You are on page 1of 27

PANANALIKSIK SA ARALING PANLIPUNAN

ISANG PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG


KONTEMPORARYONG ISYU

NA MAY KAUGNAYAN SA SOLID WASTE

Isang pananaliksik na iniharap kay

G.Vergil Ybañez,LPT
Guro sa Araling Panlipunan

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng Aralin sa Pananaliksik sa


Asignaturang Araling Panlipunan: Kontemporaryong Isyu

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


(ARALING PANLIPUNAN)

1
PASASALAMAT AT PIRMA

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapahayag sa lahat ng


mga taong naging bahagi ng aming pag-
aaral.Ang inyong walang sawang suporta at gabay ang
nagbigay-daan sa matagumpay na pagkakabuo ng aming proyekto.

Sa ating Dakilang Lumikha na nagbigay ng lakas at determinasyon sa


amin, maraming salamat. Ang inyong
patnubay ang aming sandigan sa mga panahong kami ay nangangailangan
ng gabay at lakas ng loob.

Sa aming minamahal na guro sa Araling Panlipunan na si


Ginoong Vergil Ybañez, ang inyong kaalaman at gabay sa pananaliksik
ang nagbigay-daan sa aming maayos na pagkakabuo ng proyekto.

Sa mga respondent na naglaan ng kanilang oras at nagbigay ng


mahalagang impormasyon para sa aming pananaliksik, taos-puso
kaming nagpapasalamat. Ang
inyong kontribusyon ay nagbigay ng malaking tulong sa aming pag-
aaral.

Muli, kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat! Ang


inyong tulong at suporta ang nagbigay ng
lakas sa amin na magpatuloy at makamit ang aming layunin.

Hercy Ann B. Monteagudo

Jethro Patrick A. Caparas

2
DAHON NG PAGTITIBAY

Ang Pananaliksik na ito ay pinamagatang:


SOLID WASTE: SANHI NG PAGTAAS NG BASURA SA
ATING BANSA

Inihanda mula sa paaralan ng Neville Learning School nina

Hercy Ann B. Monteagudo

Jethro Patrick A. Caparas

Bilang bahagi ng katuparan sa proyekto ng


Asignaturang Araling Panlipunan sa baitang 10 ng
JHS.

Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa


pangangailangan ng asignaturang Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu sa baitang 10 ng JHS sa taong pang-
Akademiko 2023-2024.

G.Vergil Ybañez, LPT


Guro

Gng. Janith Montalban, LPT, MA.ED


Punong-Gur

3
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT 1

PASASALAMAT 2

DAHON NG PAGTITIBAY 3

TALAAN NG NILALAMAN 4

KABANATA I

INTRODUKSYON 5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 6

PAGLALAHAD NG SULIRANIN 7

EPEKTO SA HINAHARAP 8

DAHILAN NG PAGTAAS NG SOLIDONG BASUR 9

SAKLAW AT LIMITASYON 10

DEPENISYON NG TERMINO 11-12

KABANATA II

METODOLOHIYA. 13
PAGLALAGANAP NG DATOS 14-15
DATOS NG SERBEY 16-18
KABANATA III
LAGOM 19
REKOMENDASYON 20-22
KONKLUSYON 23
TALAAN NG MGA PIGURA 24-25
TALAAN NG MGA SANGGUNIAN 26

4
INTRODUKSYON:
Ang solidong basura ay isang suliraning pangkapaligiran na nag dudulot ng
pagkasira ng kapaligiran ito ay isang pamahalaan at o sambahayang
problema. Ito ay nagpapakita ng mahalagang at lumalaki na suliraning
kapangkalikasan sa ating modernong mundo.
Ang epekto ng basura sa kapaligiran ay ang pagkasira ng kapaligiran at
maaring pagtaas ng lebel ng pagbaha sa ating bansa. Mapanganib at
nakakalason na likas na sangkap na direkta o hindi direktang
nagsasapanganib sa kapaligiran,kalusugan at kaligtasan ng mga tao at iba
pang mga buhay na bagay.Direkta rin itong nagaamabag sa mga greenhouse
gas emissions sa pamamagian ng paggawa ng methane mula sa anaerobic
decomposition ng basura sa mga landfill at ang paglabas ng nitrous oxide
mula sa solid waste incineration facility.

