You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 8

W2-3 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa- Unang Yugto ng Imperyalismo at


Kolonyalismo
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang dahilan, pangyayari, at epekto ng Unang Yugto ng
COMPETENCIES (MELCs) Kolonyalismo
III. CONTENT/CORE CONTENT Natutukoy ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo

Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral


Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig,pahina 322-346
Learning Resource Material

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa nakaraang aralin, nasusuri ang mahahalagang pagbabagong
Panimula pulitikal, ekonomiko, at sosyo-kultural sa panahon Renaissance.
Sa paksang ito, matutukoy mo naman ang mga dahilan at epekto ng
unang yugto ng kolonyalismo.
Bilang mag-aaral, ikaw ay inaasahan na;
1. Naibibigay ang konsepto ng
1.1 imperyalismo; at
1.2 Kolonyalismo
2. Natatalakay ang kaugnayan ng eksplorasyon sa kolonyalismo
3. Naipaliliwanag ang motibo at salik ng eksplorasyon sa
kolonyalismo
4. Natutukoy ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng unang
yugto ng kolonyalismo
5. Naiisa-isa ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng unang
yugto ng kolonyalismo

Panuto: Bilang panimula ng aralin, basahin ang teksto sa ibaba, hango sa


Modyul ng Mag-aaral, Kasaysayan ng Daigdig, pahina 322.

“Itinuturing ang Europa bilang maunlad na kontinente ng


daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome
sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain. Ang mga
lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang
pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong
daigdig. Kontribusyon sa malawak na pag-unlad ng Europa ang
lahat ng ito.”

Simulan ang aralin sa pamamagitan ng mga gabay na gawain.


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: I-R-F Chart
Panuto: Lagyan ng kaukulang impormasyon ang hinihingi sa bawat
kahon. Sa unang kolum ang I o initial na kasagutan, ikalawang kolum
ang R o revised na kasagutan at sa ikatlong kolum ay ang F o final na
kasagutan tungkol sa konsepto ng imperyalismo at kolonyalismo.

I – Initial Answer R– Revised Answer F – Final Answer


Ano ang alam ko na sa Ano ang kolonyalismo at Ano ang iyong natutunan
imperyalismo at mga dahilan nito? sa konsepto ng unang
kolonyalismo, dahilan yugto ng kolonyalismo
batay sa ating napag-
at epekto nito?
aralan?
(sasagutin pagkatapos
(sasagutin lamang
ng talakayan sa pagkatapos ng aralin)
pagpapaunlad)

Ang bahaging ito ang magsisilbing daan sa pagpukaw ng atensyon ng


mga mag-aaral tungkol sa paksang tatalakayin.

B. Development 120 minuto Basahin ang teksto sa Modyul ng Mag-aaral,Kasaysayan ng Daigdig,


Pagpapaunlad pahina 326 – 346.

Ang eksplorasyon ay nagbigaydaan sa kolonyalismo o ang


pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ating Alamin!


Panuto: Batay sa nabasang teksto, sagutin ang mga sumusunod na
gabay na tanong. Isulat ang sagot sa isang papel.
1. Ano ang kaugnayan ng eksplorasyon sa naganap na
kolonyalismo?

2. Isa-isahin ang mga itinuturing na motibo para sa kolonyalismo


dulot ng eksplorasyon at ipaliwanag.

3. Ano-ano ang mga dahilan, pangyayari ,at epekto ng unang


yugto ng kolonyalismo?

4. Sa paanong paraan naimpluwensyahan ng mga salik ang


aspetong:
a. Panlipunan
b. Politikal
c. Ispirituwal at
d. Pang-ekonomiya?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Tara, Mag-Eksplor Tayo!
Panuto: Punan ng mga kaganapan ang timeline sa ibaba at sagutin ang
mga gabay na tanong sa sagutang papel. Nasa unang kahon ang mga
motibo sa kolonyalismo dulot ng eksplorasyon; sa ikalawang kahon para
sa dahilan; sa ikatlong kahon ang mga pangyayari at sa huling kahon
ang epekto.

