ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na
natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya
18.Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang
kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa
pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at
pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at
iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa
ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang
ang pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng
pamilya at maghanapbuhay na lamang
19. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pangekonomiya ng isang bansa.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa
ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay
nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa
pansariling ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw
na materyales na panustos sa kanilang pagawaan
20. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay
napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa
mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang
kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa upang
hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang
mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman upangmaging
angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga
yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin

You might also like