5
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:
Bakit kailangan itong pag-aralan:
Dapat kailangan itong pag-aralan upang talakayin ito at ang iba’t ibang
aspeto ng basurang solido, ang mga pinagmumulan nito, paraan ng
pamamahala, komposisyon, ang malalim na epekto nito sa kalusugan ng
publiko kapag hindi ito na resolva, kabuuang kaayusan at ekosistema. Sa
panahon na patuloy ang urbanisasyon at pagkomsumo ng publiko, mahalaga
ang pag-unawa sa kasaysayan ng basurang solido para magkaruon ng
mabisang mga paraan upang maibsan ang negatibong epekto nito at
makamtan ang mas makabuluhang at eco-conscious na lipunan.
Ang pag sasaliksik nito ay magbibigay liwanag sa nga komplikadong isyu na
bumabalot sa basurang solido, nag-aalok ng kaalaman sa kanyan pandaigdig
kahalagahan, at nagpapakita ng kagyat na pangangailangan para sa mga
makabago at epektibong solusyong sa pamamahala at pagbabawas ng
basura.
Sa pagtaas ng dami ng solid waste na nagagawa bawat taon, dahil sa pagtaas
ng populasyon sa buong mundo.
Bawat taon humigit-kumulang 11.2 bilyong tonelada ng solidong basura ang
kinokolekta bawat taon at ang nabubulok na bahagi nito ay nag-aambag ng
humigit-kumulang 5% na porsyento ng pandaigdigang emmisions bawat taon
din.
Humigit-kumulang 44% ng pandaigdigang solidong basura ay gawa sa tirang
pagkain at mga gulay, at ito ang karamihan, na sinusundan ng papel at
karton na 17% at ng plastik na nag-aambag sa 12% ng pandaigdigang
solidong basura.

6
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Noong 2015 ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,442 tonelada ng basura kada
araw.Ang pinaka malaking bahagdan na itinapong basura ng mga tao ay nag
mula sa kani-kanilang tahanan na mayroong 56.7%. Samantalng
pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-
degradable na may 52.31% base sa National Solid Waste Management Status
Report,2015.
Ang mga nagkalat na mga basura tulad ng
bote,metal,tissue,plastik,karton at iba pa ay iilan lamang sa mga bagay na
nagbabara sa ating kanal na nagdudulot ng pag baha sa ating mga lugar na
may dalang sakit na “ leptospirosis” dahil sa mga dumi na galing sa kanal.

• Paano maapektuhan ng solid waste hinaharap?


• Ano-ano ang dahilan bakit tumataas ang solid waste sa ating bansa?

7
EPEKTO SA HINAHARAP
Sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng mga lungsod sa
hinaharap, inaasahan na tataas ng 70 porsiyento ang paglikha ng solidong
basura sa susunod na 30 taon ayon sa ulat ng World Bank na “What a Waste
2.0.” Ito ay masama para sa mga bansang may katamtaman o mababang kita
na kulang sa pasilidad para sa pagko-kompost o pag-re-recycle ng mga
solidong basura. Maaring magdulot ito ng pinsala sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagsusunog ng mga solidong basura na nagreresulta sa
polusyon, o pag-iipon ng mga ito sa mga lalagyan (landfill) na nagdudulot ng
pinsala sa malapit na ekosistema at sa kalupaan sa paligid nito. Posible rin na
ang mga ito ay makarating sa karagatan at magdulot ng pinsala sa marine life
dahil sa pagkain nito, na maaaring magdulot ng kamatayan sa kanila, o dahil
sa mga kemikal na lumalabas mula rito na maaaring magdulot ng masamang
epekto sa kanila. Posible rin na ang mga ito ay magkaruon ng mikroplastik,
lalo na’t ang plastik ay bumubuo ng 12 porsiyento ng kabuuang produksyon
ng solidong basura.
Tuloy-tuloy ang mga problema tungkol sa plastik:
Ang pangunahing problema ng solidong basura ay ang tagal nito bago lubos
na magdegrade, na umaabot ng higit sa isang daang taon. Sa mga unang
dekada ng pag-aagnas nito, maaaring magbukas ang tinatawag na
“Mikroplastik.” Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa marine life at
posibleng maipasa ito sa mga tao sa pamamagitan ng pagkain. Ito ay lubos
na delikado, sapagkat may mga tao na ngayon ay may mikroplastik na sa
kanilang katawan. Ayon sa kamakailang pananaliksik, halos 80 porsiyento ng
mga tao ay may mikroplastik sa kanilang dugo. Ito ay nakakabahala,
sapagkat hindi pa natin tiyak kung ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa
atin, subalit iniuukit ng mga mananaliksik na maaring magbara ito sa ating
mga organo, sa ating daluyan ng dugo, at posibleng makarating sa barayti ng
utak.

