You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 8

“Mga dahilan, pangyayari at


epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo”
Guro: Charmaine L. Cabutihan Baitang: Ika-8 – Ikatlong Markahan
Asignatura: Araling Panlipunan Araw ng Pagtuturo: Pebrero 13, 2024

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…


a. natatalakay ang mga dahilan ng paghahangad ng kanluran ng
kayamanan sa Silangan;
b. nakapagbabahagi ng kanya-kanyang saloobin tungkol sa epekto ng
eksplorasyon ng kanluranin
c. nakabubuo ng diagram tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon ng
kanluranin.

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging


Pangnilalaman transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at
ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan
B. Pamantayang
Pagganap Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa
kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo

Paksa: Mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo.


II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Sanggunian:
B. Sanggunian Mga Aklat at artikulo:
C. Kagamitan Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Book

Kagamitan: Laptop, Tarpapel, Printed Materials at TV.


III. PAMAMARAAN Panalangin
1. Panimulang Gawain Pagbati
Kumustahan sa klase
Balik-aral

2. Motibasyon

A. Aktibidad
“Kasunduang Tordesillas”
(Line of Demacartion)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napapansin niyo sa larawan?
2. Saan dereksyon ng ruta ang Spain at Portugal?
3. Sa iyong palagay bakit kaya may hati ang ruta ang Spain at Portugal?

B. Analisis
“Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad”

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto?
2. Sino-sinong Portuguese ang nanguna sa paglalayag at anong mga
lugar ang kanilang narating?

“Paghahangad ng Spain ng Kayamanan sa Silangan”

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan?
2. Sino-sinong Portuguese ang nanguna sa paglalayag at anong mga
lugar ang kanilang narating?

“Paghahati ng Mundo”
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
2. Ano ang tawag sa pangalawang kasunduan ng paghahati ng lupaing
maaari lamang galugadin ng Portugal at Spain?

“Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan”


Pamprosesong Tanong:
1. Paano narating ni Magellan ang Pilipinas?
2. Ano ang mahalagang bunga ng paglalakbay ni Magellan?

“Ang Mga Dutch”


Pamprosesong Tanong:
1. Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya?
2. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng
kapanyarihan ng Europe?
3. Kung ikaw ay naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang
nakarating, papayag kaba? Bakit?

“Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon”


-May ipapagawang Diagram

Gawain: Talahanayan ng Manlalayag


Panuto: Batay sa tinalakay na aralin, punan ang talahanayan ng hinihinging
mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon.

MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON


PERSONALIDAD BANSANG TAON LUGAR NA
PINAGMULAN NARATING/
C. Abstraksyon
KONTRIBUSYON

Gawain: Paggamit ng Diagram


Panuto: Gumawa na diagram na kung saan ilalagay mo ang mga naging
mabuti at masamang epekto ng koloniyalismo, noon at ngayon.

D. Aplikasyon

E. Ebalwasyon Gawain:
Panuto: Punan ng sagot ang katanungan.
1. Europeong nakadiskubre sa Pilipinas
2. Bansang nanguna sa eksplorasyon
3. Ipinangalan sa kanya ang America
4. Gumuhit ng line of demarcation
5. Pumalit sa Portuguese bilang pangunahing kolonyal sa Asya.

Tamang sagot:
1. Ferdinand Magellan
2. Portugal
3. Amerigo
4. Pope Alexander VI
5. Dutch

Gawain: 3 Take Aways


F. Repleksyon Panuto: Isulat ang tatlong natutunan mo sa naganap na talakayan. Isulat sa
sagutang papel.

“Pledge Of Commitment”
Panuto: Base sa ating tinalakay, sa pamamagitan ng pagsulat ng pangako,
“bilang isang Pilipino, paano mo mapapakita ang pagmamahal sa ating bansa.

Ang Aking Pangako


Ako si ___________________ ay
G. Takdang aralin _____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
______________
Lagda

Inihanda ni: Bb. Charmaine L. Cabutihan

You might also like