You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Iloilo
SINAMAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamay, Alimodian Iloilo

Pagsusulit sa Araling Panlipunan- Grade 7 & 8 ( Ikatlong Markahan)


I. Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang
pagtutol sa mga Ingles.
a. Passive resistance c.Pagbabago ng pamahalaan
b. Armadong pakikipaglaban d.pagtatayo ng mga Partido political
2. Naghangad din ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang
matamo ang kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin c. Binoykot ang mga produktong Ingles
b. Itinatag ang Indian National Congress d. Tinulungan ang mga Inles sa panahon ng digmaan.
3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian.
Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon ayon sa pamantayan ng mga Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
c. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyo.
d. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa dalawang
estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
b. Nahati ang simpatya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
5. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles.
c. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.
d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India.
6. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula.
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa.
d. Paggalugad at pakikinabang nga mga kanluranin sa mga yamang likas.
7. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga
Asyano ay matutong:
a. Pigilan ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin. c. makisalamuha sa mga mananakop
b. Maging mapagmahal sa kapwa. d. maging laging handa sa panganib.
8. Alin sa sumusunod ang maituturing na naging maganding dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo nan g kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyo at transportasyon sa India.
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ng mga mamamayan ng India.
c. Pagbabawal ng ilang kaugaliang Hindu tula dng sati at female infanticide.
d. Pagbababwal ng matatandang kaugalan tulad ng food binding at concubinage.
9. Ano ang kahalagahan ng mataas na edukasyon ng isang bansa?
a. Ito ay ang nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukasyon ang
mamamayan.
c. Maganda ang negosyo ng mga pribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng pamahalaan.
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa.
10. Bakit sinasabing ang kalakalan ang ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito nagtutulungan ang magkaratig bansa sa Asya.
b. Nagsilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa.
c. Maaaring limaki ang kita ng mga usaping Black Market.
d. Sa pamamamagitan nito mababatid ang mga bansang palasa.
11. Prisnsipyong pangkabuhayan na namayani noong unang yugto ng imperyalismong kanluranin na
sinasabing ang basihan ng kayamanan at kapangyarihan ay nakabase sa damo ng supply ng ginto at
pilak.
a. Kapitalismo b. Pasismo c. Peminismo d. merkantilismo
12. Anong bansa sa Europa ang nanguna sa paglalayag?
a. Spain b. Netherland c. Portugal d. France
13. Isa sa mahalagang naging dulot ng kanyang paglalayag ay ang paglibot sa Cape of Good of Hope sa
dulo ng Africa.
a. Vasco da Gama b. Ferdinand Magellan c. Christopher Columbus d. Francisco de Almieda
14. Pagpapasailalim sa isang bansang naghahanda na maging isang Malaya at nagsasarili ay napasailalim
sa patnubay ng isang bansang Europeo.
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Sistemang Mandato d. Protectorate
15. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng control ng isang panlabas na
kapangyarihan.
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c.Sistemang Mandato d. Protectorate

II. Punan ang kahon ng wastong sagot. (Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin)

Motibo ng Dahilan na Epekto ng


Explorasyon nagbunsod sa mga kagamitan Kolonyalismo at
Kanluranin na Imperyalismong
Magtungo sa Asya Kanluranin
1 1 1 1
2 2 2 2
3 3 3
4 4
5 5

III. Ibigay ang Hinihingi ng mga sumusunod:


1-4. Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng apat (4) na pangunahing salik.
Anu ano ang mga ito?
5-8. Nagkaroon ng pakikipaglaban ang mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya sa
pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahan. Ibigay ang layunin ng mga samahang ito.
9-10. Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya.
11-14. Mga nag-udyok sa India na ipaglaban ang kanilang Nasyonalismo.

IV. Ipaliwanag ang Sumusunod:


(5pts). Ano ang “White Man’s Burden”, na naging isa sa mga dahilan ng kanluranin upang
ipagpatuloy ang pagkolonya sa Asya.
(10pts). Ano ang papel ng “Merkantilismo” sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin.
(5pts). Bakit nangyari ang Rebelyong Sepoy?
(10pts). Ipaliwanag ang Ideolohiya at ang mga uri nito.

Good Luck and God Bless!!


JNCO

You might also like