Professional Documents
Culture Documents
ARALING PANLIPUNAN
Sariling Linanging Modyul
Ikaapat na Markahan
Modyul: 1-7
Seksyon: Modyul: 1
Panimula/Susing Konsepto
Ang mga bansa naman sa Timog Silangang Asya ay iba ang naging
sitwasyon. Karamihan sa mga daungan dito ay napasakamay ng mga
kanluranin. Ang mga produktong pampalasa ang nagtulak sa kanila na sakupin
ang mga bansa sa rehiyon. Nanguna ang Portugal at Espanya sa pananakop
ng mga lupain. Nang lumaon ay nakibahagi na rin ang Netherlands na
magtayo ng kanilang kolonya sa Timog Silangang Asya na sinundan ng England
at France.
1. Pangkabuhayan
a. Tributo – pagbabayad ng buwis ng katutubo sa mga Kastila. Ilan sa
mga maaaring ipambayad nila ay ginto, mga produkto at mga ari-
arian.
b. Monopolyo – pagkontrol sa kalakalan tulad ng pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Europa at pagbebenta ng mga produkto ng
Asya sa Europa.
c. Polo Y Servicios – ito ay sapilitang pagtatrabaho ng mga lalaking
edad 16-60 taon sa mga gawaing pambayan tulad ng pagtatayo
ng mga gusali, simbahan at paggawa ng mga barko.
2. Pampolitika
a. Sentralisadong Pamamahala – pamamahala sa bansa ng isang
Gobernador Heneral na kinatawan ng Hari ng Espanya sa bansa.
Dahil dito, nawalan ng kontrol sa pamamahala ang mga katutubo sa
kanilang mga nasasakupan. Kasama ng Gobernador Heneral ang
Alcalde Mayor/Corregidor, gobernadorcillo at Cabiza de Barangay sa
pamamahala sa bansa.
b. Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga paring
Espanyol at kura paroko sa mga pamayanan.
3. Pangkultura
Gawain 1. I-Mapa Mo
Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang dayagram sa ibaba at punan ng
angkop na mga salita na may kaugnayan sa konsepto.
Kolonyalismo
Imperyalismo
Gawain 2:
Panuto: Punan ng angkop na datos ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang
papel.
Pilipinas Indonesia
Sumakop: Sumakop:
Epekto: Epekto:
Gawain 3:
Panuto: Ihambing ang Pilipinas at Indonesia na naging bahagi ng imperyalismo
at kolonyalismo ng mga Kanluranin.
Pilipinas Indonesia
. .
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Linggo: 3
Seksyon: Modyul: 2
(https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=78684a65&p2=%5E0D%5Echr999%5EBETA02%5E&pg=AJimage&pn=1&ptb=0201C571-7F53-
4364-8A4C-E86DC4DF3835&qs=&searchfor=nationalism+in+east+asia&si=&ss=sub&st=tab&tpr=sbt&trs=wtt&imgs=1p&filter=on&imgDetail=true)
Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin, dumanas ng maigting
na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-8 siglo. Patunay nito ang
ang pagpapatupad ng sphere of influence sa China at ang Open Door Policy
ng Amerika sa Japan. Ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya ay
nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga
Asyano. Sinikap ng mga Tsino at Hapones na labanan ang imperyalismong
kanluranin dahil sa masamang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Ang mithiin nila na maging malaya ang nagbunsod sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Silangang Asya.
Rebelyong Taiping
(http://www.battle-of-qurman.com.cn/e/hist.htm)
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong Taiping laban
sa dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu. Layunin ng
rebelyong ito na mapabagsak ang dinastiyang Qing upang mapahinto na ang
pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa. Hangad din ng rebelyon na
mabago ang lipunang Tsino tulad ng pagkakapantay-pantay ng Karapatan
para sa kababaihan at pagpapalit ng mga relihiyong Confucianismo at
Buddhism sa relihiyong Kristiyanismo.
Napahinto ang rebelyon nang magapi ito ng Dinastiyang Qing sa tulong
ng mga British at French. Ang Rebelyong Taiping ay itinuturing na isa sa mga
madugong rebelyon sa kasaysayan ng China kung saan mahigit sa 20 miyong
Tsino ang namatay.
Rebelyong Boxer
Modernisasyon ng Japan
Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga
kanluranin na makakatulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito
ay sumusunod:
Bansa Natutuhan
Germany Sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang
konstitusyon nito
England Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British
United States Sistema ng edukasyon
RizalBonifacio
Ho Chi Minh
Sukarno
Nasyonalismo sa Indonesia
Nasyonalismo sa Burma
Nasyonalismo sa Indochina
Nasyonalismo sa Pilipinas
Gawain 1:
Panuto: Punan ng angkop na datos ang dayagram tungkol sa Pag-unlad ng
Nasyonalismo sa Silangang Asya.
