You are on page 1of 30

7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo sa Silangan
at Timog Silangang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa
Silangan at Timog Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


May B. Eclar, PhD CESO III
Rhoda T. Razon, EdD CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eduardo Q. Dela Cruz
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD/ Grace G. Abad/ Rebecca Sotto
Mary Jane P. Soriano/ Edelwiza L. Cadag
Rodel D. Lintag
Marieann C. Ligsay PhD
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Marylin R. Abrantes
Tagapamahala: May C. Eclar PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Remedios D. Sitchon
Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ika-apat na Markahan – Modyul 1:
Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo sa Silangan
at Timog Silangan Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa
Araling Panlipunan Baitang 7.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:
 Mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop noong
unang yugto ng imperyalismong kanluranin.
 Mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na manakop sa mga
bansa sa Asya.
 Mga patakaran na ipinatupad ng mga kanluranin sa kanilang nasakop
na bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang mga dahilan at paraan ng pagpasok ng mga
Kanluraning bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga
kolonya o kapangyarihan sa Silangan at Timog Silangang Asya;
2. nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa
Silangan at Timog Silangang Asya sa pagpasok ng mga kaisipan
at impluwensiyang kanluranin sa larangan ng: (a) pamamahala,
(b) kabuhayan, (c) teknolohiya, (d) lipunan, (e) paniniwala, (f)
pagpapahalaga, at (g) sining at kultura; at
3. natataya ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang
impormasyon sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa
Silangan at Timog Silangang Asya
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik nang


tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga pangungusap ang nagsasabi ng epekto ng kolonyalismo at


imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at
Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-17 na siglo?
A. nagpagawa ng mga simbahan para maipalaganap ang Katolisismo
B. nagpalabas ng mga tuntunin upang mapasunod ang mga
katutubong Asyano
C. nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang
pakikipagkalakalan
D. nagtalaga ng mga taga ibang bansa ng kinatawan upang pamunuan
ang nasakop na bansa

2. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa


Asya?
A. pag-unlad ng ekonomiya
B. pagkamulat sa kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas

3. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga Europeo ay nagdulot ng iba’t-ibang


epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng
pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo
at dayuhan
B. pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap
ng mga produktong kanluranin
C. naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga
sarili sa panahon ng pananakop ng mga kanluranin
D. ang pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na
nagdulot nang mabilis na pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang
kalakal

4. Alin sa sumusunod ang naging tungkulin ng mga Asyano sa mga


mananakop?
A. tagabili ng kanilang produkto
B. tagapagutos sa mga mananakop
C. tagapagtustos ng yaring produkto
D. tagapagtanggol sa mga mananakop

2
5. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang
Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong politikal
ng mga nasakop na bansa
A. pagpapatayo ng mga imprastraktura
B. pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
D. pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

6. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang


nasyon- estado sa aspetong politika, pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.
A. imperyalismo
B. koloniyalismo
C. merkantilismo
D. sosyalismo
7. Ang patakarang ito ay ipinatupad ng mga kanluranin sa mga katutubo na
kung saan sapilitan silang pinagbabayad ng buwis.
A. encomienda
B. monopolyo
C. polo y servicio
D. tributo
8. Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mga
mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
A. divide and Rule policy
B. imperyalismo
C. koloniyalismo
D. merkantilismo

9. Pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas para


pamunuan ito
A. alkalde mayor
B. cabeza de barangay
C. gobernadorcillo
D. gobernador heneral

10. Ang sentralisadong pamahalaan ay patakaran na ipinatupad ng mga


Espanyol na nakapaloob sa:
A. pampolitika
B. pangkultura
C. pangrelihiyon
D. pangkabuhayan

3
Unang Yugto ng
Aralin
Imperyalismo At
1 Kolonyalismo sa Silangan
at Timog Silangang Asya

Balikan

Tingnan mo ang talahanayang nasa ibaba. Bago ka magsimula sa


bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
pagsagot sa talahanayan. Ilagay sa kahon kung saan nabibilang ang mga
katagang nakasulat sa ibaba. Matapos nito ay sagutin ang mga katanungang
kokonekta sa ating pag-aaralan.
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang tamang pangalan ng mga
larawan na nasa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon.

