You are on page 1of 4

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSUSLIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang TITIK ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1.Ito ay itinatag ng pamahalaan ng Netherlands noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na
nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
A. Dutch East India Company C. East Dutch India Company
B. Dutch West India Company D.West Dutch India Company
2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mga kanluranin sa pagsakop ng mga bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
A. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo C. Sentro ng kalakalan at pampalasa
B. Maayos na daungan D. Lahat ng nabanggit

3. Ito ay tumutukoy sapilitang pagtatrabaho na naganap noong sakupin ng Espanya ang Pilipinas.
A. Polo Y Servicio C. Open Door Policy
B. Sphere of Influence D. Tianjin

4. Ang bansang ito ay sinakop dahil sa daungan, pampalasa at kalakalan


A. Indonesia B. Japan C. Pilipinas D. China

5. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga local na pinuno na
naninirahan sa isang lugar, ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo.
A. Sphere of Influence B. Open Door Policy C. Divide and Rule Policy D. Polo Y Servicio

6. Tawag sa relihiyong ipinalaganap ng mga Español na sumakop sa pag-iisip at damdamin ng mga Pilipino kung
kaya’t mas madali silang mapasunod ng mga Español.
A. Hinduismo B. Kristiyanismo C. Komunismo D. Jainismo

7. Bansa na nadiskubre ni Magellan sa pamamagitan ng rutang pakanluran at unang lumapag sa lugar na Homonhon
anong bansa ito sa Timog Silangang Asya?
A. China B. Japan C.Indonesia D. Pilipinas

8. Sinong manlalakbay ang nakarating ng Silangan gamit ang rutang pakanluran at nagpatunay din sa kanyang
paglalakbay na ang mundo ay bilog.
A. Marc Philip B.Ferdinand Magellan C. Philip Fernando D. Achmed Saturno

9. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bayan sa kasalukuyang panahon?


A. Sumama sa mga rally at protesta.
B. Lumikha ng samahang tutuligsa sa pamahalaan.
C. Maging mabuting mag-aaral at lumahok sa mga gawain ng komunidad.
D. Magtrabaho sa ibang bansa para lumaki ang remittance ng dolyar sa bansa.

10. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis sa pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa,
bilang isang kinatawan ng iyong bansa, alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing
resolusyon?
A. Hindi na magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala lang naman.
B. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari.
C. Papayag na lang sa kung anong gusto ng malakas na bansa para wala na lang gulo.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin para magkaroon ng kaalyado.
11. Ano-ano ang impluwensya ng mga Kanluranin na ginamit at pinaunlad ni
Emperador Mutsuhito sa Japan?
A. Edukasyon, Ekonomiya, at Sandatahang Lakas
B. Ekonomiya, Sandatahang Lakas, at Himagsikan
C. Ekonomiya, Himagsikan, at Kabuhayan
D. Edukasyon, Ekonomiya, at Himagsikan

12. Alin sa sumusunod na prinsipyo ang isinulong ni Sun Yat Sen upang isulong
ang pagkakaisa ng mga Tsino?
1. San mit chu-i o nasyonalismo
2. Min-sheng-chu-i o demokrasya
3. Min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 3 D. 1, 2, at 3

13. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
C. Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa
D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa

14. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan


1. Rebelyong Taiping
2. Rebelyong Boxer
3. Pag-usbong ng Ideolohiyang Demokrasya
4. Pag-usbong ng Ideolohiyang Komunismo
A. 1, 2, 3, at 4 B. 2, 3, 4, at 1 C. 3, 4, 2, at 1D. 4, 3, 2, at 1

15. Alin sa sumusunod ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa China na naging


daan sa paglaya mula sa mananakop?
A. Demokratiko B. Komunismo C. Sosyalismo D. Totalitaryanismo

16. Ang sumusunod ay kaganapan ng pag-unlad ng nasyonalismong Tsino. Alin ang hindi kasama?
A. Nagkaisa ang mga komunista upang harapin ang pananakop ng mga Hapones
B. Nagwagi ang mga komunista laban sa mga Nasyonalista
C. Ikalawang Digmaang Sino-Hapones
D. Binomba ng mga Tsino ang Japan

17. Aling slogan ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ng iilan ang kailangan”
B. “Magsakripisyo tayo, upang tayo mismo ang umasenso”
C. “Ang pag-ibig sa bayan ang susi ng kaunlaran”
D. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

18. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay
matutong ________________.
A. maging mapagmahal sa kapwa.
B. maging laging handa sa panganib.
C. makisalamuha sa mga mananakop.
D. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.

19. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno. Sa pamamagitan
ng anong paraan lumaban ang Indonesia sa mga Olandes?
A. Komunikasyon B. Kalakalan C. Pakikipagkaibigan D. Rebolusyon
20. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-20 siglo at nagtatag ng mga makabayang
samahan katulad ng __________.
1. Budi Utomo (1908)
2. Sarekat Islam (1911)
3. Indonesian Nationalist Party (1919)
4. Indonesian Communist Party (1920)
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 1, 2, at 3 D. 1, 2, 3, at 4

21. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga Kanluranin?
A. Indonesia B. Malaysia C. Singapore D. Thailand

22. Ano ang paraan na ginawa ng Vietnam upang makamtan ang pinakaaasam-asam na kalayaan?
A. Digmaan B. Kalakalan C. Pakikipagkaibigan D. Ugnayan

23. Ano-ano ang impluwensya ng mga Kanluranin na ginamit at pinaunlad ni Emperador Mutsuhito sa Japan?
A. Edukasyon, Ekonomiya, at Sandatahang Lakas
B. Ekonomiya, Sandatahang Lakas, at Himagsikan
C. Ekonomiya, Himagsikan, at Kabuhayan
D. Edukasyon, Ekonomiya, at Himagsikan

24. Alin sa sumusunod na prinsipyo ang isinulong ni Sun Yat Sen upang isulong ang pagkakaisa ng mga Tsino?
1. San mit chu-i o nasyonalismo
2. Min-sheng-chu-i o demokrasya
3. Min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 3 D. 1, 2, at 3

25. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
C. Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa
D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa

26. Alin sa mga sumusunod na uri ng ideolohiya ang umusbong sa China na naging daan sa paglaya nila mula sa
kamay ng mananakop?
A. Demokratiko B. Komunismo C. Sosyalismo D. Totalitaryanismo
27. Ang lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay naghangad ng kalayaan sa pananakop ng mga
kanluranin dahil sa ideya ng demokrasya. Ang pahayag na ito ay ________.
A. tama, dahil ang ideolohiyang ito ang ginamit sa Timog-Silangang Asya.
B. mali, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay ginamit ang komunismo.
C. tama, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay ginamit ang demokrasya.
D. mali, dahil magkakaiba ang ideolohiyang ginamit ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
3. Alin sa sumusunod na ideya o kaisipan ang naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito?
A. Ideolohiya B. Pilosopiya C. Polisiya D. Teorya

28. Paano naipakita ng mga pinuno ng mga kilusang nasyonalista ang kanilang pagmamahal sa kanilang bayan?
1. Komunismo ang ideolohiyang niyakap at ginamit ni Ho Chi Minh para makamit ang kasarinlan ng Vietnam
2. Nagtatag si Dr. Jose Rizal ng Kilusang Propaganda upang makamit ang mga reporma sa lipunan.
3. Pinamunuan ni Achmed Sukarno ang samahang nagpalaya sa Indonesia mula sa mga Dutch.
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 1, 2, at 3 D. 2 at 3

29. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo?


A. Pagpapairal ng diktadurya
B. Pagkawala ng antas o pag-uuri-uri
C. Ang produksiyon at produkto ay pag-aari ng estado
D. Ang produksiyon at kalakalan ay kontrolado ng pribadong pamahalaan
30. Anong ideolohiya ang nagsasaad na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang tao na
namumuno at ang tawag sa kaniya ay hari o reyna?
A. Sosyalismo B. Monarkiya C. Komunismo D. Demokrasya

31. Sino ang pinuno ng kilusang nasyonalista sa Vietnam na nanguna sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng
pagtanggap sa ideolohiya at pamamaraang komunismo?
A. Ba Maw B. Diponegoro C. Ho Chi Minh D. Sukarno

32. Sino ang nanguna sa pag-aalsa sa Indonesia laban sa mga mananakop na Dutch?
A. Sukarno B. Ho Chi Minh C. Diponegoro D. Ba Maw

33. Ang sumusunod ay ideolohiya na ginamit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Alin ang HINDI kasama?
A. Demokrasya B. Komunismo C. Monarkiya D. Pasismo

34. Ano sa palagay mo ang aspetong HINDI gaanong naapektuhan ng anumang ideolohiya sa Silangan at Timog-
Silangang Asya?
A. Pansining B. Panlipunan C. Pampulitika D. Pangkabuhayan
35. Ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng implikasyon ng ideolohiya sa ating lipunan. Ano ang HINDI
kabilang?
A. Batayan ng pagkakahati-hati ng tao ayon sa estado ng buhay.
B. Gabay ng pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito.
C. Nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang nagkakaisang bansa.
D. Kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa.

37. Anong paraan ang ginamit ng mga Katipunero sa Pilipinas upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa
bayan at maisakatuparan ang hangaring kasarinlan?
A. Himagsikan B. Negosasyon C. Propaganda D. Protesta

38. Ang sumusunod ay nanguna sa pagtatag ng mga kilusang nasyonalista sa Timog-Silangang Asya. Sino ang
kabilang sa pangkat?
1. Achmed Sukarno 2. Ho Chi Minh 3. Jose Rizal 4. Mutsuhito
A. 1, 2, at 3 B. 1, 3, at 4 C. 1, 2, 3, at 4 D. 2, 3, at 4

39. Anong bansa sa Silangang Asya ang may ideolohiyang komunismo?


A. China B. Indonesia C. Japan D. South Korea

40. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan mula sa mga Dutch sa pamamagitan ng itinatag na samahan at pagyakap sa
komunismo. Ang pahayag na ito ay _______.
A. mali, dahil sosyalismo ang kanilang niyakap.
B. tama, dahil ito ang paraan nila upang lumaya.
C. mali, dahil ang bansang Indonesia ay demokratiko.
D. tama, dahil komunismo ang kanilang ginamit sa pamamahala at tinanggap ang mga Dutch.

You might also like