You are on page 1of 19

ANG PAGLAYA SA TIMOG

AT KANLURANG ASYA
• Ang India ay isa sa pinakamahalagang teritoryo ng
British empire dahil sa malawak nito likas na yaman at
malaking populasyon. Ang mga benipisyong makukuha
ng mga British ay magtutulak sa mga ito na gumawa
ng mga hakbangin na maaapoekto sa kasysayan ng
Kanluran at Gitnang Asya.
• Sa unang bahagi ng 19th century
nagkaroon ng malawak na teritoryo ang
mga British sa India dahil sa mabilis na
paglawak ng mga teritoryo ng mga
British, nabahala ang Russian Empire sa
maaaring gawin ng mga British.
• Hindi katanggap-tanggap ng mga Russians na
masakop ng mga British ang Central Asia. Ito ay dahil
mapapalapit ang mga British sa Russian border at
magiging mas madali para sa kanila ang salakayin ang
mga Russians
• Bilang pagsagot sa banta na ito pinalawak ng mga
Russians ang kanilang impluwensya sa
pamamagitan ng pagsakop sa Kazahk Khn
(Khazahk Khannate). Ginawa nila ito upang
gawing pananggalang ang Khazahk Khannate
kung sakaling sumalakay ang mga British.
• Ang pagsalakay na ito ay nagbigay ng maling kahulugan
para sa mga British, para sa kanila, ang pagsalakay na ito ng
mga Russians ay banta sa British Raj.
• Upang protektahan ang India, sinalakay ng mga British ang
Afghanistan noong 1839 at sila ay nagluklok ng isang
puppet king.
• Ang ginawa ng mga British ay minasama ng mga Afghan
kaya sila ay itinaboy ang mga kasama ang kanilang puppet
king.
• Ang pagkatalo ng mga British sa Afghanistan ay
nagbigay ng lakas ng loob sa mga Russians na
magpalawak ng kanilang impluwensya sa Central Asia.
Ang kanilang panibagong kumpiyansa ay kanilang
ginamit sa pagsalakay sa Khiva Khannate noong 1840.
Ang ca’sus belli o (ang dahilan ng pagsalakay) ng mga
Russians ay ang pang-aalipin ng mga Khivans sa iilang
mga Russians na kanilang binihag noon.
• Upang maiwasang masakop ang Khiva Khannate,
kinumbinshi ng mga British envoy ang mga Khivan
Khn na palayain ang mga Russians, na sinunod ng
mga Khivans ang kahilingan. Ang ginawang ito ng
mga British ay magreresulta sa isang maikling
kapayapaan.
• Noong 1853 sinalakay ng mga Russians ang
nanghihnang Ottoman empire, sa kasamaang-
palad hindi inaasahan ng mga Russians ang
magiging reaksyon ng ilang mga Europeong
bansa lalong-lalo na ang Great Britain.
• Agarang nagpadala ng tulong ang Great
Britain kasama ang France at Sardinia sa
Ottoman empire. Kinalaban ng alyansang ito
ang Russian empire upang itaboy ang mga
Russian sa teritoryo ng Ottoman empire.
• Ang pangyayaring ito ay nakilala bilang Ang
Digmaan sa Crimean o Crimean War
• Ang Crimean War (October 1853-
February 1856) ay tumagal ng dalawang
taon na naging sanhi ng pagkamatay ng
750.000 katao. Nagwagi ang alyansa ng
mga bansa laban sa mga Russians.
• Upang maiwasan ang isa pang
digmaan sa pagitan ng Russia at
Great Britain, lumagda ang dalawang
panig sa kasunduan ng 1873.
Nagkasundo ang dalawang panig na
huwag sakupin ang Afghanistan.
• Gayunpaman, muling sumiklab ang
digmaan sa pagitan ng mga Afghan at
British noong 1878.
• Sa pagkakataong ito, nasakop ng mga
British ang Timog Afghanistan. Dahil sa
paglabag ng mga British sa Kasunduan
sinakop din ng mga Russians ang Hilagang
Afghanistan.
• Muli nagkasundo ang dalawang emperyo na huwag
sakupin ang Gitnang Afghanistan, ngunit nanatiling
mainit ang girian sa pagitan ng dalawang emperyo.
Ang Gitnang Afghanistan ay hindi sinakop ng mga
Russians o ng mga British upang paghiwalayin ang
kanilang naguumpugang mga puwersa.
• Ang Gitnang Afghanistan ay tinatawag na isang
Buffer State.
• Ang mga Buffer State ay mga neutral
na lupain na naghihiwalay sa dalawang
magkakatunggaling bansa. Isang
halimbawa pa nito ay ang Thailand kung
saan pinaghiwalay naman nito ang mga
British at mga French sa Timog Silangang
Asya.
Ang pagpapaligsahan ng mga British at
Russians sa pagpapalawak ng kanilang
impluwensya sa Gitna at Kanlurang
Asya ay tinatawag na The Great
Game. Ang Great Game ay nagresulta
sa maramihang pagkamatay ng mga
taong naiipit sa larong ito.
• Bukod pa dito ang Great Game ay naghatid ng malaking
pagbabago sa geo-politics sa West and Central Asia.
• Natapos lamang ang Great Game sa pagitan ng British at
Russian empire sa pagdating ng panibagong banta sa
Europa, ang German Empire. Nagkasundo ang dalawang
emperyo na isantabi ang kanilang pagkakaiba upang
paghandaan ang militarisasyon ng Germany(Alemanya).
Pagtataya
.
• Sagutin ang mga Tanong.
• 1. Ano ang sanhi ng hidwaan na sumiklab sa pagitan
ng British at Russian empire?
• 2. Paano napahinto ang labanan ng dalawang
emperyo?
Subukin Natin

• Magsaliksik tungkol sa pagkabuo ng


German Empire, at ipaliwanag kung paano
ito naging banta sa buong Europa.

You might also like