1. 2. 3.

4. 5.

Mga Pagpipilian:

Marco Polo Bartholomeu Dias Vasco Da Gama


Ferdinand Magellan Christopher Columbus Prinsipe Henry

4
Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong


leksyon. Halina at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Simulan mo ito sa pagsagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.

Panuto: Basahin ang kwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas.


Tukuyin ang mga lugar na kanyang pinuntahan gamit ang sumusunod na
mapa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

5
Nagtungo ako sa Pilipinas upang bisitahin ang iba’t ibang lugar
at lansangan dito. Una kong pinuntahan ang daang makikita sa silangan
ng Athletic Bowl at sa kanluran ng Session Road. Malapit ito sa Governor
Pack Road. Ito ay ang (1) ___________. Pagkatapos nito ay nagtungo ako
sa Maynila upang magpunta sa isang ospital. Napansin ko ang isang
daan na ipinangalan sa isang bansa sa Europa. Makikita ang daan na
ito sa kanluran ng ospital na aking pinuntahan. Nasa hilagang bahagi
nito ang isang fast food chain. Ang pangalan ng daan na ito ay (2)
____________. Mula sa ospital ay nagtungo ako sa isang pharmacy upang
bumili ng gamot. Dumaan ako sa isang mahabang lansangan na
makikita sa hilaga ng EDSA. Ito ay ang (3)______________. Ayon sa aking
mga kaibigan ay masarap ang mga prutas dito sa Pilipinas kaya
nagtungo ako sa Marfori Fruit Market. Upang makarating dito, dumaan
ako sa (4) _________na makikita sa silangan ng Marfori Fruit Market at
timog ng A Pichon St. Upang makapaglibang naman ay naglaro ako ng
basketball sa Bacag Basketball Court na kalapit naman ng Bacag
Elementary School. Makikita sa dalawang nabanggit na lugar ang
(5)___________.

Kung nakuha mo ang kasagutan ay iyan ang ating


bibigyang diin sa araling ito. Alam mo ba na napakaraming
bansa sa Europa ang gumalugad sa Asya dahil sa iba’t ibang
dahilan? Ngayon, alamin mo na ang mga dahilan kung bakit
ginalugad at sinakop ng mga kanluranin ang Asya partikular
ang Silangan at Timog Silangang Asya.

6
Suriin

Upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol


sa mga dahilan at iba’t-ibang paraan ng pananakop ng mga kanluranin sa
Silangan at Timog-Silangang Asya, basahin at unawain mo ang sumusunod
na teksto.

Basahin, suriin at unawain ang teksto sa ibaba.


Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang
Silangang Asya sa mga bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang
pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga kanluranin ang karangyaan ng
mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay
masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga
bansa rito.
Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansang naghangad na
magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng
Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi
nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.
Sa ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin, maraming bansa
ang nag-unahang masakop ang bansang China.
RUTA NG KALAKALAN

Timog Silangang Asya


Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman
ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya noong unang
yugto ng imperyalismong kanluranin. Karamihan ng daungan sa rehiyong ito
ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na paghahangad na
makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang
nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-Silangang Asya. Nauna ang
bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa
Timog-Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansang
England at France.

7
Mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop noong unang yugto ng
imperyalismong kanluranin

PILIPINAS

SUMAKOP MGA LUGAR NA SINAKOP DAHILAN

Espanya Halos kabuuan ng Luzon at Mayaman ang Pilipinas


Visayas at ilang bahagi ng sa ginto. May mahusay
Mindanao itong daungan katulad
ng Maynila.
PARAAN NG PANANAKOP

