You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
CABOTONAN HIGH SCHOOL
Omalo, Lagonoy, Camarines Sur
S/Y 2022-2023

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan:___________________________________ Seksyon:_________________ Iskor

I. MULTIPLE CHOICE
PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino sa mga sumusunod ang maaari mong ituring na kapuwa?


a. Ang mga nagtatrabaho sa hospital na itinataya ang buhay dahil sa nakamamatay na Novel Corona
Virus.
b. Ang mga pulis na nagbibilad sa init para harangin ang naglalakbay sa kabila ng pagbabawal ng
batas.
c. Ang mga nasa gilid ng kalsada dahil walang masilungang bahay.
d. Ang lahat ng mga tao na nabanggit.
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagkapuwa?
a. “Mga walanghiya kayo! Sinaktan niyo ako! Gagantihan ko kayo!”
b. “Maghahanda tayo ng pagkain para sa mga bilanggo.”
c. “Umalis ka na. Huwag mo nang hintayin na may masamang mangyari sa ‘yo!”
d. “Sasama lang ako sa ‘yo kung papayag ka sa mga hihilingin kong kondisyon.”
3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa?
a. Paglikom ng pondong pambili ng pagkain para sa mga nawalan ng trabaho.
b. Hindi paglabas ng bahay dahil sa takot sa kumakalat na nakamamatay na sakit.
c. Pagsingil ng upa sa bahay kahit alam na walang kinita ang nangungupahan.
d. Pagsasawalang-kibo sa kabila ng pag-apak sa mga karapatan ng mamamayan.
4. Sa mga sumusunod na sitwasyon, sino ang maituturing mong kapuwa?
a. Ang lalaking nakatira sa dyip dahil sa kahirapan.
b. Ang isang pulitiko na nangako ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan.
c. Ang nangangasiwa ng malaking kumpanya at nangunguna sa bansa.
d. Ang babaeng matatag at malakas sa gitna ng mga pagsubok.
5. Sino sa mga sumusunod ang nararapat na pahalagahan bilang kapuwa?
a. Enhinyero
b. Kaaway
c. Guro
d. Senador
6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging daan upang matukoy kung sino ang ating kapuwa?
a. Pagkilala sa dignidad nila bilang tao
b. Pagbibigay ng agarang tulong
c. Pagkuha ng simpatiya nila
d. Paghanap ng maibibigay sa kanila
7. Sino sa mga sumusunod na tao ang maituturing mong kapuwa mo mag-aaral?
a. Si Trina na palaging huli kung pumasok dahil sa kaka-YouTube sa gabi.
b. Si Fe na walang baon sa tanghalian pero pumapasok pa rin.
c. Si Cris na nakita mong umakyat kanina sa pader at sumira sa mga tanim.
d. Si Jay-R na nagsumbong ng lahat ng ito sa inyong guro.
8. Anong paraan ang gagamitin mo para makilala nang mabuti ang iyong kapuwa?
a. Magbabayad ako ng makikipanayam sa kanila.
b. Magbabasa ako ng mga ulat tungkol sa kanila.
c. Personal akong bibisita sa kanila.
d. Maghihintay ako sa sasabihin ng pamahalaan.
9. Ano ang halaga ng pagtukoy sa kapuwa?
a. Mas makikilala mo ang kapuwa mo sa pamamagitan nito.
b. Maraming malalaman tungkol sa pangangailangan nila.
c. Mabibigyang-pansin ang pinakagusto nila.
d. Magbibigay ito ng tamang solusyon sa kanilang problema.
10. Alin sa mga sitwasyon ang naglalarawan ng tunay na pagtukoy sa kapuwa?
a. Pakikisalamuha sa lahat ng uri ng tao.
b. Pakikipag-usap sa mga kakilala tungkol sa iba’t ibang sitwasyon.
c. Pagtanaw sa kanilang kinalalagyan.
d. Pagbibigay ng anumang hilingin nila.
11. Alin sa mga sumusunod ang naipakikita ng tao ang pagmamalasakit sa kapwa, pagtulong, pakikiramay at
bayanihan?
a. pagkamabuti
b. pakikipagkapwa-tao
c. pagmamahal
d. pagmamalasakit
12. Anong katangian ng mga Pilipino ang nagpakita na ang pagmamahal ay indikasyon sa pakikipagkapwa?
a. pagpapakita ng malasakit sa nangangailangan
b. hindi pagiging sensitibo sa uri ng pakikipag-ugnayan
c. may kakayahang mag-impluwensiya sa paggawa ng kabutihan
d. marunong makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na loob
13. Paano maipakikita ang katarungan at pagmamahal sa kapwa?
a. kung hindi sa lahat ng pagkakataon handang ibahagi ang sarili
b. kung may hangaring makatulong sa ibang tao dahil sa pansariling interes lamang
c. kung ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa kapwa kapalit ng isang bagay
d. kung ang pagkikipag-ugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa kapwa nang walang
hinihintay na kapalit
14. Napag-alaman mong walang baon ang iyong kaklase kaya hindi siya pumupunta sa kantina tuwing recess.
Ano ang iyong gagawin?
a. bibigyan ng tirang tinapay
b. bibili ng biskit at ibibigay sa kanya
c. pauutangin ng perang pambili ng baon
d. hihingi sa ibang kaklase at ibibigay sa kanya
15. Inanyayahan ni Jane ang kanyang mga kaibigan na sumali sa programa ng kanilang purok na “Oplan Linis”.
Sinabi ng kanilang purok lider na bibigyan sila ng sahod sa paglilinis ngunit tinanggihan nila ito. Tama ba
ang kanilang ginawa?
a. hindi, dahil hindi biro ang maglinis at tiyak napagod sila
b. hindi, dahil may perang nakalaan para dito at kailangan itong gamitin
c. oo, dahil hindi naman kailangang tumanggap ng bayad sa pagtulong, sapat nang nakita ng mga tao
na ikaw ay mabait
d. oo, dahil ang pagtulong sa mga gawain sa lipunan ay nagpaunlad ng aspektong panlipunan at
pulitikal ng isang tao na nagpakita ng pagmamahal at malasakit sa kapwa
16. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng katarungan at pagmamahal sa kapwa?
a. pagbili ng lapis para sa kaklase dahil nawala mo ang kanyang lapis
b. pagsagawa ng outreach program ng magkaibigan sa mga nasalanta ng bagyo
c. pagsama sa paglilinis sa inyong barangay dahil ito ay proyekto sa isang asignatura
d. pagbigay ng pagkain kay Jake bilang ganti sa pagpapainom ng kanyang baong tubig
18. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng likas na katangian ng tao na ipinagkaiba nito sa ibang nilalang?
a. ang pagiging tapat sa tungkulin
b. ang pagkakaroon ng kakayahang mag-isip
c. ang pagkakaroon ng kakayahang tugunan ang pansariling pangangailangan
d. ang pagkakaroon ng kakayahang mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito
19. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
b. pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
c. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
d. pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
20. Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa Romano 14:7 na “Sapagkat ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay
sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili”?
a. Ang tao ay nabubuhay para sa pansariling kapakanan.
b. Ang tao ay hindi maaaring mabuhay nang mag-isa at hindi nakibahagi sa lipunan.
c. Ang tao ay may makasasama ngunit hindi ibig sabihing tutulong ito sa anumang bagay.
d. Ang tao ay maaaring mabuhay nang mag-isa sa mundo hangga’t may sapat itong kaalaman.

