You are on page 1of 6

Paaralan Magpet National

High School Markahan Ikatlong


Guro Janrie B. Calimot Markahan
MALAMASUSING Pangkat/Oras/ Grade VIII
BANGHAY-ARALIN NG Araw ng Pagtuturo Coelacanth –(8:30- Petsa Marso 6,
BAITANG 8 9:30)Tuesday 2023
ARALING
PANLIPUNAN
I. LAYUNIN
Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago,
Pangnilalaman pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo)
Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
Pagganap pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang
ika-20 siglo)
Mga Kasanayan sa Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng
Pagkatuto Kolonyalismo
Tiyak na Layunin Pagkatapos ng 120 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Nailalagom ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan.
b. Nakagagawa ng dahilan at epekto sa pananakop ng mga
europeong bansa
c. Nailalarawan ang paghati ng mundo
II. NILALAMAN
Yunit: III
Paksa: Paglakas ng Kapangyarihan ng mga Kanluranin

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro:
2. K-12 CG Code: P8PMD -IIIi - 10
3. Pahina sa Gabay ng Kurikulum:
4. Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral:
5. Pahina sa Teksbuk:
6. Kagamitan Mula sa Portal ng Learning Resource: MELCs

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Laptop, larawan, manila paper

IV. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain 1.Panalangin.


Panginoon naming Diyos,patnubayan mo po kami saaraw na ito.
Patuloy mo pokaming gabayan upang lahatnaming tungkulin ay
amingmagampanan. Tulungan mopo kami sa mga pasya naaming
ginagawa. Pagpalainmo ang aming mga guro nasaamin ay
matiyagangnagtuturo. Pagpalain mo rinan mga magulang namin
sapatuloy na pagsuporta saamin. Ang lahat ng ito ayaming
sinasamo sa ngalan ngaming Panginoong Hesus. Amen.
2. Pagbati
Magandang araw sa lahat!

3. Pamukaw-sigla
Magpapakita ng video.

4. Pagtala ng Lumiban sa Klase


Ipapasulat sa kalihim ng klase ang mga lumiban.

5. Pamantayan sa Klase
Magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga magiging
pamantayan.

6. Pagpasa/Pagwasto ng Takdang-aralin
Iwawasto kung meron.

A. Gawaing Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang


Pampakatuto nakaraang talakayan.
(Pagbabalik-aral) Ano ang paksang itinalakay sa inyo noong nakaraang talakayan?
1.Sino Si Prinsipe Henry
2.Sino ang Asawa ni Haring Ferdinand V

B. Pag-uugnay ng mga “Suriin ang Larawan”


Halimbawa sa Ipapakita ang mga larawan sa mga mag-aaral
Bagong Aralin Panuto:Suriin ang mga larawan at magbigay ng ideya patungkol sa
(Pagganyak/Motivation)
larawan.

1. 2.

3. 4.
ANS:
1.Ferdinand Magellan
2.Spain
3.Netherland
4.Lapu-Lapu

C. Paghahabi ng Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong


Layunin ng Aralin Mga gabay na tanong:
(Presentation of 1.Ano ang mga naiambag ni Ferdinand Magellan sa Espanya?
Objectives) 2.Anong bansa ang umusbong sa pagsapit ng ika-17 na siglo?
3.Ano ang ginampanan ng mga Dutch sa panahon sa Paglakas ng
Kapangyarihan ng mga Kanluranin ?

D. Pagtalakay sa Ang guro ay magbibigay ng mga katanungan.


Bagong Konsepto at Mga tanong:
Paglahad ng Bagong 1.Sino Ferdinand Magellan?
Kasanayan Bilang # 1 2.Sino ang Pumatay kay Ferdinand Magellan ?
3.Ano ang tawag sa mga residente na nakatira sa Netherlands?

E. Paglinang sa Paghahati ng Mundo


Kabihasaan (Tungo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
sa Formative ekspedisyon ng Portugal at Spain, humingi ang mga bansang ito
Assessment) ng tulong sa Papa sa Rome na si Pope Alexander VI upang
(Pagtatalakay/Abstract mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay
ion) gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang
linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Polar hanggang
sa Timogang Polar. Para sa Spain ang kanlurang bahagi ng linya
at sa Portugal naman ang sa silangang bahagi ng linya. Si Pope
Alexander VI ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing
maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan Nagsimula ang
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang
paglalakbay ay pinondohan ng Spain sa taong 1519 kung saan
nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong
silangan at dito, natagpuan nila ang silangang baybayin ng South
America. Ito ang bansang Brazil sa kasalukuyan. Naglakbay sila sa
isang makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan ngayon,
at pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang
marating nila ang Pilipinas. Nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga
miyembro at taggutom dahil sa haba ng paglalakbay.
Ang mga Dutch Bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya,
napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese sa pagpasok ng ika-
17 siglo. Sila ang nag-agaw sa Moluccas mula sa Portugal at
nagtatag ng bagong sistema ng plantasyon - ang mga lupain ay
pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Dahil dito,
nagkaroon ng sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga
Español sa Pilipinas
Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng mga kolonya sa North
America na pinangunahan ni Henry Hudson na isang English na
manlalayag na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch.
Siya ay nakapasok sa New York Bay noong 1609 at pinangalanan
itong New Netherland.

