You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City

3rd Quarter Examination


Araling Panlipunan 7

PANGALAN: BAITANG/SEKSYON:

Panuto: Bilugan ang titik sa tamang sagot.

1. Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng naganap sa mga Europeo at mga Asyano.
Sa anong paraan may ugnayan ang Europeo at mga Asyano?
a. Sa pamamagitan ng palitan ng kalakal c. paghanap ng ruta
b. Sa pamamagitan ng pagpalaganap ng kristiyanismo d. wala sa pinagpipilian
2. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya maliban sa;
a. Hilagang Ruta c. Kanlurang Ruta
b. Gitnang Ruta d. Timog Ruta
3. Anong lugar ang sakop sa Gitnang Ruta?
a. Baybayin ng Syria at dadaanan sa Golpo ng Persia
b. India hanggang Egypt sa pamamagitan ng Red Sea
c. China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara
d. Wala sa pinagpipilian
4. Dumating ang panahon na ang mga ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal
na Asyano at Europeo ay sinakop. Sino ang sumakop sa mga ruta ng kalakalan?
a. Purtuguese b. Ingles c. Turkong Ottoman d. Frances
5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya
maliban sa;
a. Ang paglalakbay ni Marco Polo c. ang merkantilismo
b. Ang pagbagsak ng Constantinople d. ang pakikipaglaban sa mga Asyano
6. Bakit naglunsad ng krusada ang mga kanluranin sa pagtungo sa Asya?
a. Inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar,
ang Jerusalem sa Israel
b. Para maraming mga Asyano ang sasali sa kanilang kilusan
c. Para malaman ng mga Asyano ang kanilang pananakop
d. Lahat sa nabanggit
7. Ano ang nangyari sa paglalakbay ni Marco Polo sa Asya?
a. Siya ay nanirahan sa China nang higit sa halos 15 taon sa panahon ni Kublai Khan
b. Siya ay nagsilbing tagapayo ni Emperador Kublai Khan
c. Siya ay nakapag-asawa ng isang Asyano
d. Nalibot niya ang buong Asya
8. Ano ang tawag sa aklat na inilimbag ni Marco Polo noong bumalik siya sa Italy?
a. The Travels of Marco Polo c. The Renaissance
b. The White Man’s Burden d. The Come Back of Marco Polo
9. Sa Europe umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak,
may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa. Ito ay
tinatawag na _________.
a. Ekonomiya b. Renaisance c. Merkantilismo d. Krusada
10. Ano ang mabuting naidulot ng mga kanluranin sa pagdating sa Asya?
a. Naging daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong
mangangalakal
b. Maraming nakilala ang mga Europeo na Asyano
c. Maraming magagandang tanawin silang nakita
d. Lahat ng nabanggit
11. Maraming manlalayag na Portuguese anf naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay
ang paglalakbay ni Vasco da Gama. Bakit ito mahalaga?
a. Nalibot niya ang Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na siyang magbubukas ng ruta
patungong India at sa mga Islang Indies
b. Dahil nalibot niya ang Asya
c. Dahil na tuklasan niya ang mga likas na yaman sa Asya
d. Lahat ng pinagpipilian
12. Paano masusukat ng mga Kanluraning bansa na tanghalin sila bilang
pinakamakapangyarihan na bansa;
a. Pag-angkin ng ari-arian c. pangangalakal sa Asya
b. Pagpapalawak ng mga lupain d. lahat ng nabanggit
13. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang
likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
a. Kapitalismo b. nasyonalismo c. imperyalismo d. kolonyalismo
14. Ito ay nangangahulagan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon- estado sa
aspektong pangpolitika , pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na
nasyon estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
a. Kapitalismo b. nasyonalismo c. imperyalismo d. kolonyalismo
15. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing salik ng imperyalismo maliban sa;
a. Udyok ng nasyonalismo c. kapitalismo
b. Dulot ng Rebolusyong Industriyal d. nasyonalista
16. Anong sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes?
a. Kapitalismo b. nasyonalismo c. imperyalismo d. kolonyalismo
17. Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano. Paano naging
maunlad ang mga Europeo?
a. Dumami ang salaping naipon ng mga mangangalakal na knaluranin
b. Dumami ang kanilang mga produkto
c. Dumami ang kanilang pagkain
d. Lahat ng binanggit
18. Ayon sa tulang White Man’s Burden na isinulat ni Rudyard Kipling, ito ay naging katuwiran
ng mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa Asya;
a. Ang Asya ay maraming kayamanan
b. Ipinasailalim sa kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning
bansa