Paghahanap ng
Kayamanan

Pagpapalagana
p ng
Kristiyanismo

Paghahangad ng
Katanyagan

Sanggunian ng mga larawan:


https://www.google.com/search?q=larawan+ng+paghahanap+ng+kayamanan&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjPzvWaxKXvAhWLwJQKHciBDzcQ_AUoAXoECA0QAw&biw=136
6&bih=657#imgrc=LqxS0u29OUipiM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagpapalaganap+ng+kristiyanismo&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwj46KSgxKXvAhXSA6YKHWjJD7QQ2-

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+paghahangad+ng+katanyagan&tbm=isch&
ved=2ahUKEwjQte6KxaXvAhXBDKYKHUQ7Cc8Q2-

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga naging motibo ng eksplorasyon sa
kolonyalimo?

2. Paano ito nakaapekto sa naganap na kolonyalismo? Ipaliwanag.

3. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga pangyayari ang higit na


nagdulot ng epekto sa kalagayan ng ating rehiyon? ng ating
bansa?

C. Engagement 60 minuto Sa bahaging ito, bibigyang diin ang naging epekto ng Unang Yugto ng
Pakikipagpalihan Kolonyalismo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Basahin ang mahahalagang epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo. Bigyan pansin ang gabay na gawain na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa papel. (Mula sa Modyul ng Mag-aaral, Kasaysayan
ng Daigdig, pahina 337.

1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at


Portuges ay nagbigay daan sa malawakang pagtuklas sa mga
lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at
kanluran.
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan.

4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang


nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil, at
pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.

5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na


nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa
mga sakit sa pagitan ng Old World war at New World.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Good or Bad


Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa epekto ng Unang
Yugto ng Kolonyalismo. Bigyang pansin kung ito ba ay mabuti o
masama.

PAMANTAYAN PUNTOS
Pagkakasulat-mahusay at malikhain ang 5
pagkakasulat ng sanaysay
Nilalaman- kumpleto at wasto ang mga detalye ng 10
sanaysay
Presentasyon-organisado ang pagkakasunod-sunod 10
ng ideya
Wastong baybay at bantas-tama ang 5
pagkakabaybay at paggamit ng mga bantas
KABUUAN 30
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Halina! Tayo’y Magkaisa!
Panuto: Sa isang short bond paper, sumulat ng isang advocacy
campaign poster na nagpapakita pagkakaisa ng mga mamamayan
upang maiwasan ang pananakop ng makapangyarihang bansa.

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman- malinaw ang ipinapakita ng mensahe 10
Presentasyon- organisado pagkakalahad ng ideya 10
Pagkamalikhain- orihinal ang ideyang ipinakita sa 5
poster
Kalinisan- malinis at angkop ang mga kulay na 5
nailapat sa poster
KABUUAN 30

D. Assimilation 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: SKL (Share ko Lang)


Paglalapat Panuto: Sa bahaging ito bibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na
ilahad ang kanilang saloobin tungkol sa kolonyalismo o pananakop ng
makapangyarihang bansa. Isusulat ang kasagutan sa isang papel.

Gabay na Tanong:
1. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayan na nasakop ng
mga Kanluranin sa aspetong:
a. panlipunan;
b. politikal
c. ispirituwal at
d. pang-ekonomiya
2. Sa kasalukuyang panahon, bilang isang mag-aaral, katanggap-
tanggap bang manakop pa din ang mga makapangyarihang
bansa? Bakit?

3. Pabor ka ba na muling masakop ang ating bansa ng mga


makapangyarihang bansa? Pangatwiranan.

V. ASSESSMENT 15 minuto Isasakatuparan sa ikatlong linggo.


(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6)
VI. REFLECTION 15 minuto DUGTUNGAN MO!
Ang aking natutunan sa Unang Yugto ng Kolonyalismo ay

Napagtanto ko na ang mga dahilan, pangyayari, epekto ng unang


yugto ng kolonyalismo
ay dahil
.

Ang paksang nais kong ibahagi ay


upang
.

Prepared by: CHERRY AMOR P. MAGTAAN Checked by: AUGUST JAMORA


Master Teacher I-Tanay NHS RIZALDY CRISTO

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa
ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang
gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito.
Nakatulong ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan
ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang
magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain LP


Pagkatuto Pagkatuto sa
Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 4 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 5
Bilang 3 Bilang 6

You might also like