Paglalahat
Mga katanungan:
1.Bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya, napalitan ang
mga Portuguese sa pagpasok ng ika-17 siglo ng anong bansa ?
Sagut: Netherland
2.Siya ay isang English na manlalayag na naglakbay para sa mga
mangangalakal na dutch?
Sagut: Henry Hudson
3.Ano ang Nasyonalidad ni Ferdinand Magellan ?
Sagut:

F. Paglalapat ng Aralin Hahatiin ang klase sa apat sa grupo at meroong isang mag
sa Pang-araw-araw rerepresenta ng kanilang ginawang Gawain
na buhay
(Paglalapat/ Panuto:Gamit ang graphic organizer punan ang hinihinging
Application) impormasyon.Isulat sa isang buong papel.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Mga 5 puntos 3 puntos 1 puntos


Batayan

Kaangkupa Buong husay at May isang Kalahati o


n angkop ang sagot o higit halos lahat ng
sagot sa pa na hindi sagot ay hindi
hinihingi ayon sa angkop ayon angkop ayon
gawain. sa hinihingi. sa hinihingi.

Presentasyo Buong husay na Naibahagi ang Hindi


n naibahagi ang gawain sa nakapagbaha
gawain sa klase. klase.. gi ng gawain
sa klase.

Kooperasyo Naipapamalas Naipapamalas Naipapamalas


n ng lahat ng ng halos lahat ng iilang
miyembro ang ng miyembro miyembro ng
pagkakaisa sa ang pangkat ang
paggawa ng pagkakaisa sa pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng paggawa ng
gawain. gawain.

Takdang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos


oras gawain ng gawain ngunit ang gawain.
buong husay sa lampas sa
loob ng oras.
itinakdang oras.

Kabuuan 20 puntos

G. Pagtataya sa Aralin Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang
(Pagtataya/Evaluation) sagot at isulat sa isang kapat na papael.

1.Ano ang nasyonalidad ni Ferdinand Magellan ?


a. Japanese c. Portuguese
b. Spaniard d. Italian

2. Bakit mas nagtagal ang kapangyarihan ng mga Dutch sa Asya?


a. Dahil nagkaroon ng sapilitan sa paggawa
b. Dahil mas malakas ang mga dutch kaysa sa ibang bansa sa
Europe ?
c. dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o
Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602 kung
ihahambing sa pananakop nila sa America.
d.Lahat ng nabanggit

3. Sa pamamagitan ng mga Boers o mga magsasakang nanirahan


sa may Cape of Good Hope nagtatag din ng pamayanan ang mga
dutch sa anong bansa ?
a.America b.India c.Africa d.Portugal

4. Siya ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing maaring


tuklasin ng Portugal at Spain.
a.Pope Francis
b.Pope John Paul II
c..Pope Alexander VI
d.Pope Benedict XVI

5.Bakit himingi ng tulong ang ibang bansa sa Europa sa Papa sa


Rome para mamagitan sa Portugal at Spain ?
a. Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain
b. Dahil lumalakas na masyado ang kapang yarihan ng mga
Portuguese
c.Dahil natalo ang Spain sa paligsahan sa eksplorasyon ng mga
Portuguese
d.Lahat sa nabanggit

H. Karagdagang Gawain Panuto: Isulat ang sagut sa isang kalahating papel (10 puntos)
para sa Takdang- Tanong:Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng paglakas ng
Aralin at Remediation Kapangyarihan ng mga Kanluranin kung ikaw ay papalarin bilang
(Takdang Aralin) isang leader ng manlalayag anong bansa gusto mong silbihan
Portugal o spain?at bakit?

J. REMARKS

VI. REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya:
B. Bilang ng mga mag-
aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para
sa remediation:
C. Nakatulong ba ang
remedial?

D. Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin:
E. Bilang ng mag-aaral na
magpatuloy sa
remediation:
F. Alin sa mga
estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
G. Anong suliranin na
naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng
punong-guro at
superbisor/tagamasid?
H. Anong mga kagamitang
panturo ang gustong
ibahagi sa mga kapwa
guro?
Personal kaalaman o naramdaman sa pagpapakitang-turo:

Inihanda ni: Sinuri ni:

JANRIE B. CALIMOT Amado A. Bangkas Jr.


Nagpakitang Turo Gurong tagapatnubay

Inaprobahan ni:

JOCELYN S. LOBATON NORMITA P. LAMES


Academic Coordinator Head Teacher III

You might also like