You are on page 1of 20

Digmaang Anglo-

Burmese
Digmaang Anglo-Burmese
(Dahilan ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Ito ay serye ng hidwaan sa pagitan


ng Inglatera at Burma.
 Nagkaroon ng tunggali sa mga
hangganan at mga sinakop na
bansa.
 Nagresulta ang tatlong digmaan sa
pabor ng Inglatera.
Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826)
Mga Sinakop ng Burma Bago Ang Digmaan
(Dahilan ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Sa dulo ng ika-18 dantaon, si Hari Bodawpaya, ang namumuno ng


Konbaung Dynasty, isang malakas na bansa, ay patuloy na nagpapalawak ng
teritoryo ng Burma.
 Noong 1784, sinakop ng Burma ang Kaharian ng Arakan sa dalampasigan ng
Bengal Bay na nagsidhi ng rebelyon ng mga taga-Arakan sa British East India
Company at nagkaroon ng hangganan sa pagitan ng dalawang bansa. Madalas
magkaroon ng hidwaan sa hangganan nito.
 Noong 1792, ang Kaharian ng Assam ay mahina na rin. Kaya naman,
nanghingi ng suporta ang Assam sa Burma at Inglatera. Ngunit noong 1817,
nagpadala ng hukbo si Hari Bodawpaya at sinakop ang bansa.
Mga Sinakop ng Burma Bago
Ang Digmaan
(Dahilan ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Mula 1780-1800, pinag-aawayan ng Burma at Siam ang


Rehiyon ng Tanintharyi, na gagamiting base militar
na sasakupin.
Mga Sinakop ng Burma Bago Ang Digmaan
(Dahilan ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Sumunod na hari ng Konbaung Dynasty si Bagyidaw. Noong mga 1820s,


sinakop rin ng Burma ang Assam at Manipur sa Brahmaputra hanggang sa
Bundok Everest hanggang sa Bengal Bay para gawing base military para sa mga
sumusunod na pananakop na gagawin.
 Dahil sa mga pananakop, nagkaroon ng mahabang hangganan sa Hilaga at
Silangang bahagi ng British East India.
 Planong sakupin ni Bodawpaya ang Cachar at Jaintia, ngunit agad na
ginawang bahagi ito ng Inglatera.
Mga Panimulang Digmaan
(Simula ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Ipinadala ng hari ng Konbaung Dynasty si Mahabandula pati ang hukbo para


sakupin ang Chittagong sa timog-silangan at Sylhet sa hilaga.
 Nagkagulo sa dalawang panig, kaya nagkaroon ng maliit na hidwaan tulad ng
Battle of Ramu.
Battle of Yangon at Battle of Danubyu
(Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Sinorpresang dumating sa daungan ng Yangon ang hukbo ng Inglatera na binubuo


ng mga sundalong Briton at Sepoy.
 Lumisan ang mga tao sa lungsod pati ang kalapit na lugar. Sinakop nila ang
Kamayut at ang Shwedagon Pagoda. Bigo ang mga Burmese na makuha ito
muli.
 Pinangunahan ito ni Heneral Archibald Campbell. Binantayan ni
Bandula ang Bengal at Arakan, habing si Uzana naman sa Assam, Cachar, at
Jaintia.
 Masyadong superyor ang mga dahas ng mga Briton (kanyon at roketa) , kumpara
sa mga Burmese.
Battle of Prome
(Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Anglo-Burmese)

 Ito ay ang huling bahagi ng Unang Digmaang Anglo-Burmese.


 Pinutulan ng mga Briton ang komunikasyon mula sa Shan hanggang sa Yangon.
Patuloy na nasira ang mga estruktura sa Burma.
 Kaya naman, nakipag-ayos ang Burma upang matapos ang digmaan, at dito
nabuo ang Treaty of Yandabo noong 1826.
Treaty of Yandabo
(Pagtatapos ng Unang Digmaang Anglo-Burmese)

Ang mga sumusunod ang napagkasunduan ng dalawang bansa.


 Ibibigay ng Burma ang teritoryo ng Assam, Manipur, Arakan, at Tanintharyi sa
Inglatera.
 Ipagbawal ang pahihimasok ng Burma sa Cachar at Jaintia.
 Magbayad ng isang bilyong pounds sterling.
 Payagan ang diplomasya sa pagitan ng Ava at Calcutta.
 Magkaroon ng tratadong pang-komersyo.
Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese (1852-
1853)
Gunboat Diplomacy
(Dahilan ng Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese)

 Hinarang ni Commodore Lambert ang royal ship ni Hari Pagan ng Burma. Ngunit,
may ilang hindi ito tanggap at sinabing sadya ng Inglatera na sakupin ang Burma.
Battle of Martaban
(Mga Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese)

 Sinakop ng mga Briton ang Martaban Port, pati ang bayan ng Bassein.
 Nasakop ng mga Briton ang Timog Burma, dahil sa transportasyon gamit ang
Prome at ang Irrawaddy River.
Proklamasyon sa Timog Burma
(Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese)

 Isinaad na ng Inglatera na sakop na nila ang Timog Burma.


 Walang tratado ang pinirmahan at nagpatuloy ang pakikipagsapalaran at
pakikipagpalit ng produkto sa pagitan ng dalawang bansa.
 Nagresulta ito sa isang rebolusyon sa Amapura upang ipatanggal sa puwesto si
Hari Pagan at pinalitan ito ng kanyang kapatid na si Haring Mindon.
Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese (Nobyembre
7-29, 1885)
Alyansa sa Pagitan ng Burma at Pransya
(Dahilan ng Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese)

 Ang mga digmaan sa Indochina ay nagresulta sa takot na maaaring masakop rin


ito ng Pranses.
 Noong Mayo 1883, nakipagpulong ang delegasyon ng mga bansa sa Europa para
sa mga kaalamang industriyalisasyon. Narating ito sa punto sa pagitan ng Pranses
at Inglatera na inamin ni Ministro Jules Ferry sa British ambassador na
nakikipag alyansa ang mga Burmese sa Pranses, kasabay ang pagbigay ng mga
gamit sa militarya.
 Lalong lumala ang relasyon ng dalawang bansa.
Di-Pagtanggap sa Trading Company
(Dahilan ng Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese)

 Hindi tinanggap ng Burma ang mga sinasabi ng mga Briton na “tiwali” ang
gobyerno ng Burma.
 Hindi na rin tinanggap nito na makapagbukas ang Bombay Trading Company sa
Burma.
Pananakop sa Irrawaddy River
(Mga Pangyayari sa Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese)

 Napagtanto ng mga Briton ang ilog para sa mas mabilis na pananakop ng Burma
at ito ay ang pinakamadaling paraan upang magwagi ang Inglatera sa digmaang
ito.
 Si Sir Harry Prendergast ang namuno sa pananakop ng Burma.
 Humigit-kumulang tatlong linggo lang ang pananakop, kaya simula pa lamang ay
naisipan na rin ni Hari Thibaw Min na matatalo ang Burma.
Burma sa Pamamahala ng Inglatera
(Pagwawakas ng Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese)

 Lahat ng teritoryo ay napunta sa Burma, maliban sa Shan States. Naging isang


malayang bansa ito.
 Hinati ang mga yaman ng Burma sa iba’t-ibang sangay ng Inglatera.

You might also like