You are on page 1of 14

DAHILAN,

PARAAN AT EPEKTO NG
KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO
SA UNANG
YUGTO (IKA-16 AT IKA-17 SIGLO)
SA SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG ASYA
PANUTO: AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG MABUO
ANG MGA PANGALAN NG MGA BANSA SA MGA
REHIYONG NABANGGIT. ISULAT ANG SAGOT SA
SAGUTANG PAPEL.
• C INHA • N E S I A I N DO

• 1. ______________________ • 4. _______________________

• SAPILIPIN • WATAI N

• 2. _______________________ • 5. ______________________

• J AA N P • S IAMALAY

• 3. ______________________ • 6. _______________________
SILANGANG ASYA

• Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang kanluranin dahil
sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na
pamahalaan ng mga bansa dito. Ipinatupad ng China ang paghihiwalay ng kanyang bansa mula sa daigdig
(isolationism) dahil mataas ang pagtingin niya sa kanyang kultura at naniniwala siya na makasisira ito kung
maiimpluwensiya ng mga dayuhan. Bagama’t pinahintulutan ang mga Kanluranin, pinapayagan lamang sila
sa daungan ng Guanghzou at dapat na isagawa ng mga dayuhang mangangalakal ang ritwal na Kowtow
bilang paggalang sa emperador sa China. Ang bansang Portugal ay naghangad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macau sa China at Formosa
Taiwan. Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.
TIMOG-SILANGANG ASYA

• Sa unang yugto ng mga imperyalismong Kanluranin, karamihan ng mga daungan sa rehiyong ito
ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng
pampalasa at pagkuha ng ginto ay siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-Silangang
Asya. Nauna ang bansang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Espanya, nagtayo rin ito ng mga bansa sa Timog-Silangang
Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England at France.
ANG MGA SUMUSUNOD AY BANSA SA TIMOG-SILANGANG ASYA NA
SINAKOP NOONG UNANG
YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN:
• Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng
• kalakalan ang mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga
• Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil sa mas malaki ang
• kanilang kikitain at maiwasan pa nila ang pakikipagdigma sa mga katutubong pinuno. Subalit,
• kung kinakailangan, gumamit din sila ng pwersa o dahas upang masakop ang isang lupain.
• Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubong Indones. Lumiit
• ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakipagkalakalan
• sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang
• naimpluwensiya ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones.
PANUTO: AYUSIN ANG MGA PINAGHALU-HALONG PANTIG
(JUMBLED SYLLABLE) PARA MABUO ANG MGA
SALITANG IPINALILIWANAG SA BAWAT BILANG. ISULAT SA
SAGUTANG PAPEL.
1. Ang bansang kanluranin na Esyapan
sumakop sa Pilipinas.

2. Mayaman ang bansang Indonesia nito. salapapam

3. Ang relihiyon na ipinalaganap ng mga monisyakristi


Kastila.

4. Isa sa mga dahilan sa pagpasok ng mga lankalaka


kanluranin.

5. Isa sa mga epekto ng pananakop sa panrahika


Asya.

You might also like