You are on page 1of 18

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato
sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
(Ikalawang Bahagi)
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong
Muslim) sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Analy S. Callao


Editor: Lowie R. Dejos
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Josephine T. Sardan
Tagaguhit:
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Carmelita A. Alcala EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio


Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 111E-mail Address negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Sa araling ito, maipapaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim sa
kanilang relihiyong sinasaniban. Mahalagang malaman at matukoy kung bakit naging
matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at mapanatili ang
kanilang kalayaan laban sa mga mananakop.
Sa module na ito, ikaw ay inaasahan na makakamit ang mga sumusunod na
mga layunin:

Most Essential Learning Competency: Naipaliliwanag ang pananaw at


paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa Pagpapanatili ng kanilang
kalayaan (Code: AP5PKB-IVe-3)

K - Natutukoy ang mga sunod-sunod na pangyayari kung paano ipinagtanggol ng


mga Muslim ang kanilang nasasakupan sa pananakop ng mga dayuhang
Kastila sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.
S - Nakapagbibigay ng mga hinuha sa pananaw at paniniwala ng mga Muslim
hinggil sa pagpapanatili ng kanilang Kalayaan.
A - Naipagmamalaki at natutularan ang magandang kaugalian ng mga kapwa
Pilipinong Muslim para maisakatuparan ang mga hangarin at mithiin sa
pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

1
Subukin
Lagyan ng tsek ( / ) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis ( X ) kung hindi. Gawin ito sa
notbuk.
______1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

______2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga Muslim
kung kaya ito ay kanilang ipinaglaban.

______3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking


digmaan hanggang kamatayan.

______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong


Katoliko.

______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang


kinagisnang relihiyon.

______6. Naging matatakutin ang mga Muslim sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.

______7. Gusto ng mga Muslim na magpasakop sa mga dayuhan.

______8. Lumalaban sila sa lahat ng pagkakataon anuman ang kanilang


kahihinatnan sa labanan.

______9. Nais ng mga Muslim na maglingkod sa pamumuno ng mga dayuhan.

______10. Nasakop at nalupig ng mga Kastila ang Kamorohan.

2
Balikan
A. Panuto: TAMA o Mali. Isulat sa inyong papel ang T kung tama ang ipinahahayag
ng pangungusap at M naman kung mali.
______1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
______2. Nakipagdigma ang mga Pilipinong Muslim laban sa mga Espanyol upang
ipagtanggol ang kanilang lupain laban sa mananakop.
______3. Hindi naipagtanggol ng mga Pilipinong Muslim ang kanilang lupain.
______4. Natakot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga katutubong Muslim
dahil organisado ang mga ito.
______5. Ipinakita ng mga katutubong Muslim ang kanilang pagtutol sa mga
dayuhan sa pamamagitan ng pakikipagdigma.
______6. Madaling nahimok ang mga Muslim sa layunin ng mga Espanyol.
______7. Bibliya ang banal na aklat ng mga Muslim.
______8. Lumalaban ang mga Muslim katumbas ng kanilang buhay manatili lamang
ang kanilang Kalayaan.
______9. Hindi organisado ang mga Muslim kaya madali silang nagapi ng mga
dayuhang mananakop
______10. Ipinamalas ng mga Muslim ang kanilang katapangan mapanatili lamang
ang minimithing Kalayaan.

Tuklasin
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa
bawat larawan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Paano ipinagtanggol ng
mga Muslim ang
kanilang nasasakupan
sa pananakop ng mga
Kastila?
https://www.google.com/search?q=labanan%20ng%20mga%20Muslim%20at%20Kastila%20ag
es&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:CeFw-

3
lKg8U_1yYbVhOoodPLH_1&sa=X&ved=0CB0QuIIBahcKEwjY4fqxp6fuAhUAAAAA
HQAAAAAQLA&biw=1349&bih=657#imgrc=dW6iTOmLLp8RNM

Ano ang naging papel


ni Sultan Kudarat sa
pagpapanatili ng
kanilang kalayaan?

https://www.google.com/search?q=hero+sultan+kudarat&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2a
hUKEwiq34n3pqfuAhUE6ZQKHfXyBQ0QrNwCKAB6BQgBEIUC&biw=1349&bih=657#im
grc=MD8pIZB5SH3AGM