Mga Salik sa
Paraan ng pagpapamalas
Pag- unlad ng
Bansa Nasyonalismo ng Nasyonalismo
China
Silangang Asya
Japan
Gawain 2
Panuto: punan ng mga impormasyon ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang
papel.
Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya
Pilipinas
Indonesia
Indo-China
Burma (Myanmar)
Gawain 3
Panuto: Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paraan ng
pagpapakita ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. Punan ng
tamang impormasyon ang talahanayan.
Timog-Silangang Asya
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Linggo: 4
Seksyon: Modyul: 3
3. Awtoritaryanismo
Isang uri ito ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na
kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang
namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado. May napakalawak
na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno.
Mayroon ding tinatawag na konstitusyunal na awtoritaryanismo kung
saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng saligang batas.
4. Totalitaryanismo
Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador
o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan,
may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito.
Limitado ang Karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos,
pagsasalita at pagtutol sa pamahalaan. Lahat ng desisyon tungkol sa
pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o
diktador. Halimbawa nito ang pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni
Mussolini sa Italya bago at habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng pamahalaang totalitarian ang
sistemang diktatoryal.
5. Sosyalismo
Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya kung
saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng pangkat ng
tao. Ang pangkat nito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa
pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga
industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng
mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng
sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyan-diin nito ang
pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng
pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa
China at ang dating Soviet Union.
Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang salita. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. AYIHOLIDEO
2. SONMUOMKI
3. AYSARKOEMD
4. OMSINAYRATILAOTT
5. OMILAYSOSS
Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang mga salita ang talahanayan tungkol sa mga
ideolohiya.
Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang katanungan na nakasulat sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
INDIA
1. Bharat Ashram (Indian Hermitage) – itinatag ni Keshab Chunder Sen ng
Bramo Samaj noong 1870.
2. Arya Mahila Samaj (The Aryan Women’s Association) na itinatag ni
Pandita Ramabai at Justice Ranade noong dekada 1880.
3. Bharat Mahila Parishad (Ladies’ Social Conference) noong 1905
4. Anjuman-e-Khawatin-e-Islam (The Muslim Women’s Association na
itinatag ni Amir-un- Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa
kababaihan upang maisulong ang karapatan sa edukasyon.
5. Bharat Stree Mahamandal (Great Group of Indian Women) noong 1910.
6. Women’s Indian Association na itinatag noong 1917
7. National council of Indian Women (1925)
8. All-India Women’s Conference (1927)
9. Women’s Indian Association
10. National Council of Indian Women
11. Kilusang Shahada (1970); Shramik Sangathana (1972); self-employed
Women’s Association (1972); United Women’s Anti-Price Rise Front (1973);
Narv Nirman (1974)
JAPAN
1. New Japan Women’s Association (NJWA)– itinatag nina Hiratsuka Raicho,
Nogami Yaeko at Iwasaki Chihiro na binubuo ng 32 kababaihan noong
Oktubre 19, 1962.
PILIPINAS
1. Asociacion Feminista Filipino-unang kilusang peminista na naitatag
noong 1905
2. Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) (1980)
3. Samahang Progresibo ng mga Kababaihang Pilipino (SPKP)
4. National Commission on the Role of Filipino Women – isang ahensya ng
pamahalaan na itinatag noong dekada 80.
5. National Organization of Women (NOW) itinatag ni Eva Estrada
Kalaw noong 1965)
6. Concerned Women of the Philippines (CWP) – itinatag nina Zenaida
Quezon Avancena, Cecilia Munoz Palma, Mita Pardo de Tavera.
7. Kilusan ng Kababaihang Pilipino (PILIPINA) 1981
8. Samahan ng Makabayang Kababaihang Nagkakaisa (SAMAKANA) 1982
9. Alliance of Women for Action Towards Reconciliation (AWARE)
10. General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Liberty,
and Action (GABRIELA) 1984
11. LILA-FILIPINA para sa comfort women
Gawain1
Panuto: Isulat ang salitang tama kung wasto ang sinasabi ng bawat
pangungusap at mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. May malaking ambag din ang mga kababaihan sa pag-unlad ng
lipunang Asyano.
2. Sa lipunang Asyano, mas mataas ang antas ng mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan lalo na sa lipunang Indian.
3. Sa Pilipinas, dumaan sa mahabang panahon ng pakikibaka ang
mga kababaihan para sa kanilang pantay na pagturing sa lipunan.
