You are on page 1of 3

DOST SCI TALK IS IN CONTEST 2021

Ano ang kahalagahan ng agham sa ating bayan?

Sa agham napag-aaralan natin ang likas na kayamanan sa ating kapiligiran — ang kalikasan — mula sa
lupang ating kinatatayuan at sa dagat na pumapaligid sa atin patungo sa kalangitang tahanan ng bituin

Sa agham lumalalim ang ating ugnayan sa kalikasan — mula sa pag-iwas at pag-agap sa dalang panganib
ng baha at pag-alaga at pagpalaki ng manok at mga itlog nito hanggang sa pagpapatibay ng ating
kalusugan sa pamamagitan ng DNA at ibang molecules sa ating katawan.

Sa agham nakikita natin ang epekto ng mga interaksyon na ito sa ating kultura — mula sa ekonomiya at
hanabuhay na pinapatakbo ng modernong teknolohiya at sa napapanood nating balita sa telebisyon at
YouTube hanggang sa tinuturo ng ating mga guro sa atin sa eskwela.

Sa lahat ng ito — mula sa kalikasan hanggang sa ating kultura — mahalaga ang agham.

Ano naman ang ibig sabihin nito?

Una, maraming larangan sa agham. Maraming mapag-aaralan. Hindi lang biology, chemistry, at physics
kung hindi ang pagsama-sama nito. Sa bawat tanong tungkol sa ating sarili at sa mundong ito may
mapag-aaralan. Ito ang interdisciplinarity ng agham.

Pangalawa, maraming paraan upang maka-ambag sa halagang binibigay sa atin ng agham. Mula sa
komunikasyon at pagpopondo hanggang sa pagtuturo nito, lahat tayo ay may maibabahagi. Hindi
kailangang maging scientist upang makatulong sa agham sa Pilipinas, ngunit sa mga scientist nagsisimula
ito. Mula roon kinakailangan ang tulong ng gobyerno, negosyante, artista, magulang, at iba pang mga
kabihasnan, karanasan, at perspektibo.

Huli, hindi talaga maiiwasan ang agham. Bahagi ito ng ating pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t hindi
tayo dapat matakot na alamin ang katotohanan, unawaan ang impormasyon, at ibahagi ang ating
nalalaman tungkol sa agham at ang kahalagahan nito sa ating lipunan. Madaling sumuko at hindi maging
mapanuri sa nababalita natin, ngunit sa pagtingin at pagtanong matatanggap natin ang matamis na
bunga ng agham — ang pag-unawa sa kahalagahan ng kaalamang iyon sa ating buhay.

Kaya higit sa pagkilala sa agham, dapat makilala rin natin ang ating sarili. Ano ang ating mga kakayahan
at kahinaan? Ano ang ating hilig? Paano tayo makakatulong sa agham sa Pilipinas? Sa pagkilala sa ating
sarili, masasagot natin ang mga tanong na iyon.

Ngunit saan magsisimula?

Nakikilala ko ang sarili ko sa pagsabak sa mga karanasan na humahamon sa akin. Sa mga karanasang
iyon, nagkakaroon ako ng espasyo upang makita ang aking pangamba at kung saan ako nagkukulang.
Doon ko nakilala ang agham, ang kahalagahan nito sa aking buhay, at ang maibabahagi ko upang
makatulong sa pagunlad nito sa Pilipinas. Marami pa akong matututunan at mararanasan, at kung hindi
dahil sa mga oportunidad na hinanap ko at binigay sa akin, hindi ako makakapagkuwento sa inyo
ngayon.

Maraming mga oportunidad kung saan makikilala ang ating sarili at ang agham. May mga science camps,
YouTube videos, stargazing, workshops, contests, at iba pang sinasagawa ang mga organisation tulad ng
Ateneo STC at Integrating Science in Philippines, pati na rin ng mga institusyon kagaya ng DOST at ang
inyong paaralan. Hindi nga kailangang lumayo upang mahanap ang mga ito. Maaaring magsimula ng
sariling proyekto sa bahay o mag-Google ng mga pwedeng gawin o di kaya sumali sa mga Facebook
group na makakatulong sa inyo.

Kailangan lang nating magtanong, at mag-isip.

Ang pandemya ng COVID-19 ay nagsiwalat ng kahalagahan ng agham at teknolohiya para sa ikabubuti ng


mga pandaigdigang populasyon, at ang pagsulong sa mga larangang ito ay kinakailangan hindi lamang
upang makabawi nang mas mahusay mula sa krisis, ngunit upang matugunan ang iba pang mga hamon
sa buong mundo, tulad ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at pagbabago ng klima, sinabi ng mga
nagsasalita ngayon habang binuksan ng Economic and Social Council ang isang dalawang-araw na forum
sa paksa.

Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating
bansa ngunit maging sa buong mundo tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan,
kabuhayan pati na rin ang mga tao sa sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating
pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng
ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na
pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.

Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga
tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay
mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari
sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa
pamamagitan ng internet, kompyuter o maging cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap
ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa
mga empleyado at online distance learning para sa mga estudyante.

Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa atin ngayon sa
gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na ang labis na paggamit ng teknolohiya
o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot nang masama at ikapahamak hindi lang ng ating sarili
ngunit ng ating kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat, tayo ay maging wais sa paggamit nito upang ito
ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o magampanan natin nang tama ang ating tungkulin sa
tulong ng teknolohiya.

A total of PHP369.3 million worth of agricultural products were damaged including rice, corn,
vegetables, and fisheries while livestock damage including carabao, cattle, chicken, duck, fighting cock,
goat, sheep, swine, and turkey amounted to PHP5.2 million

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1156861

Bawat isa sa atin ay may karapatan sa ligtas,

masustansya at sapat na pagkain

You might also like