You are on page 1of 7

Araling

Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan

Dahilan, Paraan at Epekto


ismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Sil
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating
nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


Natatalakay ang mga dahilan,paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang asya, particular


sa China.
A. Espanya C. Pransya
B. Portugal D. Great Britain
2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya C. Timog at Kanlurang Asya
B. Timog-Silangang at Kanlurang Asya D. Silangan at Timog Asya

3. Dalawang bansa sa kanluranin na naguna sa pananakop ng mga lupain.


A. Espanya at Pransya C. Espanya at Portugal
B. Portugal at Pransya D. Portugal at Inglatera

4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.


A. Islam C. Buddismo
B. Kristiyanismo D. Hinduismo

5. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas


A. Mayaman sa Pampalasa C. Sentro ng Kalakalan
B. Mayaman sa ginto D. Relihiyong Kristiyanismo
BALIK-ARAL

Panuto: Punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang mabuo ang mga
pangyayaring nagbigay daan sa pananakop ng mga kanluranin. Piliin ang tamang
salita sa loob ng kahon.
1. Paglulunsad ng
PAGLALAKBAY PAGLALAYAG KRUSADA BAGONG MERKANTILISMO
2. ni Marco Polo
3. Paghahanap ng ruta ng Pangkalakalan
4. Pagbabago sa
5. Paniniwala sa

ARALIN

Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Unang
Yugto ng imperyalismong Kanluranin.
Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, nagkaroon ng tuwirang
kompetisyon sa pagitan ng nag-aagawang Spain, Portugal, Great Britain,
Netherlands, at France para sa mga lupain sa Asya. Tinatawag na kolonyalismo
ang anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa panahong ito.

Maibubuod sa tatlo ang layunin ng mga kanluranin sa pananakop sa Asya. 3Gs:


God, kung saan layunin palaganapin ang Kristiyanismo, Gold, Pagpapaunlad ng
ekonomiya, na kung saan mapapakinabangan ang mga likas na yaman sa mga
lupain na nasakop at Glory, Pagpapalawak ng kapangyarihan.
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga kanluranin, nagtayo ng kolonya ang
mga kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga kanluranin sa pagsakop sa
mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga
rehiyon na lubusang naapektuhan ng pananakop.

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa
mga bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga
nito, nabatid ng mga kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang
Asya. Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin
dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.
Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin

1. China at Formosa
 Sumakop – Portugal
 Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa
(Taiwan)
 Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na
yaman, Palawakin ang relihiyong kristiyanismo at pakikipagkalakalan.
 Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
 Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa
silangang asya dahil sa matatag na pamahalaan at hindi nagtagal ay
nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

Timog-Silangang Asya
Sagana ang Timog-Silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang naging mitsa sa
paglaganap ng kolonyalismong kanluranin sa rehiyon. Sa katunayan, sa unang
yugto ng kolonyalismo sa Asya, Kalakalan ang sinasabing nakaakit sa mga
kanluranin na magtungo sa Timog-Silangang Asya. Isa sa mga lugar na ito ay ang
Spice Islands.

Matatagpuan ang Spice Islands(Kasalukuyang Moluccas) sa Silangang Indonesia sa


pagitan ng Sulawesi at New Guinea. Dahil sa mga pampalasang makukuha sa lugar,
maraming Europeo ang naghangad na makontrol ang Moluccas. Nagtungo rin ang
mga Portuguese,Dutch,British,at iba pang kanluranin.

Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang


magtungo ang mga kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa nito ang
pagtalaga ng Spain ng mga misyonerong Espanyol upang ipalaganap ang
Kristiyanismo sa rehiyon.
Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin

2. Pilipinas
 Sumakop – Espanya
 Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang
bahagi ng Mindanao.
 Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan
tulad ng Maynila.
 Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel
Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga local na pinuno,
paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo.
 Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Tributo- pagbabayad ng
buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol; 2. Polo’y Servicio -
sapilitang paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang
edad 16 hanggang 60. 3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol
ang kalakalan.
Pampolitika: 1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng
Espanyol angGobernador-Heneral na pinakamataas na pinuno sa
Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang
pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglinkod
sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon. 2. Ang
Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga Espanyol na
pari at kura paroko. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng
Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. 2. Wika
at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at
pagdaraos ng mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan,
Santacruzan,Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan may kaugnayan
ang pagdiriwang sa kristiyanismo.
3. Indonesia
 Sumakop – Portugal, Netherlands at England
 Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal,
Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa
Portugal. Panandaliang nakuha ng England subalit ibinalik din sa
Netherlands. Batavia(Jakarta), nasakop din ng Netherlands.
 Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng
kalakalan at maayos na daungan.

 Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga


himpilan ng kalakalan at nagsimulang palaganapin ang relihiyong
kristiyanismo ng narrating nila ang Ternate sa Moluccas noong 1511.
Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges noong 1655 at sinakop ang ang
mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na
puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule
Policy((Paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng
mananakop ang mga local na pinuno)
 Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming mga produkto
ang kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay pumanig
sa mga kanluranin. 2. Sapilitang pagkontrol (momopoly) inuna ng
mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.Ipinagbawal ang
pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga pribadong
mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa pamilihan.
Pampolitika: 1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan. 2.
Ginamit ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng
buwis.. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa
pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng mga kanluranin ito ay
nagdulot tension sa mga kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan at
patayan.
4. Malaysia
 Sumakop – Portugal, Netherlands at England
 Mga lugar na sinakop: Malaysia
 Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin ang
Kristiyanismo.
 Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at pagpapalaganap ng
relihiyong kristiyanismo
 Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming katutubo ang
naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
Pangkultura: 1Sinubukan ng mga Portuguese na palaganapin ang
kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon.
Samantala, hindi gaanong naimpluwensyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

PORTUGAL
MANANAKOP MGA

NETHERLAND NASAKOP

KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG
ENGLAND

SPAIN
Pagsasanay 2

Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart.

Nasakop na Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Epekto


bansa Bansa na Pananakop Pananakop
nakasakop
China
Pilipinas
Indonesia
Malaysia
Sanggunian
Mga Aklat:

1. RomelaM. Cruz, E.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Manguabnan, Michael
M. Mercado, Jerome A Ong, Araling Asyano: Tungo sa
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group,Inc., 2015), pp.370-400
2. R.C. Blando, A.A Sebastian, Espiritu, Golvegue, A.M. Jamora, R.R. Capua &
R.R. Mariano, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, ( Pilipinas, Vibal
Group, Inc., 2014), pp.322-327

Mga Website:

1. Mga Dahialn at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at


Timog-Silangang Asya, January 21, 2019.https://www.slideshare.net>mobile
2. Epekto ng Pananakop sa Asya. August 7, 2014.
https://www.slideshare.net>olhen
3. Dahilan at Paraan ng Pagpasok ng mga Kanluranin, August 27, 2019.
https://www.scribd.com>presentation.

DEPED Pasig City

You might also like