4. Sa lipunang Hapon, mataas ang antas ng pagkilala sa mga
kababaihan lalo na sa pamahalaan.
5. Sa kasalukuyan, kapantay ng mga kalalakihan ang mga kababaihan
sa Karapatan at pribilehiyo sa buong Asya.
Gawain 2
Panuto: itala sa talahanayan ang mga organisasyong naitatag ng mga
kababaihan sa Asya.
Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng repleksyon sa nabuong talahanayan tungkol sa mga
kababaihan sa Asya.
Kababaihan sa
Asya
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Linggo: 6
Seksyon: Modyul: 5
May ibat ibang ideolohiya at paniniwala rin ang niyakap ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya, may naniwala na ang kasagutan sa
minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang Komunismo, ang iba naman ay
naniwala sa demokrasya, totalitaryanismo at awtokrasya. Ang mga
ideolohiyang ito ay nagdulot ng transpormasyon sa mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya
Paglaya ng China
Paglaya ng Indonesia
Paglaya ng Pilipinas
Gawain 1
Panuto: isulat ang salitang tama kung wasto ang pangungusap at mali naman
kung hindi wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap.
Gawain 3
Timog-Silangang
Asya
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Linggo: 7
Seksyon: Modyul: 6
Sa ilalim ng neokolonyalismo:
1. Higit na may kalayaan ang bansang sakop na maisagawa nito ang
sariling desisyon.
2. Maari silang sumali sa mga panrehiyon at pandaigdig na kasunduan
at humingi ng tulong sa mga ito kung kinakailangan.
3. Maraming restriksyon sa mga neokolonyalista tulad ng
a. Hindi sila makapagdedestino ng hukbo nang walang pahintulot ng
bansa.
b. Hindi sila maaaring makialam sa mga gawaing panloob at
panlabas ng bansa.
c. Dapat mag-ingat ang mga neokolonyalista sa paglabag
sa kapangyarihang soberanya at nasyonalismo ng bansa.
d. Ang mga benepisyo ng dalawang bansa ay dapat maging
resiprokal upang maging matibay at matagal ang pag-uugnayan.
Anyo ng Neokolonyalismo
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa sagutang papel.
Gawain 3
Panuto: sumulat ng maikling talata tungkol sa neokolonyalismo sa Pilipinas
Ang Neokolonyalismo sa
Pilipinas
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Linggo: 8
Seksyon: Modyul: 7
China
Maraming kontribusyon ang Tsina sa larangan ng literatura. Kabilang na
dito ang mga akda ng dakilang pilosopo ng Tsina na si Confucius. Ang Analects
of Confucius na koleksyon ng mga salawikaing Tsino na minahal ng maraming
henerasyon. Kilala rin si LAO TZU dahil sa kanyang “Tao Te Ching”, ang aklat ng
mga Taoist na nagpasigla sa pagmamahal sa kalikasan. “I Ching” o “Book of
Changes” Isang manwal ng dibinasyon na naglalarawan ng mga kasaysayan,
pagdiriwang, at tradisyonal na mga awitin ng pagsasakripisyo sa mga diyos at
diyosa. Kabilang si MENCIUS na kilala bilang isang dakilang pilosopong
manunulat ng Tsina. Si SSU-MA-CHIEN naman ang kauna – unahang
mananalaysay ng kasaysayan sa bansa. Siya ay nakapagsulat ng kabuuang
kasaysayan ng China mula ng kanyang kapanahunan.
Sa makabagong panahon naman, isa sa mga pinakaunang nobela na
naisulat sa bansa ay ang Journey to the West ni Wu Chen-gen. Tanyag din ang
nobela ni Cao Xueqin na A Dream of the Red Chamber, Rickshaw Boy ni Lao She,
The True Story of Ah Q ni Lu Xun at ang Soul Mountain ni Gao Xingjian.
Japan
Hindi rin pahuhuli ang Japan sa larangan ng panitikan. Ang “Kojiki” o
“Records of Ancient Matters” ay naglalahad ng kasaysayan ng Japan. Ang
“Manyoshu” o “Collection of Ten Thousand Leaves” ang pinakaunang
koleksiyon ng mga tulang Hapones. Ito ay naglalaman ng 4,500 na tula na
binubuo ng 31 pantig na kung tawagin ay tanka. Ang “Tale of Genji” ang
pinakamahalagang nobelang nagsasalaysay ng pangyayari, pagmamahalan,
suliraning personal at tensiyon sa korteng Hapones noong panahon ng Heian.