8
DAHILAN SA PAGTAAS NG SOLIDONG BASURA
Ang mga dahilan kung kaya’t patuloy na tumataas ang solid waste sa ating
bansa ay dahil sa hindi nagiging responsable ang mga tao sa kanilang mga
basura, karamihan sa mga tao sa ating bansa o mundo ay wala nang
pakielam kung saan man nila itapon o ilapag ang kanilang mga basura kung
kaya’t ito ay nagiging dahilan sa pagkasira sa ating mundo.
Isa pa sa dahilan ay kalimitan nagiging tamad o makupad ang ilan kung kaya
tumataas ang kaso ng solid waste sa ating mundo.Naging dahilan rin ito dahil
ang mga tao ay tinatamad pag hiwa-hiwalayin ang basura,tinatamad mag
tapon sa tamang basurahan at hindi nag lilinis ng kanilang kapaligiran. Ang
paglilinis ng ating kapaligiran ay isa sa pagpapakita ng malasakit at tulong sa
ating bansa, ang paglilinis ng iyong kapaligiran ay makakatulong na bawasan
ang basura at mababawsan ang polyusyon sa ating bansa,maari rin tayong
makaiwas sa kung ano mang sakit at makakatulong rin itong mapaganda ang
ating kalikasan.
Isa rin sa dahilan ay ang araw-araw na pag gamit ng mga tao ng
biodegradable na produkto at pagbili ng mga kalakal sa ibat-ibang bansa
kung kaya’t tumaas taas suliranin ng solid waste sa ating bansa.

9
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang tungkol sa mga partikular na
karanasan ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang sa proseso ng pagkatuto.
Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang mga kalakasan, kahinaan at
payo ng mga mag-aaral na ito kapag nag-aaral ngayon sa harap ng maraming
pagbabago sa mundo ngayon, kabilang ang mga bagong pamamaraan sa
edukasyon.
Bumalik sa normal ang pagkatuto pagkatapos ng dalawang taon ng mga
online na kurso, sapat na para maunawaan ng mga mananaliksik ang content
na magsisimula sa Setyembre 2023 at magtatapos sa Abril 2024.

10
DEPENISYON NG MGA TER
Solid Waste:
ito ay tumutukoy sa mga basura na tulad ng
papel,plastik,tissue,karton at marami pang iba na nanggagaling sa mga
pabrika at kabahayan na mismong miyembro ng ating pamayanan.
Pananaliksik:
ito ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa,pangyayari at iba
pa. Saklaw nito ang pangongolekta,pagoorgnisa,at pagsusuri sa mga
impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang
paksa o isyu.
Leptospirosis:
Ay isang seryosong impeksyon na dulot ng leptospira bacteria sa hayop na
nailalabas sa pamamagitan ng ihi na karaniwang nahahawa sa tubig baha na
kontaminado ng ihi ng daga at iba pang mga hayop.
Mikroplastik:
Ay maliliit na piraso ng plastik na wala pang limang milimetro ang haba na
maaaring makasama sa ating karagatan at buhay sa tubig.

