You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
CABOTONAN HIGH SCHOOL
Omalo, Lagonoy, Camarines Sur
S/Y 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan:___________________________________ Seksyon:_________________ Iskor

I. MULTIPLE CHOICE
PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang paghahating heograpikal ng Asya ay base sa Heograpikal at _______ sona.


A. Kultural C. Ekonomikal
B. Sosyal D. Politikal

2. Sa rehiyong ito matatagpuan ang dalawang pinakamalaking kapuluan sa daigdig, ang Indonesia at
Pilipinas?
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Timog-Silangang Asya D. kanlurang Asya

3. Ito ay isa sa tatlong uri ng rehiyong pisikal sa Kanlurang Asya kung saan nagtataglay ng
matatabang lupain at saganang suplay ng tubig.
A. Northern Tier C. Fertile Crescent
B. Arabian Peninsula D. Western Plateau

4. Sang-ayon sa Paghahating Heograpikal ng Asya, ang kontinente ay hinati sa _____ rehiyon?


A. 4 C. 6
B. 5 D. 7

5. Ano ang kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya?


A. Nagkakaroon ng pansariling pagkakakilanlan o identidad.
B. Napapabilis ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga usaping pang-ekonomiya,
pampolitika at panlipunan.
C. Higit na napapadali ang pagtamo ng kalinangan, kaunlaran at kapayapaan sa mga rehiyon.
D. Lahat ay maituturing na kapakinabangan ng paghahating heograpikal ng Asya.

6. Ang paghahating heograpikal ng Asya ay base sa heograpikal at kultural na sona kung saan
isinasaalang-alang ang aspektong Pisikal, Historikal at _____?
A. Kultural C. Ekonomikal
B. Sosyal D. Politikal

7. Kadalasan ang rehiyong ito ay hinahati sa dalawang subregion, ang pangkontinente (mainland) at
pangkapuluan (insular)?
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Timog-Silangang Asya D. kanlurang Asya
8. Anu-ano ang Limang rehiyon ng Asya base sa paghahating heograpikal?
A. Hilaga, Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog at Timog-Silangang Asya
B. Hilaga, Silangan, Kanluran, Timog at Gitnang Asya
C. Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan at Silangang Asya
D. Hilaga, Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog at Gitnang Asya

9. Bakit pinaniniwalaan na ang Fertile Crescent sa Kanlurang Asya ang lundayan o pinagsimulan ng
sibilisasyon sa Asya at sa buong mundo?
A. Ang lugar ay mayroong lupain ng kabundukan at talampas na angkop sa pagpapastol ng
mga hayop.
B. Isang malawak na tangway ang lugar na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig na angkop
panirahan.
C. Nagtataglay ito ng matabang lupain at saganang suplay ng tubig na angkop sa pamumuhay
ng mga tao.
D. May katamtamang klima na angkop sa pamumuhay ng mga tao.

10. Alin ang HINDI ang kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya?


A. Nagkakaroon ng pansariling pagkakakilanlan o identidad.
B. Nagkakaroon ng pagsasarili o inclusivity sa larangang politikal, panlipunan at pang
ekonomikal na mga patakaran.
C. Napapabilis ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga usaping pang ekonomiya,
pampolitika at panlipunan.
D. Higit na napapadali ang pagtamo ng kalinangan, kaunlaran at kapayapaan sa mga rehiyon.

11. Alin sa sumusunod na aspekto ng pamumuhay ng tao ang pangunahing nabibiyayaan sa ugnayan
ng kapaligiran at tao?
A. Politikal C. Teknolohikal
B. Sosyolohikal D. Ekonomiya o Pangkabuhayan

12. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang nakakamit ng tao sa anyong tubig


maliban sa _______.
A. napagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng mga lamang-dagat
B. napagtatapunan ito ng mga basura
C. nagsisilbi itong daan para sa transportasyon at komunikasyon
D. napapakinabangan ito bilang atraksiyon sa mga turista

13. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang natatamo ng mga tao sa mga anyong lupa maliban sa
________.
A. Nagsisilbing natural na depensa o proteksiyon sa mga kalamidad tulad ng bagyo.
B. Nagbibigay-daan sa transportasyon at komunikasyon ng mga tao.
C. Imbakan o tapunan ng mga solid waste at iba pang basura ng tao.
D. Napagkukunan ng ikabubuhay tulad ng mga pagkain at iba pang pangangailangan

14. Ang sumusunod ay mga hakbang na maaaring isagawa upang maging maayos at mapaigting ang
ugnayan ng kapaligiran at tao maliban sa ___________.
A. Alamin ang gamit at limitasyon ng ating kapaligiran.
B. Protektahan at iwasan ang mga maling gawain tulad ng pang aabuso sa kapaligiran.
C. Gamitin ang kapaligiran ng naaayon sa kaisipan na ang likas na yaman ay napapalitan at
may natural na proseso ng pagpapanumbalik.
D. Sumunod sa mga patakaran at batas ukol sa pangangalaga at paggamit ng kapaligiran.
15. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral sa ugnayan ng tao at kapaligiran
sa Asya maliban sa isa, alin ito?
A. Bilang Asyano, tayo ay nabibilang sa kontinente ng Asya kung kaya’t mahalaga ang
kaalaman sa heograpiya at katangiang pisikal upang lubos na makilala ang lahing Asyano.
B. Ang kaalaman sa kapaligiran o katangiang pisikal ng Asya ay makakatulong upang matukoy
natin ang pagkabuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
C. Gamit ang malilikom na mga kaalaman, magkakaroon tayo ng kabatiran sa heograpiya ng
Asya na magiging daan upang matukoy natin ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay
bilang Asyano.
D. Ang kaalaman sa pisikal na katangian ng Asya ay lubusang makakatulong upang maging
mariwasa ang pamumuhay ng mga Asyano.