Ano ang pananaw


ng mga Muslim
hinggil sa kalayaan?

https://www.shutterstock.com/image-photo/muslims-praying-hyde-
park-after-protesting-535020010

Suriin
Noon pa man sa ating kasaysayan, batid na natin ang katapangan at
paninindigan ng mga kapatid nating Muslim. Sa mahabang panahon na lumipas,
napanatili nila ang kanilang paniniwala at kultura sa kabila ng mahabang panahon na
pananakop ng mga Kastila. Ang masidhing pagyakap at pagtupad ng mga Muslim sa
Islam ang dahilan upang hindi matinag ng mga Kastila ang relihiyong Islam sa kabila
ng masidhing pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo sa buong kapuluan.

Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan

Ang mga Pilipinong Muslim ay nanahanan sa mahabang panahon sa gawing


Mindanao at sa karatig na mga pulo gaya ng Sulu, Tawi-tawi, at Basilan. Ang
relihiyong Islam ay laganap sa mga lugar na ito at ito rin ang isa sa mga naging
pangunahing pang hangaring pagkikilanlan ng mga Muslim kung kaya’t ng dumating
ang mga Kastila taglay maipalaganap ang kristiyanismo ay hindi naging madali ang
pagpasok sa lugar ng mga Muslim. Nabibilang sa mga katutubong Muslim ay ang mga

4
Maranao sa Lanao, Maguindanaon sa Cotabato; mga Tausug sa Jolo; ang mga Yakan
sa Basilan; ang mga Samal sa Sibutu at Sulu; ang mga Jama Mapun sa Cagayan de
Sulu; ang mga Palawanon sa Palawan; at ang mga Siasi sa Tawi-tawi.
Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang
pananampalatayang Islam. Paano’y di lamang nila itinuring na relihiyon ang Islam
kundi it rin ang paraan sa kanilang pamumuhay. Samantalang sa kabilang dako,
ang mga Kristiyano na Pilipino sa Bisayas at Mindanao ay niyakap ang relihiyong
Kristiyanismo kung kaya’t sa labanang Kastila at Muslim ay tumulong ang mga
kristiyanong Pilipino sa kawal na Kastila hindi sa mga kapwa Pilipinong Muslim.
Alam ba ninyo noong panahon ng Kastila ay tinawag ng mga Espanyol ang
mga Muslim na “Moro” sa kadahilanang noong unang panahon ay may isang pangkat
ng mga mamamayan sa hilagang kanluran ng Africa na sumalakay sa Espanya. Ang
pangkat na ito ay kilala sa tawag na “Moor” na may relihiyong “Mohammedanismo” o
Islam na buhat sa lahi ng pinagsamang lahing Arabe at Berber. Kung kaya, tinawag
ng mga Kastila ang mga Pilipinong Muslim na “Moro” buhat sa salitang “Moor”.
Sumidhi ang alitang Kastila at mga Muslim ng salakayin ng mga Kastila ang
Mindanao sa hangaring maipalaganap ang relihiyon sa buong kapuluan. Dahil dito
nagalit ang mga Moro sapagkat ayaw nilang magpasakop sa mga dayuhan. Nais
ng mga Muslim na maglingkod lamang sa pamumuno ng kanilang kalahi.
Dahil dito, pinatunayan ng mga Muslim ang kanilang paninindigan.
Hinadlangan nila ang pagsakop ng mga Kastila. Lumalaban sila sa lahat ng
pagkakataon anuman ang kanilang kahinatnan sa labanan. Gayon ang kanilang
ginawa kung kaya hindi nasakop at di nalupig ng mga Kastila ang Kamorohan.
Puspusan ang ginawang pagtulong ng mga Kristiyanong Pilipino sa mga
Kastila upang magapi ang mga Muslim. Ito ang
naghudyat upang magalit ang mga Muslim at sunugin
ang mga bahay at simbahan. Maraming nasirang
kabuhayan at maraming mga mamamayan ang lalong
nasadlak sa hirap.
Pananaw ng mga Muslim:

1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim


https://www.google.com/search?q=sinunog+ang+mga
sa kanilang kalayaan. +simbahang+Katoliko+ng+mga+Muslim&tbm=isch&ved
=2ahUKEwihiOTPs6fuAhXjGKYKHXHzBGMQ2-

2. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anumang kahinatnan


ng labanan.