Greenhouse Emissions:
ito ay aktibidad ng mga tao na nag papataas ng greenhouse effect na nag-
aambag ng pagbabago sa ating kalamidad.
Biodegradable:
Tumutukoy sa kakayahan ng mga substance na ma-biodegraded
(decomposed) sa pamamagitan ng pagkilos ng mga microorganism tulad ng
bacteria at fungi (sa presensya o kawalan ng oxygen) kapag natutunaw sa
natural na kapaligiran.
Incineration facility:
Ay isang lugar kung saan sinusunog ang mga basura o mga
espesyal na uri ng gasolina
na gawa sa basura. Ang pagkasunog na ito ay maaaring lumikha ng init,
singaw, o kuryente

11
Nutrious oxide:
Ito ay isang espesyal na uri ng gas na walang anumang kulay at amoy.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag -init ng isang tiyak na kemikal. Kapag
nahinga ito ng mga tao, maaari tong maging tuna na masaya o manhid.
Ginagamit ito ng mga doktor para makatulog ang mga tao sa panahon ng
operasyon, at sa mga spray can para madaling lumabas ang mga bagay sa
lata.

12
Metolodohiya
Ang aming grupo ay ginamit ang pamamaraan ng survey at
pakikipanayam.
Ginamit namin itong mga ito upang maka kuha ng mga impormasyon
tungkol sa paggamit at pag tatapon ng basura.Ginamit namin ang Google
Forms sa mga survey at panayam sa aming kaibigan,schoolmates at
magulang.
Inilalahad at ibinubuod namin ang impormasyong nakolekta namin tungkol sa
kanilang mga opinyon sa pagtaas ng solid waste sa ating bansa.

Batay sakanilang sagot sa aming survey.Karamihan dito ay walang malaksakit


sa ating bansa at hindi alam ang suliranin na kinahaharap ng pag taas ng
solidong basura sa ating bansa.Kadalasan,ang mga mga ganitong uring tao
ang nag papakita ng katamaran o walang pag mamalasakit sa ating bansa.
Walang magiging positibong mangyayari sa ating kapaligiran kung tuluyan pa
nitong gawin ang mga bagay na ikatataas ng percentage ng solidong basura
na maaring mag dulot ng polusyon.

13
PAGLALAGANAP NG DATOS
Sa aming Isinagawang pakikipanayam, ito ang aming nakalap.
Ano ang opinyon mo sa mga taong nag susunog ng basura o hindi
tinatapon ang basura nila sa tamang basurahan?
“Hindi ako sumasang-ayon sa opinyon na iyon sa ating mga lungsod, kung
saan siksikan ang mga pabahay, ang pagsusunog ng basura ay delikado dahil
maaari itong magdulot ng sunog, at ang usok ng mga plastik at goma ay
mabaho at nakakapinsala”

Ano ang positibong epekto ng hindi pag tapon ng basura sa tamang


basurahan?
“Ang positibong epekto ng hindi pagtatapon ng basura sa tamang mga
basurahan ay upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran, malinis na
kalikasan, mapabuti ang kalusugan ng tao at iba't ibang uri ng pamumuhay.”

Para sayo naman ang ang masamang epekto ng hindi pag tapon ng
basura sa tamang basurahan?
“Para sakin ang hindi pagtatapon ng basura sa tamang basurahan ay
maaaring magdulot ng mga masamang epekto tulad ng pagdami ng basura
sa paligid, paglala ng polusyon ng hangin, lupa, at tubig, pagkakaroon ng
malusog na lugar para sa mga disease-carrying organisms, at pagiging
sagabal sa natural na ekosistema. Ang mga ito ay maaaring magresulta sa
pangmatagalang pinsala sa kalikasan at sa kalusugan ng tao.

Sa iyong palagay bakit karamihan ng mga tao ay tamad mag tapon


ng basura sa tamang basurahan?
“Sa tingin ko kaya madaming tao ang tamad mag tapon ng basura sa tamang
bausrahan ay dahil kawalan ng alaman,disiplina.

Para sayo bakit dapat mahalagang pag aralan ang isyu ng solid
waste?
14
“Dapat mahalagang pag-aralan ang isyu ng solid waste upang mabigyan ng
solusyon ang problema ng basura, mapanatili ang kalusugan ng kalikasan at
ng tao, at mapanagot ang responsibilidad sa pangangalaga ng kapaligiran.

Para sa iyo ano ang tungkulin natin sa solid waste management?


