You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
DIFFUN NATIONAL HIGH SCHOOL
Diffun, Quirino

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y. 2018-2019

PANGALAN: _________________________________ ISKOR: _______________________

SEKSYON: _______________________ PETSA: _______________________

BELIEVE you can and you will


-GOD BLESS-   
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Pagkatapos itiman ang bilog ng may tamang sagot bago ang bilang.
OOOO 1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa.
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano.
OOOO 2. Isa ang Tsina sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga Kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng
mga Tsino na nakipaglaban para makamit ang kalayaan. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng
mga Tsino ng damdaming Nasyonalismo.
I. Pagtatatag ni Sun Yat Sen ng partidong Kuomintang
II. Paghihimagsik ng mga Boxer laban sa mga kanluranin
III. Pagsiklab ng Rebelyong Taipining laban sa mga Manchu.
IV. Pagsikat ng partidong Kunchantang sa pamumuno ni Mao Zedong
a. III, II, I at IV b. I, II, III at IV c. II, III, I at IV d. IV, III, I at II
OOOO 3. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng
pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng
sambayanan ang konseptong tinutukoy ay
a. Patriotismo b. kolonyalismo c. Nasyonalismo d. Neokolonyalismo
OOOO 4. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP. Gaganap ka bilang
Kim, ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal si Lea Salonga. Sa anong larangan siya nakilala?
a. Arkitektura b. Musika c. Palakasan d. Pulitika
OOOO 5.Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim sa kapangyarihang kanluranin. Suriin ang tsart sa ibaba na
nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Sa
iyong palagay, anong aspekto ang nagbago na ipinapakita ng
tsart?

a. Edukasyon b. kabuhayan c. lipunan d. pulitika


OOOO 6. Para sa aytem na ito, suriin ang ipinapakita ng larawan:

Ayon sa larawan, ano-ano ang mga bansang Kanluraning ang nanakop ng mga lupain sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
a. Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain
b. France, Netherlands, Spain, Portugal
c. Portugal,United States of America, Spain Netherlands
d. United States of America, Spain, Portugal, Great Britain
OOOO 7. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga
pamamaraang ginamit sa Timog Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa upang lumaya?
a. Pagsunod at paghintay c. patutol at pakikipagtulungan
b. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti d. pananahimik at pagwawalang bahala
OOOO 8. Ano ang pagkakatulad ng nagawa ng kababaihan na mababasa? Aung San Suu Kyi, Cory Aquino, Megawati Sukarno Putri
at Chandri Kumaratunga?
a. Nagtaguyod ng demokrasyasa kanilang bansa
b. Nakibaka para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa
c. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng kanilang bansa
d. Nagpairal ng bagong uring pamahalaan sa kanilang bansa
OOOO 9. Suriin ang larawan sa kanan. Ano ang mahihinuha mo sa uri ng buhay ng mga tao sa ilalim ng mga mananakop?
a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop
b. Mas napalago nila ang buhay agrikultura.
c. May kalayaan ang mga sinakop sa kanilang pamumuhay
d. Sila ay lubos na binabantayan sa kanilang produkto
OOOO 10. Ano ang mahihinuha mo tungkol dito? Mahatma Gandhi: Civil disobedience, Jose P. Rizal: Gumamit ng panulat, Mao
Zedong: Ideolohiyang Komunismo, Sun Yat Sen: Kuomintang?
a. Karamihan sa bansang ng mga Kanluranin ay kabilang sa Timog, Silangan at Timog-Silangang Asya
b. Iba-iba ang paraan ng pagtugon ng mga Asyano sa hamon ng kolonyalismo at imperyalismo
c. Dumanas ng pagmamalupit at pang-aabuso ang mga Asyano sa kamay ng mga mananakop.
d. Ang paglaya ng isang bansa ay nasa kamay ng isang mahusay na pinuno
OOOO 11. Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangang Asya ay sinakop ng mga Europeo. Pahayag 2: ang mga bansang
lumaya sa pananakop ng mga Kanluranin ay naging demokratikong bansa
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali c. Lahat ng pahayag ay tama
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama d. Lahat ng pahayag ay mali
OOOO 12. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pag-aangat ng mga
malawakang kilusang nasyonalista?
a. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
b. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kasarinlan
c. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan
d. Milyun-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira
OOOO 13. Inihalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng ekonomiyang Asyano sa gansang lumilipad (flying
geese). Ano ang mensaheng ipinapahiwatig nito?
a. Magkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang asyano.
b. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
c. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang asyano
d. May malaking impluwensiya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga bansang Asyano.
OOOO 14. Sa paglipas ng panahon, ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang
larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa
daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
c. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang hangarin.
OOOO 15. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay pagbabago sa kultura
na nagging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may
ugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas
ng nabanggit na suliranin?
a. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano
b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya
c. Magsumikap sa pag-aaral upang hind imaging pabigat sa lipunan
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa
OOOO 16. Sa imperyalismong isinagawa sa Kanlurang Asya, pansamantala silang sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang
tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan, Ano ang tawag sa ganitong uri ng imperyalismo?
a. Kolonyalismo c. Protectorate
b. Sistemang Mandato d. Spheres of Influence
OOOO 17. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May
mga gumagamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa Ideolohiya, pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng mga dayuhan at
pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang
pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
a. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad
b. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
c. Mag-aral ng mabuti upang hindi pabigat sa lipunang kinabibilangan
OOOO 18. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isal ng Spratly na tinatawag din ng mga Pilipino na
Kalaan Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo , ang mga teritoryo ng mga bansang Asyano ay sinakop ng mga
Kanluranin , ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot ng Spratly Islands?
a. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ng mapayapa ang nabanggit na krisis
b. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan
c. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malakas na puwersa ng China
OOOO 19. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan ano ang dapat na isaisip sa
pagsusulong nito?
a. Isusulong ang interes n gating bansa at babantayan an gating karapatan
b. Isislong ang malayang kalakalan upang umunlad an gating ekonomiya
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
OOOO 20. Ang mga demonstrasyon na naganap sa EDSA sa Plipinas noong 1986 at Tiananmen sa China noong 1989 ay parehong
nauwi sa isang rebolusyon. Paano nagkakatulad ang dalawang magkahiwalay na pangyayari sa kasaysayan?
a. May kakayanan ang pamahalaang tumanggi sa hangarin ng mamamayan nito.
b. May kakayanan ang mamamayan na maipahatid sa pamahalaan ang kanilang naisin.
c. Maaaring magtagumpay sang isang mapayapang pamamaraan kung magkakaisa.
OOOO 21. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan
lang ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga di magandang karanasan na kanilang tinamo tulad ng pang-
aabuso, pagmamaltrato at iba pa. kung ikaw ang Sec. of DFA ano ang iyong imumungkahing mabisang gawin ng pamahalaan ukol
dito?
a. Himukin ang mga OFW na bumalik sa mga bansang pinagtatrabahuan
b. Wakasan ng Plilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa
c. Himukin ang mga karatig bansa na magpairal ng “economic embargo”
d. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW
OOOO 22. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa
pamumuhay ng mga Asyano . Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita pagbabago sa aspektong pulitikal ng mga nasakop na bansa?
a. Pagpapatayo ng imprastraktura
b. Pagbabago ng paniniwala at relihiyon
c. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
d. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
OOOO 23. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa mga
sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Bodi Utomo at Sarekat Islam
