You are on page 1of 11

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: KABUTIHANG PANLAHAT:Sandata ng Lipunan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


AssistantRegional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: EmmaleneElopre Mata


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio
Panimula

Isa ang Pilipinas sa nakararanas ng hagupit ng pandaigdigang krisis dulot ng


Pandemikong Corona Virus o COVID-19. Saaraling ito, mauunawaan mo ang
kahalagahan ng konsepto ng kabutihang panlahat at inaasahang masasagot mo ang
mahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananatili an gkabutihang panglahat?
Bakit ba mahalagang ito ay makamit at mapanatili?

Layunin

1.1 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinaka angkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila
University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nanganga
hulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at
hinuhubog ng lipunanan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sakaniyang pagsilang ay
nariyan na ang pamilyang nag-aaruga s akaniya; binubuo ng lipunan ang
tao dahil matatagpuan ang tao salahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon
ang nagpapalago at nag papatakbo rito; binubuo ng lipunan ang tao
dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at
dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan
ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng
pagkatao.

2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kay
sa nagagawa ng iba.

1
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sapagkamit nito.
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Salipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin
samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi
ng mga kabilang dito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nag kakaisang interes,
mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno
ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Salipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na
kanilang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sakomunidad, ang
mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Salipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang
sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya naka pamumuhay.
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating
kapwa.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nag nanais na makapag-
isa.
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.
5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para saiyo, kundi itanong
mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay
winika ni:
a. Aristotle
b. St. Thomas Aquinas
c. John F. Kennedy
d. Bill Clinton
7. Anoang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan
b. kabutihangpanlahat
c. katiwasayan
d. kasaganaan

2
8. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.
Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit
ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailanganang bawat
isang indibidwal.
d. Mali, dahilang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda
ng mga layunin.

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang


pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa
mga karapatan ng tao.
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas
na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

3
Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa

Gawain:
1. Tukuyin ang salitang hinahanap sa bawat bilang gamit ang mga larawan

P A _ _ _ L A N _ K A _ A Y _ _ A _ N K _ T A _ _ N G _ _

2. Mahalaga ba ang mga ito upang makamit mo ang ikabubuti ng iyong sarili,
kapwa, at lipunan? Pangatwiranan.

Pagpapalalim

Kabutihang panlahat- ang tunay natunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng


komunidad nanararapat na bumalik sa bawat kasapi nito. Ipinaliwanag ni Sto Tomas
de Aquino na ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat
indibidwal. Ayon naman kay John Rawis ang kabutihang panlahat ay ang pang
kalahatang kondisyong pantay naibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng
kasapi ng isang lipunan, ito ay tumutukoy din sakabutihan na naayon sa moralidad ng
tao, sa Likas na Batas Moral.

4
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao
• Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng
namumuno rito na ang karapatan ng bawat indibidual ay kinikilala, iginagalang,
pinoprotektahan at pinahahalagahan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
• Sinusukat ito sa mga pampublikong Sistema ng pangangalaga ng kalusugan,
epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad, kapayapaang
namamagitan sa bawat bansa sa mundo; makatarungang sistemang Legal at
pampulitika;malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.
3. Ang kapayapaan
• Ito ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng
kaguluhan.

Pagsasapuso

Gawain 1

Bilang mamamayan, tumukoy ng tig-iisang halimbawa na sitwasyon na


nagpapakita ka ng mga elemento ng kabutihang panlahat. Maaaring gawing basehan
ang mga nangyayari sa iyong paligid.

PAGGALANG KAPAYAPAAN KATARUNGAN

5
Gawain 2

Ipaliwanag ang mga kahalagahang natutunan mo sa aralin tungkol sa mga


elemento ng Kabutihang Panlahat namagagamit mo sa pang-araw-araw mong
pamumuhay.

1. Paggalang sa indibidwal na tao.

__________________________________________________

2. Tawag ng Katarungan

__________________________________________________

3. Kapayapaan

_______________________________________________________

Pagsasabuhay

Sumulat ng isang tula o sanaysay patungkol sakabutihang panlahat o di naman


kaya ay panoorin ang video tungkol sa kabutihang panlahat at gumawa ng isang
reaksyon/ reyalisasyon patungkol dito.

What exactly is the Common Good?


https://youtu.be/x6oSJg6wuBg

6
Pagtataya

Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay tumutukoy sa


PAGGALANG, KAPAYAPAAN, o KATARUNGAN.
1. Panalangin para sa araw araw nakaligtasan ng lahat ng tao sa panahon ng
krisis.
2. Pagkilala sa iba’tibang pananaw o paniniwalang ispiritwal ng ibang tao.
3. Pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang nangangailangan nang walang pinipili.
4. Pagsunod sa mga kautusan o batas na ibinigay ng gobyerno.
5. Hindi pakikiisa sa mga diskriminasyong kinakaharap ng mga frontliners.
6. Sama-sama ang pamilya sa pagharap sa mga suliranin.
7. Hindi pakikisangkot sa mga walang kabuluhang alitan.
8. Pakikinig sa mga opinyon ng miyembro ng pamilya.
9. Pagtulong sa mga nangangailang pamilyang apektado ng pandemiko.
10. Panatag na pagtitipon para sa usapin nangangailangan ng atensyon.

Kasunduan

Ibahagi ang iyong natutunan sa modyul na ito tungkol sa ginagampanan ng bawat


isa sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Gawin ito sa pamamagitan ng isang tula na
may angkop na pamagat.

7
SUSI SA KASAGUTAN
Paunangpagtataya
1. D
2. B
3. A
4. B
5. B
6. C
7. B
8. D
9. C
10. B

Pagtataya (VII)
1. Kapayapaan
2. Paggalang
3. Katarungan
4. Katarungan
5. Paggalang
6. Kapayapaan
7. Kapayapaan
8. Paggalang
9. Katarungan
10. kapayapaan

8
SANGGUNIAN
EsP G9 Curriculum Guide
EsP G9 Learner’s Material
EsP G9 DLP
https://ilovepik.com/image-401597546/hand-drawn-dove-of-peace.html
https://images.app.goo.gl/ANnexSt99kz29Shc8
https://images.app.goo.gl/2CR5wJ9ZZ39En2no9
larawanmulasa Grolier’s Talking English Book

Pinagkunan ng video:
https://youtu.be/x6oSJg6wuBg

You might also like