“Para sa akin ang ating tungkulin sa pamamahala ng solidong basura ay
bigyang-pansin ito, itapon ito nang maayos, at lumahok sa mga programa sa
pag-recycle upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran at tumulong na
protektahan ito.”

Paano mo mapapanatili ang napapanatiling pamamahala ng basura


sa hinaharap?
“Mapapanatili natin ito kung mayroon tayong patuloy na edukasyon sa
komunidad ukol sa tamang pamamahala ng basura, matutong
mag recycle at pakikiisa sa mga komunidad na nakakatulong maka linis sa
ating kapaligiran”
Para po saiyo bakit mahalaga ang kampanya ng edukasyon sa solid
waste management sa isang komunidad?
“Mahalaga ito upangmakamit ang karaniwang pag-unlad, kamalayan at
aktibong partisipasyon ng bawat miyembro upang mapabuti ang pamamahala
ng basura para sa kalusugan ng kalikasan at mga komunidad.”
Paano maaaring makatulong ang solid waste management sa
pangmatagalan at pang-sustainable na pangangalaga ng kalikasan?

“Mag-ambag sa pangmatagalan at napapanatiling konserbasyon sa


pamamagitan ng pagbabawas ng polusyon, pagpapabuti ng kahalumigmigan
ng lupa at pagprotekta sa mga likas na yaman sa pamamagitan ng wastong
pagtatapon at pag-recycle.”
Para sa iyo po bakit mahalaga ang recycling sa pamamahala ng
basura?
Ang pag-recycle ay mahalaga sa pamamahala ng basura dahil nagbibigay ito
ng pagkakataon na muling magamit ang mga materyales, binabawasan ang
dami ng basura, nagtitipid ng mga likas na yaman at nakakatulong sa
pangmatagalan at napapanatiling pangangalaga ng kalikasan

15
DATOS NG SERBEY
Anong ang karaniwang mong ginagawa kapag iniiklian mo ang
paggamit ng solidong basura?

Handa ka ba na makatulong sa kilikasan para mabawasan o mai-


ecycle ang solidong basura?

Alam mo ba o may alam ka ba sa isyu ng solidong basura?


Naapektuhan ka ba nito? ipaliwanag

16
Gumagamit kaba ng single use-plastics? Alam mo ba ang mga
epekto ng paggamit nito? Ipaliwanag

Alam mo ba ang kahihinatnan ng hindi maayos na pamamahala ng


solidong basura? ano ito?

Alam mo ba ang ugali mo na hindi pagtatapon sa tamang basurahan


ay may masamang epekto sa kalikasan?Ipaliwanag

17
Bilang isang mamayan, gaano kadalas mo sinusunod ang
mga patakaran sa wastong pagtatapon ng iyong basura?

Paano mo itinatapon ang iyong solidong basura? Ipaliwanag

Kung ikaw ay may pakelam sa kalikasan, gaano ka kagalit na makita


na unti-unting nasisira ang ating kalikasan?

18
LAGOM
Nagsimula kami sa paghahanap ng mga website na mapag kukunan namin ng
mga source upang aming alamin kung ano nga ba ang solid waste.Gayudin
din kung paano nakakapekto ito sa mga tao,hayop at iba pa na maaaring
maapektuhan ng solid waste.Nagsimula kami sa paghahanap ng mga
mapagkukunan tungkol sa isyu gamit ang iba't ibang sanggunian upang
makakuha ng ideya at impormasyon tungkol sa solid waste
management.Gumamit rin kami ng dawalang paraan upang makuha ang mga
opinyon ng tao tungkol sa aming paksa, ang dalwang paraan na aming
tinutukoy ay ang pag susurbey gamit ang Google Forms at ang isa pang
paraan ay pakikipanayam Sunod naming ginawa ay nag handa kami ng mga
katanungan na ipapasagot namin sa mga respondente.Sa pag gamit ng
Google Forms naka kuha kami ng labing siyam (19) na responde at sa pag
panayam naman ay kami ay nakakuha kami ng sampong (10) katao.Nang
matapos ay pinag sama-sama namin ang magkakaparehong sagot sa aming
mga katanunga pagkatapos ay kinuha namin ang porsyento ng kabuuang
bilang ng mga respondente. Gumawa ng presentasyon at intepretasyon ng
mga datos at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon tungkol sa mga
natuklasan at ilang mga rekomendasyon upang matigil o mabawasan ang pg
taas ng solid waste at upang mapagbuti at makatulong sa pagbibigay ng
impormasyon para sa mga mag-aaral, mambabasa, at mga mananaliksik.