3. Hindi nila gusto na sumailalim sa kapangyarihan ng dayuhan.

4. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang “pinuno” datu o


sultan gayundin sa kanilang pamahalaang sultanato.

Ang Digmaang Moro o Paglaban ng mga Muslim

Sa loob ng maraming taon, nagtagumpay ang mga Muslim sa kanilang


pamamahayag ng relihiyong Islam. Naipakita ng matinding pagtutol ng mga Muslim
sa pananakop ang sariling disposisyon ng mga Pilipino hinggil sa usaping kalayaan.
Noong 1578, ipinadala ni Gobernador Francisco Sande ang kauna-unahang
ekspedisyon sa Kamorohan na pinamunuan ng isang Kapt. Esteban Rodriguez de

5
Figueroa. Binubuo ang ekspedisyon ng mga kawal na Kastila at mga Kristiyanong
Pilipino. Ang unang sinalakay ay ang pulo ng Jolo. Natalo ang mga Muslim sa labanan
sa Jolo subalit di naman sila nasakop ng mga Kastila. Gayun na lang ang galit ng mga
Muslim sa pangyayari dahilan upang magpahayag si Sultan Panguian ng “jihad” o
pakikidigma laban sa Kastila.
Nagpadala muli ng ekspedisyon ang mga Kastila noong 1596 sa Cotabato. Ito
ay pinamunuan muli ni Kapt. Figueroa.
Lumaban naman ang mga Muslim sa
ilalim ng pangangasiwa nina Datu
Sirungan at Datu Ubal. Namatay si Kapt.
Figueroa sa labanan.

Matalo man o manalo, di rin


nakalimutan ng mga Kastila ang kanilang
mithiin na masakop ang Kamorohan. Kaya
noong Pebrero 2, 1637 nag-utos si
Gobernador Heneral Hurtado de Corcuera
ng armada na binubuo ng mga kawal na https://www.google.com/search?q=pag-
aalsa+ni+sultan+kudarat&tbm=isch&ved=2ahUKEwigt6z_r
Kastila at mga Pilipino sa Mindanao. Ang qfuAhVD6ZQKHV9SBbIQ2-cCegQIABAA&oq=pag-
pangkat ay nagdaan sa Rio Grande del Mindanao na isa sa mga nangungunang ilog
sa timog ng Pilipinas. Mula roon ay sinalakay ng mga Kastila ang Lamitan na noon ay
pinamumunuan ni Sultan Kudarat. Kinilala noon ang kapangyarihan ni Sultan Kudarat
sa Kamorohan. Nakipaglaban si Sultan Kudarat at ang kanyang mga kawal subalit
dahilan at kakulangan ng armas ay nasakop ng mga Kastila ang Lamitan. Tumakas si
Sultan Kudarat sapagkat ayaw niyang pagapi sa mga dayuhang Kastila.

Dahilan sa pagkapanalo ni Concuera sa Lamitan ay lumakas ang kanyang loob


kung kaya muli siyang bumalik sa Zamboanga noong 1637. Doon siya naghanda
upang lusubin ang Jolo. Nang sinalakay na ng mga Kastila ang Jolo ay hinadlangan
sila ng mga Muslim. Ang labanan sa pagitan ng dalawang panig ay tumagal ng tatlong
(3) buwan. Naganap ang labanan noong 1638. Dahil sa lakas ng mga Kastila ay
nakapasok sila sa Jolo, nakapagpahayag sila ng Kristiyanismo at nakapagpatayo ng
garrison. Masasabi na tanging doon lamang nakapasok ang mga Kastila sa pulo ng
Jolo sa panahon ng kanilang pananakop.

Isang ekspedisyong military ang ipinadala ng pamunuan ng mga Kastila sa


Lawa ng Lanao noong 1639. Ang naturang ekspedisyon ay pinamunuan nina Padre
Agustin de San Pedro at ni Kapt. Francisco Atienza. Sa lugar na di kalayuan sa lawa
nagtayo ng kuta ang dalawa. Sinundan ito ng iba pang ekspedisyon na nagpalakas
ng pwersang Kastila. Pinamunuan ito ni Don Pedro Bermudez de Castro. Nagalit ang
mga katutubong Maranaw at sinalakay ang mga Kastila. Nagkaroon ng labanan at
dahilan sa matinding alitan ay di na nagpadala ang mga Kastila ng mga ekspedisyon
sa mahaba-habang panahon.