Unang dumaong sa isla ng


Ferdinand Homonhon si Ferdinand Mindanao:
Magellan: Magellan, isang Portuges na Hindi tulad ng
Narating niya ang naglayag para sa Hari ng Luzon at Visayas,
Silangan gamit ang Espanya noong Marso 16, ilang bahagi
rutang pakanluran. 1521. Nabigo siyang masakop lamang ng
Napatunayan sa ang Pilipinas dahil napatay siya Mindanao ang
kanyang ng mga tauhan ni Lapu-Lapu nasakop ng mga
paglalakbay na sa labanan sa Mactan. Espanyol dahil sa
bilog ang mundo. Nagpadala ang Hari ng Espanya matagumpay na
ng iba pang manlalakbay na pakikipaglaban ng
Kristiyanismo: Ito ang layunin ay masakop ang mga Muslim.
ang relihiyong Pilipinas. Ang paglalakbay na
ipinalaganap ng pinamunuan ni Miguel Lopez Sanduguan:
mga Espanyol. Isa de Legazpi ang nagtagumpay na Iba-iba ang mga
ito sa mga paraang masakop ang bansa sa paraan ng mga
kanilang ginamit sa pamamagitan ng Espanyol sa
pananakop sa pakikipagsanduguan sa mga pananakop. Isa rito
Pilipinas. lokal na pinuno at paggamit ng ay ang
Nakatulong ang mga dahas. Itinayo ang unang pakikipagkaibigan
misyonero na pamayanang Espanyol sa Cebu sa mga lokal na
mapalaganap ang noong Abril 27, 1565. Mula rito pinuno na pormal
Kristiyanismo ay sinakop din ang iba pang nilang ginagawa sa
pagkatapos lupain tulad ng Maynila na pamamagitan ng
maisakatuparan ang itinuturing na isa sa sanduguan. Iniinom
patakarang pinakamagandang daungan at ng lokal na pinuno
reduccion (ito ay sentro ng kalakalan sa Asya. at pinunong
naglalayong mailipat Nakatulong din sa pananakop Espanyol ang alak
ang mga katutubong ng Espanya ang na hinaluan ng
naninirahan sa pagpapalaganap ng relihiyong kani-kanilang dugo.
malalayong lugar Kristiyanismo. Natuklasan din Sa ibang lugar
upang matiyak ang ng mga Espanyol ang naman ay
kanilang karangyaan ng Pilipinas sa ginagamitan nila ng
kapangyarihan sa ginto lalo na sa mga lugar ng pwersa o dahas
kolonya. Ilocos, Camarines, Cebu, at upang masakop ang
Butuan sa Mindanao. lupain.

8
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas

Sentralisadong Ang Simbahang


pamamahala- Katoliko- dahil sa
impluwensya sa
Napasailalim sa
taumbayan, naging
pamumuno ng mga Pampolitika makapangyarihan din
Espanyol ang halos
ang mga Espanyol na
kabuoan ng bansa.
pari at kura-paroko
Itinalaga ng Hari ng
noong panahon ng
Espanyol bilang
pananakop ng mga
kanyang kinatawan
Espanyol.
sa Pilipinas ang
Gobernador Heneral.
Gobernador Heneral- siya ang
pinakamataas na pinunong Espanyol sa
Pilipinas. Nawala sa kamay ng mga
katutubo ang karapatang pamunuan ang
kanilang sariling lupain. Pinayagan
silang maglingkod sa pamahalaan subalit
sa pinakamababang posisyon.

P Sa patakarang ito, pinagbabayad ng


buwis ng mga Espanyol ang mga
A katutubo. Ilan sa maaaring ipambayad ay
TRIBUTO ginto, mga produkto, at mga ari-arian.
N
Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta,
maraming katutubo ang naghirap at
G
nawalan ng kabuhayan.
K
Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang
A pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad
16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay,
B POLO Y SERVICIO
kalsada, simbahan, gusaling
pampamahalaan at iba pa. Marami sa
U
kanila ang nahiwalay at namatay sa hirap.
H
Kinokontrol ng mga Espanyol ang
A kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta
ng mga produktong nabili sa Europa tulad
Y MONOPOLYO ng tabako. Kumita din sila nang malaki sa
kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang
A
nagutom dahil hindi na sila nakapagtanim
N ng kanilang makakain.

