You are on page 1of 5

Araling Panlipunan 7

Ikaapat na Markahan – Modyul 1:


Dahilan, at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asya
INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


Natatalakay ang mga dahilan,paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang asya, partikular sa China.


A. Espanya B. Portugal C. Pransya D. Great Britain
2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya B. Timog-Silangang at Kanlurang Asya
C. Timog at Kanlurang Asya D. Silangan at Timog Asya
3. Dalawang bansa sa kanluranin na naguna sa pananakop ng mga lupain.
A. Espanya at Pransya B. Portugal at Pransya
C. Espanya at Portugal D. Portugal at Inglatera
4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.
A. Islam B. Kristiyanismo C. Buddismo D. Hinduismo
5. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
A. Mayaman sa Pampalasa B. Mayaman sa ginto
C. Sentro ng Kalakalan D. Relihiyong Kristiyanismo

BALIK-ARAL
Panuto: Punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang mabuo ang mga pangyayaring
nagbigay daan sa pananakop ng mga kanluranin. Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon.

PAGLALAKBAY PAGLALAYAG KRUSADA BAGONG MERKANTILISMO

1. Paglulunsad ng _________________________
2. _________________________ ni Marco Polo
3. Paghahanap ng _________________________ ruta ng Pangkalakalan
4. Pagbabago sa _________________________
5. Paniniwala sa _________________________

ARALIN

Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya sa Unang Yugto ng imperyalismong Kanluranin.
Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, nagkaroon ng tuwirang kompetisyon sa
pagitan ng nag-aagawang Spain, Portugal, Great Britain, Netherlands, at France para sa mga
lupain sa Asya. Tinatawag na kolonyalismo ang anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa
panahong ito.
Maibubuod sa tatlo ang layunin ng mga kanluranin sa pananakop sa Asya. 3Gs: God, kung
saan layunin palaganapin ang Kristiyanismo, Gold, Pagpapaunlad ng ekonomiya, na kung saan
mapapakinabangan ang mga likas na yaman sa mga lupain na nasakop at Glory, Pagpapalawak
ng kapangyarihan.
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga kanluranin, nagtayo ng kolonya ang mga
kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano.
Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng
pananakop.

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga
bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga
kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagama’t maraming naghangad na
ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.

Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin


1. China at Formosa
• Sumakop – Portugal
• Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan)
• Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na yaman, pagpalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo at pakikipagkalakalan.
• Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
• Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang asya dahil sa
matatag na pamahalaan at hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

Timog-Silangang Asya
Sagana ang Timog-Silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang nagging mitsa sa paglaganap
ng kolonyalismong kanluranin sa rehiyon. Sa katunayan, sa unang yugto ng kolonyalismo sa
Asya, kalakalan ang sinasabing nakaakit sa mga kanluranin na magtungo sa Timog-Silangang
Asya. Isa sa mga lugar na ito ay ang Spice Islands.
Matatagpuan ang Spice Islands (Kasalukuyang Moluccas) sa Silangang Indonesia sa
pagitan ng Sulawesi at New Guinea. Dahil sa mga pampalasang makukuha sa lugar, maraming
Europeo ang naghangad na makontrol ang Moluccas. Nagtungo rito ang mga Portuguese, Dutch,
British, at iba pang kanluranin.
Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang magtungo ang
mga kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa nito ang pagtalaga ng Spain ng mga
misyonerong Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa rehiyon.

Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin


2. Pilipinas
• Sumakop – Spain
• Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila.
• Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi, ang
nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal
na pinuno, paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo.
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol;
2. Polo’y Servicio - sapilitang paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang
edad 16 hanggang 60.
3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan.
Pampolitika:
1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng Espanyol ang Gobernador-Heneral
na pinakamataas na pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang
karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglingkod sa
pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon.
2. Ang Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga Espanyol na pari at kura-
paroko.
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
2. Wika at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at pagdaraos
ng mga taunang pagdiriwang tulad ng pista ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga Patay
at Pasko, kadalasan may kaugnayan ang pagdiriwang sa Kristiyanismo.

3. Indonesia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal; Amboina at Tidore sa
Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa Portugal, panandaliang nakuha ng England
subalit ibinalik din sa Netherlands; Batavia(Jakarta), nasakop din ng Netherlands.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na
daungan.
• Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga himpilan ng kalakalan at
nagsimulang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo ng narating nila ang Ternate sa
Moluccas noong 1511. Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges noong 1655 at sinakop ang ang
mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang pandigma
at gumamit din sila ng Divide and Rule Policy (paraan ng pananakop kung saan ay pinag-
aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno)
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Maraming mga produkto ang kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan
ay pumanig sa mga kanluranin.
2. Sapilitang pagkontrol (monopoly) - inuna ng mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.
Ipinagbawal ang pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga pribadong
mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa pamilihan.
Pampolitika:
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan.
2. Ginamit ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangolekta ng buwis.
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng mga
kanluranin ito ay nagdulot tensiyon sa mga kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan
at patayan.

4. Malaysia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Malaysia
• Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin ang Kristiyanismo.
• Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at pagpapalaganap ng relihiyong
kristiyanismo
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning
pananakop.
Pangkultura:
1. Sinubukan ng mga Portuguese na palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na
kanilang nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya
ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart.

Nasakop na Kanluraning Bnsa Dahilan ng Paraan ng


Epekto
Bansa na Nakasakop Pananakop Pananakop
China

Pilipinas

Indonesia

Malaysia
PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang mga patlang sa loob ng talata upang mabuo ang konsepto.

Sa araling ito, natutunan ko na may iba’t-ibang dahilan ang mga Kanluranin sa pagtuklas at
pananakop ng mga lupain sa Asya tulad ng ____________________, _____________________ at
_____________________.
Sa Kabuuan, napagtatanto ko na ang pinagplanuhan at pinagpasyahan ng mga kanluraning
pananakop sa Asya ay _______________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Anong masasabi mo?

Kung ikaw ay nabuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa pagdating ng mga
mananakop?
Sagot: _______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Sa Kasalukuyang panahon, kung sakali na may mananakop na dumating sa bansa, ano ang
iyong gagawin?
Sagot: _______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

At kung sa hinaharap ay may darating na mananakop, paano mo ito haharapin?


Sagot: _______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pinahahayag ng pangungusap at M kung di wasto ang
konsepto na isinasaad.

___ 1. Ang Pagiging mayaman sa ginto ng Pilipinas ang pangunahing dahilan ng Espanyol sa
pananakop.
___ 2. Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ang dalawang rehiyon sa Asya na lubhang
naapektuhan ng pananakop ng mga kanluranin.
___ 3. Ang Portugal at Pransya ang dalawang bansa sa kanluranin na nanguna sa pananakop ng
mga lupain.
___ 4. Ang Relihiyong Islam ang isa sa mga ginamit na paraan ng pananakop ng mga
kanluranin.
___ 5. Ang Portugal ang bansang kanluranin na naghangad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang asya, partikular sa China.

You might also like