You are on page 1of 26

7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Neokolonyalismo
(Silangan at Timog-Silangang Asya)
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Neokolonyalismo (Silangan at Timog-
Silangang Asya)
Unang Edisyon 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


May B. Eclar, PhD CESO III
Rhoda T. Razon, EdD CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ria M. Soriano
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD/ Grace G. Abad/
Rebecca Sotto/ Mary Jane P. Soriano/
Edelwiza L. Cadag/ Rodel D. Lintag
Marieann C. Ligsay PhD
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Marylin R. Abrantes
Tagapamahala: May C. Eclar PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Remedios D. Sitchon
Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Neokolonyalismo
(Silangan at Timog-Silangang Asya)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Mababakas na sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo


sa ating bansa, patuloy ang pagpasok ng impluwensya ng mga kanluraning
bansa sa Asya. Ito ang pangunahing dahilan ng makabago at tahimik na
paraan ng pananakop.
Ating tuklasin at alamin ang bagong aralin. Handa ka na ba? Simulan
na natin ang iyong pagkatuto.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

1. nasusuri ang anyo ng neokolonyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya;
2. nasusuri ang tugon sa neokolonyalismo ng mga taga-Silangan at
Timog-Silangang Asya; at
3. natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-
ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Asya.

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang


impormasyon sa Neokolonyalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya sa Kulturang Asyano.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Siya ang sumulat ng artikulong “The Economic Crisis in East


Asia: Cause, Effects, and Lessons”.

A. Chavalit Yongchaiyudh C. Martin Khor


B. Kaname Akamatsu D. Pangulong Suharto

2. Ang bansa na may pinakamataas na antas ng per capita GDP sa


taong 2000.

A. Indonesia C. Philippines
B. Japan D. Singapore

3. Ang tatlong bansang kasama sa Newly Industrialized Economies


(NIE).

A. China, Indonesia Japan


B. Japan, South Korea, China
C. Malaysia,South Korea,Thailand
D. Hongkong, Singapore, South Korea

4. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na


may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang
bansa.

A. Globalisasyon C. Kolonyalismo
B. Imperyalismo D. Neokolonyalismo

5. Siya ang ekonomistang galing Japan na may inilimbag na ideya


na pinamagatang “Journal of Developing Countries” na
nagpapakita ng iba’t ibang antas ng kalagayang pangkabuhayan
ng mga bansa sa Asya.

A. Kaname Akamatsu C. Pangulong Suharto


B. Martin Khor D. Watsu Kaname

6. Ito ay tumutukoy sa mabilis at malawakang integrasyong


pagtutulungan sa pang-ekonomiya, kultural, politikal, at
ekolohikal na kalipunan.

2
A. Economic Crisis C. Globalisasyon
B. Economic Miracle D. Neokolonyalismo

7. Ito ay ang pagkasira ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa


na nagpapakita ng makabuluhang pagtanggi sa produksyon,
pagkalugi ng mga negosyo, at pagtaas ng antas ng kawalan ng
trabaho.

A. Economic Crisis C. Globalisasyon


B. Economic Miracle D. Neokolonyalismo

8. Ito ang tawag sa impormal na terminong pang-ekonomiya para


sa isang panahon na hindi inaasahang malakas at dramatikong
pagpapaunlad ng isang ekonomiya.

A. Economic Crisis C. Globalisasyon


B. Economic Miracle D. Neokolonyalismo

9. Kabilang sila sa “Four Asian Dragons” at kinilala ang mga


bansang ito bunsod ng 7% na kada taon na pag-unlad na kanilang
tinamasa.
A. Japan, Malaysia, Philippines, Singapore
B. Hongkong, Singapore, South Korea, Taiwan
C. Indonesia, Philippines, South Korea, Thailand
D. Hongkong, Philippines, South Korea, Thailand

10. Ito ang sukat sa pera ng halaga ng merkado ng lahat ng


panghuling kalakal at serbisyo na ginawa sa isang tukoy na tagal
ng panahon.
A. Economy Income C. Gross Income
B. Economy Raise D. Gross Domestic Product

3
Aralin Neokolonyalismo
(Silangan at
1 Timog-Silangang Asya)

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Pumili


ng salita na nasa loob ng kahon na tumutugon sa inilalarawan ng
pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