9
ALAM MO BA?

Halos kasinghalaga ng ginto noon ang mga pampalasang nakukuha


sa Asya katulad ng cloves, nutmeg, at mace.

Wika at mga
Pagpapalaganap
Pagdiriwang
ng Kristiyanismo

Niyakap ng mga katutubo Natuto ang mga katutubo


ang Kristiyanismo. ng wikang Espanyol.
Ipinapatay ang mga Idinaos din ang mga
pinuno ng mga PANGKULTURA taunang pagdiriwang
katutubong relihiyon. tulad ng piyesta ng bayan,
Dahil dito, maraming Santacruzan, Araw ng
katutubo ang naging
mga patay, at Pasko.
Kristiyano at mas
Kadalasan, ang mga
madaling napasunod ng
mga Espanyol. pagdiriwang ay may
kaugnayan sa relihiyon.

INDONESIA
SUMAKOP MGA LUGAR NA SINAKOP DAHILAN
1.Portugal 1.Ternate sa Moluccas-nasakop Mayaman sa mga
2.Netherlands ng Portugal pampalasa, mga
3.England 2.Amboina at Tidore-inagaw ng sentro ng kalakalan at
Netherlands mula sa Portugal may maayos na
3.Batavia (Jakarta) nasakop din daungan
ng Netherlands

10
PARAAN NG PANANAKOP
Dahil sa paghahangad sa mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate
sa Moluccas noong 1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at
nagsimulang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo. Pinaalis ng mga
Dutch ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at
Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na pwersang pandigma. Upang
mapanatili ang kanilang kapangyarihan, nakipag-alyansa ang mga Dutch sa
mga lokal na pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng divide and rule policy
(isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop
ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar) upang
mapasunod at masakop ang mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon ng
monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch. Lalo pang
napatatag ng Netherlands ang monopolyo nang itatag nito ang Dutch East
India Company. Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil sa
epekto ng Napoleonic Wars subalit nabalik din ito sa mga Dutch matapos ang
digmaan.

MALAYSIA
Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop
sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands, at England.
Pangunahing layunin din ng mga bansang ito ang pagkontrol
sa mga sentro ng kalakalan. Bukod sa kalakalan, sinubukan
din ng mga Portugues na palaganapin ang Kristiyanismo sa
mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa
rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensyahan ng
mga bansang Netherlands at England ang kultura ng
Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa
pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng
kalakalan sa Malaysia.

11
Pagyamanin

Matapos mong masuri ang iba’t ibang paraan ng pananakop ng mga


kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya, masusubok naman ang
iyong husay at galing sa pagpapayaman sa kaalaman sa leksyon sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga nakahandang pagsubok batay sa iyong
natutuhan.

Gawain A

Panuto: Buoin ang mga nawawalang letra upang malaman ang kahulugan
ng pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. G__B__RN__D__R H__N__R__L
Pinakamataas na pinuno sa Pilipinas na itinalaga ng hari ng Espanya.

2. T__I__U__O
Sa patakarang ito ay sapilitang pinagbabayad ng buwis ang mga
katutubo.

3. M__LU__ __ A__
Ito ang lupaing nais marating ng mga kanluranin upang makontrol ang
kalakalan ng pampalasa. Tinatawag din itong Spice Island.

4. DI__I__E AND R__L__ P__LI__Y


Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng
mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang
lugar.

5. D__T__H E__ST I__DI__ C__M__A__Y


Ito ay itinatag ng pamahalaan ng Netherlands upang pag-isahin ang
mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.

12
Gawain B

Panuto: Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga


bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga
kanluranin. Punan nang tamang sagot ang tsart. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Nasakop Kanluraning Dahilan Paraan


Patakarang
na bansang ng ng Epekto
ipinatupad
Bansa nakasakop Pananakop Pananakop
China
Pilipinas
Indonesia
Malaysia

Gawain C

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba, hanapin ang mga salita
sa pinaghalong letra at ito ay bilugan. Kopyahin at sagutin ito sa iyong
sagutang papel.

