You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX,Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
MANUKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Manukan 1 District

ARALING PANLIPUNAN 7
LEARNING ACTIVITY SHEET IKAAPAT NA MARKAHAN
LINGGO 1
PANGALAN: ______________________________PANGKAT/ BAITANG: _____________ISKOR______________

I. PANIMULA
Malugod na pagtanggap mga mag-aaral sa ikapitong baiting sa LAS na ito ukol sa dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya! Ang las na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

II. KASANAYAN NG PAMPAGKATUTO


 . Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang
yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

III. KAALAMAN AT KAISIPAN

ARALIN 1- DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT


TIMOG-SILANGANG ASYA

Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, nagkaroon ng tuwirang kompetisyon sa pagitan ng nag-


aagawang Spain, Portugal, Great Britain, Netherlands, at France para sa mga lupain sa Asya. Tinatawag na
kolonyalismo ang anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa panahong ito.

Maibubuod sa tatlo ang layunin ng mga kanluranin sa pananakop sa Asya. 3Gs: God, kung saan layunin
palaganapin ang Kristiyanismo, Gold, Pagpapaunlad ng ekonomiya, na kung saan mapapakinabangan ang mga
likas na yaman sa mga lupain na nasakop at Glory, Pagpapalawak ng kapangyarihan.

Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin


Silangang Asya
1. China at Formosa
• Sumakop – Portugal
• Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na yaman, Palawakin ang relihiyong
kristiyanismo at pakikipagkalakalan. • Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan. •
Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang asya dahil sa metatag na
pamahalaan at hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

Timog-Silangang Asya
2. Pilipinas
• Sumakop – Espanya • Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng
Mindanao. • Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila. • Paraan
ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop
ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga local na pinuno, paggamit ng dahas at pagtalaga
ng mga misyonero sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. • Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan:
1. Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol; 2. Polo’y Servicio - sapilitang
paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60. 3. Monopolyo – kinokontrol
ng mga Espanyol ang kalakalan. Pampolitika: 1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng Espanyol
angGobernador-Heneral na pinakamataas na pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang
karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglinkod sa pamahalaan subalit sa
pinakamababang posisyon. 2. Ang Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga Espanyol na pari
at kura paroko. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang
Kristiyanismo. 2. Wika at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at pagdaraos ng
mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santacruzan,Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan
may kaugnayan ang pagdiriwang sa kristiyanismo.
3. Indonesia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England • Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng
Portugal, Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng
England subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia(Jakarta), nasakop din ng Netherlands. •
Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
• Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga himpilan ng kalakalan at nagsimulang
palaganapin ang relihiyong kristiyanismo ng narrating nila ang Ternate sa Moluccas noong 1511. Pinaalis ng
mga Dutch ang Portuges noong 1655 at sinakop ang ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit
ang mas malakas na puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule Policy((Paraan ng
pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga local na pinuno)
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming mga produkto ang kinokolekta gayunpaman, ang
pag-unlad ng kalakalan ay pumanig sa mga kanluranin. 2. Sapilitang pagkontrol (momopoly) inuna ng mga
Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.Ipinagbawal ang pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga
pribadong mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa pamilihan. Pampolitika: 1. Mapait na
alitan sa mga taal na mamamayan. 2. Ginamit ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng
buwis.. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng
mga kanluranin ito ay nagdulot tension sa mga kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan at patayan.
4. Malaysia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England • Mga lugar na sinakop: Malaysia • Dahilan/Pakinabang:
Sentro ng kalakalan at palaganapin ang Kristiyanismo. • Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at
pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming katutubo
ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop. Pangkultura: 1Sinubukan ng mga
Portuguese na palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong
naimpluwensyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.

IV. GAWAIN/PAGSASANAY
A. Panuto: Punan ng tamang sago tang chart. Kumuha ng ibang papel para sa iyong sagot.

Nasakop na Bansa Kanlraning Bansa Dahilan ng Paraan ng Epekto


na Nakasakop Pananakop Pananakop
China
Pilipinas
Indonesia
Malaysia

B. Panuto: Isulat ang T kung tama ang pinahahayag ng pangungusap at M kung di wasto ang konsepto na
isinasaad.
____1. Ang Pagiging mayaman sa ginto ng Pilipinas ang pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop.
____2. Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ang dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng
pananakop ng mga kanluranin.
____3. Ang Portugal at Pransya ang dalawang bansa sa kanluranin na nanguna sa pananakop ng mga lupain.
____4. Ang Relihiyong Islam ang isa sa mga ginamit na paraan ng pananakop ng mga kanluranin.
____5. Ang Portugal ang bansang kanluranin na naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang asya,
particular sa China.

V. PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang asya, particular sa China.


A. Espanya B. Pransya C. Portugal D. Great Britain
2. Dalawang bansa sa kanluranin na naguna sa pananakop ng mga lupain.
A. Espanya at Pransya B. Espanya at Portugal C. Portugal at Pransya D. Portugal at Inglatera
3. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.
A. Islam B. Buddismo C. Kristiyanismo D. Hinduismo
4. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
A. Mayaman sa Pampalasa B. Sentro ng Kalakalan C. Mayaman sa ginto D. Relihiyong Kristiyanismo
5. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya C. Timog-Silangang at Kanlurang Asya
B. Timog at Kanlurang Asya D. Silangan at Timog Asya

VI. PAGNINILAY/ REPLEKSIYON:


1. Kung ikaw ay nabuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa pagdating ng mananakop.
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.
Ang paghubog ng sariling kakayahan at tiwala sa sarili ay laging isaisip.

VII. SANGGUNIAN
Mga Aklat: 1. RomelaM. Cruz, E.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Manguabnan, Michael M. Mercado, Jerome A Ong,
Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group,Inc., 2015), pp.370-400 2. R.C. Blando, A.A Sebastian,
Espiritu, Golvegue,

______________________________
Pangalan at lagda ng magulang
Prepared by: Attested by:

AILEEN M. OMAMALIN JOCELYN S. DINOPOL


Teacher I Department Head- Designate

Quality Checked by:

CARMELA E. GURDIEL
Master Teacher-I
Noted by:

EPIFANIO GABAME E. PIEDAD


School Officer In- Charge

SUSI NG PAGWAWASTO

PAGSASANAY

1. T 2. T 3. M 4. M 5.T

PAGTATAYA

1. C
2. B
3. C
4. C
5. A

You might also like