AUNG SAN SUU KYI


MAY FOURTH FEMINISM
WOMENOMICS
MEGAWATI SUKARNOPUTRI
1975
THAI BUDDHIST FEMENIST THEORY
1983
PARK GEUN HYE
1987
AKAMATSU KANAME
CORAZON AQUINO
BATIS AWARE (ASSOCIATION OF WOMEN IN ACTION FOR
RIGHTS AND EMPOWERMENT)

1. Siya ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas.


2. Ito ang tawag sa kilusan na pinangunahan ng kalalakihang Tsino na
nakapag-aral sa mga kanluraning paaralan na nanawagan para sa
pagbabago sa lipunan gaya ng pagkakapantay-pantay sa kasarian,
kalayaan sa pagpili ng iibigin at pakakasalan, at karapatan sa
edukasyon at paggawa ng kababaihan.
3. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Timog Korea.
4. Ito ay isang paraan ng pagtulong sa inabusong kababaihan sa
pamamagitan ng espiritwal na gawain gaya ng meditasyon, tamang
paghinga, at pakikinig.

4
5. Isang samahang nagsusulong sa karapatan ng migranteng
kababaihan.
6. Siya ang unang naging babaeng pangulo (2001-2004) at pangalawang
pangulo sa Indonesia.
7. Taong itinatag ang Center for Women’s Studies sa Zhengzhou
University ng Tsina.
8. Ito ang tawag sa programa ni Punong Ministro Shinzo Abe na ang
pamahalaan ay nagbigay ng subsidiya o tulong sa mga kumpanya na
magbibigay ng benepisyo sa empleyadong nanganak gaya ng maternity
leave na may sahod, pagtatrabaho ng anim na oras lamang at iba pa.
9. Sa taong ito, itinatag ang Philippine Commission on Women na
nagsusulong at nangangalaga sa karapatan ng kababaihan.
10. Kauna-unahang babaeng State Counselor sa Burma at 1991 Nobel
Peace Prize laureate na nagpatunay sa mataas na pagtingin sa mga
babae sa Burma.

5
Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong


leksyon. Halina at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Simulan mo ito sa pagsagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.

Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan ng mga bandila na


sumasagisag sa iba’t ibang bansa. Pangalanan at pumili nang tamang sagot
sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Singapore China Taiwan United States South Korea


Japan Thailand Indonesia Malaysia Philippines

6.
1.

Sagot: Sagot:

2. 7.

Sagot: Sagot:

3. 8.

Sagot: Sagot:

4. 9.

Sagot: Sagot:

6
10.

5.

Sagot: Sagot:

Suriin
Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa mga Neokolonyalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya na makapagbibigay sa iyo ng
impormasyon na higit mong kakailanganin sa pagtamo ng kaalaman at
pagkatuto.

Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng


bagong paraan ng pananakop na tinatawag na neokolonyalismo. Ito ay ang
di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang
ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.

Ang bansang Japan ay nakaranas din ng neokolonyalismo.


Pinagkalooban ito ng tulong pinansiyal at militar ng Estados Unidos. Sa
aspetong ito, lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalistang bansa o
maunlad na bansa ang mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at
Africa. Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa magkabilang bansa upang
maging posible ang pagbibigay at pagtanggap ng mga tulong na ito. Sa
kabilang banda, hindi maitatanggi na labis din ang kapakinabangang
tinatamasa ng mga kapitalistang bansa sa ganitong sitwasyong katulad ng
pagtataguyod at pamumuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan.

Ang bansang Vietnam at Pilipinas ay nakaranas din ng neokolonyalismo


tulad sa Japan. Samantala kahit sa kasalukuyan ay masasalamin pa rin sa
mga bansang kanilang tinulungan ang impluwensiyang politikal, kultural at
pangmilitar. Naging instrumento rin sila sa kanilang neokolonyalismo ang

7
mga institusyong katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank
(WB), at maging ng United Nations (UN).
Bunga nito, ang kulturang kanluranin ay
bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan.

 Globalisasyon o Pandaigdigang Pangkalakalan ay


tumutukoy sa mabilis at malawakang integrasyong
pagtutulungan sa pang- ekonomiya, kultural, political, at
ekolohikal na kalipunan.