Di rin malilimutan ng mga Pilipino si Sultan Alimud Din ng Jolo. Sa kanyang


panahon nagkaroon ng pagbabago sa Jolo dahilan sa kanyang malawak na pananaw.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno sinikap niyang “masusugan” ang batas ng Sulu at
maisalin sa wika ng Sulu ang mga babasahin na nakasulat sa wikang Arabe.
Pinayagan din niya ang mga misyonero na maipahayag ang Kristiyanismo sa Jolo at
gayundin ang pagtatayo ng kuta doon.

6
Subalit di naibigan ng marami ang gawain ni Sultan Alimud Din kung kaya
naagaw sa kanya ang trono ng kanyang kapatid na si Bantilan. Tumakas si Sultan
Alimud Din at nagtungo sa Maynila. Sa lugar na iyon din nagpabinyag bilang Kristiyano
ang Sultan at ang kanyang pamilya. Palibhasa ay malapit sa Kastila si Sultan Alimud
Din, nakatanggap siya ng tulong sa mga Kastila upang mabawi ang trono mula sa
kanyang kapatid na si Bantilan sa tulong ng ekspedisyon na ipinadala ni Gobernador
Obando. Natalo si Batilan at muli ay kinilala bilang Sultan sa Jolo si Sultan Alimud Din.
Naamuk naman ni Fatima, anak ni Sultan Alimud Din na makipagsundo si Bantilan sa
mga Kastila. Dahilan sa magaling na pakikipag-usap ay nahimok ang panig ng Muslim
na pakawalan din ang mga bilanggong kristiyanong Pilipino. Naging mabuti ang
pagtingin ng mga Kastila kay Alimud Din.

Sa pagdaan ng panahon, marami pang labanan ang naganap sa pagitan ng


mga Pilipinong Muslim at mga Kastila. May pagkakataon na natatalo ang mga Muslim
subalit hindi pa rin sila sumusuko. Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa
sila ay umalis, naging malaking hamon ang mga Muslim sa kanila. Maraming
matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol upang hindi sila
masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng sariling armas na kanilang ginamit laban sa
mga dayuhan. May gobernador na nagpadala ng mga kawal upang sakupin ang
Mindanao. Nakapagpatayo sila ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga, ngunit
hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at masakop ang
buong Mindanao. Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil hindi nila napasuko ang
mga Muslim.

Bilang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa may


baybayin ng Luzon at Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at ipinagbili
sa ibang bansa. Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang
matigil ang gawaing ito ngunit hindi nila ganap na masupil ang mga Muslim.

Noong 1851, nakipagsundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang


mahinto ang labanan. Binigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga
Muslim. Binigyan din ng pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang karapatan
sa pagmamana ng mga anak at apo ng Sultan sa trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga
ito, kikilalanin ng mga Muslim ang kapangyarihang Espanya, ihihinto na ang
pananalakay ng mga Muslim at hindi makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat
nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at mga Muslim, kailanma’y hindi nila
napasuko ang mga Muslim.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim (Digmaang Moro)

● Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim subalit dahil
sa pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas gugustuhin pa nilang mamatay
kaysa magpa-alipin sa mga dayuhan.

● Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol


sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

7
Pagyamanin
Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng paglalagay ng bilang 1 – 10.

____a. Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang
mahinto ang labanan.

____b. Noong 1578, ipinadala ni Gobernador Francisco Sande ang kauna-unahang


ekspedisyon sa Kamorohan na pinamunuan ng isang Kapt. Esteban
Rodriguez de Figueroa.

____c. Isang ekspedisyong military ang ipinadala ng pamunuan ng mga Kastila sa


Lawa ng Lanao noong 1639. Ang naturang ekspedisyon ay pinamunuan nina
Padre Agustin de San Pedro at ni Kapt. Francisco Atienza.

____d. Pebrero 2, 1637 nag-utos si Gobernador Heneral Hurtado de Corcuera ng


armada na binubuo ng mga kawal na Kastila at mga Pilipino sa Mindanao.