P D A R T Y S C X K
O S D F G H E J K R
L X G C H V J B N I
O C E L A D O N M S
Y P O Y N U N I O T
S A N D U G U A N I
E M U Z U C B N O Y
R P K H L F D S P A
V A S C R W R M O N
I L E J D B Z T L I
C A O S E O N O Y S
I S N K A S V E O M
O A D C O Y Z N D O
1. Paraan ng mga Espanyol sa pananakop sa pamamagitan ng
pakikipagkaibigan na iinom ng alak ang lokal na pinuno at pinunong
Espanyol na hinaluaan ng kani-kanilang dugo.
2. Mataas ang paghahangad ng mga Kanluranin na makakuha ng mga
bagay na ito na matatagpuan sa Moluccas
3. Patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na sapilitang
pinagtratrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60.
4. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas na isa rin sa
paraan na ginamit sa pananakop.
5. Ito ang pagkontrol ng mga kanluranin sa kalakalan.

13
Gawain D

Panuto: Suriin ang paksa at sagutin ito sa iyong sagutang papel.

Espanyol Dutch

Paano nagkakaiba
ang patakaran sa
pananakop ng mga
Dutch at mga
Espanyol?

Gawain E

Panuto: Buoin ang mga salita na tinutukoy ng bawat tanong/pahayag.


Gamiting gabay ang mga bilang na kumakatawan sa ating English
Alphabet. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gabay:

A B C D E F G H I J K L M N
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
O P Q R S T U V W X Y Z
15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Halimbawa:

Bansang sumakop sa Pilipinas

E S P A N Y A
5 19 16 1 14 25 1

1. Pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas na itinalaga ng


hari ng Espanya.

7 15 2 5 18 14 1 4 15 18 8 5 14 5 18 1 12

14
2. Isang Portuges na narating ang silangan gamit ang rutang
pakanluran.

6 5 18 4 9 14 1 14 4 13 1 7 5 12 12 1 14

3. Relihiyong ipinalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas.

11 18 9 19 20 9 25 1 14 9 19 13 15

4. Isang paraan ng pananakop na ginamit ng mga kanluranin kung


saan ay pinag-aaway ng mga mananakop ang mga lokal na
pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.

4 9 22 9 4 5 1 14 4

18 21 12 5 16 15 12 9 3 25

5. Kumpanya na itinatag ng Netherlands para makontrol ang


kalakalan ng pampalasa.

4 21 20 3 8 5 1 19 20

9 14 4 9 1

3 15 13 16 1 14 25

15
Gawain F

Panuto: Sagutin ang mga katanungan na nasa kahon. Gawin ito sa


iyong sagutang papel.

 Pilipinas

1. Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni


Magellan? Ipaliwanag
2. Paano nakatulong ang Kristiyanismo upang
mapasunod ang mga Pilipino? Ipaliwanag ang
yong kasagutan.
3. Tama ba ang ginawang pakikipagkaibigan ng mga
 Indonesi
lokal na pinuno sa mga Espanyol? Bakit?

 Indonesia

1. Bakit maraming naghahangad na masakop ang


Moluccas? Ipaliwanag ang sagot.
2. Bakit mahal ang presyo ng mga pampalasa sa
pamilihan ng mga bansang Europeo? Ipaliwanag
ang sagot.
3. Bakit naging matagumpay ang divide and rule
policy? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

16
Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na


inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon. Sa
puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang iyong
pagkatuto.