Kalagayang Pang-ekonomiya ng Asya sa Kasalukuyan

Economic Crisis sa Asya

Sa simula ng Hulyo 1997 lumikha nang labis na pangamba sa buong


daigdig ang krisis pinansiyal na nararanasan sa Asya. Ang Japan, Thailand,
at karamihan sa mga bansa sa Timog-Silangan Asya kabilang ang Pilipinas
ay nagdanas ng suliraning ito. Ang krisis na ito ay sinasabing epekto ng
tulad na suliraning kinaharap din ng mga bansang maunlad na kanluranin.
Nahirapan ang mga bansa sa Asya na balikatin ang mga dating
responsibilidad bunsod ng pagbabayad sa mga utang panlabas na kanilang
dapat bayaran.

Ang institusyong International Monetary Fund (IMF) ay naglaan ng


$40 Billion para alalayan ang mga bansang labis na naaapektuhan ng
economic crisis. Lubos itong napakinabangan ng mga bansang South Korea,
Thailand, at Indonesia.

Sa bansang Thailand, nagretiro si Prime Minister General Chavalit


Yongchaiyudh dahil sa krisis pinansiyal. Sumidhi ang kanyang pagnanais
sa aspektong politikal sa kanyang pamumuno.

Sa Indonesia si Pangulong Suharto ay nagretiro sa kaparehong


dahilan ng prime minister ng bansang Thailand. Sa kabilang banda,
isinilang naman sa panahong ito ang bagong bansa sa Timog-Silangang
Asya, ang East Timor.

Batay sa artikulong sinulat ni Martin Khor, Direktor ng Third


World Network na “The Economic Crisis in East Asia: Cause,
Effects, and Lessons” ang sumusunod ay naging sanhi ng
krisis:
1. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang
-institusyong pinansiyal
2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante
3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate
sa halaga ng dolyar

8
Sa pagsisimula ng taong 1999, naobserbahang muli ang unti-unting
pagbangon ng ekonomiya ng mga apektadong bansa bunsod ng
muling pagtaas ng pamumuhunan, mataas na koleksiyon ng buwis,
at iba pa.

Pilipinas. Taong 1980, bumagsak ang


ekonomiya. Dahil ang paggasta ng
administrasyong Marcos ay labis na
umaasa sa utang mula pa noong unang
termino ni Marcos noong dekada 60.
Naiwan ang Pilipinas na sugatan nang
umurong ang ekonomiya ng US noong
ikatlong kwarter ng 1981, pinilit ang
administrasyong Reagan na taasan ang rate
ng interes.
Ferdinand Marcos
Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989)
https://www.getrealphilippines.com/2016/08/ Ika- 10 Pangulo ng Pilipinas
marcos-burial-libingan-ng-mga-bayani-turns-
edsa-people-power-joke/.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagsimulang


bumaba noong 1981, na nagpatuloy na gawin
ito sa oras ng pagpatay kay Benigno Aquino
Jr. noong 1983. Ang kawalang-tatag ng
ekonomiya at pampulitika ay pinagsama
upang makagawa ng pinakamasamang pag-
urong sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984
at 1985, na nagkontrata ang ekonomiya ng
7.3% sa loob ng dalawang sunud-sunod na
https://www.getrealphilippines.com/2018/06/ taon.
what-has-ninoy-aquino-actually-achieved-that-
makes-him-better-than-other-opposition- Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
leaders/.
(Nobyembre 27, 1932 – Agosto 21, 1983)
Senador at naging Gobernador
ng
SaLalawigan ng nagtagumpay
taong 1986, Tarlac ang
mga pari at madre na bigkasin ng
mga sambayanang Pilipino upang
mapakilala sa buong daigdig ang
isang mapayapang rebolusyon.
EDSA People Power Revolution
https://tinyurl.com/kkt9ca5u
ay ang sanhi ng pagpapatalsik kay
dating Pangulong Ferdinand
Marcos.

https://tinyurl.com/45urr7rn

9
Economic Miracle sa Asya

Singapore South Korea Hongkong Taiwan

Ito ang mga bansang kinilala bilang Four Asian Dragons sa larangan ng ekonomiya
sa kadahilanang ang mga ito ay may 7% kada taon na pag-unlad na kanilang
tinatamasa. Ipinakilala ng mga nasabing bansa ang napakabilis na pagsulong sa
industriyalisasyon sa pagitan ng 1960’s-1990’s. Nagsilbing modelo sa iba pang
papaunlad na bansa sa rehiyon ang kanilang karanasang natamo.

