You are on page 1of 6

Araling 7

Panlipunan
7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
2
Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.

INAASAHANG LAYUNIN:
Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at
Timog -Silangang Asya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali
ang isinasaad ng pangungusap.

1. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang gawaing


misyonero).
2. Ang mga Taal o katutubo ang lubos na nakinabang sa lupain at sakahan.
3. Ang paglaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo.
4. Ang tawag sa Cabeza de barangay ay Gobernadorcillo

5. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.

BALIK-ARAL
ARALIN

Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon sa Asya na


lubusang naapektuhan ng pananakop. Kadalasan, isang bansang kanluranin ang
nakakasakop sa isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon din na
dalawa o higit pang bansa ang nakasasakop ditto. Iba-iba ang pananaw ng mga
kanluranin sa pananakop ng lupain. Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa
ang iba ay sinakop lamang ang mga piling bahagi.

Ang Espanya at Portugal ang dalawang bansa na nanguna sa unang yugto ng kolonyalismo.

Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese


Karaniwan na sinasakop ay Daungan sa baybaying dagat upang makontrol ang ruta ng
kalakalan.
Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Malacca sa Malay (Malaysia)
• Ternate sa Moluccas (Indonesia)
• Cochin Macao sa China
Mga Epekto ng Pananakop:
• Kultura at Relihiyon
1. Alitan ng mga Hindu at Muslim
2. Pag-aasawa ng mga Portuguese at local na popoulasyon.
3. Ikinalat ang katolisismo
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.
2. Pagkumpiska sa mga produkto kung walang permiso.
3. “Displacement”(Arabo,Tsino,Malay)
• Politika
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan na Hindu o Muslim.
2. Maramihang pagpatay sa local na populasyon.
3. Paghingi ng permiso sa kalakalan.

Epekto ng Pananakop ng mga Espanyol


Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Pilipinas
Mga Epekto ng Pananakop:
• Kultura at Relihiyon
1. Ikinalat ang katolisismo
2. Akulturasyon
3. Nailayo sa taal na tirahan
4. Sapilitang paggawa
5. Sistema ng edukasyon mula sa pamantayan ng Espanya.
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng mga Asyano
(kalakalang Maynila-Acapulco)
2. Kalikasan- Pagsasamantala sa mga puno o likas na yaman.
• Politika
1. Reduccion(Pueblo)
2. Sentralisadong Pamahalaan(Gobernador Heneral)
3. Gobernadorcillo o puno ng isang bayan, Cabeza de barangay.
Epekto ng Pananakop ng mga Dutch
Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• East Indies Moluccas (Indonesia)
Mga Epekto ng Pananakop:
• Kultura at Relihiyon
1. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang gawaing
misyonero).
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang pagtatanim ng pampalasa.
2. Mahalagang susi ng pagtatagumpay ang pagtutuon ng pansin sa negosyo.
• Politika
1. Ginamit ang mga local na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng buwis.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Sanhi at Bunga Panuto: Ipaliwanag ang mga naging bunga o epekto ng pananakop ng
kanluranin sa Silangan at
Timog -Silangang Asya. Kultura at Relihiyon: _____________________________________
Sanhi Bunga ______________________________________________________
Ekonomiya o Kalakalan:___________________________________
_______________________________________________________

Politika: ________________________________________________
Pananakop ng _______________________________________________________ mga
kanluranin
Pagsasanay 2
Tree Diagram Panuto: Isulat sa mga bunga ng puno ang naging epekto ng mga kanluranin sa
mga bansang nasakop sa Silangan at Timg -Silangang Asya.
INDONESIA MALAYSIA

CHINA
PILIPINAS

E
P
E
K
T
O

PAGLALAHAT

Pagsusuri: Panuto: Sagutin ang tanong, isulat sa patlang ang kasagutan.

Ano ang epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo sa mga mamamayan ng:

Silangan Asya_____________________________________________________________
Timog-SilangangAsya______________________________________________________
Sa mga Kanluranin?_______________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Pagsulat ng Liham Panuto: Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga


kanluranin sa ating bansa, ano ang iyong sasabihin sa kanila? Ipaliwanag sa pamamagitan
ng isang liham. Isulat sa sobre ang iyong kasagutan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pananakop ng Dutch.


A. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya (walang gawaing
misyonero).
B. Nagpadala ng maraming misyonero sa mga kolonya.
C. Ipinilit na yakapin ng mga kolonya ang kanilang relihiyon. D. Pangunahing
dahilan nila ay palaganapin ang relihiyon.
2. Bansang kanluranin na karaniwan na sinasakop ay ang Daungan sa
baybaying dagat upang makontrol ang ruta ng kalakalan.
A. Dutch C. Portugal
B. Great Britain D. Spain
3. Ang Portugal at _________ ang dalawang bansa na nanguna sa unang yugto ng
kolonyalismo.
A. Dutch
B. Great Britain C. Portugal
D. Spain

4. Isa sa mga bunga ng pananakop ng kanluranin sa Pilipinas. A. Maraming mga Pilipino ang naging
Muslim B. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Maraming mga Pilipino ang nanatiling pagano.
D. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Budismo.
5. Ang paglaganap ng _____________ang isa sa naging epekto ng kolonyalismo
A. Islam
B. Budismo
C. Kristiyanismo
D. Hinduismo

You might also like