You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF CALAPAN CITY
ARTURO ARCE IGNACIO INTEGRATED SCHOOL
LAZARETO, CALAPAN CITY

BANGHAY-ARALIN
SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN
Pang-araw- Paaralan Arturo Arce Ignacio Integrated School Baitang/Antas 7
araw na Guro Lean Jocel M. Luzon Markahan Ikaapat na Markahan
Tala
sa
Asignatura Araling Panlipunan
Pagtuturo Petsa/Oras Abril 3, 2024
12:45-1:45 7- Integrity
I. LAYUNIN
Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
A. Pamantayang
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya
Pangnilalaman
sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
B. Pamantayan sa
pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyoal at
Pagganap
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
Pagkatuto (Isinulat ang imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
Code ng bawat pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
kasanayan)
1. Natutukoy ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
2. Napahahalagahan ang kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto.
3. Nakagagawa ng islogan na naglalarawan o nagpapakita ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa sariling bayan.
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
II. NILALAMAN Silangan at Timog-Silangang Asya sa Unang Yugto ng imperyalismong
Kanluranin
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Modyul
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag- Pahina 2-18
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 2-18
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng https://lrms.depedmimaroparegion.ph/coLearningResources.php
Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang
telebisyon, pisara at yeso
Panturo
III. PAMAMARAAN Panimulang Gawain
1. Panalangin 4. Pag-alam ng liban
2. Pagbati 5. Pagpapasa ng Takdang Aralin
3. Pagpapaayos ng silid at sarili
A. Balik-Aral o/at Balik-aral
pagsisimula sa bagong Panuto: Punan ng salita ang mga patlang upang mabuo ang mga pangyayaring
aralin nagbigay daan sa pananakop ng mga kanluranin. Piliin ang tamang salita sa
loob ng kahon.
B. Paghahabi sa layunin Suri-larawan
ng aralin Panuto: Suriin ang mga larawan at ibigay ang nais iparating sa inyo.
C. Pag-uugnay ng mga Pamprosesong Tanong:
halimbawa sa bagong Kung babalik ka sa nakaraan o sa panahon ng pananakop, ano kaya ang maaari
aralin mong gawin sa pagdating ng mga mananakop? Kung sakali din na may
dumating ngayon sa kasalukuyan, ano ang magagawa mo para sa bayan?
D. Pagtalakay ng bagong Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
konsepto at Silangan sa Unang Yugto ng imperyalismong Kanluranin
paglalahad ng mga Layunin
bagong kasanayan #1 -3Gs (God, Gold at Glory)
SILANGANG ASYA
Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin
1. China at Formosa
•Sumakop – Portugal
•Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan)
•Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na yaman, Palawakin
ang relihiyong kristiyanismo at pakikipagkalakalan.
•Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
•Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang asya
dahil sa metatag na pamahalaan at hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga
himpilan.
E. Pagtalakay ng bagong Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-
konsepto at Silangang Asya sa Unang Yugto ng imperyalismong Kanluranin
paglalahad ng bagong TIMOG-SILANGANG ASYA
kasanayan #2 Spice Islands
2. Pilipinas
•Sumakop – Espanya
•Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng
Mindanao.
•Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng
Maynila.
•Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi,
ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan
sa mga local na pinuno, paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1.Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga
katutubo sa mga Espanyol; 2.Polo’y Servicio - sapilitang paggawa/sapilitang
pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60. 3.Monopolyo –
kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Pampolitika: 1. Sentralisadong
Pamahalaan – itinalaga ng hari ng Espanyol angGobernador-Heneral na
pinakamataas na pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang
karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglinkod sa
pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon. 2. Ang Simbahang Katoliko –
naging makapangyarihan ang mga Espanyol na pari at kura paroko. Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
2. Wika at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at
pagdaraos ng mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santacruzan,
Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan may kaugnayan ang pagdiriwang sa
kristiyanismo.
3. Indonesia
•Sumakop – Portugal, Netherlands at England
•Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal, Amboina at Tidore
sa Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng
England subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia(Jakarta), nasakop din ng
Netherlands.
•Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at
maayos na daungan.
•Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga himpilan ng
kalakalan at nagsimulang palaganapin ang relihiyong kristiyanismo ng narrating nila
ang Ternate sa Moluccas noong 1511. Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges noong
1655 at sinakop ang ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas
malakas na puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule
Policy((Paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang
mga local na pinuno)
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming mga produkto ang
kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay pumanig sa mga
kanluranin. 2. Sapilitang pagkontrol (momopoly) inuna ng mga Asyano ang
pagtatanim kaysa kumain.Ipinagbawal ang pagtatanim ng mga halamang pampalasa
sa mga pribadong mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa
pamilihan. Pampolitika: 1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan. 2. Ginamit
ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng buwis.
Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa pagnanais na mapalaganap
ang relihiyon ng mga kanluranin ito ay nagdulot tension sa mga kolonya. Humantong
ito sa alitan, labanan at patayan.
4. Malaysia
•Sumakop – Portugal, Netherlands at England
•Mga lugar na sinakop: Malaysia
•Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin ang Kristiyanismo.
•Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at pagpapalaganap ng relihiyong
kristiyanismo
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming katutubo ang naghirap dahil
sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop. Pangkultura: 1. Sinubukan ng mga
Portuguese na palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop
subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa
rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensyahan ng mga bansang Netherlands
at England ang kultura ng Malaysia.
F. Paglinang sa Indibidwal na Gawain:
Kabihasahan Panuto: Gumawa ng islogan na naglalarawan o nagpapakita ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa sariling bayan.

G. Paglalapat ng aralin sa Ilapat sa Pang-araw-araw na buhay


pang-araw-araw na Kung may nais sumakop sa ating bansa, ano ang iyong magiging tugon? Parehas
búhay ba ng naging tugon ng mamamayan sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
H. Paglalahat ng Aralin Paglalagom ng Aralin
 Ano ang mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya sa Unang Yugto ng imperyalismong Kanluranin?
I. Pagtataya ng Aralin Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya, particular sa
China.
A. Espanya B. Portugal C. Pransya D. Great Britain
2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya C. Timog at Kanlurang Asya
B. Timog-Silangang at Kanlurang Asya D. Silangan at Timog Asya
3. Dalawang bansa sa kanluranin na nanguna sa pananakop ng mga lupain.
A. Espanya at Pransya C. Espanya at Portugal
B. Portugal at Pransya D. Portugal at Inglatera
4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.
A. Islam B. Kristiyanismo C. Buddismo D. Hinduismo
5. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
A. Mayaman sa Pampalasa C. Sentro ng Kalakalan
B. Mayaman sa ginto D. Relihiyong Kristiyanismo
I. Karagdagang gawain Kasunduan:
para sa takdang-aralin -Basahin ang Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-
at remediation Silangang Asya.
-Humanda sa talakayan at mga gawain.
IV. Mga Tala
___ Natapos ang aralin/gawain at maaari nang magpatuloy sa mga susunod na aralin.
___ Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa kakulangan sa oras.
___ Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga napapanahong mga pangyayari.
___ Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang gustong ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
___ Hindi natapos ang aralin dahil sa pagkakaantala/pagsususpende sa mga klase dulot ng mga gawaing pang-
eskwela/ mga sakuna/ pagliban ng gurong nagtuturo.
Iba pang mga Tala:
V. Pagninilay
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailanagan ng iba pang gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyon sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
Anong kagamitang panturo na aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri at binatid ni:

LEAN JOCEL M. LUZON DR. JONNEDEL A. BAQUIRAN


Teacher I Officer-in-Charge
Assistant Principal II

You might also like