You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________ Iskor: ______________

Seksyon: __________________ Petsa: _____________


IKAAPAT NA MARKAHAN
IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT – AP7

1. Isang damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-


bayan.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo
2. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano
ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa.
C. Makisalamuha sa mga mananakop.
D. Maging laging handa sa panganib.
3. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinakanakatulong upang makamit ang paglaya ay ang
pagkakaroon ng pambansang kamalayan gaya ng pagtatanggol sa bayan,paghahandog sa sarili para sa bayan, pag-
iisip kung ano ang ikabubuti ng sambayanan, ang konseptong tinutukoy ay ______________.
A. Kolonyalismo B. Nasyonalismo C. Neokolonyalismo D. Patriotismo
4. Sa pag-unlad ng nasyonalismo sa China, naganap ang Rebelyong Taiping na ang pangunahing layunin ay
A. Ang patalsikin ang lahat ng mga dayuhan sa bansa
B. Mapabagsak ang dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu
C. Mapigilan ang pagpasok ng opyo sa bansa
D. Lahat ng nabanggit
5. Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899 sa China, tinawag itong Rebelyong Boxer sapagkat ang mga
miyembro nito ay __________________.
A. May kaalaman sa panununtok C. nanalo sa mga patimpalak sa larangan ng boksing
B. Kabilang sa Boxer Association D. may kasanayan sa gymnastic exerxises
6. Sa pagsimula noong ika-20 siglo ay nakapasok ang dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China. Ano ang
dulot nito?
A. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa C. Naging matatag ang pamahalaan Tsino
B. Naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino D. A at B
7. Alin ang hindi kabilang sa pinaunlad ni Mutsuhito?
A. Sa larangan ng edukasyon, nagpatupad ng compulsory (sapilitang ) edukasyon sa elementary.
B. Sa ekonomiya, nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan ang paraan ng pagnenegosyo at
pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya.
C. Sa larangan ng kultura naimpluwensiyahan sila ng mga Amerikano.
D. Pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng pagpapagawa ng makabagong barko sa kagamitang
pandigma.
8. Ang mga sumusnod na kanluranin ang tinularan ng mga Hapones maliban sa
A. Natutuhan ang sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang Germany
B. Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British
C. Sistema ng edukasyon, ginawang modelo ang United States
D. Sa agrikultura, ginawang modelo ang China
9. Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari sa China.
I. Nasakop ng Japan ang malaking teritoryo ng China
II. Tumakas ang mga nasyonalista sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek sa Taiwan at itinayo ang Republic of
China
III. Nabuo ang United Front , nagkaisa nag mga komunista at nasyonalista
IV. Dahil sa pagtatatag ng People’s Republic of China , napalayas ng mga Komunista ang mga Kanluranin.
A. I,III,II,IV B. I,II.III.IV C. II,I,IV,III D. IV,III,II,I
10. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
A. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
B. Makiisa sa mga samahan na nagsulong ng pangangalaga sa kalikasan
C. Mag-aral nang mabuti upang hind imaging pabigat sa lipunang kinabibilangan.
D. Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa.
11. Bagamat tumutol ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano nakapagtatag pa rin sila ng kolonyal sa
ating bansa na nagsilbi sa mga interes ng mga Amerikano sa kadahilanang __________.
A. Malakas ang pwersa ng Amerika C. Tumulong ang mga Espanyol ang mga Amerikano
B. Sa kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino D. Natalo ang mga Pilipino sa digmaan
12. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega-Mercado, Lea Salonga, at iba pa ay pawang
mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan
ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
A. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki
B. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae
C. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae
D. May taglay ng karapatan at kalayaan ang mga bata
13. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na usapin sa mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya partikular na sa Pilipinas. Ano ang mahinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito?
A. Ang kulturang Kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano.
B. Nanatiling tradisyonal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano.
C. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon.
D. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na nakatulong sa kanilang pagpapasiya sa buhay.
14. Alin ang hindi katangian ng demokrasya?
A. Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan
B. May representasyon ang iba’t ibang sector ng lipunan sa pamahalaan
C. Pinamunuan ng isang tao sa partikular na estado
D. May kalayaan sa pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan
15. Paano nakapagdulot ng masamang epekto ang nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan atTimog-Silangang
Asya?
A. Pagtatatag ng pamahalaan batay sa ideolohiyang pinaniniwalaan ng mga mamamayan
B. Pagtutulungan ng mga katutubo na ipagtanggol ang kanilang bansa
C. Hindi pagkakaunawaan ng mga nasyonalistang may magkakaibang paniniwala
D. Pagpapaalis sa mga mananakop
16. Sino sa mga sumunod ang HINDI kabilang sa kilusang Propaganda?
A. Andres Bonifacio B. Graciano Lopez Jaena C. Jose Rizal D. Marcelo H. Del Pilar
17. Sino ang namuno sa Unang Sigaw sa Pugad Lawin sa Pilipinas?
A. Andres Bonifacio B. Antonio Luna C. Apolinario Mabini D. Jose Rizal
18. Sino ang Ama ng Republikang China na nakilala sa kanyang Double Ten Revolution?
A. Chiang Kai Shek B. Mao Zedong C. Pu-Yi D. Sun Yat Sen
19. Ang mga sumusunod na bansa ay naging pangunahing mananakop sa mga bansang Asyano maliban sa
A. Portugal B. Espanya C. Britanya D. Sweden
20. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay:
A. Imperyalismo at Kolonyalismo C. Aktibo at Pasibo
B. Civilizing Mission at Ethical Policy D. Reporma at Propaganda
21. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastlla at pantay na
pagtrato sa mga Pilipino at Kastila.
A. Budi Utomo B. Katlpunan C. Kuomintang D. Propaganda
22. Ama ng Komunismo saTsina.
A. Chou En Lai B. Mao Zedong C. Sun Yat Sen D. Henry Pu Yi
23. Kinilalang Enlightened na pamahalaan ng mga Hapones.
A. Tokugawa B. Han C. Meiji D. Shikoku
24. Ang pagluhod ng dalawang tuhod ng isang dayuhan sa Emperador naTsino.
A. Beso Beso B. Kow Tow C. Sawadeeka D. Ohayo
25. Supremo ng Katipunan.
A. Emilio Aguinaldo B. Antonio Luna C. Paciano Rizal D.Andres Bonifacio

II. Isulat ang PINOY kung nagsasaad ng nasyonalismo at NOYPI naman kung hindi.
____________26.Si April ay isang KPOP fan, mas tinatangkilik niya ang musika ng Korea kaysa sa musika ng Pilipinas
____________27. Si Lito ay madalas lumabag sa mga batas trapiko
____________28. Nagaaral si Juan ng mabuti upang maging kayamanan ng bansa.
____________29. Si Jayson ay mahilig magsulat sa pader ng mga pampublikong palikuran.
____________ 30. Si Lisa ay nagtatapon ng basura sa tamang tapunan.
____________31.Si Carlo ay sumusunod sa batas trapiko.
____________32. Si Juan ay isang senador bumibili siya ng mga mamahaling sasakyan gamit ang pera ng bansa.
_____________33. Si Dolores ay nagmamano sa mga nakakatanda
_____________34. Pagpapatuloy sa paglakad ni Crisanto kahit umaawit ng Lupang Hinirang
_____________35. Pagtulong ni Maria sa matanda sa pagtawid sa kalsada.

__________________
Lagda ng Magulang

You might also like