II. PAGBUO NG KONSEPTO


Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang mahalagang konsepto. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. susi d. nabubuhay
b. makibahagi e. mamuhay
c. pakikipagkapwa-tao

Ayon sa Romano 14:7, “Sapagka’t ang sinoman sa atin ay hindi (21) ___________________ sa kaniyang
sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.” Ibig sabihin, sino mang tao o ano man ang kanyang
estado sa lipunan ay kailangang (22) _____________ sa lipunan at (23) _____________ sa kung ano man ang likas
na batas o sitwasyon na umiiral sa isang lipunan. Ang (24) _______________ sa pagpaunlad ng sarili at pagbuo ng
lahat ng aspekto ay sa pamamagitan ng (25)___________________ at pagkatuto sa mga karanasan na nakukuha
sa pakikisama sa iba.

III. SANHI o BUNGA


Panuto: Unawain sa bawat sitwasyong ibibigay kung ang bahaging may salungguhit ay SANHI o BUNGA ng
katarungan at pagmamahal sa pakikipagkapwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

26. Nais mong mapanatiling malinis ang inyong lugar kaya’t nagkusa kayo ng iyong mga kaibigan na walisan
ang mga kalsada sa inyong barangay.

27. Binilhan mo ng bagong laruan ang iyong kapatid dahil nasira mo ang kanyang lumang laruan at saktong
kaarawan din niya.

28. Nahihirapan ang kaklase mo sa Math kaya’t nag-alok ka ng libreng tutorial sa kanila tuwing recess.

29. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagbigay ng donasyon para sa mga batang naulila sa magulang dahil sa
Bagyong Ambo.

30. Nakikita mong hindi sinagutan ng kaklase mo ang gawaing binigay ng inyong guro dahil wala siyang papel ,
kaya nag-alok kang bigyan siya ng isang piraso at nagpasalamat sa iyo ang iyong kaklase.

Prepared by: Reviewed by:

SHANE B. BARRANDA GENEROSA N. MORENO


Subject Teacher School Head

You might also like