Gross Domestic Product (GDP) - Ito ang sukat sa pera ng halaga ng


merkado ng lahat ng panghuling kalakal at serbisyo na ginawa sa isang
tukoy na tagal ng panahon.
Economic Miracle - Ito ay tumutukoy sa mabilis at malawakang
integrasyong pagtutulungan sa pang-ekonomiya, kultural, politikal, at
ekolohikal na kalipunan.
Economic Crisis - Ito ay ang pagkasira ng kalagayang pang-ekonomiya
ng bansa na nagpapakita ng makabuluhang pagtanggi sa produksyon,
pagkalugi ng mga negosyo, at pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho

.
Bigyang pansin ang Antas ng
Pagtamo ng Per Capita Gross
Domestic Product (GDP) mula
1960-2000 ng mga ilang piling
bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya

10
Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP 1960-2000

Pinagkunan: ucatlas.usc.edu? output.edu.php *Special AdministrativeRegion of


China
Bansa 1960 1970 1980 1990 2000

Silangang Asya

China 111.73 119.87 167.62 349.15 824.03

Hongkong 3007.55 5946.5 11289.5 18813 24218

Japan 8398.53 20465.5 28295.9 39955.4 44830.4

South Korea 1324.88 2282.94 3910.28 7967.39 13062.2

Timog-Silangang Asya
Indonesia 248.91 297.6 503.1 776.39 13062.2

Malaysia 974. 99 1370.65 2297.11 3104.03 4796.6

Philippines 724.7 867.39 1172.85 1090.86 1167.39

Singapore 2675. 86 5426.4 11048.2 17693 28229.6

Thailand 464.97 752.24 1117.11 1998.61 2804.93

Flying Geese Paradigm

Ito ay tumutukoy sa pananaw ng


ekonomistang buhat sa Japan na si
Kaname Akamatsu. Unang nabuo
ang pananaw na ito ni Akamatsu
noong 1930 subalit sumikat lamang
noong 1960’s matapos niyang
ilimbag ang kanyang mga ideya na
pinamagatang “Journal of
.
Developing Economies. “Sa kanyang
modelo ay simbolikong ipinakikita ang
iba’t ibang antas ng kalagayang
pangkabuhayan ng mga bansa sa
Asya. Ang mga bansa ay nasa
pormang nakabaligtad na “V”. Ang
bansang Japan ang siyang
nangunguna sa direksiyong tinatahak
ng iba pang gansa o bansa sa Asya.

11
Itinuturing na isang ganap ng industriyalisadong bansang ito kung kaya’t
may kakayahang mamuno. Sinusundan naman ito ng mga bansang South
Korea, Singapore, at ang Hongkong na itinuturing na Newly Industrialized
Economies (NIE).
Ang mga bansang Newly Industrialized Country (NIC) na kabilang sa
ASEAN gaya ng Indonesia, Malaysia, Philippines at Thailand ang
sumusunod.
Pinakadulo naman sa hanay ang China, Vietnam, at iba pang bansa sa
Asya.

Masasalamin sa modelong ito ni Akamatsu ang katanyagan ng ekonomiya


ng Japan na hindi sinasang-ayunan ng China bunsod ng pagnanais din nito
na mamuno.

Naniniwala rin siya na ang mga nasa dulong bahagi ay may kakayahan pang
mabago ang kapalaran tulad ng karanasang pinagdaanan din ng Japan sa
nakaraan.

Pagyamanin

Ngayong nabasa mo na ang araling neokolonyalismo bilang bagong


pamamaraang ginagamit ng mga kolonyalistang bansa, sagutin ang
sumusunod.

Gawain A
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat ang salitang “TA” kung tama
ang pangungusap at “MA” kung ito ay mali. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang Estados Unidos ang nagkaloob ng tulong pinansyal at militar sa


bansang Japan.
2. Isang sanhi ng krisis ang maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko
at iba pang institusyong pinansyal.
3. Taong 2000 ng bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.
4. Flying Bird Diagram ang tawag sa simbolikong pananaw ni Kaname
Akamatsu.
5. Ang mga bansang Hongkong, Singapore, South Korea at Taiwan ay mga
asensadong bansa.

