You are on page 1of 50

Dahilan, Paraan at

Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa
Silangan at Timog-
Silangang Asya
Janet C. Cariño
KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17
siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• nakikilala ang mga bansa sa Silangan at Timog – Silangang
Asya na minsang naging sentro ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin
• natutukoy ang impuwensya ng Kanluranin sa bansa
• nabibigyang halaga ang mga nagawa ng mga Asyano sa
unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at
Timog – Silangang Asya
Punan ng salita ang mga patlang upang mabuo
ang mga pangyayaring nagbigay - daan sa
pananakop ng mga Kanluranin. Piliin mula sa
kahon ang itong sagot.

Paglalakbay Paglalayag Krusada


Bagong Merkantilismo
Paglalakbay Paglalayag Krusada
Bagong Merkantilismo

Krusada
1. Paglulunsad ng _________________________
Paglalakbay Paglalayag Krusada
Bagong Merkantilismo

Paglalakbay
2. ______________ ni Marco Polo
Paglalakbay Paglalayag Krusada
Bagong Merkantilismo

Bagong
3. Paghahanap ng ____________ ruta
ng Pangkalakalan
Paglalakbay Paglalayag Krusada
Bagong Merkantilismo

Paglalayag
4. Pagbabago sa __________________
Paglalakbay Paglalayag Krusada
Bagong Merkantilismo

Merkantilismo
5. Paniniwala sa _____________________
SAAN AKO BELONG?
Gamit ang mapa sa harapan, dikitan ng dilaw
na location tag ang mga bansang nabibilang sa
Silangang Asya habang berdeng location tag
naman para sa mga bansa sa Timog –
Silangang Asya.
SPANISH YARN?
Sa kadahilanang sinakop tayo ng maraming
taon ng Espanya ay may mga lugar na
Espanyol ang pangalan. Kilala niyo kaya ang
mga ito?
Gamit ang mga litrato ng lugar sa mga
probinsyang ito, tukuyin sila isa – isa.
ABRA
LA UNION
LAGUNA
WHO’S THE MANANAKOP?
Mayroong apat na mananakop sa Silangan at Timong –
Silangang Asya. Kilala niyo ba sila? Gamit ang
kanilang bandilang pandigma, kilalanin natin ang mga
ito. Papangkatin ko kayo sa apat at itatala niyo ang mga
esensyal at importanteng detalye tungkol sa bawat
bansa. Mayroon kayong limang minuto para tapusin
ito. Pagkatapos ay mag – uulat ang isang miyembro ng
inyong grupo tungkol sa natuklasan niyo.
Dahilan, Paraan at
Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa
Silangan at Timog-
Silangang Asya
Janet C. Cariño
LAYUNIN NG MGA
KANLURANIN SA PANANAKOP
SA ASYA

3Gs:
1. God, kung saan layunin
palaganapin ang Kristiyanismo
LAYUNIN NG MGA
KANLURANIN SA PANANAKOP
SA ASYA

3Gs:
2. Gold, Pagpapaunlad ng ekonomiya,
na kung saan mapapakinabangan ang
mga likas na yaman sa mga lupain na
nasakop
LAYUNIN NG MGA
KANLURANIN SA PANANAKOP
SA ASYA

3Gs:
3. Glory, Pagpapalawak ng
kapangyarihan.
China at Formosa
• Sumakop – Portugal
• Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa
China at Formosa
(Taiwan)
• Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo,
pagkuha ng likas na
yaman, Palawakin ang relihiyong kristiyanismo
at pakikipagkalakalan.
China at Formosa
• Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga
himpilang pangkalakalan.
• Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong
naapektuhan ang bansa sa
silangang asya dahil sa matatag na pamahalaan
at hindi nagtagal ay
nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.
Pilipinas
• Sumakop – Espanya
• Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng
Luzon at Visayas at ilang
bahagi ng Mindanao.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at
may mahusay na daungan
tulad ng Maynila.
Pilipinas
• Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na
pinamunuan ni Miguel
Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na
masakop ang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga
local na pinuno,
paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga
misyonero sa pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo.
Pilipinas
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga
katutubo sa mga Espanyol;
2. Polo’y Servicio - sapilitang
paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga
kalalakihang edad 16 hanggang 60.
3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol
ang kalakalan.
Pilipinas
• Epekto ng Pananakop:
Pampolitika:
1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng
Espanyol ang Gobernador-Heneral na pinakamataas na
pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga
katutubo ang karapatang pamunuan ang kanilang
sariling lupain. Pinayagan silang maglinkod sa
pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon.
2. Ang Simbahang Katoliko – naging
makapangyarihan ang mga Espanyol napari at kura
paroko.
Pilipinas
• Epekto ng Pananakop:
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng
mga katutubo ang Kristiyanismo.
2. Wika at mga Pagdiriwang – natuto ang mga
katutubo ng wikang Espanyol at pagdaraos ng mga
taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan,
Santacruzan, Araw ng mga patay at Pasko,
kadalasan may kaugnayan ang pagdiriwang sa
Kristiyanismo.
Indonesia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng
Portugal,
Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng Netherlands
mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng England
subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia (Jakarta),
nasakop din ng Netherlands.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga
sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
Indonesia
• Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay
nagtayo ng mga himpilan ng kalakalan at nagsimulang
palaganapin ang relihiyong kristiyanismo ng narrating
nila ang Ternate sa Moluccas noong 1511. Pinaalis ng
mga Dutch ang Portuges noong 1655 at sinakop ang
ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit
ang mas malakas na puwersang pandigma at gumamit
din sila ng Divide and Rule Policy (Paraan ng
pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng
mananakop ang mga local na pinuno)
Indonesia
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Maraming mga produkto ang kinokolekta
gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay
pumanig sa mga kanluranin.
2. Sapilitang pagkontrol (momopoly) inuna ng mga
Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.Ipinagbawal
ang pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga
pribadong mamamayan upang maiwasan ang
pagbagsak ng presyo sa pamilihan.
Indonesia
• Epekto ng Pananakop:
Pampolitika:
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan.
2. Ginamit ang mga lokal na mamuno sa
nasasakupan at mangulekta ng buwis.
Indonesia
• Epekto ng Pananakop:
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa
pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng
mga kanluranin ito ay nagdulot tension sa mga
kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan at
patayan.
Malaysia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Malaysia
• Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at
palaganapin ang
Kristiyanismo.
• Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa
kalakalan at pagpapalaganap ng
relihiyong kristiyanismo
Malaysia
• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa
pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
Malaysia
• Epekto ng Pananakop:
Pangkultura:
Sinubukan ng mga Portuguese na palaganapin ang
Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop
subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na
impluwensya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi
gaanong naimpluwensyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.
Ano – ano ang mga bansang Kanluranin na
sumakop sa mga bansa sa Silangan at Timog –
Silangang Asya?
Ano ang mga naging layunin ng mga bansang
ito?
Sino ang mananakop ng Tsina?
Ang Pilipinas ay sinakop naman nino?
Sino – sino naman ang mga sumakop sa
bansang Indonesia at Malaysia?
LIHAM PARA KAY SISA
Ngayon ay magsusulat kayo ng liham para kay
Sisa sa gusto ninyong sabihin sa kaniya.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto para
tapusin ito.
I-scan ang mga QR Code
gamit ang inyong mga
smartphone at sagutin ang
mga tanong. Isulat ang
inyong sagot sa sang-kapat
na papel.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like