Panuto: Punan ang patlang nang wastong salita upang mabuo ang diwa
ng pangungusap na patungkol sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin
sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Piliin ang sagot sa ibaba. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nag-


unahang manakop ang mga bansang Espanya at Portugal.Sinakop
ng Espanya ang (1)_________ sa Timog Silangang Asya dahil nakita
nila ang kagandahan nito na may mahusay na (2)_______ para sa
mga barko tulad ng sa Maynila at mayaman din ito sa(3) ______.
Para makuha ang loob ng mga katutubo ay (4) _______ sila sa mga
pinunong katutubo sa pamamagitan ng (5) _________, ito ay pag-
inom ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo.Maraming
patakaran ang ipinatupad ng mga mananakop sa Pilipinas gaya ng
sapilitang pagbabayad ng(6) ______ at sapilitang pagtratrabaho ng
mga katutubo na edad 16 hanggang 60 na tinawag itong
(7)_________. Kinontrol din ng mga Espanyol ang (8) _______ na
lalong nagpahirap sa mga Pilipino. Sa kabilang banda, dahil sa
paghahangad na makakuha ng mga (9)_______ ang mga Europeo ay
narating ng mga Portuges ang (10) _______ na tinatawag na spice
island noong 1511.

Mga Pagpipilian:

kalakalan pampalasa Pilipinas nakipag-kaibigan


America Moluccas daungan sanduguan
buwis Malaysia ginto polo y servicio

17
Isagawa

Panuto: Suriin ang katanungan at sagutin ito ng tatlong pangungusap


sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang rubriks na nasa ibaba sa iyong
pagsagot.

Kung ikaw ay isang katutubong


pinuno noon sa panahon ng
pananakop, paano mo haharapin
o bibigyang solusyon ang mga
patakarang ipinatupad ng mga
mananakop?

Rubriks

Pamantayan 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos


Nakakitaan
Nagpakita Nagpakita Walang
ng
ng lubos na ng pag- naipakitang
Pag-unawa mahinang
pag-unawa unawa sa pag-unawa
sa paksa pag-unawa
sa naibigay naibigay sa naibigay
sa naibigay
na paksa. na paksa. na paksa.
na paksa.
Malinaw
Napakalinaw ang Kaunti ang Walang
Kalinawan
ng lahat ng marami malinaw sa malinaw sa
ng mga
inihayag na sa inihayag inihayag na
kasagutan
sagot. inihayag na sagot. sagot.
na sagot.

18
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang TAMA kung
ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

1. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng


imperyalismong kanluranin dahil sa malakas nitong pamahalaan.

2. Ang isang nagpahirap sa mga katutubo noon ay ang patakarang tributo


na kung saan ay sapilitang pinagbabayad ang mga katutubo ng buwis.

3. Ang mga katutubo ay hindi kailanman natuto ng salitang Kastila.

4. Nagkaroon ng tinatawag na monopolyo sa panahon ng kolonyalismo sa


Silangan at Timog Silangang Asya para makontrol ng mga mananakop ang
kalakalan.

5. Mababa ang paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga


pampalasang makukuha sa Asya.

6. Ang bansang Portugal ang sumakop sa bansang Pilipinas.

7. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas ay


nasakop nilang buo ang Mindanao.

8. Nagpatupad pa rin ang mga mananakop sa mga bansang kanilang sinakop


ng mga patakaran na lalong nagpahirap sa mga tao. Ang Polo y servicio ay
ang sapilitang pagtatrabaho sa mga kalalakihan na may edad 16 hanggang
60.

9. Ang Netherlands ay nagtatag ng isang kumpanya na tinatawag na Dutch


East India Company na layuning pag-awayin ang mga kumpanya na
nagpapadala ng paglalayag sa Asya.

10. Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nakuha ng Portugal


ang daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan).

19
Karagdagang Gawain

Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing


sa mga gawaing inihanda para sa iyo. Ang positibong pananaw sa malayang
pag-aaral ang daan upang ang kamangmangan ay hindi maging hadlang
upang ikaw ay matuto sa iyong mga sariling paa. Ang karagdagang gawain ito
ang magpapalalim upang ikaw ay magpatuloy na matuto.

