You are on page 1of 4

Learning Area Filipino 8

Paaralan: Rizal College of Taal Baitang: VIII


Lesson
Exemplar Guro: Kenny A. Guia Asignatura: Araling Panlipunan
Petsa: Pebrero 1 3 - 1 5 , 2023 Markahan: Ikatlong
Bilang ng Araw: Markahan
1-3 araw

I. LAYUNIN Naipaliliwanag ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo


Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa unang yugto ng
kolonyalismo sa pamamagitan ng isang maikling pagtatanghal
Naiisa-isa ang mga epekto ng unang yugto ng kolonyalismo
II. NILALAMAN Aralin 2
Unang Yugto ng Kolonyalismo
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian APtek 8
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa Powerpoint, marker, at mga larawan
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Balitaan
6.Pagbabalik-aral
B. PAGGANYAK “LayagTayo!”

Panahon: 1430

Sitwasyon: Isang makulimlim na araw, nasa isang daungan ka ng


Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung
anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. Ikaw ay naatasan na
sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang
iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong
lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa
kabilang banda, may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal
na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.

Pamprosesong tanong :

1. Sasama ka ba sa paglalayag? Bakit?


2. Ano anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sasama ka
sa paglalayag?
3. Ano ang pabuyang possible mong matanggap kung sasama ka
sa paglalalayag?
4. Ano kaya ang isa pang dahilan ng mga pumayag sumamang
maglayag sa lugar na hindi pa natutuklasan?

C. PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Matapos ang aralin, inaasahang magagawa ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:

a) Naipaliliwanag ang mga dahilan ng unang yugto ng


kolonyalismo
b) Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa unang yugto
ng kolonyalismo sa pamamagitan ng isang maikling
pagtatanghal
c) Naiisa-isa ang mga epekto ng unang yugto ng kolonyalismo
D. AKTIBITI Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
magpapakita ng isang maikling pagsasadula tungkol sa mga
mahahalagang pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo. Bibigyan
lamang ang bawat pangkat ng tig-limang minuto sa pagtatanghal.

E. ANALISIS
“Subukin Natin ang Iyong Kaalaman!”

Panuto : Tukuyin ang mga lupaing nasakop/natuklasan ng


Espanya at Portugal. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

1. ___________________ 1. ___________________
2. ___________________ 2. ___________________
3. ___________________ 3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
6. ___________________
7. ___________________

F. ABSTRAKSYON “Ipaglaban Mo!”

Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat sa pamamagitan ng


pag count off. Ang bilang isa ay ang sang-ayon, at ang bilang
dalawa ang di sang-ayon.

Ito ang magiging tuntunin ng debate:


1. Pipili ang bawat grupo ng tatlong speaker na magdedebate.
2. Ang mga natirang miyembro ay magisislbing contributor ng ideya
kung saan sila napapabilang na grupo.
3. Bawat speaker ay bibigyan ng isang minuto sa paglalahad ng
kanillang ideya.
4. Ang pangangatlong speaker ng bawat grupo ay magkakaroon ng
rebuttal sa loob ng tatlong minuto.

PAKSA : Kolonyalismo, nagkaroon ba ng magandang epekto sa


bansang sinakop?

G. APLIKASYON “Subukin Natin ang Iyong Kaalaman!”

Panuto : Ipaliwanag ang pahayag at iugnay ito sa iyong buhay


bilang isang mag-aaral.

Hindi sapat ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa upang


manakop. Ang lakas at kapangyarihan ay hindi karapatan upang mang-
alipin sa kahinaan ng iba.

Hango mula sa aklat nina Dr. Myrna G. Gil at Samuel S. Carino

Panuto : Buuin ang pangungusap batay sa paksang


tinalakay.
H. PAGTATAYA 1. Narating ni _____________ ang Tsina samantalang
isinulat naman ni ______________ ang aklat na “The
Travels of Marco Polo”

2. Ang ______________ ay isang ekspedisyong militar ng


mga ______________ na naghahangad na bawiin ang
banal na lupain mula sa Turko.
3. Ang ______________ ay nagsilbing pinakamaikling
ruta patungo sa Silangan na sinakop ng mga
______________ Muslim.

4. Naimbento ang ______________ at ______________ na naging mga


instrumento upang matawid ang Karagatang Atlantiko.

5. Noong 1494, pinirmahan ang ______________ at ______________


ang Kasunduan sa Tordesillas sa pagitan ng kung saan hinati ang
daigdig sa dalawang bahagi.

I. Takdang Aralin Upang maging handa sa susunod na talakayan, magsaliksik tungkol


sa Rebolusyong Siyentipiko, Panahon ng Enlightenment at
Rebolusyong Industriyal. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan :

1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng Rebolusyong


Siyentipiko?
2. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng Rebolusyong
Industriyal?

You might also like