19
REKOMENDASYON
Rekomendasyon para sa lipunan:
Ang aming rekomendasyon para sa ating lipunan ay una ang pag rerecycle at
pag gamit muli ng mga materyales upang bawasan ang dami ng basura na
napupunta sa mga landfill. Sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga
recyclable materials tulad ng papel, plastik, at bote, maaari nating bigyan ng
bagong buhay ang mga ito.
Pangalawa, ang kompost ay isang magandang paraan upang gamitin ang
mga organikong basura tulad ng mga tira-tirang pagkain. Sa pamamagitan ng
pagkompuesto ng mga ito, maaaring maging pataba ito sa mga halaman at
makatulong sa pagbawas ng basurang nagmumula sa ating mga kusina.
Mahalaga rin ang edukasyon tungkol sa tamang pamamahala ng basura.
Maaaring magkaroon ng mga seminar, workshop, o kampanya sa social media
upang ipaalam sa mga tao ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating
kapaligiran at ang mga paraan kung paano ito maisasakatuparan.
Rekomendasyon para sa mga estudyante:
Una, mahalaga ang edukasyon at kamalayan sa kahalagahan ng tamang
pamamahala ng basura. Ang mga studyante ay dapat maging maalam at
mulat sa mga isyung kaugnay ng basura. Maaari silang matuto tungkol dito sa
kanilang mga klase, seminars, at pag sama sa mga community. Pangalawa,
ang mga studyante ay maaaring maging aktibo sa muling paggamit at pag-
recycle ng mga materyales. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga reusable na mga gamit tulad ng water bottles, lunch boxes,
at shopping bags. Mahalaga rin ang paghihiwalay ng basura. Ang mga
studyante ay maaaring magsimula ng paghihiwalay ng kanilang basura sa
kanilang mga tahanan at eskwelahan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mga tamang lalagyan para sa iba't ibang uri ng basura tulad ng recyclables,
non-recyclables, at organikong basura, mas madali nilang matutukoy kung
aling mga basura ang maaaring muling magamit o maikompost. Bilang mga
studyante, maaari rin silang maging boses ng kalikasan sa kanilang mga
komunidad. Maaari silang mag-organisa ng mga clean-up drives, tree planting
activities, at iba pang mga proyekto na nagtataguyod ng kalikasan. Sa
pamamagitan ng pagiging aktibo at makikilahok, maaaring maging malaki ang
kanilang kontribusyon sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran.
Higit pa rito, ang mga studyante ay maaaring maging ehemplo sa iba sa
pamamagitan ng pagpapakita ng tamang asal pagdating sa pamamahala ng
basura. Sa pamamagitan ng kanilang mga kilos at pagpapakita ng tamang
pagtatapon ng basura, maaaring manghikayat sila ng iba na sundan ang
kanilang halimbawa.
20
Rekomendasyon para sa pamahalaan:
Una, mahalaga na magawa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga batas
at regulasyon na nagbabawal sa illegal na pagtatapon ng basura at
nagpapataw ng parusa sa mga nagkasala. Ito ay magbibigay ng disiplina sa
mga tao at magpapalakas sa implementasyon ng tamang pamamahala ng
basura. Pangalawa, ang pamahalaan ay maaaring mag-organisa ng mga
edukasyon at kampanya upang ipaalam sa mga tao ang kahalagahan ng
tamang pamamahala ng basura. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
impormasyon at pagsasanay, magkakaroon ng mas malawak na kaalaman
ang mga tao sa tamang pagtatapon at pag-recycle ng basura. Mahalaga rin
ang suporta ng pamahalaan sa mga lokal na programa na nagtataguyod ng
muling paggamit, pag-recycle, at kompost. Ito ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng pagsuporta sa mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan
at pagbibigay ng mga pondo at iba pang mga suportang kailangan. Ang
pamahalaan ay maaaring magpatayo ng mga pasilidad para sa tamang
pamamahala ng basura tulad ng mga recycling center, composting facility, at
sanitary landfill. Ang pagkakaroon ng mga pasilidad na ito ay magbibigay ng
mga kagyat na solusyon sa pagtatapon ng basura at magpapalakas sa mga
programa ng pamamahala ng basura. Bukod pa rito, ang pamahalaan ay
maaaring lumikha ng mga trabaho sa sektor ng waste management. Sa
pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho sa larangang ito, magkakaroon ng
oportunidad ang mga tao na kumita habang nagtataguyod ng malinis na
kapaligiran. Higit pa rito, ang pamahalaan ay maaaring makipagtulungan sa
mga pribadong sektor at non-government organizations para sa mas
epektibong pamamahala ng basura. Ang mga partnership na ito ay
magbibigay ng iba't ibang kaalaman, teknolohiya, at suportang kailangan
upang malutas ang hamon ng solid waste management.

