Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region III
Division of Zambales
SAN GUILLERMO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Marcelino
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 9
First Grading Period Examination
S.Y. 2018 - 2019
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de ManialUniversity, binubuo ng tao ang lipunan
at binubuo ng lipunan ang tao. Ito aynangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan athinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan naang pamilyang nag-aaruga sa
kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahilmatatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalagoat nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan angnagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahilmatatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahilsa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle c. John F. Kennedy
b. St. Thomas Aquinas d. Bill Clinton
1
7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan c. katiwasayan
b. kabutihang panlahat d. kasaganaan
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito laman matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipuna
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo
ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat
12. Maaaring uriin ang lipunan sa dalawa, artipisyal at natural. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng natural na
lipunan;
a. korporasyon b. pamilya c. unibersidad d. bansa
16. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
a. Mga Batas c. Kabataan
b. Mamamayan d. Pinuno
2
18. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay
ng balat.
a. Ninoy Aquino c. Martin Luther King
b. Malala Yuosafzai d. Nelson Mandela
20. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit
na matupad ang layuning ito
a. Lipunang Pulitikal c. Komunidad
b. Pamayanan d. Pamilya
28. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
29. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya
itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng
buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit
3
30. Ang yaman ng mundo ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang:
a. magamit sa negosyo
b. kilalanin Siya at dakilain ng kanyang mga nilikha
c. gamitin at pamahalaan nang wasto
d. pagmasdan at hangaan
32. Ang pagpapahalagang dapat linangin upang mapangalagaan ang mga yamang kaloob ng Diyos sa tao ay:
a. paggalang c. pagiging masinop
b. mapanagutang pamamahala d. pagiging masipag
33. Ano ang pinakamakatwirang dahilan kung bakit ang katiwalian ay isang palatandaan na hindi maayos ang
pamamahala sa kaban ng pamahalaan?
a. Nasasayang ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan.
b. Hindi naibibigay sa mga mamamayan ang proyekto at serbisyong panlipunan na makatutugon sa kanilang
pangangailangan.
c. Nawawala ang tiwala ng mamamayan sa mga pinuno.
d. Hindi maitaas ang suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan
36. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
4
c. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
d. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
e. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
43. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng
tinatamasa. relihiyon.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa
magulang. paghahanap ng katuturan ng buhay.
44. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
a. kawalan ng pangmatagalang liderato. c. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
b. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan. d. panghihimasok ng estado
46. A public office is a public trust. Anong pagpapahalaga ang napapaloob dito?
a. paggalang c. pakikiisa
b. pananagutan d. wala sa nabanggit
47. Serbisyo publiko ang tawag sa gawain ng mga kawani ng pamahalaan sapagkat:
a. ang mamamayan ang kanilang c. pinatatakbo nila ang mga ahensya ng
pinaglilingkuran pamahalaan
b. tumutulong sila sa kaunlaran ng bansa d. wala sa nabanggit
50. Ang tanggapan ng pamahalaan na tumatanggap ng mga reklamo laban sa mga kawani ng iba’t-ibang tanggapang
pampamahalaan ay ang:
a. Commission on Human Rights c. Civil Service Commission
b. Commission on Cultural Affairs d. Commission on Civil Rights