Ito ang kinikilalang kauna – unahang nobelang lumabas sa kasaysayan na
sinulat ni Murasaki Shikubi. Ang The Pillow Book” ay sanaysay naman na
naglalarawan sa buhay, pagmamahalan at libangan ng mga maharlika sa
korte ng emperador ng Japan na sinulat ni Sei Shonagon. Ang “Noh” kung saan
nagmula ito sa mga awit at sayaw sa Shinto Shrine at iba pang awit ng Hapon.
KOREA
Kabilang ang Korea sa may masining na ambag sa ibat ibang larangan.
Ang SIJO na nagmula sa magkahalong sulat Hangul at Tsino na karaniwang
isinulat ng mga opisyal na Yangban batay sa kanilang katapatan sa hari at
bansa. Isinulat ng kababaihang nagsisilbi na kung tawagin ay kisaeng sa mga
teahouse na sinanay sa pagbabasa, pagsusulat at pagbuo ng mga tula,
pagtugtog ng mga instrument at pagsasayaw.
PAGPIPINTA
CHINA
Ang pagsusulat at pagpipinta ay itinuturing ng mga Asyano bilang magkapatid
na sining. Mga tanawin at maliliit na representasyon ng tao ang karaniwang
ipinipinta nga mga Asyano. Inilalarawan nito ang paniniwala ng mga Taoist sa
kahalagahan ng kalikasan sa tao. Si Ku-K’ai-chih ang kauna-unahang pintor sa
kasaysayan ng China. Ang mga Tsino at Hapones ay nagpipinta sa
scroll na isang mahabang pahalang o paayong sweda. Ang mga Koreano ay
nagpipinta sa mga pader ng mga templo sa pormang mural. Sa mga scroll din
nakapinta ang mga pintang Buddhist nang lumaganap ang Buddhism sa Bana.
Si CHANG SON ang kinikilang nagpapalaganap sa lehitimong pintang Koreano.
ISKULTURA
Ang iskulturang Asyano ay nakabatay sa relihiyon o paniniwala. Ang mga
naglalakihang rebulto ay isinasagawa upang maipaunawa sa mga tao ang
misteryo at malalim na konsepto ng kanilang relihiyon at magbigay ng kapani –
paniwalang larawan ng kanilang diyos at diyosa. Hangad ng mga iskultor ng
larawang abstrak sa kanilang diyos at diyosa at bigyan ng larawang kahima –
himala. Ang direktang pakikipagkalakalan ng mga Asyano sa rehiyon ng mga
Indian ay nagbunga ng malalim na impluwensiya sa iskultura ng Timog –
Silangang Asya. Sa kalakalang ito, ang wika at relihiyong Hinduism at Buddhism
ay nagkaroon ng malaking bahagi sa paglinang ng sining pangkultura ng
rehiyon.
Arkitektura
Ang arkitekturang Asyano ay nakitaan ng pagpapadama ng mga
paniniwala at pananalig sa diyos ng mga Asyano. May mga istrakturang
nagpapahayag ng relihiyong Buddhism tulad ng Borobudur sa Indonesia at
ang Angkor Wat sa Cambodia.
Gamit ng mga Tsino at Hapones ang kahoy sa arkitektura. Mayroon din mga
templo at pagoda na gawa sa bato na mayaman sa mga ukit na dekorasyon.
Halimbawa nito ang Imperial Palace sa lungsod ng Peking na binubuo ng
naglalakihang bulwagang gawa sa iba’t ibang kulay na dekorasyon na
nakaukit. Gamit din ng Japan ang arkitekturang Tsino. Halimbawa nito ay ang
Shinto Shrine at Templo ng Nara na gawa sa kahoy. Ang arkitekturang Koreano
ay binigyan halaga ang kalikasan. Para sa kanila, hindi magandang pangitain
ang para sa isang ugali ang kawalan ng tanawing bundok o tubig. Karaniwang
kapansin pansin sa mga templo at palasyo sa Timog Silangang Asya ang
estilong nagmula sa India, nauukitan ng mga diyos at diyosa nila na naaayon
sa katangiang sining ng Khmer.
Gawain 1
Panuto: Sumulat ng maikling paglalarawan sa mga sumusunod na mga
ambag ng mga Asyano. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Noh
2. Kabuki
3. Analects
4. Tao Te Ching
5. Kojiki
6. Manyoshu
7. Sijo
8. Borobudur
9. Angkor Wat
10. The Pillow Book
Gawain 2
Panuto: punan ang talahanayan ng angkop na kontribusyon ng mga Asyano
Gawain 3:
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga ambag ng mga bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya ang may katumbas na ambag ng mga Pilipino.