Rekomendasyon para sa mga paaralan:

21
Una, mahalaga ang edukasyon at kampanya tungkol sa tamang pamamahala
ng basura. Ang mga eskwelahan ay maaaring magpatupad ng mga programa
at kampanya na nagtuturo sa mga studyante, guro, at iba pang mga
miyembro ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng tamang pagtatapon at
pag-recycle ng basura. Sa pamamagitan ng edukasyon at kamalayan,
magkakaroon ng mas malawak na kaalaman ang mga tao at mas magiging
maalaga sila sa kanilang kapaligiran. Pangalawa mga eskwelahan ay maaaring
mag-invest sa mga green technology tulad ng composting bins at rainwater
harvesting systems. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknolohiyang ito,
maaaring bawasan ang basura at makatipid sa mga mapagkukunan tulad ng
tubig. Ito ay magbibigay ng positibong epekto hindi lamang sa pamamahala
ng basura kundi pati na rin sa pangkalahatang pagiging environmentally
friendly ng eskwelahan. Bilang karagdagan, ang mga eskwelahan ay
maaaring magpatupad ng mga green policies tulad ng pagbabawal sa
paggamit ng single-use plastics sa loob ng kanilang eskwelahan. Sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ganitong patakaran, maaaring
maging modelo ang mga eskwelahan sa pagiging responsable at maalaga sa
kapaligiran.

KONKLUSYON
22
Ang pamamahala ng solid waste ay isang mahalagang isyu na kinakaharap ng
ating lipunan. Ang tamang pamamahala ng basura ay hindi lamang tungkol sa
pagtatapon ng basura, kundi pati na rin sa pag-recycle, muling paggamit, at
pagkompos ng mga materyales. Ang mga rekomendasyon tulad ng
paghihiwalay ng basura, edukasyon, pagpapatupad ng batas, at partisipasyon
ng komunidad ay mahalagang hakbang upang solusyunan ang problemang ito.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga indibidwal, mga
eskwelahan, at iba pang sektor ng lipunan, maaari nating maabot ang isang
malinis at maayos na kapaligiran. Ang bawat isa sa atin ay may papel na
ginagampanan upang bawasan ang basura at pangalagaan ang ating kalikasan
para sa kasalukuyan at hinaharap.

23
TALAAN NG PIGURA
DUMP SITE IN CAVITE CITY

RESPONDENTE:

BRGY. IMBESTIGADOR Elisa T. Godoy PO2 Rivera

Kagawad Nelia Salazar Kagawad: Eden Buniel

24
Chairman: Armando A. Velasco Traffic enforcer:Kyle Devalos

Traffic enforcer: Joshua Nual Traffic enforcer: Jako Ungria

Traffic enforcer: Kenneth William Pretodai Member:RenatoTorreon

25
TALAAN NG SANGGUNIAAN

https://www.unep.org/explore-topics/resource-efficiency/what-wedo/cities/
solid-waste-management
https://datatopics.worldbank.org/what-awaste/trends_in_solid_waste_mana
gement.html https://enviliance.com/regions/southeast-asia/ph/ph-waste
https://greendevsolutions.com/solid-waste-management-in-thephilippines/
https://niccdies.climate.gov.ph/mitigation/waste

26
27

You might also like