16. ng yugto ng kaunlaran ng isang lipunan simula sa pamumuhay na nakagawian at pinipino ng


maraming pangkat
A. Kalikasan C. Teknolohiya
B. Kabihasnan D. Kultura

17. Ang sumusunod ang kapakinabangang nakakamit ng tao sa anyong tubig?


A. napagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng mga lamang dagat
B. napagtatapunan ito ng mga basura
C. ginagawa itong tirahan
D. tinatanman ng mga halaman

18. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang natatamo ng mga tao sa mga anyong lupa maliban sa
________.
A. Nagsisilbing natural na depensa o proteksiyon sa mga kalamidad tulad ng bagyo.
B. Nagbibigay-daan sa transportasyon at komunikasyon ng mga tao.
C. Napagkukunan ng ikabubuhay tulad ng mga pagkain at iba pang pangangailangan
D. Wala sa nabanggit ay hindi kapakinabangan sa anyong lupa.

19. Ang sumusunod ay mga hakbang na maaaring isagawa upang maging maayos atmapaigting ang
ugnayan ng kapaligiran at tao.
I. Alamin ang gamit at limitasyon ng ating kapaligiran.
II. Protektahan at iwasan ang mga maling gawain tulad ng pang aabuso sa kapaligiran.
III. Gamitin ang kapaligiran ng naaayon sa kaisipan na ang likas na yaman ay lahat napapalitan
at may natural na proseso ng pagpapanumbalik.
IV. Sumunod sa mga patakaran at batas ukol sa pangangalaga at paggamit ng kapaligiran.

Alin sa sumusunod ang maaari mong isagawa?


A. I at II C. I, II at IV
B. B. II at III D. I, II, III at IV

20. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aralan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa Asya maliban
sa isa, alin ito?
A. Gamit ang malilikom na mga kaalaman, magkakaroon tayo ng kabatiran sa heograpiya ng
Asya na magiging daan upang matukoy natin ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay
bilang Asyano.
B. Ang kaalaman sa pisikal na katangian ng Asya ay lubusang magpapayaman sa mga
Asyano.
C. Bilang Asyano, tayo ay nabibilang sa kontinente ng Asya kung kaya’t mahalaga ang
kaalaman sa heograpiya at katangiang pisikal upang lubos na makilala ang lahing Asyano.
D. Ang kaalaman sa kapaligiran o katangiang pisikal ng Asya ay makakatulong upang matukoy
natin ang pagkabuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
II. PILIIN SA KAHON
PANUTO: Tukuyin mo ang ipinahahayag sa bawat bilang. Piliin mo ang tamang salita ng
tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Nepal Myanmar Afghanistan

Saudi Arabia China Japan

Turkey Pakistan Indonesia

Siberia

21. Sakop ng bansang ito ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaring bungkalin at ito’y pagtatamnan
ng iba’t ibang uri ng pananim.
22. Ito ang pinakamalaking tagapag-luwas ng petrolyo sa buong daigdig.
23. Matatagpuan ito sa talampas ng Anatolia. Marami itong depositing mineral ngunit karamihan ay
hindi pa nalilinang.
24. Tanyag ang bansang ito sa pagtatanim ng opyo bagama’t ipinagbabawal ito ng pamahalaan.
25. Ang kagubatan ng bansang ito ay matatagpuan sa mga gulod ng bulubunduking Himalayas.
26. Sa mga baybaying dagat ng bansang ito matatagpuan ang mga gubat bakawan.
27. Sa kagubatan nito matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo.
28. Naggagaling sa bansang ito ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog-Silangang Asya at ang mahigit
sa 35% ng liquefied gas sa buong daigdig
29. Anong lugar ang may pinakamalaking supply ng troso sa kontinente ng Asya.
30. Anong bansa ang mayroong malawak na sector ng manufacturing na tinatayang saklaw ang ikaapat
na bahagi ng populasyon nito?

IV. TUKUYIN
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na likas na yaman ay YAMANG GUBAT, YAMANG TUBIG,
YAMANG LUPA o YAMANG MINERAL. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Yamang Gubat C. Yamang Lupa


B. Yamang Tubig D. Yamang Mineral

31. Troso 36. Sibuyas


32. Ginto 37. Trigo
33. Palay 38. Karbon
34. Caviar 39. Asin
35. Langis 40. Sugar beets

Inihanda ni: Iwinasto ni:


SHANE B. BARRANDA GENEROSA N. MORENO
Subject Teacher School Head

You might also like