You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 8 QUARTER: 3 WEEK: 2 DAY: 1

COMPETENCY & Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng


OBJECTIVES Kolonyalismo

Naisa-isa ang mga dahilan ng unang yugto ng Kolonyalismo.


:
Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng
Kolonyalismo.

Nailalarawan ang mga rutang dinaanan sa pamamagitan ng pagguhit sa


naging direksiyon ng mga manlalayag.

CONTENT : Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

LEARNING Aklat ng Kasaysayan Ng Mundo


:
RESOURCES

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

● Pagbabalik tanaw sa nakaraang leksyon sa pamamagitan ng


pagtawag sa mga estudyante.

B. Pagganyak: (Motivation)

● Pagpapakita ng lawaran ng barkong panlayag. Attachment 1 para sa


mga gabay na tanong.

Gabay na tanong:

● May kinalaman ba ito sa unang yugto ng Imperyalismo?

C. Paglalahad: (Presentation)

● Paano nakaaapekto ang paglalayag ng mga kanluranin sa mga


bansang nasakop?
● Sa iyong palagay ano-ano ang mga motibo ng mga manlalayag sa
pagpunta nila sa mga bansa?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
● Ipaliwanag Unang yugto ng imperyalismo kanluranin.

● Ipaliwanag ang ibig sabihin ng imperyalismo at kolonyalismo

● Suriin at isa isahin ang mga itinuturing na motibo sa kolonisasyon


dulot ng eksplorasyon
● Ibigay ang mga instrumentong pangnabigasyon at mga gamit nito.

E. Paghahasa (Exercises)

Day 1

Gabay na Tanong: Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga


nasa larawan? See Attachment 2

F. Paglalahat: (Generalization)

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: See Attachment 2

1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan?


2. Gaano kahalaga sa iyo ang Mensahe ng bawat larawan? Bakit?

G.Paglalapat (Application)

Pangkatang Gawain:

Magkakaroon ng Role playing patungkol sa ibat- ibang pag lalayag ng mga


taga Europeo.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: See Attachment 2

1. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan?


2. Mabubuhay ka kaya sa kasulukuyan kung wala ang mga nasa
larawan? Ipaliwanag?

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Unang yugto ng Imperyalismo. Page 324-330

1. Ano-ano ang mga motibo at salik sa eksplorasyon?


2. Kilalanin ang ibat-ibang manlalayag ng Europe
Prepared by:

Charmaine O. Eder
Dauis National High School
Araling Panlipunan Subject Teacher

Attachment 1:
Gawain 1: Sasama ka ba?
Suriin ang sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong at isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europa at
nagmamasid ka sa karagatang Atlantiko. Ikaw ay naatasang sumama sa isang
paglalayag. Maraming kwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw
ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling
nakabalik. Sa kabilang banda, may kayamanang naghihintay para sa mga
indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.

Ang malalaking
alon ay maaring
sumira at Ang barko ay maaaring
magpalubog ng maglalaman ng ginto,
barko. mamahaling hiyas at
mahahalagang bagay na
nagmumula sa kabilang
bahagi ng karagatan.

Pamprosesong Tanong?
1. Ano ang pabuyang posible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag?
2. Ano- anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling samama ka?

3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang


pamumuhay at lipunan ng Europe?

_
Attachment 2: Suriin Mo!
Suriin ang mga larawang may kaugnayan sa pang-araw-araw mong buhay.

Mga Larawan Paano ito nakatutulong sa iyo?

You might also like