You are on page 1of 2

INTRO: Deza

Lipunan:
Negosyo:
Edukasyon:
Kalusugan:

Deza: Magandang umaga sainyong lahat, kami ang ika-apat na grupo at ang tatalakayin natin
sa araw na ito ay tungkol sa Dimensyong Teknolohikal ng Globalisasyon. Ang kahulugan nito
pati narin ang Mabuti at Di-Mabuting dulot nito sa lipunan, negosyo, edukasyon, at kalusugan

Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon.


Mababanaag din ito sa aspektong teknolohikal ng mga bansa sa daigdig.
Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang
tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng
kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng
pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga
tao.

Ano nga ba ang kahulugan ng Teknolohikal?


- Nangangahulugan ito sa paglaki o paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko na
nagiging dahilan ng maraming pagbabago sa daigdig.

Ngayong alamin na natin ang mabuti at di mabuting dulot ng dimensyong teknolohikal.

Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Lipunan:


● Pinapalawak nito ang impormasyon upang makinabang ang mamamayan. Sunod ay
ang pagpapalawak ng komunikasyon. Dahil rin sa teknolohikal, mas marami tayong
natutuklasang mga bagay na nagdudulot ng bagong kaalaman. Nagkakaron rin tayo ng
libangan, napapadali nito ang maraming bagay, naisasa-ayos rin ang ating pamumuhay,
at dumarami ang oportunidad sa trabaho.
Di-Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Lipunan:
● Nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa kapaligiran dahil dumadagdag ito sa
polusyon na maaaring makasama sa pamumuhay ng mga tao.

Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Negosyo:


● Pinapalaki nito ang pamilihan kung saan mas nagiging mabilis ang pagdami ng
produkto, pati ang pag-angkat at paglabas ng mga ito. Dahil sa teknolohikal, nagiging
malikhain ang mga tao at nakakapaglimbag sila ng may kalidad at kapaki-pakinabang na
mga bagay o gamit.
Di-Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Negosyo:
● Nagiging sagabal ito sa trabaho at hindi nahahasa ang kakayahan ng isang tao dahil
ang mga makinarya at iba pang teknolohikal na gamit ang kumikilos upang makagawa
ng produkto.
Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Edukasyon:
● Mas napapadali ng teknolohikal ang edukasyon dahil mas mabilis pumapasok at
lumalabas ang impormasyon. Dahil rito, mas marami tayong malalaman na magagamit
natin sa pang araw-araw. Mas napapadali rin ang komunikasyon ng mga estudyante at
guro. Nagiging mas masaya at makabuluhan rin ang edukasyon dahil sa mga malikhain
at bagong paraan sa pagtuturo. Higit sa lahat ay nagkakaron tayo ng may kalidad na
edukasyon na tumutulong upang mapabuti pa ang kaalaman at kakayahan.
Di-Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Edukasyon:
● Minsan ay nagiging sagabal na ito sa mga estudyante at nababawasan ang kanilang
pagsusumikap dahil napapadali ang kanilang trabaho.

Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Kalusugan:


● Sa pamamagitan ng teknolohikal, lumalawak ang medikal na impormasyon at mga
pag-aaral na kapaki-pakinabang sa mga doktor at ibang espesyalista. Bilang resulta,
mas napapabuti nito ang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan ng mga tao.
Di-Mabuting dulot ng Teknolohikal sa Kalusugan:
● Minsan ay nagkakaron ng pagkakamali ang sistemang teknolohikal dahil hindi ito
lubusang nasusuri.

Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga Koreano sa


anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean nobela, K-pop culture, at mga
kauri nito. Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit,
pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Sa kabila
ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa
pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at
minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga
terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng
takot at karahasan sa mga target nito.
Ang mga penomenang ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis
namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.

You might also like