You are on page 1of 2

Asignatura: Araling Panlipunan 7 Araw: 10/30/2019

Ikatlong Markahan Paksa: Unang Yugto ng Impperyalismong


Kanluranin

Kompetensi:

(AP7TKA-IIIa-j-1) Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

I. Layunin:

A. Naipapaliwanag ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa unang yugto ng imperyalismo sa Asya.


B. Nakagagagawa isang maikling dula na nagpapakita ng mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng
imperyalismo sa Asya.
C. Napapatunayan ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga Asyano sa mga Kanluranin sa unang yugto ng
imperyalismo sa Asya.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Sanggunian: Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan

Kagamitan:
- Powerpoint presentation, projector, laptop

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

- Panalangin
- Pagtetsek ng liban at di liban sa klase
- Pagsasaayos ng silid aralan

B. Pagganyak:

Ipatukoy kung anong bansa nabibilang ang mga sumusunod ng watawat.

Portugal Spain France Netherlands

1. Ano ang pagkakatulad ng mga bansang nirerepresenta ng mga watawat?


2. Ano ang ipinapahiwatig ng mga ito?

C. Pagtatalakay

- Magbigay ng maiksing pagpapakila ng paksa para sa araw na ito.


- Pamprosesong tanong:
1. Ano ang imperyalismo at kolonyalismo?
2. Ano ang mga bansang naging bahagi ng unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin?

- Pangkatang Gawain:
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng isang maikling dula na magpapakita ng mga
hakbang na ginawa ng mga kanluraning bansa upang masakop ang mga bansa sa Asya noong ika-16 at ika-
17 siglo.

Pangkat 1 – Portugal
Pangkat 2 – Spain
Pangkat 3 – Netherlands
Pangkat 4 – England
Pangkat 5 – France

D. Pagbubuod:
- Iproseso ang mga nakalap na impormasyon mula sa ginawang pag-uulat ng mga pangkat at magkaroon
ng pagbubuod ukol sa mga dahilan at pamamaraan ng Imperyalismo at Kolonyalismo ng mga Kanluranin
sa unang yugto ng pagdating nila sa Asya.

IV. Pagtataya:
Tukuyin kung ano ang tinutukoy ng sumusunod na mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang nasa loob ng
kahon.

Marco Polo Merkantilismo Francisco de Almeida Kolonyalismo Maynila


Vasco da Gama Imperyalismo Ferdinand Magellan Portugal Moluccas

1. Siya ang nakatuklas ng bagong ruta patungo sa Asya noong 1498. Dumaong siya sa Calicut sa kanlurang
bayabayin ng India.
2. Ang kauna-unahang taga-kanlunranin na nakarating sa Asya. Isa siyang mangangalakal na Italyano na
naglakbay sa China at naging tagapatnubay sa Kaharian ni Kublai Khan.
3. Naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
4. Siya ang unang viceroy ng Portugal sa Asya.
5. Ang paggalugad ng Spain ng bagong ruta patungong Asya ay matagumpay niyang nakamit. Bagamat isang
portuguese, isinagawa niya ang paglalayag sa ngalan at pagtataguyod ng hari ng Spain.
6. Isang tuwirang pananakop sa isang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito ng isang mangongolonya.
7. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas
malaking imperyo.
8. Ang unang Kanluraning bansa na nakarating sa Asya
9. Itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi bilang kolonyal na kapitolyo sa Pilipinas
10. Bansa sa Asya na pangunahing pakay ng Netherlands na sakupin at na siyang pinag-aagawan nila ng Spain.

V. Kasunduan

Panuto: Isulat ang sagot sa isang buong papel.


1. Paano ipinamalas ng mga Kanluranin ang lakas ng loob sa panaon ng paggalugad at pagtuklas? Sa anong sitwasyon
kailangan ito ng isang pinuno sa kasalukuyan?
2. Bakit kailangan ang kaptapangan sa paglalayag at pananakop?

VI. Repleksiyon

- Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya ___________


- Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation ________
- Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin ________
- Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation__________
- Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? ______
- Anong suliranin ang aking naranasan na masosolusyunan sa tulong ng aking punongguro at
supervisor?________
- Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?_________

Inihanda ni:

You might also like