Panuto: Suriin ang larawan na nasa ibaba at sagutin ang tanong sa


iyong sagutang papel.

http://www.gompers.umd.edu/Pullman%20Cartoon.htm

Sa iyong palagay, ano ang ipinakikita ng larawan? Ibigay ang paliwanag


sa loob ng tatlong pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

20
21
Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
Gawain F Gawain E. Gawain D
A. Possible anser: 1.Gobernador heneral Possible answer:
1.Napatunayan na ang mundo ay 2. Ferdinand Magellan Espanyol – maraming
bilog. 3.Kristiyanismo patakaran ang
2. Ipinasok ng mga mananakop ang 4. Divide and rule policy ipinatupad na
kanilang relihiyon at ang hindi 5. Dutch East India nakapailalim sa
susunod ay kanila itong papatayin Company pampolitika,
katulad ng ginawa nila sa mga pangkabuhayan, at
pinunong local noon na ayaw pangkultura para
tanggapin ang kanilang relihiyon. masakop nila ang isang
3. Tama, sapagkat likas sa mga bansa.
Pilipino ang palakaibigan . Dutch- nagkaroon ng
patakaran na sumentro
sa kalakalan na ang
ginamit ay ang
kumpanyang Durch
East India Company.
Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
Gawain A. Gawain B. Possible answer: Gawain C
1.Gobernador 1. China – Portugal – Likas Yaman, 1.Sanduguan
Heneral Daungan – Gumamit ng dahas – 2. Pampalasa
Nagpahirap sa mga tao 3. Polo y sevicio
2.Tributo 2. Pilipinas – Espanya – Likas yaman, 4. Kristiyanismo
Pampalasa, Daungan – Nagpatupad ng 5. Monopolyo
3. Moluccas mga patakaran – nagpahirap sa mga tao
3. Indonesia – Portugal, England,
4. Devide and Rule Netherlands – Likas Yaman, pampalasa,
Policy daungan – gumamit ng polisiyang
devide and rule – nagpahirap sa mga
5.Dutch East India tao
Company 4. Malaysia – Portugal, Netherlands,
England – likas yaman, pampalasa,
daungan – pagkontrol sa mga sentro ng
kalakalan – nagpahirap sa mga tao.
Subukin
Balikan Tuklasin
1. C
1.MARCO POLO 1.JOSE ABAD SANTOS AVE.
2. D
2.BARTHOLOMEU DIAZ 2.ESPANYA BLVD.
3. A
3.VASCO DE GAMA 3.TAFT AVE.
4. A
4. FERDINAND 4. MAGALLANES ST.
5. D
MAGELLAN 5. MC ARTHUR HI-WAY
6. A
5.CHRISTOPHER
7. D
COLUMBUS
8. A
9. D
10. A
Susi sa Pagwawasto
22
Tayahin Karagdagang Gawain
1. Tama
2. Tama Gawain
3. Mali Possible answer..
4. Tama
5. Mali 1.Ang larawan ay nagpapakita ng pagiging pagka
6. Mali gahaman
7. Mali
8. Tama 2.Ang larawan ay nagpapakita ng pagiging
9. Mali pagkamakapangyarihan.
10. Tama
3. Ang larawan ay nagpapakita ng pananakop.
Pagyamanin
Isagawa Isaisip
Gawain F
Possible answer 1.Pilipinas
2. daungan B. Possible answer:
Gagawa ako ng 3. ginto 1. Dahil sa mataas na
plataporma na hindi 4. nakipag- paghahangad na makontrol
magpapahirap sa mga kaibigan ang kalakalan ng mga
katutubong Pilipino. 5. sanduguan pampalasa at pagkuha ng
Makikipag-usap ako sa 6. buwis mga ginto ang syang
mga pinuno ng mga 7. polo y servicio nagtulak sa kanila na
Espanyol para sa 8. kalakalan sakupin ang Timog
kapakanan ng mga 9. pampalasa Silangang Asya.
10 moluccas 2. Dahil sa pagkontrol ng mga
Pilipino.
mananakop na Europeo sa
kalakalan.
3. Sa pamamagitan ng devide
and rule policy madaling
napasunod ang kanilang
nasakop.
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.(Pahina 314-328).

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

"Samuel Gompers Papers". 2021. Gompers.Umd.Edu.


http://www.gompers.umd.edu/Pullman%20Cartoon.htm.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like