You are on page 1of 3

Epekto ng Makabagon Teknolohiya

Sa pilipinas halos karamihan na ng mga tao ay umaasa sa teknolohiya , kadalasan


ito ang nagiging daan upang mas makilala o bantog ang isang industriya pagdating sa
mga talento, ito ang siyang mas nagpapadali sa bawat galaw o gawain at komunikasyon
sa bawat isa. Pero sa bawat paggamit ng teknolohiya meroon itong positibong naidudulot
at negatibo, ito ay nakadepende nalang kung paano ito gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao. Mga mag-aaral, guro, propisiyonal at marami pang iba,
kadalasan sa teknolohiya na kumukuha ng iba’t ibang impormasyon upang di mahirapan
o mas laong mapadali ang bawat gawain at kadalasan naman lulong na sa paggamit ng
teknolohiya kaya wala ng panahon sa pamilya at sarili.

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay tungkol sa industriya ng teknolohiya sa


Pilipinas. Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin kung hanggang saan na ang
nararating ng mga Pilipino pagdating sa teknolohiya. At upang maipakita rin kung anu-
ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa
at kung paano maiugnay ang sarili bilang bahagi ng pagbabago-bago ng teknolohiya.

Ang Pinoy IT Cooperative ay isang kooperatibang itinatag ng mga Filipinong


dalubhasa sa larangan ng impormasyong pang-teknolohiya at nagtatrabaho sa iba’t ibang
bansa. Ang himpilan nito ay nasa Pilipinas. Layunin nitong maabot ang pinakamataas na
antas ng pagkilala ng buong mundo sa talento ng Filipino sa industriya ng impormasyong
pang-teknolohiya, at iangat ang pamumuhay at karunungan ng mga miyembro nito sa
naturang larangan sa isang antas na maipagmamalaki ng Pilipinas sa buong mundo.Ang
mga Filipinong miyembro ng kooperatibang ito ay dalubhasa sa larangan ng
impormasyong pang-teknolohiya at mabubuting mamamayang may kulturang
katangitangi at maipagmamalaki ng Pilipinas saan mang bansa dalhin.

Anu-ano na nga ba ang naibahagi ng mga Pilipino sa teknolohiya at paano ito


nakakatulong at nakakaapekto sa kanila?

Ang mabilis na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay makatutulong nga ba o


hindi, lalong lalo na sa mga mag-aaral?
Lahat ng uri ng pag-unlad ay maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo
at negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa mga mag-aaral. Ang mabilis na pag-
unlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang maibibigay hindi lamang sa mga guro kundi
lalo’t higit sa mag-aaral. Gamitin lamang ang makabagong teknolohiya sa tamang paraan
na maging gabay sa pag-unlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki.

Dahil sa teknolohya ay maslalong nagiging agrisibo ang mga estuyante sa


kanilang paligid at mas tumaas ang kanilang mga kaalaman. Dahil dito mas napadali ang
mga gawain ng bawat mag-aaral at naking aktibo sa paaral at sa ibang bagay pa. Ang
teknolohiya din ang siyang naging silbing kumunikasyon sa bawat isa. Mas lalong
pinaglapit nito ang mundo ng isang tao at mas lalong naging bantog ang isang tao dahil
sa teknolohiya.

Ang teknolohiya ay nakatutulong pero kung gaano ito nakakatulong ay gaanon din
ito nakakasama o nakakapahamak. Nakakapahamak lalo na pagwala tayong disiplina sa
pag gamit nito, napapahamak ang kinabukasan at napapahamak ang sarili

Isa sa mga dahilan kung bakit di lahat ng teknolohi ay nakakatulong sa tao dahil
sa paggamit nito sa malalaswang paraan . Ang mga webcam ay ginagamit upang makita
natin ang ating kausap at mga mahal sa buhay sa malayo . Ngunit ang mga ito ay hindi
lang pala sa pakikipag usap sa mahal sa buhay ginagamit rin pala ito sa pagsisiping sa
isang tao ng hindi pisikal na tinatawag na cybersex, karamihan sa bigtima nito ay
kababihan ang mga iba ay nakikipag talik gamit ang webcam upang sila ay makaipon ng
pera dahil sila ay kapos at salat. Labag man sa kanilang kaluoban ay gagawin nila, ito
rin ang dahilan sa pagkasira ng kanilang dignidad.

Sa mga mag-aral malaki din ang naking epikto nito dahil sa bawat galaw o gawain
nila ay nakabasi nalamang sa teknolohiya, tulad nalang sa paggawa ng proyekto sa isang
click palang sa komputer ay maari ng “ I Copy, Paste and Print”, kaya nawawalan na sila
ng panahon sa pagbabasa dahil narin sa kakulanagn ng oras, kaya kung minsan mahina
ang mag-aaral sa paguulat. Mayroon ding mag-aaral na lulong sa paglalaro ng komputer
minsan napapabayaan na ang pag-aaral msas binibigyan pa ng panahon ang paglalaro
kaysa sa pag-aaral. Dahil dito nagagawa nalamang ng mag-aaral na mangopya sa kapwa
mag-aaral.
Ang teknolohiya ay nakakatulong pero kung gaano ito nakakatulong ay ganoon
din ito nakakasama o nakakapahamak. Nakakapahamak lalo na pag wala tayong
disiplina sa paggamit nito, napapahamak ang kinabukasan at napapahamak ang sarili.
Kaya kailangan nating mag ingat dahil habang tumataas ang ating teknolohiya ay mas
lalong tumataas ang tyansa na mapahamak tayo. Lagi rin nating tandaan na ang lahat ng
sobra ay nakasasama at nagsisilbing lason na siyang magiging hadlang sa pagtupad sa
mithiin.

You might also like