12
Gawain B
Panuto: Buoin ang mga nawawalang letra upang malaman ang kahulugan
ng pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
1. P_N_U_O – tawag sa pinakamataas na titulo bilang pinuno ng estado
na napili sa pamamagitan ng halalan o eleksiyon.
2. E_ONO_I_A – binubuo ng sistemang ekonomiko na may kinalaman sa
produksyon at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. Ito ang kalagayan
ng isang bansa sa mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na
nagpapasiya kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang
lugar.
3. S_L_R_N_N - ito ay mga pagsubok na kailangang malampasan upang
maging mas maayos ang isang partikular na sitwasyon.
4. U_A_G - Ito ay panghihiram na pinapangakong ibabalik din sa
itinakdang palugit na araw.
5. N_OK_L_NY__L_S_O- di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya
na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang
bansa.

Gawain C
Panuto: Suriin ang paksa. Gumuhit ng piramide at isulat ang mga
sagot sa loob ng tatsulok. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

1.

3 sanhi ng
economic
crisis na
naganap sa
Asya.

3. 2.

13
Gawain D
Panuto: Sagutin ang mga katanungan na nasa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang flying geese diagram? Ipaliwanag?


2. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Kaname Akamatsu kung
ang pagbabatayan ay ang kasalukuyang panahon? Bakit?

Gawain E
Panuto: Dugtungan ang isang pangungusap na hindi tapos tungkol sa
neokolonyalismo ng Pilipinas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang neokolonyalismo sa larangan ng ekonomiya sa


Silangang Asya ay kakikitaan ng .

Gawain F

Panuto: Punan ng sagot ang 3, 2, 1 tsart. Ibigay ang iyong nabuong kaisipan.
Gawin ito sa sagutang papel.

TATLO, DALAWA, ISA


(3) Tatlong bagay na natutuhan mo.
1.
2.
3.

(2) Dalawang bagay na pumukaw sa iyong atensyon at


kinawilihan.
1.
2.

(1) Isang pangungusap na nais mong itanong.


1.

14
Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na


inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon. Sa
puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang
iyong pagkatuto.

Panuto: Punan ang patlang nang wastong salita upang mabuo ang diwa
ng pangungusap na patungkol sa bagong pamamaraan ng pananakop sa
Silangan at Timog-Silangang Asya. Piliin ang sagot sa ibaba. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1997 ekonomiya IMF neokolonyalismo pinansyal


1999 Estados Unidos krisis Pilipinas utang

Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay


nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na tinatawag
na 1. ________________. Simula noong taong 2.
ay lumikha ng labis na pangamba sa buong daigdig bunga
ng 3._________ na nararanasan sa Asya. Ang Japan,
Thailand at karamihan sa bansa sa Timog Silangang Asya
kabilang ang 4.______________. Ang bansang Japan ay
nakatanggap ng tulong 5. at militar mula sa
6.________________.Nahirapan ang mga bansa sa Asya na
balikatin ang mga dating responsibilidad bunsod ng
pagbabayad sa mga 7. _____________ na panlabas na
kanilang dapat bayaran. Para alalayan ang mga bansang
labis na naapektuhan ng economic crisis, naglaan ang
institusyong 8.____________________ ng $40 bilyon para sa
mga programa. Sa pagsisimula ng taong 9. ___________ ay
unti-unting naobserbahan ang pagtaas ng pamumuhunan,
koleksyon ng buwis at iba na na resulta ng pagbangon ng
10. ________________.

15
Isagawa

Panuto: Sumulat ng sanaysay (essay) ukol sa paksa. Basahin ang


rubriks sa baba upang maging gabay sa iyong pagsagot. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Neokolonyalismo: Mabuti o hindi-mabuti para sa


mga Asyano?