c. Ipalaganap ang kristyanismo
d. Lahat ng pinagpipilian
19. Sanhi ng mga pinairal na patakarang pampolitika, pang-ekonomiya at panlipunan at
paglakas ng kapangyarihan Ingles, may mga umiral na tradisyong Hindu at Muslim na
ipinagbawal maliban sa;
a. Ang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng
asawa
b. Ang babaeng balo sa paniniwalang Hindu ay pinagbawal ng mag-asawa
c. Female enfanticide
d. Pag-aasawa ng maaga
20. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa
mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pagkabuhayan sa mga baybaying dagat
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
21. Naghangad din ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito
upang matamo ang kanilang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin c. Binoykot ang mga produktong Ingles
b. Itinatag ang Indian National Congress d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng
digmaan
22. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang politika ng bansa sa
pamumuno ng British East India Company. Naging mababa ang tingin ng mga Ingles sa
kultura ng Indian. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ng mga Ingles ay binago rin ng
mga Ingles. Dahil dito napilitan ang mga manggagawang Indian na mag-aral ng Ingles upang
mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong implekasyon ang mabubuo
sa ganitong kaganapan?
a. Ang pananakop ng dayuhan ay nagsilbing aral sa mga Indian
b. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang India
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian
d. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mga Indian
e. Pagtuklas ng paggamit ng decimal system
23. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
c. Pagkamulat sa kanlurang panimula
d. Pagkaroon ng kaalyansang bansa
24. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
a. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong
mamamayan
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na nakapagkukuhanan ng buwis
ng pamahalaan
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa
25. Ang sumusunod ay pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng pananakop
ng mga Kanluranin sa Timog at Kanluraning Asya maliban sa;
a. Nasanay ang mga Asyano sa paggamit nga produktong dayuhan
b. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti-unting naubos at
pinagkakitaan ng mga dayuhan
c. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren at kalsada angmga mananakop upang maging
mabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto
d. Nag-alsa ang mga Asyano laban sa mga Kanluranin
26. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang
mga Asyano ay matutong___________.
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
b. Pagiging mapagmahal sa kapwa
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Maging lagging handa sa panganib
27. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa
mgs bansang Asya?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagsulot
nang mabilis na pagluwas ng kalakal sa pandaigidigang pamilihan
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
panankop ng mga bansang kanluranin
c. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at
dayuhan
d. Ang naging pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ay ang tagatanggap ng mga
produktong kanluranin
28. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng
mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyunaryong lider si Mohandas Gandhi
b. Maraming labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India
29. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo na ng kababaihan?
a. pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
b. pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng sati at female infanticide
d. pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage
30. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
c. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping blak market
d. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
31. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
c. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
d. Pagkakaroon ng diskriminasryon sa mga Indian
32. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang Kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang
isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Great Britiain?
a. Agrresive b. defensive c. passive d. radical
33. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa
dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan
ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Indian
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
34. Ano ang Rebelyong Sepoy?
a. Ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa
b. Ito ang pag-alsa ng mga sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination
c. Maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril
ng mga sundalong Ingles
d. Ito ay sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mg Jew
35. Bakit hindi agad naipakita ng mga bansa sa kanlurang Asya ang nasyonalismo?
a. Dahil walang namuno sa kanila
b. Natatakot sila sa pag-aalsa laban sa mga kanluranin
c. Dahil karamihan sa mga bansa nito ay hawak ng dating malakas at matatag ng
Imperyong Ottoman
d. Lahat ng pinagpipilian
36. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga taong ito maliban sa;
a. Arabo b. Iranian c. Turko d. Pilipino
37. Ito ay sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite
a. Sistemang mandato b. Holocaust c. Zoonism d. Sepoy
38. Alin sa sumusunod ang hindi paraan ni Gandhi sa pagtamo ng kalayaan sa India.
a. Hindi niya sinang-ayunan ang pagtatayo sa untouchables at sati para sa kababaihan
b. Civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na magboykot
c. Hunger strike
d. Gumawa ng isang tula para sa kalaban
39. Nakilala bilang ama ng Pakistan, Sino siya?
a. Mohammad Ali Jinnah c. Mustaffa Kermal Ataturk
b. Mohandas Gandhi d. Ibn Saud
40. Itinuring siya na kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.
a. Ayatollah Khomeni c. Mohammad Ali Jinnah
b. Iban Saud d. Gandhi
41. Ano ang dahilan bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Dahil ang Tsino ay palaging natutulog
b. Dahil sa matagal na panahon hindi nakisalamuha ang mga Tsino sa ibang kultura at
pagsasara ng mga lupain sa mga dayuhan
c. Dahil sa pag-uunahan ng mga bansang Europe sa teritoryo at maisakatuparan ang kani-
kanilang interes
d. Lahat sa pinagpipilian
42. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nahahati sa dalawang grupo, Central Powers at Allies.
Anong bansa ang hindi sakop ng Allies?
a. France b. England c. Russia d. Germany
43. Ano ang dahilan bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Dahil sa pag-uunahan ng mga bansa sa Europe sa teritoryo at maisakatuparan ang kani-
kanilang interes
b. Dahil sa pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria
c. Dahil sa hindi pagkakaunawan ng mga bansa sa Europe
d. lahat ng pinagpipilian
44. Paano naapektuhan ang Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Ang digmaan ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian
b. Maraming namatay na Iranian at nagdulot ito ng pagkagutom
c. Nagpadala sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles
d. Lahat sa pinagpipilian
45. Kalian sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Agosto 1914 c. Desembre 1912
b. Setyembre 1915 d. Agosto 1912
46. Pagkatapos ng Unang Digmaan, nanatiling malaya ang ibang bansa sa Kanlurang Asya ngunit
hindi ito lubos na malaya. Bakit?
a. dahil hindi pa rin ligtas sa kontrol ng mga Kanluraning bansa
b. ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamamahalaan
naman ng mga dayuhan sa aspektong pang-ekonomiya
c. dahil sunod-sunuran pa rin ang mga Asyano
d. Dahil nakadepende pa rin ang mga Asyano sa Kanluraning bansa
47. Taong 1942, isang kasunduan ang pinangunahan ng United States, ang Tehran Conference.
Ano ang nakasaad sa kasunduan?
a. Nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang
makapagsarili at maging malaya ito
b. Nagsasaad na kukunin ng bansang Iran ang mga kinuhang kayamanan ng Russia at Great
Britain
c. Nagsasaad na hindi na maggugulo ang Russia at Great Britain sa Iran
d. Wala sa pinagpipilian
48. Saa paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang pangkat. Anong pangkat ito?
a. Hindu at Arabo c. Hindu at Muslim
b. Muslim at Kristiayano d. Budismo at Muslim
49. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang United States at Russia dahil sa hindi pagpayag
nito sa Kasunduan na Tehran Conference. Ano ang naging epekto nito?
a. Nagbigay daan sa cold war c. paglalayo ng dalawang bansa
b. Digmaan d. wala sa pinagpipilian
50. Saan nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Iran b. United States c. Europe d. Great Britain

Inihanda ni:

MARICRES A. FABIANO
SST-1

You might also like