You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 8

“Mga dahilan, pangyayari at


epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo”
Guro: Charmaine L. Cabutihan Baitang: Ika-8 – Ikatlong Markahan
Asignatura: Araling Panlipunan Araw ng Pagtuturo: Pebrero 12, 2024

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…


a. natatalakay ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo sa pamamagitan ng pangkatang gawain (reporting);
b. nakapagbabahagi ng kanya-kanyang saloobin tungkol sa mga dahilan,
pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo
c. Nakabubuo ng graphic organizer tungkol sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe.

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging


Pangnilalaman transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at
ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan

B. Pamantayang Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa


Pagganap kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
Pagkatuto
Paksa: Mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo.

II. PAKSANG ARALIN


Sanggunian:
A. Paksa
Mga Aklat at artikulo:
B. Sanggunian
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Book
C. Kagamitan
Kagamitan: Laptop, Tarpapel, Printed Materials at TV.
III. PAMAMARAAN Pagbati
1. Panimulang Gawain Panalangin
Kumustahan sa klase
Pagtatala ng liban
Balik-aral

2. Motibasyon “Paunang Gawain”


Ang guro ay magpapakita ng larawan na kung saan susuriin ng mga mag-aaral
kung ano ang ipinahihiwatig nito gamit ang pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang nasa larawan? At ano ang kadalasang ginagawa niya?
2. Bakit kaya madalas kasama ni Dora si Boots sa paglalakbay? Gaano ba
kahalaga na may kasama ka sa paglalakbay?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglakbay kasama ni
Dora, saang lugar kayo pupunta? At anong uri ng bagay ang inyong
gagalugadin?

PANGKATANG GAWAIN: REPORTING


Sa pagsisimula ng talakayan, ay pangungunahan ito ng unang grupo na siyang
magtatalakay ng kahulugan ng kolonyalismo at paano nga ba ito nakatulong
sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe.

Ang rubriks na pagbabasehan ng inyong iskor.

Rubriks
Nilalaman 5 puntos
Partisipasyon 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
A. Aktibidad
Kabuuan 15 puntos

Para sa;
Unang Pangkat: Ano ang kolonyalismo at paano ito nakatulong sa
pagpapalawak ng Europe.
Ikalawang Pangkat: Ano ang mga motibo ng kolonisasyon.
Ikatlong Pangkat: Salik ng Paggagalugad at Pananakop
 Paglalakbay ni Marco Polo o “The travel of Marco Polo”
 Pagsuporta ng Monarkiya sa mga Manlalakbay
Huling Pangkat: Pag-unlad ng ekonomiya at Ang paghahanap ng spices)

B. Analisis Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa talakayan, ano ang kahulugan ng kolonyalismo?
2. Ano ang naging daan upang mangyari ang kolonyalismo?
3. Paano nakatulong ang kolonisasyon sa pagpapalawak ng
kapangyarihan ng Europe?

Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Motibo para sa Kolonyalismong Dulot ng Eksplorasyon


1. Ano-ano ang Motibo ng Koloniyalismo na dulot ng Eksplorasyon?
2. Anong uri ng sistema ang nakaimpluwensya sa mga Europeo upang
maghangad ng labis na kayamanan?
3. Paano ito nakatulong sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe?

Salik sa Eksplorasyon
1. Sino si Marco Polo?
2. Paano napukaw ng paglalakbay ni Marco Polo ang interes ng mga
Europeo na makarating sa China?
3. Sino ang sumuporta sa paglalakbay ng mga Europeo at sa paanong
paraan niya ito ginawa?
4. Ano-ano ang natuklasang instrumentong nabigasyon ng mga
manlalakbay?
5. Sa paaanong paraan nakatulong ang pag- unlad ng teknolohiya sa
pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe?

Ang Paghahanap ng Spices


1. Ano ang pangunahing rason kung bakit hinangad ng mga Europeo na
ipalaganap ang kolonyalismo sa Asya?
2. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?
3. Ano-ano yung mga spices na malaking demand para sa mga Europeo?
At saan ito pangunahing ginagamit?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano- ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo
sa sa Asya?
C. Abstraksyon 2. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe?
3. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang
nakarating, papayag ka ba? Bakit?

D. Aplikasyon Panuto: Ibigay ang impormasyon na hiningi sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa
activity sheet.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang
letrang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.
1. Ito ang nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.
A.Merkantilismo C. Pakikipagkalakayan
B. Eksplorasyon * D. Renaissance
2. Isa siya sa mga naglarawan na ang Asya ay mayroong mayayamang
bansa, lumikha pa siya ng aklat hinggil dito.
A. Marco Polo* C. Christopher Columbus
B. Ferdinand V. D. Prinsipe Henry
E. Ebalwasyon
3. Ito ay ang paghihimasok , pag-impluwensya o pagkontrol ng malakas na
bansa laban sa mahinang bansa.
A. Merkantilismo C. Imperyalismo*
B. Eksplorasyon D. Wala sa nabanggit.
4. Ito ang tatlong spices na malaki ang demand para sa mga manglalakbay na
Europeo, maliban sa isa.
A. Paminta C. Cinnamon
B. Nutmeg D. Bay Leaves*
5. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa
kanilang paglalayag sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. armada C. galleon ship
B. caravel* D. steam ship

May naganap na tanungan sa klase.


F. Repleksyon

Basahin at aralin ang susunod na aralin.


G. Takdang aralin

Inihanda ni: Bb. Charmaine L. Cabutihan

You might also like