RUBRIKS sa Gawain

Kailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman pang
Pamantayan
(4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos) Magsanay
(1 puntos)
Walang
Nagpakita ng Nakakitaan ng
Nagpakita ng naipakitang
lubos na mahinang
pag-unawa sa pag- unawa
Pag-unawa pag-unawa sa pagkaunawa sa
mga datos na sa mga datos
sa datos mga datos na mga datos na
napag-aralan na napag-
napag-aralan napag-aralan
aralan
May ilang
Pagkaayon Nakaayon ng Hindi
Nakaayon sa datos ang
sa lubos sa nakaayon sa
layunin ang hindi
itinakdang layunin ang layunin ang
gawain nakaayon sa
layunin gawain gawain
layunin
Napa-
Pagiging
Napapanahon panahon
napapa- Kakaunti ang Walang
ang lahat ng ang marami
nahon ng napapanahong napapanaho
inihayag na sa inihayag
mga datos, datos, ng datos,
datos, na
ebidensya ebidensya at ebidensya at
ebidensya at datos,
at kasanayan kasanayan
kasanayan ebidensya at
kasanayan
kasanayan
Napaka- Malikhaing Di-gaanong Walang bahid
malikhaing naihayag naging ng pagka-
Malikhaing naihayag ang ang malikhain malikhain
Mensahe mensahe ng mensahe ng ang mensahe ang mensahe
gawain gawain ng gawain ng gawain

16
Masining
Napakasining Hindi gaanong Hindi
ang
ng masining ang masining ang
Pagka- pagkaka-
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
masining gawa ng
ng gawain ng gawain ng gawain
gawain

Kabuuang
20 puntos
Puntos

Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Ayusin ang


pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa
inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang bansa sa Silangang Asya na may pinakamataas na GDP sa taong
2000. (SORENIGAP)
2. Ito ang sukat sa pera ng halaga ng merkado ng lahat ng panghuling
kalakal at serbisyo na ginawa sa isang tukoy na tagal ng panahon.
(SORGS MODISECT TROPDUC)
3. Ito ay simbolikong modelo na nasa pormang nakabaligtad na “V”.
Ipinakikita nito ang iba’t ibang antas ng kalagayang pangkabuhayan
ng mga bansa sa Asya. (LNGYIF ESEEG MAPDARIG)
4. Ito ay tumutukoy sa mabilis at malawakang integrasyong
pagtutulungan sa pang- ekonomiya, kultural, politikal, at ekolohikal
na kalipunan. (YOSNASLOBAGL)
5. Ito ay ang pagkasira ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na
nagpapakita ng makabuluhang pagtanggi sa produksyon, pagkalugi
ng mga negosyo, at pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho.
(ICONCOME RISSIC)

17
II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang pananda
ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

EDSA
PEOPLE KANAME NEOKOLONYALISMO
POWER AKAMATS

INTERNATIONAL
CHARAHT YONGCHAIYADH MONETARY FUND
UN

1. Ito ang naging sanhi ng pagpapatalsik kay dating Pangulong


Ferdinand Marcos.
2. Siya ang ekonomistang galing Japan na may inilimbag na ideya na
pinamagatang “Journal of Developing Countries” na nagpapakita ng
iba’t ibang antas ng kalagayang pangkabuhayan ng mga bansa sa Asya.
3. Siya ay isang Prime Minister General na nagretiro bunsod ng krisis
pinansiyal na sumidhi ang pagnanais sa aspektong politikal sa bansang
Thailand.
4. Ito ang tawag sa bagong paraan ng pananakop.
5. Institusyong umalalay sa mga bansang labis na naaapektuhan ng
economic crisis taong 1997, na naglaan ng $40 Billion para sa
programa.

Karagdagang Gawain

Narating mo na ang huling bahagi ng yunit. Sa puntong ito, nais


kong unawain mong mabuti ang sitwasyon na isinasaad dito sa
pamamagitan ng paglalagay mo sa iyong sarili sa gampaning
isinasaad. Sa gawaing ito masusukat ang iyong tinamong kaalaman
sa mga nakaraang yunit.

Panuto: Bilang isang mag-aaral, magsulat ng limang paraan


kung paano mo maipakikita ang pagkilala at pagtangkilik sa
sariling atin.