b. Kilusang Propaganda at Katipunan
c. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
OOOO 24. Sa paanong paraan nakaapektoang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
a. Maraming napinsala at namatay
b. Lumakas ang Nasyonalismo at napabilis ang paglaya
c. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
OOOO 25. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa mga sumusunod na
sistemang political ito nahahawig?
a. Demokrasya c. Monarkiya (Konstitusyunal)
b. Monarkiya d. One Party Government
OOOO 26. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia de Vega-Mercado, Lea Salonga at iba pa ay pawing mga
Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang
tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
a. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki
b. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae
c. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae
d. May taglay na karapatan at kalayaan ang mga babae
OOOO 27. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kotrobersiyal na usapin sa mga bansa sa Silanganat Timog-Silangang
Asya particular na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito?
a. Ang kulturang kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano
b. Nanatiling tradisyunal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano
c. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon
d. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na naktulong sa kanilang pagpapasya sa buhay
OOOO 28. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na daragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan
ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananawng mga bansa sa daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang powerhouse
c. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang sariling hangarin
OOOO 29. Suriin ang sumusunod na pahayag:
Pahayag 1: Ang Thailand ay hindi nasakop ng kahit na sinong dayuhan samantalang ang Korea ay sinakop ng mga Hapones.
Pahayag 2: Lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay sinakop ng mga Europeo
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali c. Lahat ng pahayag ay tama
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama d. Lahat ng pahayag ay mali
OOOO 30. Pahayag 1: Ang mga nanakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay pawing mga Kanluranin
Pahayag 2: Gumamit nang dahas ang mga Kanluranin sa pananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali c. Lahat ng pahayag ay tama
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama d. Lahat ng pahayag ay mali
OOOO 31. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanngol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang
kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman
b. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyayari
OOOO 32. Itinuturing ng ilan na isang porma ng neokolonyalismo ang tulong pinansiyal, military at impluwensiyang kultural na hatid
ng mga bansang Kanluranin sa mga bansa sa Asya. Ano ang mabisang gawin ng mga Asyano upang mapangalagaan nila ang kanilang
kapakanan?
a. Putulin ang ugnayan sa mga bansang ito at simulant ang pagiging nakapagsasarili sa aspektong pinansiyal, militar at kultural
b. Pumili ng mga bansang makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa aspektong pinansiyal, militar at kultural
c. Pag-aralan at suriin ang epekto ng mga kasunduang umiiral at bubuuin pa lamang kaugnay sa aspektong pinansiyal, militar at
kultural
OOOO 33. Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin ay ang pagbabago sa kalagayang pang-ekonomiya ng
mga Asyano. Bagama’t may ilang bansang umunlad, karamihan sa mga bansang Asyano na nasakop ng mga dayuhan ay hindi pa rin
ganap na maunlad sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin ng mga nasakop na bansa kung sakaling muling makipag-ugnayan sa
kanila ang mga dating mananakop na dayuhan?
a. Tanggihan ang mga dayuhang bansa na naghahangad na makipagkalakalan
b. Tukuyin lamang ang mga lugar kung saan maaaring makipagkalakalan ang mga dayuhan na dating mananakop ng bansa
c. Talikuran ang hindi magandang karanasan sa mga dayuhan subalit itigil na ang pakikipag-ugnayan sa kanila
d. Tanggapin ang kanilang pagnanais na pakikipagtulungan at pakikipagkalakalan
OOOO 34. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan
lang ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga di magandang karanasan na kanilang tinamo tulad ng pang-
aabuso, pagmamaltrato at iba pa. kung ikaw ang Sec. of DFA ano ang iyong imumungkahing mabisang gawin ng pamahalaan ukol
dito?
a. Himukin ang mga OFW na bumalik sa mga bansang pinagtatrabahuan
b. Wakasan ng Plilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa
c. Himukin ang mga karatig bansa na magpairal ng “economic embargo”
d. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW
OOOO 35. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay pagbabago sa kultura
na nagging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may
ugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas
ng nabanggit na suliranin?
a. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano
b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya
c. Magsumikap sa pag-aaral upang hind imaging pabigat sa lipunan
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa
OOOO 36. Tumutukoy sa patakaran na ipinatupad ng isang bansa kung saan inihihiwalay o isinasara nito ang bansa mula sa
impluwensiya at pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
a. Isolationism b. Open Door Policy c. Spheres of Influence
OOOO 37. Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangingibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin ang
ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito.
a. Isolationism b. Open Door Policy c. Spheres of Influence
O O 38. Ang opyo ay isang halamang gamut na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
a. Tama b. Mali
O O 39. Idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 12,1898.
a. Tama b. Mali
O O 40. Melting pot ang tawag sa lugar o rehiyon kung saan nagtatapo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat etniko.
a. Tama b. Mali
O O 41. Isa sa mga nilagdaan na Kasunduan Nanking sa unang Digmaang Opyo ay ang pagbabayaad ng China ng 21 milyong dolyar
bilang bayad-pinsala
a. Tama b. Mali
O O 42. Thomasites ang tawag sa unang gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas
a. Tama b. Mali
O O 43. Ang French-Indo China ay binubuo ng dalawang bansa.
a. Tama b. Mali
O O 44. Ang Culture System ay patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia upang matugunan ang pangangailangan nito sa
pagbebenta ng mga pampalasa sa pandaigdigang kalakalan.
a. Tama b. Mali
O O 45. Ang Rubber ay orihinal na matatagpuan sa North America.
a. Tama b. Mali
Para sa bilang 46-50. Ibigay ang pangunahing Kanluraning bansang nanakop sa mga bansang Asyano.

____________________________ 46. ____________________________ 47.


____________________________ 48. ____________________________ 49.
____________________________ 50.

You might also like