You are on page 1of 4

Paaralan DMDPNHS Baitang/Antas Grade 7

Guro Ma. Emma Rhose E. Tan Asignatura Araling Panlipunan


PANG-ARAW-
ARAW NA TALA Petsa April 2, 2024 Markahan IKAAPAT
MARKAHAN
SA
PAGTUTURO Oras 9:00-10:00 AM Bilang ng Araw 1
10-11:00 AM
(Tuesday)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
Pangnilalaman pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at TimogSilangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
Pagganap pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong
Panahon
C. Pinakamahalagang Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kasanayan sa Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Pagkatuto Silangang Asya.
D. Tiyak na Layunin
A. Natutukoy ang epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya;

B. Nakapaghahayag ng damdamin ukol sa mga pangyayaring naganap sa sariling bayan sa


ginawang pananakop ng mga dayuhang bansa
II. NILALAMAN AP7-Quarter4-Week 2:
III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Pahina sa Gabay AP7 LeaP;
ng Guro Asya: Pagakakaisa sa Gitna ng Pagakakiba-iba.Pp.322-345;

b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
PLR
B. Listahan ng mga Papel at ballpen
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimula
Panalangin
-Ang lahat ay tumayo para sa pambungad na panalangin
Tumayo ang mag-aaral
para sa panalangin
B. Pagbati
-Magandang araw Grade 7 Pearl, Tourmaline, Jade

C. Pagsasaayos ng silid aralan Magandang umaga rin


- Pakidampot ang lahat ng kalat at itapon ito sa lalagyan at po ma’am Emma
pakiayos ng inyong upuan.

Ang mga mag-aaral ay


D. Pagtala ng Lumiban dinampot ang mga
-Sino ang sekretarya ng klase? May lumiban ba sa araw na ito? basura at umayos ang
upuan
- Mabuti naman

Wala po ma’am
B. Pagpapaunlad
C. Pakikipagpalihan PILIPINAS

Sumakop: España
Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon, at Visayas at
ilang bahagi ng Mindanao
Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa ginto. May mahusay na
daungan tulad ng Maynila.
Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legazpi ang nagtagumpay na masakop
ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan na kung
saan ito ay pag-inom ng lokal na pinuno at pinunong
Español ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo. Isa rin sa
paraan na kanilang ginamit sa pananakop sa Pilipinas ay
Relihiyong Kristiyanismo.
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Español
Pangkabuhayan
 Tribute - patakarang pinagbabayad ng buwis ng mga
Español ang mga katutubo, maaaring ipambayad ay
ginto, produkto, at mga ari-arian.
Epekto:
Dahil sa pang-aabuso sa pangongolekta ng buwis,
maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
 Polo y Servicio- sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang
pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang
60. Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan,
gusaling pampamahalaan at marami pang iba.
Epekto:
Marami sa kanila ang nahiwalay sa pamilya at namatay
sa hirap.
 Monopolyo-kinokontrol ng mga Español ang kalakalan.
Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong
nabibili sa Europe tulad ng tabako.
Epekto:
Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila
nakapagtanim ng kanilang makakain.
Pampolitika
 Sentralisadong Pamamahala-napasailalim sa pamumuno
ng mga Español ang halos kabuuan ng bansa.
 Itinayo ang unang pamayanan ng Espanyol sa Cebu
noong Abril 27, 1565, mula dito ay sinakop din ang iba
pang lupain tulad ng Maynila na itinuring na isa sa
pinakamagandang daungan at sentro ng Simbahang
Katoliko- naging makapangyarihan din ang mga Español
na pari at kura paroko noong panahon ng pananakop ng
mga Español.
 Ipinalaganap ng mga Espanyol ang
Kristiyanismo. Isinakatuparan ang patakarang
reduccion. Nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at
damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas
madali silang mapasunod ng mga Espanyol

INDONESIA
Sumakop: Portugal, Netherlands at England
Mga lugar na sinakop:
 Ternate sa Moluccas: Nasakop ng Portugal
 Amboina at Tidore sa Moluccas: Inagaw ng Netherlands
mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng England
subalit ibinalik din sa Netherlands.
 Batavia (Jakarta): Nasakop din ng Netherlands
Dahilan: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan
at maayos na daungan
Paraan ng Pananakop:
 Dahil sa paghahangad sa mga pampalasa,
narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas
noong 1511.Nagtayo sila ng himpilan ng
kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang
Kristiyanismo.
 Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges noong
1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at
Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na
puwersang pandigma. Upang mapanatili ang
kanilang kapangyarihan, nakipag-alyansa ang
mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng Indonesia.
Moluccas: Tinatawag ding Maluku. Kilala bilang SPICE ISLAND.
Ito ang lupain nan ais marating ng mga kanluranin upang
makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa.

Mga Pampalasa:
Mataas na paghahangad at pangangailangan ng mga Kanluranin
sa mga pampalasa na makukuha sa Asya tulad ng cloves,
nutmeg, at mace. Halos kasing halaga ng ginto ang mga
pampalasang ito sa pamilihan ng mga bansa sa Europe.

DIVIDE AND RULE POLICY:


Isang paraan ng pananakop kung saan pinag-away-away ng
mananakop ang mga local na pinuno o mga naninirahan sa isang
lugar; ginagamit ng mga manaankop ang isang tribu upang
masakop ang ibang tribo.
MALAYSIA
Sumakop: Portugal, Netherlands at England.
Dahilan:
 Pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan.
Palaganapin ang Kristiyanismo sa mga
D. Paglalapat Performance Task:
Dugtungan:
Dahil sa mga Kanluranin
________________________________________________
_______________________________________________bayan.
E. Karagdagang gawain

IV. PAGNINILAY
Naunawaan ko na
Nabatid ko na

You might also like