18
19
Balikan Tuklasin
Subukin 1. Corazon Aquino 1. Taiwan
2. May Fourth Feminism
2. Hongkong
1. C 3. Park Geun Hye
4. Thai Buddhist Femenist Theory 3. Japan
2. D
5. BATIS AWARE (Association of Women in 4. South Korea
3. D
Action for Rights and Empowerment) 5. Philippines
4. D 6. Megawati Sukarnoputri 6. United
5. A 7. 1987 States
6. C 8. Womenomics
7. Indonesia
7. A 9. 1975
10.Aung San Suu Kyi
8. Malaysia
8. B
9. Thailand
9. B
10.D 10. China
Pagyamanin
Gawain A. Gawain B.
Gawain C.
1.Ta 1. Pangulo 1. Maling sistema ng pamamahala sa
2. Ta 2. Ekonomiya pagbabangko at iba pang -institusyong
3. Ma 3. Suliranin pinansiyal
4. Ma 4. Utang 2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga
5. Ta 5. Neokolonyalismo sektor ng negosyante
3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed
exchange rate sa halaga ng dolyar.
Gawain D.
Posibleng sagot:
1. Ito ay tumutukoy sa pananaw ng ekonomistang buhat sa Japan na si Kaname
Akamatsu. Sa kanyang modelo ay simbolikong ipinakikita ang iba’t ibang antas ng
kalagayang pangkabuhayan ng mga bansa sa Asya. Ang mga bansa ay nasa pormang
nakabaligtad na “V”.
2. Sumasang-ayon. Dahil naniniwala ako na may kakayahan din ang mga ibang bansa na
nasa dulong bahagi ng nakapormang “V” upang mabago ang kapalaran tulad ng
karanasang pinagdaanan din ng Japan sa nakaraan.
Gawain E.
Ang neokolonyalismo sa larangan ng ekonomiya sa Kanlurang Asya ay kakikitaan ng
malawakang paghina at pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa.
Gawain F.
Mga posibleng sagot:
1. Ang Singapore ang may pinakamataas na GDP sa lahat ng bansa sa Asya. Pangalawa,
neokolonyalismo ang makabagong pamamaraan ng pananakop, at huli ang Gross Domestic
Product ay ang sukat sa pera ng halaga ng merkado ng lahat ng panghuling kalakal at
serbisyo na ginawa sa isang tukoy na tagal ng panahon.
1. Economic Miracle - Ito ay tumutukoy sa mabilis at malawakang integrasyong
pagtutulungan sa pang-ekonomiya, pang-kultural, pang-politikal at pang-ekolohikal na
kalipunan.
2. Economic Crisis - Ito ay ang pagkasira ng kalagayang pang- ekonomiya ng bansa na
nagpapakita ng makabuluhang pagtanggi sa produksyon, pagkalugi ng mga negosyo at
tumataas na kawalan ng trabaho.
1.Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan ako makakatulong para mapaunlad ang
ekonomiya ng bansang Pilipinas.
Susi sa Pagwawasto
20
Isaisip
1. Neokolonyalismo
2. 1997
3. krisis
4. Pilipinas
5. pinansyal
6. Estados Unidos
7. utang
8. IMF (International Monetary Fund)
9. 1999
10. ekonomiya
Isagawa
Possibleng sagot:
May mabuting dulot ang neokolonyalismo sa mga Asyano sapagkat sa
pamamagitan nito tinutulungan at sinusuportahan tayo ibang malalakas na
bansa upang an gating bansa ay makaahon din sa kahirapan. Nandyan ang
Japan, United States, South Korea at China na kasalukuyang katuwang naten sa
mga programang pang istruktura at pagtransportasyon ng Pilipinas.
Tayahin
TAYAHIN
I.
1. Singapore
2. Gross Domestic Product
3. Flying Geese Diagram
4. Globalisasyon
5. Economic Crisis Gawain
II.
1. Edsa People Power
2. Kaname Akamatsu
3. Charaht Yongchaiyadh
4. Neokolonyalismo
5. International Monetary Fund
Karagdagang Gawain
Possibleng sagot:
Sa maliit na paraan makakatulong ako sa pag-unlad ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng
pagbili sa sariling produkto ng ating bansa at hindi sa mga imported.
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba, 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of


Education, 2016.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource


Management and Development System, 2014.

"Marcos Burial At The Libingan Ng Mga Bayani Turns EDSA People Power Into A
Joke! - Get Real Post". 2021. Get Real Post.
https://www.getrealphilippines.com/2016/08/marcos-burial-libingan-ng-mga-
bayani-turns-edsa-people-power-joke/.

"What Has Ninoy Aquino Actually Achieved That Makes Him Better Than Other
Opposition Leaders? - Get Real Post". 2021. Get Real Post.
https://www.getrealphilippines.com/2018/06/what-has-ninoy-aquino-actually-
achieved-that-makes-him-better-than-other-opposition-leaders/.

2021. Deped.Gov.Ph. https://www.deped.gov.ph/wp-


content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like