You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02-Cagayan 6
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ABUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabeseria 27 Abuan, City of Ilagan, Isabela
UNANG MARKAHANG PASUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9
_________________________________________________________________________________________

NAME: _____________________________ MARKA: _____________ LAGDA NG MAGULANG


_____________

“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will
make your paths straight” - Proverbs 3:5-6

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong.

1. Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________.
a. kontribusyon b. gampanin c. pagmamahalan d. katalinuhan
2. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo at nagpapatupad ng batas sa lipunan?
a. pamahalaan b. pamilya c. simbahan d. paaralan
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa elemento ng kabutihang panlahat?
a. kapayapaan c. paggalang sa indibidwal na tao
b. katiwasayan d. tawag ng katarungan
4. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat sa, alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagrespeto sa
kapwa?
a. kapayapaan c. paggalang sa indibidwal na tao
b. katiwasayan d. tawag ng katarungan
5. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat, alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkamit at
pagbibigay nghustisya sa tao?
a. kapayapaan c. paggalang sa indibidwal na tao
b. katiwasayan d. tawag ng katarungan
6. Batay sa mga elemento ng kabutihang panlahat, alin sa mga sumusunod ang makakamit kung may katahimikan,
kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay?
a. kapayapaan c. paggalang sa indibidwal na tao
b. katiwasayan d. tawag ng katarungan
7. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang
lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang?
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga
sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo
dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat
ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang
pagkatao.
8. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay?
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapagisa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
9. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni?
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
10. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa?
a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
11. Alin ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalitpagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
d. wala sa nabanggit
12. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga
ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.
13. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
14. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
a. pakikipagkapwa-tao b. pagbibigayan c panghuhusga d. paggalang
15. Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao. Aling sektor ang nakaaapekto sa
kaalaman ng tao?
a. pamahalaan b. simbahan c. paaralan d. ekonomiya
16. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang
panlahat sa tahanan at pamilya?
a. Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
b. Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
c. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
d. Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.
17. Si Gwen ay mahilig mag-post sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na mga
kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga mahihirap. Mula
sa sitwasyon sang ayon kaba sa ginawa ni Gwen?
a. Oo, dahil may karapatan si Gwen na ipakita sa buong mundo ang kaniyang ginagawang pagtulong.
b. Oo, upang magkaroon ng malaking utang na loob ang mga tao sa Kaniya.
c. Hindi, dahil ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa puso at hindi pagpapakitang tao lamang.
d. Hindi, dahil pagpapasikat lamang ang kaniyang mga ginagawang
pagtulong.
18. Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa
pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
a. simbahan b. pamahalaan c. paaralan d. komunidad
19. Ang pakikilahok sa rally ng mga grupong aktibista, pagsalungat sa hakbang ng gobyerno, pagpo-post ng bulgar
na memes sa social media, paggawa ng mga sensitibong artikulo at pahayag laban sa gobyerno ay iilan sa mga
halimbawa ng “freedom of expression”. Matatawag ba na mga halimbawa ng kabutihang panlahat ang nakasaad
sa talata?
a. Oo, dahil ito ay paglalabas lamang ng sariling hinaing laban sa gobyerno.
b. Oo, dahil mas mabilis na maiintidihan ng iba ang sariling hinaing laban sa gobyerno
c. Hindi, dahil naaapakan mo ang integridad at pagkatao ng iyong kapwa ng walang tamang basehan.
d. Hindi, dahil may hangganan ang freedom of expression at ang mga ito ay hindi naaayon sa karapatang
pantao at mga pinapairal na batas.
20. Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low-income families sa gitna
ng COVID-19 pandemic
b. Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng COVID-19
pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.
c. Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong-medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat
komunidad.
d. Pagbibigay ng libreng PhilHealth sa mga kwalipikadong beneficiaries na walang kakayahang magbayad ng
Health Insurance.
21. Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?
a. Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
b. Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain.
c. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
d. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao.
22. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ano ang pinapahiwatig ng pangungusap na ito?
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
23. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang nagawa
mo para sa iyong bansa.” Sinong bantog na pilosopo ang nagwika ng kataga?
a. St. Thomas Aquina b. John F. Kennedy c. Aristotle d. Bill Clinton
24. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang
lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao.Ano ang ibig saihin nito?
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga
sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo
dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat
ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng
e. kaniyang pagkatao.
25. Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipagugnayan upang magkaroon tayo ng
matiwasay na lipunan?
a. Huwag makikipag-usap sa mga tao sa pamayanan.
b. Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan.
c. Kumustahin at makipagtalastasan sa ating kapwa upang magkaroon ng maayos na lipunan.
d. Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makikipag-usap.
26. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangan pareho ng bawat indibidwal. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na
nasalungguhitan?
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
d. Mali, dahil ay natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
27. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
a. Kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
28. Ano ang Kabutihang panglahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
29. Sa kasalukuyan (Covid-19 pandemic), ano ang maaari nating maiambag sa ating pamahalaan upang magkaroon
ng maayos na lipunan?
a. Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya.
b. Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan.
c. Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan.
d. Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa ating kaligtasan.
30. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
b. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
c. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
d. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito.
31. Alin ang nagpakita ng kabutihang panglahat? “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng
bawat indibidwal” Ang pangungusap ay?
a. Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may ibat-ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
32. Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na
manaig sa lipunan”
a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mgakarapatan ng tao.
b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na Batas.
c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin.
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat?
a. Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda.
b. Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang Covid 19.
c. Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan.
34. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Nakikitang naglalaro si Jane sa kalsada kasama ang mga kaibigan.
b. May bayanihan sa paglilinis ng pamayanan nina Marko at isa siya sa tumutulong na magbuhat ng mga
mabibigat na bagay.
c. Naglilinis ng bahay ang nanay ni Ella habang siya ay nakahiga.
d. Nagluluto ang mga kapatid nina Joel at Ana para sa piknik.
35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Makisali sa kaguluhan sa inyong barangay.
b. Sumama sa kilusan ng barangay sa pamimigay ng pangunahing pangangailangan ng mga lubos na
nangangailangan.
c. Hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang gumawa ng paraan.
d. Magbigay
36. Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
a. Para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/ pamayanan.
b. Para maging maayos ang buhay ng bawat isa.
c. Upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila.
d. Para sa ikauunlad ng bayan
37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang panlahat?
a. Pakikiisa sa proyektong paglilinis.
b. Tutulong kung tutulong din ang mga kaibigan.
c. Tutulong kung may bayad na matatanggap.
d. Pag-iwas sa pagtulong sa paglilinis sa barangay dahil nahihiya kang makita ng mga kakilala mo.
38. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa?
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pakikipagkapwa-tao b. Pagbibigayan c. Panghuhusga d. Paggalang
40. Nagpapakita ba ng kabutihang panlahat ang pagtatanggol sa kapwa kapag siya ay inaapi?
a. Oo, sapagkat ito ay tungkulin natin bilang isang tao na nagpapamalas ng kabutihan sa kapwa.
b. Oo, sapagkat sa hinaharap ay makakatulong din sila sa atin.
c. Hindi, sapagkat tayo ay madadamay sa ginagawang pag-aapi sa ating kapwa.
d. Hindi, sapagkat hindi natin tungkulin ang tumulong sa iba.
41. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?
a. Ang pagtulong sa paaralan
b. Ang pagpatayo ng mga pampublikong gusali
c. Ang pag kupkop sa mga dukha
d. Ang pagtulong ng pamahalaan sa pamayanan
42. . Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?
a. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
b. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
c. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng pagkakaisa.
d. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.
43. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng komunidad?
a. pamilya b. simbahan c. paaralan d. bansa
44. Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moral sa mga kabataan?
a. Hikayating sumali sa mga paligsahang lokal.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay.
c. Gabayan na mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampolitikang adhikain.
45. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?
a. Institusyong pinapairal ng batas
b. Institusyong binubuo ng prinsipyong pulitikal
c. Isang pangkat na nag-uugnayang tao
d. Isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan
46. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. bahay-aliwan d. simbahan
47. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang ________.
a. kabutihan para sa sarili c. kakainin sa susunod na araw
b. kabutihan para sa iba d. maka-mundong Gawain
48. Anong dahilan kung manatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________.
a. kontribusyon b. gampanin c. pagmamahalan d. katalinuhan
49. Alin ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan?
a. kabuuan ng dignidad c. kaangkupan sa iba
b. kabutihang-panlahat d. may takot sa batas
50. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin para sa mga Out of School Youth?
a. Hikayatin silang mag-aral sa pamamagitan ng ALS program.
b. Imungkahi sa kanila na makilahok sa panlipunang protesta.
c. Hikayating mag apply ng trabaho sa ibang bansa.
d. I-suggest na makilahok sa pang komunidad na gawain.

Prepared by: Checked by:

SHERYL ANN T. DIONICIO PRISCA ROMELA C. BUENAVENTURE


Teacher I Head Teacher I

You might also like