____e. Nakipaglaban si Sultan Kudarat sa mga Kastila.

____f. Naagaw ni Bantilan ang trono ng pamumuno sa Jolo sa kanyang kapatid na


si Sultan Alimud Din.

____g. Tumakas si Sultan Kudarat sapagkat ayaw niyang pagapi sa mga dayuhang
Kastila.

____h. Nang sinalakay na ang mga Kastila ang Jolo ay hinadlangan sila ng mga
Muslim. Ang labanan sa pagitan ng dalawang panig ay tumagal ng tatlong
(3) buwan. Naganap ang labanan noong 1638. Dahil sa lakas ng mga Kastila
ay nakapasok sila sa Jolo, nakapagpahayag sila ng Kristiyanismo at
nakapagpatayo ng garrison.

____i. Dahilan sa pagkapanalo ni Corcuera sa Lamitan a lumakas ang kanyang


loob kung kaya muli siyang bumalik sa Zamboanga noong 1637. Doon siya
naghanda upang lusubin ang Jolo.

____j. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at mga Muslim,


kailanma’y hindi nila napasuko ang mga Muslim.

8
Isaisip

Likas sa mga Muslim ang pagiging matapang. Ang katangiang ito ang
naging susi upang hindi masakop ng mga Kastila ang mga teritoryong
pinamumunuan ng mga Muslim o nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang
Sultanato. Ang matibay na paninindigan at pagmamahal sa kalayaan ay hindi
nagapi ng mga Kastila.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong para malaman ko kung lubos


ninyong naunawaan ang ating leksiyon.

1. Ano ang relihiyon ng mga katutubong Muslim?


____________________________________________________________

2. Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong Muslim sa


Mindanao?
____________________________________________________________

3. Bakit ayaw magpasakop ng mga Muslim sa mga Kastila?Ibigay ang


iyong hinuha.

__________________________________________________________

4. Bakit nagtagumpay ang mga Muslim sa kanilang pakikipaglaban sa


mga Kastila? Anong paghihinuha ang mabubuo mo sa mga ginawa ng
Muslim mapanatili lamang ang kanilang kalayaan?

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

5. Dapat ba nating tularan ang mga kaugalian ng mga Muslim para sa


kanilang hangarin? Bakit?
________________________________________________________
__

__________________________________________________________
9

__________________________________________________________
_____
Isagawa
A. Isulat sa loob ng bilog ang mga pananaw ng mga Muslim hinggil sa
pananakop ng mga Kastila.

_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
_______________
__________
PANANAW _______________
NG MGA ______________
MUSLIM

________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
___________

10
B. Kilalanin sila batay sa kanilang ginampanang tungkulin sa panahon
ng pakikipaglaban. Itugma ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng
iyong sagot.
HANAY A HANAY B
______1. Sa ilalim ng kanyang pamumuno sinikap a. Sultan Kudarat
niyang “masusugan” ang batas ng Sulu at
maisalin sa wika ng sulu ang mga b. Sultan Alimud Din
babasahin na nakasulat sa wikang Arabe.
______2. Umagaw sa trono ng kapangyarihan kay c. Bantilan
Sultan Alimud Din
______3. Nakalaban ni Sultan Kudarat.
d. Gobernador Francisco
______4. Siya ang nagpadala ng kauna-unahang Sande
ekspedisyon upang sakupin ang
Kamorohan. e. Heneral Corcuera
______5. Naghimok kay Bantilan na makipagsundo
sa mga Kastila.
f. Fatima

Tayahin
A. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa kuwaderno.

1. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol – Muslim?


a. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim.
b. Hindi kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.
c. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas ng mga Espanyol.
d. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol.

2. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa


mga Espanyol?
a. Kasipagan
b. Katapangan
c. Katalinuhan
d. Pagkakaisa

11
3. Bakit nakipagsundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?
a. Upang mahinto ang labanan
b. Upang malinlang nila ang mga Muslim
c. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko
d. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng espanya.

4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


a. Malawak ang lugar na ito.
b. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
d. Nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol.

5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga


Muslim?
a. Dahil masunurin ang mga ito.
b. Dahi mayayaman ang mga ito.
c. Dahil hindi nila inabot ang mga ito.
d. Dahil hindi nila masupil ang mga ito.

B. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot batay sa inilalarawan nito.

Luzon at Visayas Digmaang Moro


Sultan Kudarat Datu Buisan
Sultanato Maguindanao at Sulu
Matapang

1. Pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao.

2. Ugali ng mga Muslim na hindi sila basta nakikipagkasundo.

3. Pinunong Muslim na tumakas dahil ayaw niyang pagapi sa mga dayuhan.

4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga Muslim sa Espanyol.

5. Lugar na sinalakay ng mga Muslim bilang paghihiganti sa mga Kastila.

12
Karagdagang Gawain

Ugali ng mga Muslim ang pagiging matapang. Bilang isang mag-aaral paano mo
maipapakita ang pagiging matapang. Sumulat ng isang talata tungkol dito.

13
14
Subukin Pagyamanin
1. / a. 9
2. / b. 1
3, / c. 7
4. X d. 2
5. / e. 3
6. X f. 8
7. X g. 4
8. / h. 6
9. X i. 5
10. X j. 10
Balikan Isagawa
1.T
A. Batay sa sagot ng Mag-aaral
2.T B. 1. b
3.M 2. c
4.T 3. e
5. T 4. d
6. M 5. f
7. M
8. T Tayahin
9. M A. 1. A B. 1. Sultanato
10. T 2. B 2. Matapang
3. A 3. Sultan Kudarat
` 4. D 4. Digmaang Moro
5. D 5. Luzon at Visayas
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agno, Lydia N., et. al. Araling Panlipunan I (High School). Kasaysayan at Pamahalaan
ng Pilipinas.

Dizon, Joana Marie, et. al. Araling Panlipunan 5. Learner’s Materials, Cabanatuan City
Division, pahina 52 -62

Gabuat, Maria Annalyn P., et. al. Araling Panlipunan 5. Pilipinas Bilang Isang bansa.
Batayang Aklat, Ikalimang Baitang. Quezon City: Vibal Group Inc., 2016

https://www.google.com/search?q=labanan%20ng%20mga%20Muslim%20at%20K
astila%20ages&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:CeFw-
lKg8U_1yYbVhOoodPLH_1&sa=X&ved=0CB0QuIIBahcKEwjY4fqxp6fuAhUAAAAA
HQAAAAAQLA&biw=1349&bih=657#imgrc=dW6iTOmLLp8RNM

https://www.google.com/search?q=hero+sultan+kudarat&tbm=isch&hl=en&sa=X&v
ed=2ahUKEwiq34n3pqfuAhUE6ZQKHfXyBQ0QrNwCKAB6BQgBEIUC&biw=1349&
bih=657#imgrc=MD8pIZB5SH3AGM

https://www.shutterstock.com/image-photo/muslims-praying-hyde-park-after-
protesting-535020010

https://www.google.com/search?q=sinunog+ang+mga+simbahang+Katoliko+ng+mg
a+Muslim&tbm=isch&ved=2ahUKEwihiOTPs6fuAhXjGKYKHXHzBGMQ2-
cCegQIABAA&oq=sinunog+ang+mga+simbahang+Katoliko+ng+mga+Muslim&gs_l
cp=CgNpbWcQA1CZaFiUjwFgkZUBaABwAHgAgAGiAYgBig6SAQQwLjEymAEAoA
EBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=voAGYKGxF-
OxmAXx5pOYBg&bih=657&biw=1366#imgrc=yL0g7BB4YdyY9M

https://www.google.com/search?q=pag-
aalsa+ni+sultan+kudarat&tbm=isch&ved=2ahUKEwigt6z_rqfuAhVD6ZQKHV9SBbI
Q2-cCegQIABAA&oq=pag-
aalsa+ni+sultan+kudarat&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoHCCMQ6gIQJzoECA
AQQzoICAAQsQMQgwE6AggAOgUIABCxAzoHCAAQsQMQQzoECAAQHjoGCAA
QCBAeULvGAljPlgNgs5oDaAFwAHgEgAHbAogBsS2SAQgwLjI1LjYuMZgBAKABA
aoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=43sGYOC5OsPS0wTfpJWQC
w&bih=657&biw=1366#imgrc=v07TyIHgmm92CM&imgdii=2j3koW-E1beFrM

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like